You are on page 1of 4

LESSON PLAN

ARALING PANLIPUNAN (SOCIAL STUDIES)

OJECTIVES
A. Nasusuri ang iba’t –ibang sektor na bumubuo sa Agrikultura.
B. Nakapagpaliwanag kung paano nakatutulong ang sektor ng agrikultura sa ekonomiya
ng bansa.
C. Napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng sektor ng agrikultura upang
makatulong sa pag-unlad ng ekonmiya sa bansa.

SUBJECT MATTER
Topic: Ang Sektor ng Agrikultura
Resources: Batayang Aklat sa Ekonomiks, pp.365-368.

LEARNING ACTIVITY
Introductory activity
1. Panalangin
2. Pagbati sa klase
3. Pagtatala
4. Pagganyak
*Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na making sa awiting “Magtanim
ay ‘Di Biro”
* pagkatapos ng awitin ay tatanungin ang mga mag-aaral:
a. Anu-ano ang inyong nararamdaman habang pinakikingan ang awitin at
bakit?
b. Nararanasan naba ninyong magtanim? Mahirap ba o madali lang at bakit?
c. Anong mangyayari kung walang gustong magtanim?
d. Sa tingin ninyo, saan napabilang ang tema ng awitin?
*Upang masagot ang tanong na ito, may ipapagawa muna ako sa inyo.
Lesson Proper
*Pangkatang Gawain: “Picture puzzle”
Hatiin ang klase sa apat na pangkat.
Ibigay sa mga mag-aaral ang mga materials para sa gawain.
Panuto :
1. Buuin ang hinati-hating larawan sa illustration board.
2. Pagkatapos mabuo ang mga larawan, ang bawat miyembro ng grupo
ay magkaroon ng “short discussion” sa kanilang pangkat kung
tungkol saan ang larawan na kanilang nabuo.
3. Pagkatapos magkaroon ng “short discussion”, ang bawat grupo ay
pumili ng isa o dalawang miyembro para ibahagi sa klasi ang kanilang
ginawa.
4. Ang pagbuo ng mga larawan at pagkaroon ng “short discussion” ay
gawin lamang ito sa loob ng tatlong(3) na minuto.
5. Sa mga naatasan na magbahagi ng kanilang gawain, kailangan hindi
hihigit sa dalawang minuto ang kanilang presentasyon.
Analysis
Base sa mga nabuong larawan, balikan natin ang tanong kanina,
saan napabilang ang tema ng awitin na “Magtanim ay ‘Di
Biro”?
Anong uri ng pamumuhay ang nabuo sa bawat larawan?

Abstraction
Isa-isang tatalakayin ang bawat subsector ng agrikultura, basi sa
mga larawan na nabuo:
o Paghahalaman
o Paghahayupan
o Pangingisda
o Paggugubat
Sa pangkabuuan, anong sektor napabilang ang mga ito.
Paano nakatulong ang sektor ng agrikultura sa pamumuhay ng
mga tao sa komunidad at sa ekonomiya ng bansa? Magpakita ng
statistics sa katibayan nito sa GNP.
Ano ang mangyayari sa ekonomiya ng ating bansa kung
pababayan ang sektor ng agrikultura?
Application
Bilang isang mamamayan, sa anong paraan kayo makatulong
upang mapalago ang sektor ng agrikultura sa ating
bansa?(atleast 2-3 students can answer.)
Paano ninyo pahahalagahan ang papel na ginagampanan ng
bawat sektor ng agrikultura upang makatulong sap ag-unlad ng
ekonomiya sa ating bansa? (Atleast 2-3 students can answer)
EVALUATION
PANUTO: Basahin ang mga pagungusap at unawain. Piliin ang titik na
may tamang sagot at bilugan.
1. Sektor ng ekonomiya na nauukol sa paghahalaman, paghahayupan,
pangingisda at paggugubat.
a. Agrikultura
b. Impormal
c. Industriya
d. Pangangalakal
2. Anong kabuhayan sa ilalim ng sektor ng agrikultura ang tumutukoy
sa pagtatanim ng mga halamang namumunga.
a. Pagsasaka
b. Pangingisda
c. Paghahayupan
d. Pangangalakal
3. Ang mga sumsunod ay mga sektor na bumubuo sa sektor ng
agrikultura maliban sa isa, alin ito?
a. Paghahayupan
b. Paghahalaman
c. Pangingisda
d. Pagmamanupaktura
4. Ito ay tumutukoy sa isang gawain kung saan pinutol ang mga puno
at gawing mas kapaki-pakinabang.
a. Paghahalaman
b. Pagsasaka
c. Paggugubat
d. Paghahayupan
5. Ito ay tumutukoy sa gawaing pangkabuhayan na kinakabilangan ng
ating mga tagapag-alaga ng hayop.
a. Pangingisda
b. Pagsasaka
c. Paggugubat
d. Paghahayupan
6. Ang mga sumusunod ay mga subsector ng pangingisda maliban sa
isa, alin ito?
a. Acquaculture
b. Municipal
c. Espesyal
d. Komersyal
7. Alin sa mga sumusunod ang produktong nagmula sa sector ng
paggugubat?
a. Niyog
b. Manga
c. Pinya
d. Plywood
8. Maliban sa pagputol ng mga punong kahoy, anu-ano pa ba ang mga
produktong matatagpunan sa kagubatan? Magbigay ng tatlong
halimbawa.
a. ______________
b. ______________
c. ______________
ASSIGNMENT
PANUTO: Magsaliksik tungkol sa mga sumusunod na tanong at isulat ito
sa kuwaderno.
1. Ano sektor ng Industriya? Magbigay ng halimbawa.
2. Anu-ano ang mg kinapalooban sa sektor ng Industriya?
3. Ano ang dalawang kahinaan ng sektor ng Industriya?

Prepared By:
Estrellieto V. Dumagil LPT

You might also like