You are on page 1of 5

NOAH’S ACADEMY INC.

GRADE 9 – ARALING PANLIPUNAN


JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
GRADE 9

Pangalan: __________________________________ Seksyon:____________ Marka : _________


/50

I. PANUTO: Bilugan ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Ang Ekonomiks ay isang siyentipikong pamamaraan sa pagsusuri ng mga suliraning may kaugnayan at
epekto sa isang ekonomiya. Ano ang nagpapatunay sa konseptong ito?
a. Ang Ekonomiks ay may malawak na saklaw sa ating buhay.
b. Ang Ekonomiks ay hindi nakakaimpluwensiya sa ating kasalukuyang kalagayang pang-ekonomiya.
c. Ang Ekonomiks ay paraan ng pagsisikap ng tao upang mabuhay lamang.
d. Sa Ekonomiks, nabibigyan ng kasagutan ang bawat suliranin.
2. Ang Ekonomiks ay inuring agham panlipunan. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay nito?
a. nakatuon ang pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa
b. dito nakasalalay ang pagsibol ng bagong nilalang
c. dito nababatay ang mga paniniwala at saloobin ng tao
d. nakatuon ang kagalingan ng bawat tao
3. Ang paghahangad ng tao na umunlad ang pamumuhay ang nagpabago ng kanyang gawain mula sa simple
tungo sa masalimuot na paraan. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Ang uri ng pamumuhay ngayon ay bunga ng nakaraang gawain o paraan upang mabuhay.
b. Ang nakaraan ang pundasyon ng ating kasalukuyan.
c. Ang pag-unlad ay bunga ng bukas na kaalaman.
d. Mayroong pag-unlad sa bawat pagsisikap.
4. Mapalad ang Pilipinas sa pagkakaroon ng masaganang likas na yaman. Anong katotohanan ang
nagpapatunay nito?
a. Ang Pilipinas ay may iba’t-ibang uri ng likas na yaman na lubhang makatutulong sa mga
pangangailangan ng mga mamamayan at ng bansa.
b. Ang Pilipinas ay naging tanyag dahil dito.
c. Maraming dayuhan ang naganyak pumunta sa Pilipinas.
d. Bukas ang Pilipinas para sa mga dayuhang mangangalakal.
5. Suliranin ng ating lupain dulot nang pagkawala ng matatabang lupa na kailangan upang maparami ang
produksyon ng produkto na mahalaga sa ekonomiya ng bansa.
a. pamatay peste c. kaingin system
b. erosyon d. illegal logging
6. Ang mabilis na pagkaubos ng ating kagubatan ay malaking suliranin ng bansa. Paano ito haharapin ng
pamahalaan?
a. Magkaroon ng “political will” ang gobyerno na ipatupad ang batas at parusahan ang sinumang
lalabag dito mahirap man o mayaman.
b. Hikayatin ang mga mamamayan na magtanim ng mga puno.
c. Hahayaan na lamang ng pamahalaan ang nasabing suliranin.
d. Babantayan ang bawat kilos ng mga mamamayan.
7. Maraming suliraning pangkabuhayan ang nararanasan o kinakaharap ng tao. Kabilang sa mga ito ang
kasapatan ng pagtugon sa pang-araw-araw na pangangailangan kung saan naging limitado ang mga ito sa
simula pa lamang. Alin sa sumusunod ang naging sanhi ng mga ito?
a. kakulangan b. populasyon c. kakapusan d. kasaganaan
8. Ang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa ay nagbabago dahil sa iba’t-ibang salik na nararanasan nito.
Ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng kalamidad na naging sanhi sa pagkakaroon ng . . .
a. kalabisan b. kakulangan c. kakapusan d. kahirapan
9. Salat ang pinagkukunang-yaman ng bansa upang tugunan ang lahat ng pangangailangan ng mamamayan
nito. Ano ang paraan upang isagawa ang wasto at pantay-pantay na pamamahagi ng salat na yamang nito?
a. alokasyon b. pagkonsumo c. distribusyon d. pagrarasyon
10. Isang sistemang pangkabuhayan kung saan binibigyang halaga ang nasyonalismo at ang kapakanan ng
estado kaysa kabutihan ng kalagayan ng indibidwal.
a. kapitalismo b. komunismo c. pasismo d. sosyalismo
11. Ang patuloy na pagtaas ng populasyon ay lubhang nakakaapekto upang mapanatili ang balanse ng
populasyon at pinagkukunang-yaman ng bansa. Alin sa mga sumusunod na programa ang mungkahing
hakbang ng pamahalaan upang maibsan ang patuloy na pagtaas ng populasyon?
a. pagplano ng pamilya c. pagpapaliban ng pag-aasawa
b. pagtatakda ng gulang sa pag-aasawa d. pag-aasawa ng maaga

