You are on page 1of 9

9

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 3 – MODULE 6
UGNAYAN NG PANGKALAHATANG
KITA, PAG-IIMPOK, AT
PAGKONSUMO
ALAMIN
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga pagsasanay, kaalaman at konsepto tungkol sa
ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok at pagkonsumo. Layunin nitong mapalalim ang
iyong kaisipan at maunawaan ang kahalagahan ng ugnayan nito sa isa’t-isa.

(MELC) Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto


Napahahalagahan ang pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya.

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. nasusuri ang konsepto ng pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng
ekonomiya;
b. naipapaliwanag ang kahalagahan ng pag-iimpok.

TUKLASIN AT SURIIN

UGNAYAN NG KITA, PAGKONSUMO, AT PAG-IIMPOK

 Nakahawak ka na ba ng
malaking halaga ng pera?

 Paano mo iyon
pinamahalaan?

 Ano para sa iyo ang pera at


paano ito dapat gamitin?

https://proofthatblog.com/2013/07/01/the-question-is-what-happened-to-the-
question-mark/

KITA – halagang natatanggap ng


tao kapalit ng produkto o serbisyong
kanilang ibinibigay (nagtatrabaho –
suweldo)
Paggagamitan ng KITA:
 Gastusin sa pangangailangan
at kagustuhan at iba pang
bagay na kinukonsumo.
 Maaring itabi o itago bilang
savings o ipon
(Balitao et al., 2017, p. 289)

https://www.google.com/search?q=salary+peso+clip+art

1
PAGKONSUMO

Ang pagbili at paggamit ng


produkto o serbisyo na
magbibigay ng kapakinabangan
sa tao.

https://www.google.com/search?q=salary+pagkonsumo+clip+art

PAG-IIMPOK O SAVINGS

 Paraan ng pagpapaliban ng
paggastos.
 Kitang hindi ginagamit sa
pagkonsumo o hindi ginastos sa
pangangailangan. (Meek, Morton at
Schug, 2008)
https://www.google.com/searc
h?q=salary+bank+clip+art

MAARI KANG KUMITA KAPAG IKAW AY NAG-IIPON SA PAMAMAGITAN NG:

Investment – ipon na ginamit upang kumita


Economic Investment – paglalagak ng pera para sa negosyo
Personal Investment – paglalagay ng isang indibidwal ng kanyang ipon sa mga financial
assets, stocks, at Mutal Bonds
Bangko at Financial Intermediaries – nagsisilbing pagitan sa nag-iipon ng pera at sa nais
umutang o mag-loan. (Balitao et.al., 2017, p. 290)

Ang pera katulad ng ating mga pinagkukunang-yaman ay maaring maubos. Ang pera ay
ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang mapunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng mga tao.
Ang pagkonsumo gamit ang salapi ay kinakailangan din ng matalinong pag-iisip at
pagdedesisyon upang mapakinabangan nang husto at walang nasasayang. Madalas na ang
pinanggagalingan ng pera ng maraming tao ay ang kaniyang kita. (Balitao et al., 2017, p. 289)

2
Financial Intermediaries – ay nagsisilbing tagapamagitan sa nag-iipon ng pera at sa
nais umutang o mag-loan. Ang pera na iyong naipon bilang savings ay maaring ilagak sa
mga Financial Intermediaries tulad ng mga bangko.

Borrower o umuutang – ay maring gamitin ang nahiram nap era sa pagbili ng asset
(pagmamay-ari) na may ekonomikong halaga o gamitin ito bilang karagdagang puhunan.

Interes o dibidendo – ang tawag sa kita ng pera na inilagak sa mga institusyon.

Suriin ang pigura sa ibaba.

