You are on page 1of 3

Ano ang Pamilihan?

Ang pamilihan o merkado ay isang sistema o mekanismo kung saan nagkakaroon ngin kayanan
merkado ay sio konsyumer) at ang nagbebenta (produyu o negosyante) upang magkasundo sa isang
presyo ng isang produkta o serbisyo na bibilhin at bebenta Ang pamilihan ay hindi lamang tumutukoy sa
isang palengke, supermarket o tindahan

Mga halimbawa ng pamilihan

Sa opisina ng Meralco (Manila Electric Company) ay nagkakaroon ng sistema sa pagbabayad ng isang


konsyumer sa serbisyo ng Meralco (prodyuser ng serbisyo sa kuryente) upang makapagbigay ng
kuryente. Ang gasoline station ay isang pamilihan kung saan maaaring bumili ang konsyumer ng gasolina
sa itinakdang presyo kada litro. Ang isang restaurant naman ay itinuturing na pamilihan dahil ito ay
naglilingkod ng pagluluto ng pagkain sa isang customer sa takdang presyo. Ang isang pamilihan ay
kailangan ng mga sumusunod na elemento:

 Konsyumer o mamimili
 Prodyuser, negosyante o supplier
 Produkto a serbisyong inaalok upang ibenta
 Presyo ng produkto o ng serbisyo

Sa pamamagitan ng pagpapalitan ng produkto sa pamilihan, malalaman o matutukoy ang presyo ng


produkto, gaano karami ang bibili nito at gayundin ang dami ng dapat gawin at iaalok o ibebenta. Ito ang
kahalagahan ng pamilihan. Mahalaga rin ang pamilihan sa gawaing pang-ekonomiya dahil:
 Nagkakaroon ng mga negosyante na mamumuhunan upang tumubo o kumita.
 Nagkakaroon ng tagisan o kompetisyon ang mga negosyante sa paggawa o pagbebenta ng kani-
kanilang mga produkto.
 Nalalaman ang mga suliranin ng kakulangan at kalabisan ng supply.

Istraktura ng Pamilihan
Sa pangkalahatan, ang pamilihan ay mayroong apat na uri.
1. Ganap na Kumpetisyon (Perfect Competition)

Ang istraktura ng pamilihan sa uring ito ay binubuo ng napakaraming kalahok na konsyumer at


negosyante. Hindi lamang sampu o daan, marahil ay libu-libong negosyante ang nagkukumpetensiya ang
bawat isa sa pagbebenta ng kanilang produkto.
Maliban sa negosyante, ang ganitong uri ng istraktura ng pamilihan ay kinabibilangan din ng
napakaraming konsyumer na nais at handang bumili ng produkto. Ang produkto ay magkaka-uri o
homogenous. Dahil sa dami ng kalahok at produkto ay walang kumokontrol ng presyo. Ang presyo ay
hindi itinatalaga ng prodyuser, bagkus ito ay pabago-bago dahil sa matinding kumpetisyon.
Malayang nakakapasok ang mga negosyante at produkto dito, at malaya din slang nakalalabas.
Ang dami ng produkto at supply ay walang limitasyon. Halimbawa ay ang isang palengke na
napakaraming vendors. Ang presyo ng isang produkto ay halos pareho sa presyo ng lahat. Kapag ang
isang vendor ay nagtaas ng presyo, ang mga mamimili ay pupunta lamang sa ibang vendor na mas
mababa ang presyo.
2. Monopolistikong Kumpetisyon (Monopolistic Competition)

Ang isang monopolistikong istraktura ng pamilihan ay may mga sumusunod na katangian

A. Ang pamilihan o merkado ay may katamtamang dami ng negosyante. Ang kumpetisyon ay maigting
ngunit ang presyo ay itinatakda ng negosyante. Malit lang ang pagitan ng kani-kanilang presyo upang
makahimok ng mas maraming mamimili.

B. Ang produkto ay halos magkakapareho ngunit iba-iba ang paraan ng pakikipagkumpetensya sa ibang
kalahok na negosyante. Isang halimbawa ay ang produktong shampoo.
 Ang Brand X ay isang shampoo na nagtatanggal din umano ng balakubak
 Ang Brand Z naman ay isang shampoo din ngunit nagpapalago ng buhok
 Ang shampoo na Brand A ay ibinebenta upang makatanggal ng mga kuto.
 Ang shampoo naman na Brand B ay nakakamit ang lahat ng ito, nagtatanggal ng balakubak,
napapalago ng buhok at nakatatanggal din ng kuto
C. Ang pamamaraan ng pagbebenta ay napakalaking ang mamimili. Mayroong malawakang pag-anunsyo
at naggagandahang patalastas upang ipabatid na mas maganda ang kanilang produkto at sila ng best
selling product
D. Madali ang pagpasok sa monopolistikong uri ng istraktura ng pamilihan Ingunit ang demand at sakop
na bahagdan ng mamimili ay napakarami. Dahil dito ay marami ang namumuhunan upang kumita ngunit
kailangan nilang pumasok sa isang magandang strategy o paraan ng pagbebenta.

3. Oligopolyo (Oligopoly)
Ang oligopolyong uri ay may mga sumusunod na katangian:

A. Kaunti lamang ang mga kalahok na prodyuser o negosyante sa industriyang ito. Bagamat kaunti
lamang sila ay malaki ang bahagi ng kanilang produksyon sa isang produkto, Isang magandang
halimbawa ng oligopolyo sa Pilipinas ay ang negosyo sa industriya ng gasolina at langis. Ang
mga kumpanya ng langis ay humigit kumulang sa sampu lamang ngunit ang kanilang supply ng
langis ay para sa malaking bahagi, kundi man sa lahat ng pangangailangan ng langis sa Pilipinas.

B. Ang produktong kanilang sinusuplay ay maaring iisa at may kahalintulad. Halimbawa: Ang
produksyon ng langis ay nagsusupply din ng diesel, kerosin at mga lubricants.

C. Malaki ang puhunan at sadyang mahirap pumasok sa ganitong uri ng pamilihan.

D. Ang mga negosyanteng kalahok sa pamilihang ito ay kailangan ang maigting na pagkakasundo at
pakikipag-ugnayan sa isa't-isa. Ang kanilang ugnayan ay mahalaga dahil ang supply ng mga produkto ay
nakasalalay sa kanilang mga pagpapasya.
Ang sumusunod na larawan ay nagpapakita ng isang oligopolyong pamilihan ng langis sa Pilipinas at ang
mga kalahok na prodyuser nito.

Isa pang halimbawa ay ang pamilihan ng komunikasyon kung saan ang mga kumpanya ay
kailangang makipag-ugnayan sa isa't-isa sa paghahatid ng magandang serbisyo sa mga konsyumer.

4. Monopolyo (Monopoly)
Ang monopolyong uri ng pamilihan ay nag-lisa ang prodyuserduto ay walang to ay mismong
tumatayong buong industriya kakumpitensya na ing lipunan Ang produkto ay Ang industriya ng kuryente
sa Pilipinas aly monopoyo at wala ring malapit kapalit. Ang industriya ng kuryente sa Pilipinas ay
Monopolyo ng Manila Eletric Company o Meralco. Ang industriyang ito ay nasa mahigpit na
pangangasiwa ng pamahalaan kung kaya ang pagpasok sa pamilihan ay sadyang napakahirap. Ang supply
ay nag-iisa at ang presyo ay kayang baguhin o itakda ng monopoly.

You might also like