Inihanda ni: Bb. Kyna Rae C. Sta. Ana


NOAH’S ACADEMY INC. GRADE 9 – ARALING PANLIPUNAN
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
GRADE 9

12. Dapat matugunan ang pangangailangan ng bawat tao sa isang bansa. Alin sa mga ito ang dapat bigyang
pansin?
a. pagkain, damit, tirahan c. damit, sasakyan at pagkain
b. tirahan, alahas at sasakyan d. tirahan, trabaho at luho
13. Ang pagkonsumo ay ginagawa ng tao upang matugunan ang mga pangangailangan at magkaroon ng
kasiyahan sa buhay. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay nito?
a. Ang tao ay may sadyang walang katapusang pangangailangan.
b. Ang tao ay naghahangad na matugunan ang kanilang hilig at pangangailangan upang mabuhay at
masiyahan.
c. Ang tao ay laging may pangangailangan upang masiyahan.
d. Ang tao ay laging nasisiyahan sa pagtugon sa pangangailangan.
14. Ang mga bagay na ating nakikita at naririnig ay nakakaapekto sa ating pagkonsumo. Suriin kung anong
gawain sa ibaba ang maaaring makahikayat sa iyo bilang mamimili upang magkonsumo ng isang produkto.
a. panonood ng telebisyon c. pagbabasa ng diyaryo
b. pakikinig ng radyo d. pagtingin sa billboards
15. Ang kasanayang entreprenyuryal (entrepreneurial skills) ay mahalagang sangkap sa paglago ng ekonomiya
ng bansa. Ang kanilang kontribusyon ay nauugnay sa . . .
a. produksyon b. pagkonsumo c. pamamahagi d. pag-imbento
16. Lahat tayo ay kumukonsumo ng mga produkto na naaayon sa ating pangangailangan at kasiyahan. Sa
pamamagitan nito, inilalarawan natin ang mga uri ng pagkonsumo. Alin sa mga sumusunod ang hindi uri ng
pagkonsumo?
a. Tuwiran o direkta b. Produktibo c. mapanuri d. mapanganib
17. Maraming organisasyon sa negosyo kung saan nakatutulong sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng bawat
tao. Kabilang sa mga ito ay ang isang organisasyon ng negosyo na itinuturing na pinakamatanda at
pinakapangkaraniwang uri ng samahan. Alin sa sumusunod ang inilalarawan ng pahayag?
a. Isahang pagmamay-ari b. Sosyohan c. korporasyon d. kooperatiba
18. Isang paglalarawan hinggil sa galaw ng indibidwal na tao, sambahayan, bahay-kalakal, industriya at
pamilihan. Tinatalakay nito ang maliit na yunit pang-ekonomiya ng isang bansa. Ano ang tinutukoy ng
pahayag na ito?
a. Ekonomiks b. Makroekonomiks c. Maykroekonomiks d. Implasyon
19. Maraming demand na kinakailangan na matugunan ang bawat tao. May iba’t-ibang paraan kung paano
tugunan ang mga ito. Isang salik ng demand na nakaaapekto sa kakayahan ng mamimili na bumili ng mga
produkto at serbisyo. Anong salik ang tinutukoy nito?
a. panlasa b. kita c. presyo d. espekulasyon
20. Bilang bahagi ng Ekonomiks, ito ay naglalarawan ng kabuuang kita, pangkalahatang presyo, trabaho,
produsyon, at gastos o bayarin. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng ekonomiya sa kabuuan. Ano ang tinutukoy
ng pahayag?
a. Maykroekonomiks c. Makroekonomiks
b. Gross National Product d. per capita income
21. May iba’t-ibang saklaw ang maykroekonomiks. Batay sa sumusunod na saklaw, alin sa mga sumusunod
ang hindi kabilang dito?
a. Sambahayan b. bahay-kalakal c. samahang-bayan d. presyo
22. Sinusukat ang kabuuang halaga ng produkto at serbisyong nagagawa ng ekonomiya ng isang bansa sa
loob ng isang taon. Ano ang ginagamit na panukat upang matukoy ang ganitong kalagayan?
a. Per capita income c. Consumer Price Index
b. Gross National Product d. Marginal Propensity to Consume
23. Tumutukoy ito sa isang kalagayan kung saan ito ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produkto at
serbisyo at lahat ng bilihin sa pamilihan na makatutugon sa pangangailangan ng bawat tao.
a. Cost push inflation c. implasyon
b. Demand pull inflation d. deplasyon
24. Ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo sa halos lahat ng pamilihan sa buong ekonomiya ay
nakakaapekto sa kalagayang pangkabuhayan ng bawat mamamayan. Kabilang dito ang pagkakaroon ng
implasyon. Alin sa sumusunod ang hindi sanhi o dahilan ng implasyon?
a. Pagtaas ng suplay ng salapi
b. Pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan
c. pagtaas ng gastos sa produksyon
d. pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan
Inihanda ni: Bb. Kyna Rae C. Sta. Ana
NOAH’S ACADEMY INC. GRADE 9 – ARALING PANLIPUNAN
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
GRADE 9

