You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Grade 9

I. Layunin:
1. Natatalakay ang mga manggagawang Pilipino sa Sektor ng Paglilingkod.
2. Natutukoy ang iba’t ibang katangian ng mga Pilipino sa iba’t-ibang larangan.
3. Napapahalagahan ang mga ahensiyang tumutukoy sa sektor ng paglilingkod.

II. Paksang Aralin:


1. Paksa: Ang mga manggagawang Pilipino sa Sektor ng Paglilingkod.
2. Sanggunian: Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul.
3. Mga Kagamitan: Aklat, Visual Aides.

III. Pamamaraan:
a. Pagbabalik Aral:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Ano ang ibig sabihin ng Sektor ng Paglilingkod? Sagot: Ito ay ang sector na nagbibigay ng
serbisyo at tumutulong upang magkaroon ng
kaunlarang pang-ekonomiya.
Ano-ano ang bumubuo sa sektor ng paglilingkod?
Sagot: Transportasyon, komunikasyon at mga
imbakan.
- Kalakalan
- Pananalapi
- Paupahang Bahay at Real Estate
- Paglilingkod ng Pampribado
- Paglilingkod ng Pampubliko

Sumasang-ayon kaba na ang malaking bilang ng sektor ng Sagot: Sumasang-ayon ako na ang malaking
paglilingkod sa bansa ay maaring isang indikasyon ng bilang ng sektor ng paglilingkod sa bansa ay
kaunlaran ng ekonomiya? maaaring isang indikasyon ng kaunlaran ng
ekonomiya. Ito ay lalo na dahil sa pagtaas ng
kahalagahan at bahagi ng sektor ng serbisyo
sa mga ekonomiya ng mga paunlad at
umuunlad na mga bansa. Sa katunayan, ang
paglago ng sektor ng serbisyo ay matagal
nang itinuturing bilang tagapagpahiwatig ng
pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa.
IV. Paglinang ng Gawain:
a. Paglalahad:
Ngayong araw tatalakayin natin “Ang Mga Manggagawang
Pilipino sa Sektor ng Paglilingkod” buksan ang aklat sa
pahina 416-419.

b. Pagtatalakay/Pagpapaliwanag:
Bakit sinasabing taglay ng mga Pilipino ang mataas na antas Sagot: Masipag, malikhain, matiyaga at
ng tagapaglingkod. Ano-ano ang mga katangiang ito? handing matuto sa iba’t-ibang kasanayan.

Tama! Magaling!

Ito ang mga katangian ng mga Pilipino na hinahangaan dito


sa loob at labas ng bansa.

Ano ba ang nagtutulak sa mga Pilipino upang pumunta sa Sagot: Matinding Pagmamahal at
ibang bansa? Pagmamalasakit sa pamilya

Sa mga anong larangan umani ng maraming parangal ang Sagot: Caregiving


mga Pilipino dahil sa kanilang kahusayan? - Bartending
- Entertainment
- Healthcare
- Domestic Helper

Bakit kaya nangingibabaw ang Pilipinas pagdating sa BPO? Sagot: Dahil mahusay ang mga Pilipino sa
pag-unawa at pagsasalita ng Ingles.

Tama! Bukod pa sa pagiging computer literate ng mga


Pilipino patunay lamang na handang ma kipag sabayan ang
mga Pilipino sa pandaigdigang paglilingkod.

Sa inyong palagay, sa papaanong paraan mapapangalagaan Sagot: Sa pamamagitan po ng mga ahensyang


ang kalagayan ng mga mangagagawang Pilipino? tumutulong sa sektor ng paglilingkod.

Magaling! Ano-ano ang mga ito? Ano ang kanilang mga Sagot: DOLE
tungkulin? - OWWA
- POEA
- TESDA
- PRC
- CHED

c. Pagpapahalaga:
Bakit kailangang siguruhin ang kapakanan ng mga Sagot: Upang mailigtas sila sa mapang
manggagawang Pilipino sa ibang bansa? abusong mga amo at masuklian ang ginagawa
nilang sakripisyo para sa ikauunlad ng
kanilang pamilya at ng bansa.
V. Paglalahat:
Naunawaan nyo ba? Kung naunawaan nyo na, Bakit Sagot: Masipag, malikhain, matiyaga at
sinasabing taglay ng mga Pilipino ang mataas na antas ng handing matuto sa iba’t-ibang kasanayan.
tagapaglingkod. Ano-ano ang mga katangiang ito?

At sa mga anong larangan ulit umani ng maraming parangal Sagot: Caregiving


ang mga Pilipino dahil sa kanilang kahusayan? - Bartending
- Entertainment
- Healthcare
- Domestic Helper

Ano nga uli ang nagtutulak sa mga Pilipino upang pumunta Sagot: Matinding Pagmamahal at
sa ibang bansa? Pagmamalasakit sa pamilya

Bakit nangingibabaw ang Pilipinas pagdating sa BPO? Sagot: Dahil mahusay ang mga Pilipino sa
pag-unawa at pagsasalita ng Ingles.

Ano-ano uli ang mga ahensyang tumutulong sa sektor ng Sagot: DOLE


paglilingkod? - OWWA
- POEA
- TESDA
- PRC
- CHED

May mga katanungan paba? Sagot: Wala na po!

Kung wala na, kumuha nang ikaapat na papel.


VI. Pagtataya:

Klasipikasyon ng Ahensya Mga Ahensya ng Pamahalaan

?
Nangangalaga sa
Mga Ahensyang kapakanan ng mga ?
Tumutulong sa Sektor manggagawa
ng Paglilingkod. ?

Humuhubog sa ?
kakayahan ng mga
manggagawa ?

You might also like