You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN SA

ARALING PANLIPUNAN Grade 9


School Northville High School Teaching Dates/ Week September 14-18, 2020 (Week 4)

Teacher Karessa V. Manalili

Quarter Unang Markahan

I. OBJECTIVES

A. Pamantayang Pangnilalaman(Content Standards):

Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw
na pamumuhay

B. Pamantayan sa Pagganap(Performance Standards):

Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawasamgapangunahingkonsepto ng ekonomiksbilangbatayan ng matalino at maunladna pang-


araw-arawnapamumuhay

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/ Most Essential Learning Competencies

MELC No. 3- Nasusuri ang mekanismo ng alokasyon sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya bilang sagot sa kakapusan(AP9MKE-Ig-
14)

D. Layunin(Objectives):

1. Nasusuri ang konsepto ng alokasyon batay sasuliranin ng kakapusan at pangangailangan at kagustuhan ng tao:

2. Nasusuri ang kaugnayan ng alokasyon sa kakapusan at pangangailangan at kagustuhan:

3. Nasusuri ang mekanismo ng alokasyon sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya bilang sagot sa kakapusan at

4. Napahahalagahan ang paggawa ng tamang desisyon upang matugunan ang pangangailangan

II. NILALAMAN (Content): ALOKASYON

III. Kagamitang Panturo (Learning Resources)

A. Sanggunian (References)

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro (TGs): page 33-38

2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral (LMs): page 50-58 (2015), page 62-66 (2017)

3. Mga pahina sa Teksbuk (Other references):

4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource:

5. Iba pang pinagkuhanang sources:

B. Iba pang Kagamitang Panturo: mga larawan, sagutang notebook

IV. PAMAMARAAN(Procedures):
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin (Subukin)

Bago ka mag simula sa pag babasa ng araling ito, subukin mong sagutan ang panimulang pagtataya upang masukat ang lawak ng kaalaman
mo tungkol sa aralin.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para saiyo. Maaarimo nang simulan
ang pagsagot.

Gawain 1: FOUR PICS ONE WORD

Panuto:Suriin ang apat nalarawan upang mabuo ang hinahanapnasalita. . Isulat ang iyong sagot sa saguting papel.

Page | 1
PamprosesongTanong:

1. Alin sa mga larawan ang nagturo sa iyo sa tamang sagot?

2. Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng salitang na buo?


L A O
Ang susunod na aralin ay tatalakay sa alokasyon. Ito ang nag lalarawan kung paano
tinutugunan ng tao ang kaniyang suliranin sa kakapusan. Ang mga suliranin sa pangangailangan at kagustuhan ng tao sa paglipas ng
panahon ay nagbabago, ang mga salik na nakakaapekto sa kaniyang desisyon ay nag babago rin. Wala itong katapusan at masalimuot o
kumplikado. Ano kaya ang solusyon para dito?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Panimula)

Gawain 2: SISTEMA IKAMO?

Panuto: Piliin sa mga hanay ng salita sa ibaba ang angkop na kataga sa bawat larawan. Isulat ito sa kahon sa ilalim ng bawat larawan at Sagutin ang
Pamprosesong tanong nasa kanan ng larawan. . Isulat ang iyong sagot sa saguting papel.

PamprosesongTanong:
1 2
. 1. Ano ang iyong nagging batayan sa pagpili ng sagot?

2. Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng sistemang pang-


ekonomiya?

3 4

A. Tradisyonal na Ekonomiya C. Mixed Economy

B. Command Economy D. Market Economy


C. Pag-uugnay ng mgahalimbawasabagongaralin

Sa bahaging ito ay inaasahan na mauunawaan mo ang kaligiran ng mga suliraning pangkapaligiran at mga pagkilos ng ginagawa para
mapangalagaan ang ating kalikasan. Bilang kabahagi ng komunidad, mahalagang maging mulat ka sa mga suliraning pangkapaligir ang
nararanasan sa kasalukuyan.Simulan mo na ang paglalakbay tungo sa iyong pagkatuto.