Naimpok (Savings) Utang (loans)


Financial
intermediaries

Commercial Banks
Savings and Loans
Nag-iimpok Credit Unions Nangungutang
Finance Companies
Life Insurance
Companies
Mutual Funds
Pension Funds

Interes at Dibidendo Pag-aari


Financial
Intermediaries

7 HABITS OF A WISE SAVER

1. Kilalanin ang iyong bangko.


Alamin kung sino ang may-ari ng iyong bangko – ang taong nasa likod at mga taong
namamahala nito. Magsaliksik at magtanong tungkol sa katayuang pinansiyal at ang kalakasan
at kahinaan ng bangko. Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC), Bangko
Sentral ng Pilipinas (BSP), Securities and Exchange Commission (SEC), at ang website ng
bangko, dyaryo, magasin, telebisyon, at radio ay maka-pagbibigay ng mga impormasyong
kailangan mong malaman.

2. Alamin ang produkto ng iyong bangko.

Unawain kung saan mo inilalagay ang iyong perang inimpok. Huwag malito sa investment
at regular na deposito. Basahin at unawain ang kopya ng term and conditions, huwag mag-
atubiling linawin sa mga tauhan ng bangko ang hindi naunawaan. (Balitao et al., 2017, p. 289)

3
3. Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa iyong bangko.
Piliin ang angkop na bangko para sa iyo sa pamamagitan ng iyong pangangailangan at
itugma ito sa serbisyong iniaalok ng bangko. Alamin ang sinisingil at bayarin sa iyong bangko.

4. Ingatan ang iyong bank records at siguruhing up to date.


Ingatan ang iyong passbook, automated teller machine (ATM), certificate of time deposit
(CTD), checkbook at iba pang bank record sa lahat ng oras. Palaging i-update ang iyong
passbook at CTDs sa tuwing ikaw ay gagawa ng transaksiyon sa bangko. Ipaalam sa bangko
kung may pagbabago sa iyong contact details upang maiwasang maipadala ang sensitibong
impormasyon sa iba.

5. Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng bangko at sa awtorisadong tauhan nito.


Huwag mag-alinlangang magtanong sa tauhan ng bangko na magpakita ng identification
card at palaging humingi ng katibayan ng iyong naging transaksiyon.
6. Alamin ang tungkol sa PDIC deposit insurance.
Ang PDIC ay gumagarantiya ng hanggang Php 500,000 sa deposito ng bawat depositor.
Ang investment Product, fraudulent account (dinayang account), laundered money, at depositong
produkto na nagmula sa hindi ligtas at unsound banking practices ay hindi kabilang sa segurong
(insurance) ibinibigay ng PDIC.
7. Maging maingat.
Lumayo sa mga alok na masyadong maganda para paniwalaan. Sa pangkalahatan, ang
sobra-sobrang interes ay maaaring mapanganib. Basahin ang Circular 640 ng Bangko Sentral
para sa iba pang impormasyon tungkol dito. (Balitao et al., 2017, p. 289)

MGA GAWAIN
Gawain I: Larawan-Suri
Panuto: Isaayos ang mga letra sa loob ng kahon upang mabuo ang konsepto na ipinapakita ng
larawan at sagutin ang mga kasunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

A. B.

https://www.bing.com/search/moneyq https://www.bing.com/search/grocery

T I A K K U S M O A G N O P

_____________________________________ ______________________________________
4
C. D.

https://www.google.com/search?q=savings https://www.google.com/search?q=bank

A G I M I O P K P
V A I S G N S
_______________________________ ____________________________

Pagproseso ng Gawain:

1. Ano ang ipinahihiwatig ng mga larawan?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Paano mo dapat gastusin ang iyong kita?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Mainam ba ang pag-iimpok ng bahagi ng iyong kita? Ipaliwanag ang iyong sagot.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Gawain 2: Pagkonsumo o Pag-iimpok


Panuto: Tukuyin kung ang pangungsusap ay nagsasaad ng PAGKONSUMO o PAG-
IIMPOK. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

______________ 1. Ang sahod ni Gian ay Php 20,000.00 bawat buwan at inilalagak


niya ang limang bahagdan ng kanyang kita sa bangko.
______________ 2. Nagkaroon ng midnight sale ang SM Urdaneta at bumili si Lorena
ng bag, sapatos, at damit.
_______________3. Tinuruan ni Mang Jose ang kanyang anak na itago sa alkansiya
ang natitira niyang baon.
______________ 4. Palaging kumakain ang magkaibigang Melody at Percy sa fastfood.
_______________ 5. Natuwa si Xian nang bilhan siya ng kanyang tatay ng laruan at
damit na pasalubong.