25. Ang implasyon ay isang suliraning pangkabuhayan na lubhang nagpapahirap sa pamumuhay at kabuhayan
ng mga mamamayan ng isang bansa. Alin sa sumusunod na pahayag ang paraan para malunasan ang
suliraning ito?
a. Dapat takdaan ang dami ng suplay ng salapi sa sirkulasyon.
b. Taasan ang gastos kaysa kita.
c. Kontrolin ang investment sa bansa.
d. Pabayaan ang mga magsasaka sa mga gawain nito.
26. May iba’t-ibang institusyon ng pananalapi sa ating bansa. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa
mga institusyong ito?
a. bangko b. sanglaan c. paseguruhan d. appliance center
27. Ang patakarang piskal ay ginagamit ng pamahalaan upang mapaayos ang kalagayan ng pananalapi sa
bansa. Ang mga sumusunod ay sanhi ng paggamit ng patakarang piskal maliban sa . . .
a. pagbubuwis c. pagpapairal ng surplus sa badyet
b. paglaban sa implasyon d. pagkakaroon ng deficit
28. May iba’t-ibang pinagkukunan ng pondo ang pamahalaan upang gamitin para mapaayos ang kalagayang
pangkabuhayan ng bansa. Alin sa sumusunod ang pinakamalaking pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan?
a. koleksyon ng buwis c. tulong mula sa mga dayuhang bansa
b. paggawa ng salapi d. pagbibili ng mga lupaing pag-aari ng pamahalaan
29. Alin ang pinakamahalagang dahilan ng pagpataw ng buwis sa mga kalakal na pumapasok sa bansa?
a. Mapangalagaan ang lokal na produkto.
b. Mabigyang-sigla ang pag-aangkat.
c. Makalikom ng mas maraming dolyar.
d. Makabawi sa buwis na nakapataw sa mga produktong nailuwas sa ibang bansa.
30. Alin ang makatulong sa paglutas ng implasyon?
a. maayos na pagbabadyet, pagkokolekta ng buwis at paggugol ng pamahalaan
b. pagtakda ng tamang presyo
c. paglimita sa pag-aangkat
d. paglimita sa produksyon
31. Alin ang tumutukoy sa paggamit ng pagbubuwis at paggastos ng gobyerno upang mapatatag ang
ekonomiya ng bansa?
a. patakarang piskal c. patakarang politikal
b. patakarang pananalapi d. patakaran sa kita
32. Ano ang nangyayari kapag sumusobra ang gastos ng pamahalaan kaysa sa nakokolekta nitong buwis?
a. Nagkakaroon ng depisit sa badyet. c. Nagkakaroon ng surplus sa badyet.
b. Nagkakaroon ng deplasyon. d. Lumiliit ang utang ng pamahalaan.
33. Ang pagsasaayos ng mga programang pangkabuhayan ng bansa ay pangunahing layunin ng pamahalaan
upang mapangalagaan ang mga mamamayan nito. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa patakarang
piskal ng pamahalaan?
a. mapatatag ang kalagayang pampulitika ng bansa c. malutas ang implasyon at kawalan ng trabaho
b. mapataas ang antas ng pagkakautang ng bansa d. pagsasaayos ng mga spillover sa ekonomiya
34. Ang bawat programa ng pamahalaan ay nakatuon sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan
nito. Kaya naging matalino ang mga ito sa paggugol ng pondo na inilalaan sa mga programang
pangkabuhayan upang maisaayos ang pamumuhay ng bawat tao. Ang paggugol na ito ay tinatawag na . . .
a. patakarang piskal c. pambansang kita
b. pagbubuwis d. Gross National Product
35. Sa lahat ng sektor na tumataguyod sa ekonomiya, hindi ito gaanong umaasa sa pag-aangkat. Malaki ang
naitutulong nito sa kaunlaran ng bansa dahil sagana ang Pilipinas sa likas na yaman at yamang-tao. Sa
kasalukuyan, itinuturing na isang kritikal na sektor sa ekonomiya na nangangailangan ng masusing pansin ng
pamahalaan. Alin sa sumusunod ang tinutukoy ng pahayag?
a. pangingisda b. agrikultura c. paggugubat d. pagmimina
36. Maraming pagbabagong nangyayari sa kasalukuyan na nauugnay sa klima na nararanasan ng ating bansa
dulot ng hindi balanseng kalagayang pangkapaligiran. Ito ay dulot ng suliraning pang-agrikultura kung saan
hindi pangkaraniwang pangyayari sa pandaigdigang klima dahil sa pagkakulong ng init ng araw sa atmospera
dulot ng karbon dioxide, nitrogen oxide at chlorofluorocarbon. Anong suliraning pangkapaligiran ang
tinutukoy?
a. polusyon b. erosyon c. global warming d. pagkaubos ng kagubatan