Gawain 3: ENTRANCE AT EXIT SLIP


Pamprosesong Tanong
Panuto: Punan ng matapatnasagot ang dalawangkahonsailalim ng entrance slip. Ang exit slip ay sasagutanlamangpagkatapos ng aralin. . Isulat ang
iyong sagot sa saguting papel. 1. Ano ang iyong naging batayan sa pagpili ng sagot?

ENTRANCE SLIP EXIT SLIPko


Ang natutunan
tungkol sa Alakasyon
ay ________________
Ang alam ko sa __________________
Alokasyon __________________
ay___________________ __________________ 2. Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng sistemang
_____________________ __________________ pagekonomiya?
_____________________ __________________
_____________________ __________________
_____________________ __________________
_ __________________
__________________
__________________
Page | 2
__________________
__________________
__________________
Ang palagay ko tungkol sa
Alokasyon ay __________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
____________________
Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa alokasyon, ihanda ang
iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang higit mong maunawaan nang mas malalim ang konsepto
nito.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1(Paglinang/


Alamin Mo/Paunlarin)

KAUGNAYAN NG ALOKASYON SA KAKAPUSAN, PANGANGAILANGAN, AT


KAGUSTUHAN

Itinuturing na pangunahing suliraning pangkabuhayan ang kakapusan. Sa katunayan, pinag-aaralan ang ekonomiks dahil may kakapusan ang
karamihan sa mga pinagkukunang-yaman. Sabi nga ni John Watson Howe, “There isn’t enough to go around.” Ito ang kasabihang sumasalamin sa
suliranin ng kakapusan. Ito rin ay naglalahad ng katotohanang limitado ang mga pinagkukunang-yaman kung kaya’t kailangang gumawa ng tamang
desisyon kung paano gagamitin nang mahusay ang mga ito at upang matugunan ang nagtutunggaliang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang
mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo ay tinatawag na alokasyon. Ang alokasyon ay isang paraan
upang maayos na maipamahagi at magamit ang lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa. Ito rin ang paraan upang ang lipunan ay makaagapay sa
suliraning dulot ng kakapusan. Kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa upang makamit ng
tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito. Nararapat itong bigyang-pansin dahil sa katotohanang may kakapusan ang
mga pinagkukunang-yaman. Ang mapanagutang paggamit nito ang titiyak na may magagamit pang pinagkukunang-yaman ang susunod na
henerasyon.

Upang matiyak na efficient at maayos ang alokasyon ng mga pinagkukunang- yaman, dapat itong sumagot sa apat na pangunahing katanungang
pang-ekonomiko:

1. Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?


Hindi makagagawa ang lipunan ng produktong kailangan ng tao ayon sa dami at uri na gusto ng lahat. Bahagi ito ng suliranin ng
kakapusan. Ang desisyon kung anong produkto at serbisyo ang gagawin ay nakasalalay sa pangangailangan ng tao.

2. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?


Kung paano isasakatuparan ang pagbuo ng produkto at serbisyo ay nakasalalay kung anong input ang gagamitin. Marami ring mga paraan
na maaaring gamitin kung papaano isasakatuparan ang produksiyon. Maaaring gumamit ng teknolohiya o tradisyonal na paraan ng
paggawa upang mabuo ang output.

3. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?


Ang makikinabang sa pagbuo ng produkto o serbisyo ang nagsisilbing motibasyon sa pagpapatuloy ng produksiyon. Ang makikinabang
sa produkto o serbisyo ay kung sino ang nangangailangan at may kakayahang makamit ito. Maaaring nasa loob o labas ng bansa ang
gagamit ng gagawing produkto at serbisyo.

4. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?


Kailangang malaman ang laki ng pangangailangan ng ekonomiya upang makapagdesisyon kung gaano karami ang gagawing produkto at
serbisyo. Ang potensiyal na makabuo ng produkto at serbisyo ay nakabatay sa gagamiting input.

Ang Sistemang Pang-ekonomiya

Ito ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari, at paglinang ng
pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan. Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay
ang lipunan sa mga suliranin ng kakapusan at kung paano episyenteng magagamit ang mga pinagkukunang-yaman ng bansa.

Alokasyon sa Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya

Tradisyonal na Ekonomiya

- Ito ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala. Ang tanong na ano ang lilikhaing produkto ay hindi
mahirap sagutin sapagkat ang pangangailangan ng tao ay umiikot lamang sa pangunahing pangangailangan
tulad ng damit, pagkain, at tirahan.

