You are on page 1of 13

PAMILIHAN

ANG KONSEPTO NG PAMILIHAN

• Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng


buhay ng prodyuser at konsyumer. Ito ang
nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng
isang konsyumer ang sagot sa marami niyang
pangangailangan at kagustuhan sa
pamamagitan ng mga produkto at
serbisyong handa niyang ikonsumo
•Sa kabilang dako ang mga prodyuser ang
siyang nagsisilbing tagapagtustos ng mga
serbisyo at produkto upang ikonsumo ng
mga tao. Sa pamilihan itinatakda kung anong
produkto at serbisyo ang gagawin at kung
gaano karami. Mayroong dalawang
pangunahing tauhan sa pamilihan ang
konsyumer at prodyuser
•Ang konsyumer ang bumibili ng mga
produktong gawa ng mga prodyuser,
samantalang ang prodyuser naman ang
gumagawa ng mga produktong kailangan ng
mga konsyumer sa pamamagitan ng mga
salik ng produksiyon na pagmamay-ari ng
konsyumer
PRESYO
• Ito ang nagtatakda sa dami ng handa at kayang bilhin
na produkto at serbisyo ng konsyumer Ang siyang
batayan ng prodyuser ng kanilang kahandaan at
kakayahan nilang magbenta ng mga takdang dami ng
mga produkto at serbisyo Sa pagkakaroon ng mataas
na demand ng mga konsyumer, dahilan ito sa pagtaas
ng presyo, at lalong magdagdag at tataasin ng mga
prodyuser ang kanilang supply.
MGA ESTRUKTURA NG
PAMILIHAN
•Tumutukoy sa balangkas na umiiral na sistema
ng merkado kung saan ipinapakita ang
ugnayan ng konsyumer at prodyuser. Ang
dami ng lawak ng kontrol ng market players
sa pamilihan ay ang salik na nagtatakda ng
estruktura nito.
PAMILIHANG MAY GANAP
NA KOMPETISYON
•Ito ang estruktura ng pamilihan na kinikilala
bilang modelo o ideal. Sa ilalim ng ganitong
sistema, walang sinoman sa prodyuser at
konsyumer ang maaring makakontrol sa takbo ng
pamilihan partikular sa presyo. Hindi kayang
idikta nang isang prodyuser at konsyumer ng
mag-isa ang presyo.
SA PANIG NG MGA
PRODYUSER…

•Hindi nila kayang kontrolin ang presyo sapagkat


maraming nagtitinda ng magkakaparehong uri ng
produkto at serbisyo sa pamilihan. Ito ay
nangangahulugan ng balangkas na lubhang
napakaliit ng prodyuser kumpara sa kabuuang
bilang ng mga prodyuser sa pamilihan.
SA PANIG NG MGA
KONSYUMER…

•Wala sinoman sa kanila ang may


kakayahang idikta ang presyo dahil
lubha rin silang napakaliit kumpara sa
buong bilang ng maaring bumili ng
produkto o serbisyo.
•Ang lahat ng prodyuser at konsyumer ay
mapipilitang magbenta at bumili ng produkto
at serbisyo na itinakdang presyo ng
ekwilibriyo ng pamilihan. Ipinaliliwanag ang
sitwasyon ito sa konsepto ng price taker na
kung saan ang market players ay umaayon
lamang sakung ano ang takbo ng presyo sa
pamilihan at walang kapasidad na magtakda
ng sarili nilang presyo.
.
KATANGIAN NG PMCI
• Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser
Magkakatulad ang produkto (Homogenous)
Malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon
Malayang pagpasok at paglabas sa industriya
Malaya ang Impormasyon ukol sa pamilihan

• Ayon ito sa aklat na Ekonomiks 2nd Edition (2009) kay Paul Krugman at Robin Wells
PAMILIHANG MAY HINDI
GANAP NA KOMPETISYON
•May hindi ganap na kompetisyon ang estruktura
kung wala ang anumang kondisyon o katangian na
matatagpuan sa pamilihang may ganap na
kompetisyon. Sa pangkalahatang paglalarawan, ang
lahat ng prodyuser na bumubuo sa ganitong
estruktura ay may kapangyarihang
maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan.

You might also like