Inihanda ni: Bb. Kyna Rae C. Sta. Ana


NOAH’S ACADEMY INC. GRADE 9 – ARALING PANLIPUNAN
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
GRADE 9

37. Ang pagpasok ng Pilipinas sa World Trade Organization (WTO) ay nakapagbibigay ng pagkakataon na
makipagkalakalan sa pandaigdigdigang pamilihan at maganyak ang lokal na tagagawa na maging mahusay at
maipakita ang kakayahan sa larangan ng kainamang kapakinabangan. Alin sa sumusunod ang nagbibigay
daan nito?
a. APEC b. GATT c. NAFTA d. LAFTA
38. Ang paglikha ng isang produkto ay dumaan sa isang proseso upang maisakatuparan ang pagkakabuo
nito. May mga uri ng mga gawaing pangkabuhayan sa sektor ng industriya na napapabilang ang paglinang ng
likas na yaman sa mga lupain at anyong tubig.
a. Primary b. Tersarya c. Sekondarya d. industriya
39. Upang mapalago ang mga industriya sa bansa, nagtatag ng mga programa at proyekto sa maliliit at
katamtamang laking industriya. Kabilang sa mga ito ang pagpapautang ng Word Bank sa maliliit at
katamtamang-laking entrepreyur para sa pangkinabukasang kaunlaran ng mga industriya sa Piipinas. Aling
programa ang tinutukoy dito?
a. Self-Employment Loan Assistance c. Industrial Guarantee and Loan Fund
b. Kabalikat sa Pagpapaunlad ng Industriya d. Agro-Industrial Technology Transfer Programa
40. Kabahagi ang pamahalaan sa paggalaw ng ekonomiya. May mga pangunahing tungkuling ginagampanan
ito upang maging maayos ang paggalaw ng ekonomiya. Alin sa sumusunod ang HINDI tungkulin ng
pamahalaan?
a. Pangangalaga sa pribadong ari-arian c. Pagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga nagbabayad
b. Pagtataguyod sa kompetisyon d. Pagbibigay ng pampublikong kalakal
41. Ang yamang-tao ay binubuo ng mga kakayahan, talino, abilidad at lakas ng tao na ginagamit sa paglikha
ng mga produkto at serbisyo. Anong katotohanan ang nagpapatunay nito?
a. Ang yamang-tao ang lumilinang ng likas na yaman upang matamo ang kapakinabangan ng mga ito.
b. Ang yamang-tao ang kumakatawan sa bansa.
c. Ang yamang-tao ang salik sa pag-unad.
d. Ang yamang-tao ay mahalaga sa ekonomiya.
42. May panuntunan ang pamahalaan hinggil sa pampublikong paggasta upang matiyak na para ito sa
ikabubuti ng nakararami at naaayon sa batas. Dulot nito, kinakailangang maipamahagi ito ng pantay sa
mamamayan ng bansa. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pampublikong paggasta?
a. Panuntunan ng pagtitipid c. panuntunan sa pansariling interes
b. Panuntunan ng pangangailangan d. panuntunan sa pagiging produktibo
43. May laya ang bawat tao na magtrabaho at maghanap ng ikabubuhay ng sarili at ng pamilya. Gayunpaman
may limitasyon ang kalayaang ito. Kabilang sa mga gawaing pangkabuhayan ang mga impormal na gawaing
pang-ekonomiya. Anong anyo ng impormal na gawain ang naglalarawan ng pag-iwas sa pagbabayad ng
buwis at maling pagdeklara ng buwis?
a. Illegal na ekonomiya c. di-nakareport na ekonomiya
b. Counter-trade d. di-nakatalang ekonomiya
44. Isang salik ang kahirapan sa pagkakaroon ng impormal na sektor ng ekonomiya. Ayon sa isang
ekonomistang Pilipino, karamihan sa mga gawaing impormal sa ekonomiya ay likas na tugon ng karamihang
Pilipino na naghihirap. Sino ang ekonomistang ito?
a. Andres Castillo b. Bernardo Villegas c. Roberto de Ocampo d. Leuterio Tolentino
45. Ang patuloy na paglaganap ng impormal na ekonomiya ang palatandaan ng paghina o pagkawalang-bisa
ng mga batas dahil hindi na kaya ng mahihirap ang sumusunod. Ano ang pwedeng gawin ng pamahalaan
ukol dito?
a. Pabayaan na lang ang mga gumagawa nito.
b. Bigyan ng pera ang mga ito upang tumigil na sa nabanggit na gawain.
c. Magsagawa ng mga programang pangkabuhayan sa mga ito.
d. Ikulong ang mga taong sangkot sa mga gawaing ito.
46. Nakasalalay nang malaki ang ekonomiya ng Pilipinas sa pakikipagkalakalan nito sa ibang bansa. Kaugnay
nito ang pagsanib ng Pilipinas sa APEC, isang samahanng mga bansa sa larangan ng pakikipag-ugnayang
pang-ekonomiya. Sa anong rehiyon kabilang ang APEC?
a. Kanlurang Asya b.Timog Asya c. Asya-Pasipiko d. Hilagang Asya
47. Ang pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa ay nakatutulong sa pag-unlad ng
ekonomiya. Dahil dito tinagurian silang mga “Buhay na Bayani” sa kasalukuyang panahon. Sa anong paraan
sila nakatutulong sa ating bansa?
a. Dahil sa paghihirap nila sa kanilang pamilya.
b. Dahil naipapakita nila ang tunay na pagkatao ng mga Pilipino.
Inihanda ni: Bb. Kyna Rae C. Sta. Ana
NOAH’S ACADEMY INC. GRADE 9 – ARALING PANLIPUNAN
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
GRADE 9