Market Economy

- Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang- ekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang


pamilihan. Sa ganitong sistema, ang bawat kalahok – konsyumer at prodyuser, ay kumikilos alinsunod sa kanilang
pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang. Ang market economy ay nagpapahintulot sa pribadong
pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo, at pangangasiwa ng mga gawain.

Page | 3
Command Economy

- Ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Ang pagkontrol ay
alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng sentralisadong
ahensiya (central planning agencies).

Mixed Economy

- Ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market economy at command economy. Walang


maituturing na isang kahulugan ang mixed economy. Ito ay kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng
dalawang sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan
sa ilang gawaing pangkabuhayan.

E. Pagtatalakay ng bagongkonsepto at paglalahad ng bagongkasanayan #2 (Paglinang/ Alamin Mo/ Paunlarin)

Sa bahaging ito, palalalimin natin ang mga na buong pag-unawa tungkol sa paksa. Inaasahan din nasa pagkakataong ito ay kritikal mong masusuri
ang kaugnayan ng Alokasyon sa kakapusan.
Pangangailangan ng Alokasyon ng mga Pinagkukunang-Yaman:

1. may katutubong limitasyon ang mga materyal na bagay sapagkat mabilis ang pagkaubos ng mga ito.
2. maraming nagtutunggaling gamit ang mga yaman ng isang lipunan.
3. may iba’t ibang halaga sa paggamit ng mga sangkap.

Pamilihan – pangunahing mekanismo ng alokasyon.

Sistemang Pangkabuhayan- tumutukoy sa mga institusyong sumisibol bunga ng organisadong pamamaraan ng paggawa ng lipunan upang
matugunan ang kanilang pangangailangan para mabuhay.
Mga Pwersa na Bumubuo sa Sistemang Pangkabuhayan:
1. Ang kasaysayang pangkultura na pinagmulan ng paniniwala, mithiin at pagpapahalaga.
2. Ang yamang likas pati na ang klima
3. Ang mga pilosopiya at pananaw na pinili at pinaniniwalaan ng mga tao
4. Ang mga nakaraan at kasalukuyang teorya na naging daan upang maisakatuparan ang kanilang mga layunin.
5. Ang mga pagsubok at pagkakamali ng mga tao sa paghahangad nilang mabuhay

Uri ng Sistemang Batayan ng Pag-aaring Publiko o Saan nakatuon ang Laki ng Publiko at Pribadong Paggawa ng
Pangkabuhayan Pribado sa mga Salik ng Pagpaplano? Desisyon
Produksyon
1. Pampamilihang Malawak ang antas ng pribadong Indibidwal, pamilya, pamayanan Ang indibidwal ang siyang gumagawa ng
Ekonomiya pag-aari ng salik ng produksyon o pangkat at bansa. Isinasaalang- pagpapasya upang piliin ang mga mangangasiwa
kumpara sa publikong pag-aari. Ang alang ang kalayaang pumili ng ng pamahalaan na siyang gagawa ng mga batas
publikong pag-aari any nakatuon sa bawat indibidwal. at magpatupad nito upang maayos na magamit
mga kagamitan at serbisyong ang pinagkukunang-yaman
makatutulng sa mga mamamayan.

2. Ipinag-uutos na Ang antas ng pag-aaring publiko ng Nakatuo sa Estado kung saan Ang paggawa ng desisyon ay sa pamamagitan ng
Ekonomiya mga salik ng produksyon ay mas ang prayoridad ng pamahalaan partido.
malawak kaysa pribadong ay tungo sa pagpapatatag ng
pagmamay-ari. seguridad at military bago ang
ekonomiya.

3. Pinaghalong Ekonomiya Ang pribado at publikong pag-aari Nakatuon ang plano sa Estado Ang publikong pagpapasya ay nakikita sa
ng salik ng produksyon. subalit isinasaalang-alang din malawak na kapangyarihan ng pamahalaan sa
Pangunahing industriya ay nasa ang kapakanan ng indibidwal. pagpapasya kung paano tatakbo ang ekonomiya.
kamay ng pamahalaan. Ang
pribadong pag-aari ng capital ay
pinapayagan sa mga dayuhan.