5
Gawain 3: Kita Mo, Kwenta Mo!

Panuto: Suriin ang nilalaman ng pie graph at sagutin ang kasunod na pamprosesong
tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

I
P
O
N
TUBIG PAGKAIN

KURYENTE

Pagproseso ng Gawain:

1. Batay sa pie graph, ano ang pinakamalaki at pinakamaliit na bahagi sa graph? Ano
ang ibig ipahiwatig nito?

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

2. Ano sa iyong palagay ang nararapat na paglaanan ng mas malaking bahagi ng kita,
pagkain, gamit, ipon? Bakit?

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

TAYAHIN

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang letra ng wastong
sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ano ang epekto ng mababang interes sa pagkonsumo ng mga tao?

a. Mahihikayat ang tao na umutang at tataas ang


pagkonsumo.
b. Mahihikayat ang tao na mag-impok sa bangko dahil sa
malaking tubo.
c. Mahihikayat ang tao na mag-angkat ng produkto sa ibang bansa.
d. Mahihikayat ang mga tao na magtipid para sa hinaharap.

6
2. Alin sa sumusunod ang maaaring gawin upang maiwasang mabaon sa
utang?

a. Mag-apply ng credit card c. Sumali sa paluwagan


b. Bumuli ng hulugan d. Mag-invest sa negosyo

3. Institusyong pananalapi na tumatanggap sa mga salaping impok ng tao


at pamahalaan na nagbibigay ng pautang sa mga namumuhunan.

a. Bangko C. Kooperatiba
b. Bahay-sanglaan D. Trust Securities

4. Ang maling financial mindset ang pangunahing dahilan kung


bakit ang mahirap ay lalong mahirap. Alin ang halimbawa nito?

a. Pagtaya sa lotto
b. Pagkakaroon ng bisyo
c. Pagsakay sa taxi kahit puwedeng mag-jeep
d. Lahat ng nabanggit

5. Ang pamumuhunan ay mahalagang gawain ng pamahalaan sa


pagpapaunlad ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng
pamumuhunan ng pamahalaan?

a. pagbili ng gamot para sa mga mahihirap


b. pagpapagawa ng mga tulay at kalsada
c. pagbabawas ng binibiling gamit
d. pagbibigay ng bonus sa mga kawani ng pamahalaan
e.

II. Panuto: Suriin ang pigura sa ibaba at sagutin ang kasunod na mga tanong.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Naimpok (Savings) Utang (loans)


Financial
intermediaries

Commercial Banks
Savings and Loans
Nag-iimpok Credit Unions Nangungutang
Finance Companies
Life Insurance
Companies
Mutual Funds
Pension Funds

Interes at Dibidendo Pag-aari


Financial
Intermediaries

7
1. Ano ang pagkakaiba ng kita, pagkonsumo, at pag-iimpok?

_______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

2. Ipaliwanag ang gampanin ng financial intermediaries?

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

3. Bakit mahalaga ang pag-iimpok sa isang mag-aaral na tulad mo?


__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________

III. Panuto: Sumulat ng maikling talata tungkol sa kahalagahan ng pag-iimpok. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

INDICATOR DESKRIPSYON ISKALA ISKOR


Nilalaman Lohikal ang presentasyon at 5
magkakaugnay ang mga konsepto
Organisasyon May ebidensya ng pagkaunawa sa 5
mga pangunahing konsepto.
Mekaniks Wasto ang mga pangungusap 5
at malinis ang pagkakagawa.
Kabuoang Iskor 15

You might also like