c. Dahil sa ipinapadala nilang pera sa kanilang pamilya.


d. Dahil sa katatagang-loob na ipinamalas para sa bayan.
48. Ang pakikipagkalakalan sa labas ng bansa ay nakapagbibigay ng malaking tulong para mapaunlad at
mapaayos ang mga gawaing pang-ekonomiya ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga
patakaran at programa sa kalakalang panlabas ng bansa?
a.Pagbubukas ng ekonomiya sa mga malayang puwersa ng pamilihan.
b. Pagpapatibay ng pagtutulungang pang-ekonomiko at teknikal.
c. Paghina ng mga produktibong lokal na labis na napabayaan.
d. Pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at pribadong sektor.
49. Hindi pa lubos na napagtitibay ang malayang kalakalan sa maraming bansa dahil sa pagbabawal na
ipinapataw sa mga ito. Ito’y isang paraan para proteksyonan ang ekonomiya ng isang bansa. Ang mga
sumusunod ay mga balakid sa malayang kalakalan maliban sa . . .
a. mababalanse ang pandaigdigang pagbabayad
b. mapangalagaan ang pambansang seguridad
c. mapangalagaan ang mga nagsisimulang negosyante
d. mahigitan ang pag-unlad ng ekonomiya ng ibang bansa
50. Nagsisikap ang bawat bansa na mapaayos ang kalagayang pangkabuhayan nito. Ito ay isang paraan
upang magkaroon ng maunlad na pamumuhay ang mga mamamyan nito. Ano ang tawag sa kakayahan ng
isang bansa na makipagkumpetensya sa ibang bansa?
a. industriyalisasyon b. globalisasyon c. modernisasyon d. liberalisasyon

“Sa FACEBOOK post puro HUGOT, sana pagdating sa pagsusulit siguraduhin na may SAGOT.”

Inihanda ni: Bb. Kyna Rae C. Sta. Ana

You might also like