SISTEMANG PANGKABUHAYAN KATANGIAN


1. Pampamilihang Ekonomiya  Kalayaan ng capital at kapitalista

(Market Economy)  Law of Comparative Advantage sa kalakalan

Page | 4
 Batas ng suplay at pangangailangan ang nagtatakda ng presyo

 Hindi panghihimasok ng pamahalaan sa mga karapatan ng tao at kalayaan

 Gantimpalang pang-ekonomiya ayon sa yaman


2. Ipinag-uutos na Ekonomiya  Estado ang nagdidikta ng mga patakaran sa kalakalan, market, paggawa, atbp.

(Command Economy)  Sentral na alokasyon ng mga resources

 Walang kalayaan makapamili

 Gantimpalang pang-ekonomiya ayon sa pagsunod sa mga batas ng estado


3. Pinaghalong Ekonomiya  Regulasyon sa capital at mga kapitalista

(Mixed Economy)  Taripa sa kalakalan at iba pang proteksiyon

 Batas sa produksyon, pagkonsumo, market, at pagpepresyo

 Ilang limitasyon sa mga karapatan at kalayaan ng indibidwal

 Gantimpalang pang-eknomiya ayon sa trabaho, tallino, paggawa, o kakayahan

MGA UNANG URI NG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA

LUMANG SISTEMANG PANG- KATANGIAN


EKONOMIYA

1. Feudalismo Ang pangmamay-ari ng malalawak na lupain


Manor – sentro ng kabuhayang agricultural
Feudal lord
Vassals/basalyo

2. Merkantilismo Ginto at pilak ang batayan ng kapangyarihan at kayamanan ng isang bansa

3. Pasismo Ang pagmamay-ari ng yaman at industriya ng bansa ay kinokontrol at hinahawakan ng isang


diktador.

4. Caciquismo May kinalaman din sa lupa


Cacique – may-ari ng lupa
Pagpapahiram ng lupa sa mga kasama o tenants
sistemang inquilino (pera/ produkto)
sistemang kasama (magkasosyo)

MGA MAKABAGONG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA

BASEHAN KAPITALISMO KOMUNISMO SOSYALISMO


KAHULUGAN Isang sistemang pang-ekonomiya Isang sistemang pang-ekonomiya Pinaghalong kapitalismo at
na ang pagmamay-ari ng mga na ang estado ang kumokontrol at komunismo. Ang mga
salik ng produksyon ay nasa nagmamay-ari ng lahat ng pangunahing industriya ay hawak
pribadong sektor o indibidwal. industriya at yaman ng bansa. ng estado at ang mamamayan ay
pinapayagang magmay-ari ng
maliit na industriya na maaaring
pakialaman ng pamahalaan.
DAS KAPITAL – aklat na isinulat
ni Karl Marx
PAGDEDESISYON SA Desentralisado Sentralisadong estado Estado/ indibidwal
PRODUKSYON
PAGMAMAY-ARI NG Pribadong tao/ indibidwal Estado Kolektibo
YAMAN
PINANGGAGALINGAN NG Pamilihan Plano Pamilihan/ plano
IMPORMASYON

F. PaglinangsaKabihasnan( Gawin Mo/ Pagyamanin)

Gawain 4: DATA RETRIEVAL CHART


Panuto :Bigay ang ibat ibang katangian nang Sistemang Pang- Ekonomiya. Isulat ang iyong sagot sa saguting papel.

SISTEMANG PANG-EKONOMIYA Katangian


Tradisyon na Ekonomiya
Market Economy

Page | 5
Command Economy
Mixed Economy

G. Paglalapat ng aralinsa pang-araw-arawnabuhay (Gawin Mo/ Pagyamanin)


Gawain 5: DIALOGUE BOX (Lm 58)
Panuto: Punan ng tamang sagot ang usapan ng dalawang tauhan sa bawat kahon. Isulat ang iyong sagot sa saguting papel.

