You are on page 1of 5

February 17, 2017

10- Loyalty (Friday)


1-2 PM

I. Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay iaasahang:
1. Nasusuri ang konsepto at palatandaan ng Implasyon
2. Nasusuri ang mga uri ng implasyon.
3. Natataya ang mga dahilan sa pagkaroon ng implasyon
4. Nasusuri ang iba’t ibang epekto ng implasyon
5. Nakapagmumungkahi ng solusyon sa mga suliranin patungkol sa
implasyon.
6. Napapahalagahan ang pagiging matalinong konsyumer sa
panahon ng implasyon.

II. Paksang-aralin
A. Paksa: Implasyon
B. Sanggunian: Pambansang Ekonomiya at Pag-unlad, pahina 210-
216
C. Kagamitan: DLP, laptop, pisara, chalk at iba pang pantulong
na biswal
D. Pagpapahalaga: Napapahalagahan ang pagiging matalinong
konsyumer sapanahon ng implasyon.

III. Pamamaraan
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Pagtatala ng mga pumasok at lumiban sa klase
2. Pagtitsek ng I.D at uniporme
3. Pagpapanatili ng kalinisan sa loob ng silid-aralan

B. Panimulang Gawain
- Pangganyak
TANONG!
- May mga bagay ba kayo na nais bilin, pero hindi nyo mabili?
Ano at Bakit?
- Pagkatapos mag tanong ng guro ay magpapakita ito ng comic
strip sa mga mag-aaral at magbibigay ng ilang katanungan
patungkol sa comic strip na ipinakita.

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang suliraning binabanggit sa comic strip?
2. Ang suliranin bang ito ay nararanasan sa kasalukuyan?
Patunayan.
C. Pagsasabi ng aralin
- Isang suliranin sa ating bansa na kinakaharap ng mga
mamamayan o ng bawat tao ay ang pagtaas ng presyo ng mga
bilihin sa pamilihan ngunit ang sweldo ng bawat
nagtatrabaho ay hindi tumataas. Nagiging problema ito dahil
kulang ang kanilang kinikita para sa mga pangangailangan sa
araw-araw na pamumuhay. Ngayon ang pagtaas ng
pangkalahatang presyo ng bilihin sa ating pamilihan ay
tinatawag na implasyon na syang tatalakayin natin sa araw
na ito.

D. Pagtalakay sa aralin
- Tatalakayin ng guro ang aralin sa pamamagitan ng
pagpapaliwanag gamit ang power point presentation.
- Mga halimbawa ng slides sa power point presentation.

BREAK MUNA!
- Ang guro ay magpapakita ng Balita tungkol sa maaaring
dahilan ng pagkakaroon ng Implasyon.
Link: https://www.youtube.com/watch?v=eSG5ZB5NiPY
- Pamprosesong tanong:
1. Tungkol saan ang balitang napanuod?
2. Ano ang maaaring dahilan ng pagtaas ng presyo ng produkto?

Mga halimbawa ng tanong:


1. Ano ang palatandaan ng pagkakaroon ng implasyon?
2. Sa inyong palagay bakit patuloy na tumataas ang presyo ng
bilihin?
3. Sa mga dahilan ng implasyon, alin sa mga ito ang madalas na
nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo?
4. Bilang mag-aaral, paano kayo magiging matalinong konsyumer
sa panahon ng implasyon?
5. Ano ang kahalagahan ng pagiging matalinong konsyumer sa
panahon ng implasyon.

E. Paglalahat
Ang implasyon ay ang pagtaas ng presyo ng pangkalahatang
produkto sa pamilihan. Ito ay suliraning pang ekonomiya na
dapat masolusyunan. May ibat-ibang dahilan ang implasyon na
syang nagbubunga ng pagtaas ng presyo. Kung magpapatuloy
ito hindi magiging maganda ang resulta sa ating ekonomiya.
Kaya dapat kahit estudyante pa lamang tayo alam na natin
ang dapat gawin sa panahon ng implasyon.

F. Aplikasyon.
- Ang guro ay magpapakita ng mga larawan gamit ang power
point presentation ipaliliwanag ang gagawin at magbibigay
ng ilang katanungan.

- Paano Kung tumaas ang presyo ng bawat produkto sa larawan?


Larawan A Larawan B

Larawan C
Mga pamprosesong tanong:
1. Sa mga larawan sino-sino ang nakikinabang sa pagtaas ng
presyo ng produkto?
2. Sino-sino naman ang naaapektuhan sa pagtaas ng presyo?
3. Bilang mag-aaral paano kayo naaapektuhan ng pagtaas ng
produkto na nasa larawan?

EDITORIAL CARTOONING
Panuto: Suriin mabuti ang nais ipakita ng bawat larawan at
sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba na may 2-3
pangungusap lamang. Isulat ang sagot sa ½ crosswise.

Larawan A Larawan B

Pamprosesong tanong:
1. Pumili ng isang larawan at ipaliwanag ang nais ipahiwatig
ng larawan na inyong napili.
2. Magbigay ng mga hakbang na gagawin upang masolusyunan ang
problema na ipinapakita ng larawan na iyong napili.
G. Ebalwasyon
GROUP ACTIVITY - PUSH OR PULL?
1. Ipaliliwanag ng guro ang gagawing activity.
1.1 Hahatiin ng guro ang klase sa 4 na pangkat.
1.2 Ibibigay ng guro ang ginawa niyang salita na PUSH OR
PULL
1.3 Magbibigay ng katanungan ang guro sa bawat grupo,
itataaas ng bawat grupo ang salitang PUSH kung ang
sagot nila ay Cost push at PULL kung ang sagot nila ay
Demand pull.
1.4 Bawat grupo ay pupunta sa lugar na itatakda ng guro.

- Mga halimbawa ng tanong:


1. Sa pagdiriwang ng kapaskuhan, maraming pamilya ang bumibili
ng panghandang pagkain sa Noche Buena.
2. Inutos ng pamahalaan na ipatupad ang pagtaas sa minimum
wage ng mga manggagawa sa National Capital Region.
3. May maliit na tahian ng ready to wear na damit si
Rosalinda. Tumaas ang presyo ng sinulid na ginagamit sa
paggwa ng gamit.
4. Itinaas ng Caltex ang presyo ng gasolina bunga ng pagtaas
ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan.
5. Maraming naeengganyong bumili ng mga paputok na nagawa sa
bulacan dahil sa pagdiriwang ng Bagong Taon.
6. Nobyembre pa lamang ay ibinigay na ang 13th month pay ng
mga manggagawa ng sardinas
7. Dumarami ang bumibili ng bagong modelo ng telebisyon dahil
sa mataas na kalidad nito.
8. Tumaas ang presyo ng sardinas dahil nagtaas ang presyo ng
lata na ginagamit sa aggawa nito.
9. Asahang tataas ang presyo ng pandesal bunga ng pagtaas ng
presyo ng harina sa pamilihan.
10. Marami ang bumibili ng mga prutas na bilog sa pagdating ng
Bagong Taon sa paniniwalang magbibigay ito ng ibayong
kayaman sa trabaho.

IV. Takdang-Aralin
Tanungin sina lolo at lola at sina tatay at nanay tungkol
sa presyo ng mga sumusunod na produkto.
PRESYO NG PRODUKTO SA PANAHON
NINA LOLO AT NINA TATAY AT KASALUKUYANG
PRODUKTO LOLA NANAY TAON

1 KILO NG BIGAS

1 LATANG SARDINAS

25 GRAMONG KAPE

1 KILO NG ASUKAL

1 KILO NG GALUNGGONG

Inihanda ni:
________________

You might also like