You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mga mag-aaral ay:
Naipapamalas angpag-unawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa
pambangsang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa
mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay:
Nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang pangunahing
ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran.
Pamantayan sa Pagkatuto:
Ang mga mag-aaral ay:
Naipapaliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na
daloy ng ekonomiya.

I. Mga Layunin
a. Naipapaliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa
paikot na daloy ng ekonomiya
b. Nakapagbibigay ng saloobin o pananaw tungkol sa kahalagahan ng
mga aktor sa paikot na daloy ng ekonomiya.
a. Nakagagawa ng isang acronym tungkol sa kahalagahan ng paikot na
daloy ng ekonomiya.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Mga Gampanin ng mga Aktor at Pamilihan sa Paikot na Daloy ng
Ekonomiya
B. Babasahin: Aralin Panlipunan 9, Ikatlong Markahan – Modyul 1, pahina 3-9
C. Kagamitan: Pandikit, Larawan, Yeso, Manila Paper

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Pagbati
 Pagpapaalala sa mga estudyante
 Panalangin
 Pagtala ng mga lumiban

a) Balik-aral
Panuto: Magbigay ng tatlong salita na may kinalaman sa paikot na
daloy ng ekonomiya at magbigay ng maikling paliwanag tungkol dito.

b) Pagganyak (ALAMIN NATIN!)

 Papangkatin ang klase sa dalawa


 Paunahan sa pagsagot. Isulat lamang ang titik at sagot.

1. Dito nagsisimula ang produksiyon.


A. Bahay-kalakal B. Sambahayan C. Kabayaran
D. Pamahalaan
2. Nagaganap kapag mas malaki ang export kaysa import.
A. Microeconomics B. Trade Deficit C. Globalisasyon
D. Trade Surplus
3. Sektor ng ekonomiya na tumutukoy sa isang tao o pangkat
ng mga tao tulad ng prodyuser o negosyante.
A. Bahay-kalakal B. Sambahayan C.Pamahalaan
D. Panlabas na Sektor
4. Ito ay ang pagkaluma ng makina.
A. Kapital B. Depresasyon C. Alokasyon D. Produksiyon
5. Ito ay base sa modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya; ito
ay mga konsyumer.
A. Bahay-Kalakal B. Sambahayan C. Pamahalaan
D. Panlabas na Sektor

c) Pagtalakay sa Aralin

Sambahayan- nagmamay-ari ng produksiyon at sa apat na salik


(lupa, paggawa, capital, entrepreneur)
Bahay-kalakal- Gumagamit ng mga salik ng produksiyon na nagmula
sa sambahayan upang gawing produkto at serbisyo
Pamahalaan- nangungulekta ng buwis sa Sambahayan at Bahay-
kalakal
Panlabas na Sektor- nagluluwas at nag-aangkat ng produkto

B. Panlinang na Gawain
a) Gawain
 Papangkatin ang klase sa dalawa
 Bawat pangkat ay gagawa ng isang acronym tungkol sa
kahalagahan ng paikot na daloy ng ekonomiya at
magsabayang pagbigkas sa harapan ang nabuo na mga salita
 Bibigyan lamang ng limang (5) minuto sa paghahanda at
tatlong (3) minuto sa pag-presenta.
P
A
I
K
O
T
N
A
D
A
L
O
Y
N
G
E
K
O
N
O
M
I
Y
A

PAMANTAYAN
Nilalaman 15 puntos
Presentasyon 10 puntos
b) Kooperasyon 5 puntos
KABUUAN 30 puntos
Pagsusuri
1. Ano ang pakiramdam mo pagkatapos ang makagawa ng
acronym?

c) Paglalahat sa Aralin (Fill It Right)


 Pangkatin ang klase sa dalawa
 Bibigyan lamang ng limang minute sa paghahanda at isang
minute sa pagpresenta

Panuto: Ibigay ang bahaging ginagampanan ng mga actor at


pamilihan sa paikot na daloy ng ekonomiya.

Gawain A
MGA AKTOR SA PAIKOT NA BAHAGING GINAGAMPANAN
DALOY NG EKONOMIYA
Sambahayan
Bahay-kalakal
Pamahalaan
Panlabas na Sektor

Gawain B
MGA URI NG PAMILIHAN BAHAGING GINAGAMPANAN

Pamilihan ng Kalakal at
Paglilingkod (Product Market)
Pamilihan ng Salik ng
Produksiyon
Pamilihang Pinansyal
(Financial Market)
World Market

d) Aplikasyon (Kuha ko, Sagot Mo)


Panuto: Ang mapipili ay s`yang sasagot sa katanungan.

Bilang isang mag-aaral, bakit mahalaga ang mga gampanin ng mga


actor at pamilihan sa paikot na daloy ng ekonomiya?

IV. Pagtataya
Panuto: Gumawa ng isang #hastag o tagline tungkol sa paikot na daloy ng
ekonomiya. (10 puntos)

V. Takdang Aralin
Panuto: Punan at isulat sa kwaderno iyong natutunan sa araling ito.

Ang natutunan ko sa araling ito ay _________________________________.

Mahalaga ang mga mga actor at pamilihan na mayroon sa paikot na daloy ng


ekonomiya dahil ____________________________.
Inihanda ni:

LAVERNE AUDREY S.ARENDAIN


Nagpapakitang Turo

Pinuna ni:

EVE B. ESPIRITU, LPT


Araling Panlipunan – Co-operating Teacher

You might also like