1 2

3
4

Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa usapan ng mga tauhan, anong sistemang pang-ekonomiya ang umiiral sa Pilipinas?
2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong pumili ng sistemang pang-ekonomiya na paiiralin sa ating bansa, anong sistema ang iyong pipiliin?
Bakit?
H. Paglalahat ng Aralin(Tandaan Mo/ Pagyamanin at Isaisip)
 ALOKASYON - isang mekanismo ng pamamahagi o distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman sa iba’t ibang paggagamitan
upang masagot ang mga suliraning pang-ekonomya.
I. Pagtataya ng Aralin(Natutuhan Ko/ Isagawa)
Binabati kita! Matagumpay mong nagawa ang lahat ng mgagawain. Patunay ito na handa ka nasa maikling pagsusulit na iyong gagawin.
Gawain 6: Maikling Pagsusulit
Panuto:Basahin at unawain ang bawat katanungan bilugan ang titik nang tamangsagot.
1. ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo ay tinatawag na
a. Produksyon  b. Pagkonsumo c. Alokasyon  d. Pangangailangan
2. Ito ang pangunahing katanungang pang-ekonomiko na nakabatay sa tradisyon,kultura, at paniniwala.
a. Market Economy  b. Tradisyonal na Ekonomiya c. Mixed Economy  d. Command Economy
3. Ito ay ang ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan. Sa ganitong sistema,ang bawat kalahok- konsyumer at prodyuser, ay
kumikilos ay kumikilos alinsunod sakanilang pansariling interes at kapakinabangan.
a. Command Economy  b. Mixed Economy c. Tradisyonal na Ekonomiya  d. Market Economy
4. Ito ang ekonomiya na nasa ilalim ng komprehensibong control at regulasyon ngpamahalaan.
a. Command Economy  b. Market Economy c. Mixed Economy  d. Tradisyonal na Ekonomiya
5. Ito ang sistemang na kinapapalooban ng element ng market economy at commandeconomy.
a. Market Economy  b. Tradisyonal na Ekonomiya c. Mixed Economy  d. Command Economy
6. Sino ang nagsabi nang kasabihang ‘’There isn’t enough to go around’’. Na saumasalamin sa suliranin ng kakapusan?
a. John Watson Howe  b. John Dowe c. John Lock  d. John Lee
7. Sa Command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehesibong control at regulasyon ng:
a. prodyuser b. konsyumer c. pamahalaan d. pamilihan
8. Ang paikot na daloy o circular flow ng ekonomiya ay nagpapakita ng ugnayan at ng Gawain ng bawat sektor. Ano ang papel na
ginagampanan ng sambahayan sa ekonomiya?
a. naniningil ng buwis sa bahay-kalakal c. nagmamay-ari ng salik ng produksyon
b. gumagawamit ng mga salik ng produkyon  d. nagbabayad ng upa o renta sa lupa.
9. Dapat na bigyang-pansin ng pamahalaan ang produksyon sapagkat ito ay isang gawaing pang-ekonomiya na:
a. gumagamit ng mga produkto at serbisyo c. lumilikha ng mga produkto at serbisyo
b. lumilikha ng likas na yaman d. namamahagi ng likas na yaman
10. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay samantalang ang opportunity cost ay ang halaga
ng bagy o nang best alternative na handing ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Ano ang dahilan kung bakit may trade- off at
opportunity cost?
a. dahil walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
b. dahilan sa kawalan I limitado ang kaalaman s pagpili at pagdedesisyon
c. dahil may umiiral na kakapusan at kakulangan sa mga produkto at serbisyo
d. upang makalikha ng mga produktong kailanan sa palengke
J. Karagdagang Gawain at Remediation
Gawain 7: ENTRANCE AT EXIT SLIP
Panuto: Punan ng matapat na sagot ang exit slip. Sa pagkakataong ito ay inaasahang masasagot mo nang wasto ang gawain. . Isulat ang iyong sagot
sa saguting papel.
1. Ang natutuhan ko tungkol sa alokasyon ay _____________________________________
2. Ang alamko tungkol sa alokasyon ay__________________________________________
3. Ang palagay ko tungkol sa alokasyon ay _______________________________________

Page | 6
Mahusay!!! Binabati kita!!! Natapos mona ang mga gawain para sa linggong ito

Page | 7

You might also like