You are on page 1of 4

Department of Education

Region VII, Central Visayas

Division of Cebu Province

SAN FERNANDO NATIONAL HIGH SCHOOL

IKA-APAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

EKONOMIKS 9

I. Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.


1. Ito ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga produkto.
a. Implasyon b.Deplasyon c. Krisis d. Hyperinflation
2. Ang tawag sa patuloy na pagtaas ng presyo bawat oras.
a. Implasyon b.Deplasyon c. Krisis d. Hyperinflation
3. Ito ay isang agham at sining na may kaugnay sa pagparami ng hayop at paghahalaman.
Aa. agrikultura b. industriya c. paglilingkod d. pagmimina
4. Ito ang karaniwang ginagamit sa pagsukat ng implasyon upang mapag -aralan ang pagbabago ng presyo ng mga
produkto.
a. Patakarang piskal b. Produser Price Index c.Consumer Price Index
5. Uri ng sektor ng agrikultura na nakatutulong sa pag-supply ng ating pangangailangan sa karne at iba pang pagkain.
a. Paghahalaman b. paghahayupan c. pagngingisda d. paggugubat
6. Ito ay ang average price index n ginagamit para mapababa ang halaga ng kasalukuyang GNP at masukat ang
totoong GNP.
a. GNP Deflator b.Price Index c. Produser Price Index
7. Sinusukat ang pagbabago ng presyo ng mga produkto at serbisyong ginagamit ng mga konsyumer.
a.Patakarang piskal b. Produser Price Index c.Consumer Price Index
8. Ito ay tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis ng pamahalaan.
a.Patakarang piskal b. Produser Price Index c.Consumer Price Index
9. Ito ang isinasagawa ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa.
a. Expansionary Fiscal Policy b. Contractionary Fiscal Policy c. Patakarang piskal
10. Uri ng sektor ng agrikultura na pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at veneer.
a. Paghahalaman b. paghahayupan c. pagngingisda d. paggugubat
11. Ito ang paraang ipinatupad ng pamahalaan kung nasa bingit ng pagtaas ang pangkalahatang presyo sa ekonomiya.
a. Expansionary Fiscal Policy b. Contractionary Fiscal Policy c. Patakarang piskal
12. Ito ay tumutukoy sa sapilitang kontribusyon na kinokolekta mula sa mga mamamayan.
a.Buwis b. Puhunan c. impok d. pera
13. Buwis na tuwirang ipinapataw sa mga indibidwal o bahay- kalakal.
a.Regressibo b.Tuwiran c Proporsiyonal d. Di- Tuwiran
14. Ito ang uri ng buwis na parepareho ang porsiyentong ipinapataw anuman ang estado sa buhay.
a.Regressibo b.Tuwiran c Proporsiyonal d. Di- Tuwiran
15. Ito ay ginagaamit bilang pamalit sa produkto o serbisyo.
a.Buwis b. Puhunan c. impok d. Salapi
16. Ang tawag sa bangko ng mga bangko.
a. Bangko Sentral ng Pilipinas b. Land Bank of the Philippines c.Commercial Bank
17. Ito ang malaking bangko na pinapayagang makapagbukas ng mga sangay saan mang panig ng kapuluan lalo na sa
lugar na wala pang mga bangko.
a. Bangko Sentral ng Pilipinas b. Land Bank c.Commercial Bank
18. Alin sa mga sumusunod ang suliranin sa sektor ng agrikultura sa pagsasaka.
a. Kawalan ng tirahan ng mga hayop. b. Kahirapan sa hanay ng mangingisda c. Pagliit ng lupang pansakahan
19. Ito ang bangkong itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No. 3844 na layunin nito ang magkaloob ng pondo sa
mga programang pansakahan.
a. Bangko Sentral ng Pilipinas b. Land Bank of the Philippines c.Commercial Bank
20. Ito ang sektor na ang pangunahing layunin ay maiproseso ang mga hilaw na materyal o sangkap na materyal
upang makabuo ng mga produktong ginagamit ng tao.
a. Agrikultura b. industriya c paglilingkod d. paghahalaman
21. Isang kapisanan na binuo ng mga kasapi na may nagkakaisang panlipunan o pangkabuhayang layunin.
a.SSS b. Buwis c. Kooperatiba d.Kita
22. Ito ay kinapapalooban ng pagbili ng mga kagamitan; mga salik ng produksiyon at iba
a. Paggasta b. Buwis c. Kooperatiba d.Kita
23. Uri ng buwis na pangunahing layunin ng pamahalaan na ipataw ang mga buwis upang makalikom ng pondo para
magamit sa operasyon.
a.Revenue Generation b.Tuwiran c Proporsiyonal d. Di- Tuwiran
24. Ito ay tumutukoy sa ceiling o pinakamataas na gastusing nararapat upang matugunan ang nga pananagutan o
obligasyon ng pamahalaan sa loob ng isang taon.
a.Implasyon b.Expenditure Program c. ceiling d. Paggasta
25. Ito ay ang panustus para sa pagbili ng mga produkto at serbisyo kung saan ang kapakinabangang makukuha mula
rito ay maaring magamit sa loob ng maraming taon at maaring makadagdag sa mga assets ng gobyerno.
a.Capital Outlays b.Expenditure Program c. Hyperinflation
26. ito ay binubuo ng mga kompanya na ang layunin ay matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa
tubig, kuryente, at gas. a.pagmimina b. pagmamanupaktura c. konstraksiyon d. utilities
27. Ito ay nabuo ng sektor ng paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay ng publikong sasakyan, mga paglilingkod ng
telepono at mga pinaupahang bodega.
a.pananalapi b. paupahang bahay at real estate c. transportasyon, komunikasyon at mga imbakan
28. Ang estratehiya na makatutulong sa pag-unlad ng bansa ang pagkakaroon ng kultura ng tamang pagbabayad ng
buwis. a.mapanagutan b. maalam c. maabilidad d. makabansa
29. Ang estratehiyang aktibo sa pakikilahok sa pamamahala ng barangay, gobyernong lokal, at pambansang
pamahalaan. a. makabansa b. maalam c. maabilidad d. makabansa
30. alin sa mga sumusunod na sektor ang binubuo ng mga pormal na industriya tulad ng pananalapi,insurance,
komersyo, real estate, kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon at mga
serbisyong pampamayanan, panlipunan at personal.
a. Agrikultura b. industriya c. paglilingkod d. impormal na sektor

II. Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ito ay dahilan ng implasyon (DI) o bunga ng
implasyon(BI).
1. Bumababa ang halaga ng piso.
2. Kalagayan ng pagluluwas o (export).
3. Pagtaas ng suplay ng salapi.
4. Tataas ang demand o ang paggasta kaya matatahak ang presyo paitaas.
5. Monopolyo o Kartel .
6. Kapag nakontrol ang presyo at dami ng produkto, malaki ang posibilidad na maging mataas ang presyo.
7. Pagdepende sa importasyon para sa hilaw na sangkap.
8. Paghingi ng karagdagang sahod ng mga manggagawa.
9. Mataas na interes ang ipinapataw sa mga utang.
10. Maraming produkto ang hindi kayang bilhin ng mamamayan.

III. Ibigay ang buong kahulugan ng bawat akronym.

1. BSP-
2. PDIC-
3. CPI-
4. PPI-
5. DBP-
6. SSS-
7. GSIS-
8. PAG-IBIG- `
9. SEC-
10. DOH-

Inihanda ni:
Gng. Florita C. Lagrama
GURO

You might also like