You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division of Olongapo City
SERGIA SORIANO ESTEBAN INTEGRATED SCHOOL CORAL II

Unang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 9


Panuruang Taon 2022-2023

Pangalan: _______________________________________ Pangkat: ________________ Puntos: _________

I. Multiple Choice: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang na nakalaan.

_____1. Ang ekonomiks ay mula sa salitang Griyego na “oikos” na ang ibig sabihin ay bahay at
“nomos” na ang ibig sabihin ay ______.
a. Pananagutan b. Pamamahala c. Paggsasagawa d. Pagkabuo
_____2. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga konsepto sa ekonomiks maliban sa:
a. Credit b. Trade- Off c. Marginal thinking d. Opportunity cost
_____3. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:
a. Pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang
kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
b. Nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
c. Pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
d. Pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.
_____4. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng
desisyon?
a. Dinadaluhang okasyon
b. Kagustuhang desisyon
c. Opportunity cost ng desisyon
d. Tradisyon ng pamilya
_____5. Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan?
a. Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap.
b. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa.
c. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita.
d. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa
ibang bansa.
_____6. Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mgan
pangungusap ang nagsasaad ng diwang ito?
a. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng mga
tao sa lipunan kaya’t nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman.
b. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga
patakaran ng mayayamang bansa.
c. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kayat
dapat ipagpatuloy and produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas
sa daigdig.
d. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy
na tumaas ang antas ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga
mamamayan sa isang bansa.
_____7. Anong sangay ng Agham Panlipunan ang nag-aaral kung paano matutugunan ng mga
tao ang kanilang pangangailangan at kagustuhan kahit limitado lamang ang
pinagkukunang-yaman?
a. Antropolohiya c. Heograpiya
b. Ekonomiks d. Sosyolohiya

_____8. Masaya si Lydia sa kanyang napiling baunan dahil maliban sa ito ay maganda at mura,
eco-friendly pa. Ang sitwasyon na ito ay isang halimbawa ng anong konsepto ng
matalinong pagdedesisyon?
a. Incentives c. Opportunity Cost
b. Marginal Thinking d. Trade-off

_____9. Sa pag-aaral ng ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng kakapusan.


Bakit nararanasan natin ang kakapusan?
a. Ito ay dahil sa hindi tamang paggamit ng likas na yaman
b. Ito ay dahil sa masyadong malaki ang populasyon at konti lang ang pinagkukunang-
yaman
c. Ito ay dahil sa mapaminsalang kalamidad na nararanasan
d. Ito ay dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao kahit
limitado ang pinagkukunang-yaman
_____10. Maraming tao ang naapektuhan ang kanilang kabuhayan dahil sa krisis dulot ng
pandemya sa COVID19, Bilang mag-aaral, paano mo matutulungan ang iyong pamilya sa
pagharap ng krisis sa ekonomiya?
a. Ikaw ay magtatrabaho upang madagdagan ang kita ng iyong pamilya.
b. Maging masinop sa paggasta ng iyong pera at bilhin lamang ang pangunahing
pangangailangan.
c. Hindi makikialam sa magiging desisyon ng iyong mga magulang sa usapin sa pera.
d. Pag-aaral lamang ang iyong aasikasuhin dahil hindi mo naman responsibilidad ang
paghahanapbuhay sa kasalukuyan.

____11. Ang suliranin sa kakapusan ay bahagi na ng buhay ng tao. Para maiwasan ang paglala
ng suliraning ito, kailangang magdesisyon ang lipunan batay sa apat na pangunahing
katanungan pang-ekonomiko. Ang “tradisyunal na paraan o paggamit ng teknolohiya” ay
sumasagot sa aling katanungang pang-ekonomiko?
a. Anu-anong produkto o serbisyo ang gagawin?
b. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
c. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
d. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?

_____12. Aling salik ang nakaaapekto sa pangangailangan ang ipinapakita ng pagkahilig ng mga
mayayaman at makabagong tinedyer sa sophisticated gadgets at personal na kagamitan?
a. Antas ng kita
b. Antas ng edukasyon
c. Paniniwala sa buhay
d. Panlasa ng tao ayon sa gulang

_____13. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga
mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyong mga
prodyuser.
a. Likas-yaman
b. Pamahalaan
c. Presyo
d. Prodyuser
_____14. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at
regulasyon ng:
a. Konsyumer c. Pamilihan
b. Pamahalaan d. Prodyuser

____15. Alin sa sumusunod ang may pinakawastong interpretasyon sa kasabihang, “There isn’t
enough to go around.” ni John Watson Howe?
a. May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa
pangangailangan ng tao.
b. Ang walang pakundangan na paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa
kakapusan.
c. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunang-
yaman.
d. May Hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig.

_____16. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng
mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga
prodyuser.
a. Likas-yaman
b. Pamahalaan
c. Presyo
d. Prodyuser

____17. Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?


a. Upang mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa.
b. Upang makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
c. Upang makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paano episyenteng
magagamit ang pinagkukunang-yaman ng bansa.
d. Upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

_____18. Ang sistemang pang-ekonomiko ay sumasagot sa apat na pangunahing pang-


ekonomiko. Alin sa sumusunod ang kasagutan ng Traditional Economy sa katanungang:
Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
a. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan.
b. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa utos ng pamahalaan.
c. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
d. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan at
pamahalan.

____19. Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-


yaman ng bansa?
a. Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan
mula rito.
b. Upang mas lumaki ang kita nga ekonomiya ng ating bansa at ng mamamayan nito.
c. Mas mapalawig ang yamang-likas ng isang bansa na kagaya ng ating bansa.
d. Nararapat itong bigyang pansin dahil sa katotohanang may kakapusan na umiiral.

_____20. Sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa mundo, anong katangian na


nakapagbubukod-tangi sa sistemang mixed economy na siyang dahilan upang ito ang
ginagamit ng mas nakararaming bansa?
a. Ang pagkontrol ay alinsunod sa komprehensibong kontrol at regulasyon ng
pamahalaan.
b. Ang anomang produkto na kanilang nalilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang
pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.
c. Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipagugnayan sa
pamamagitan ng presyo at pangangasiwa ng gawain
d. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok
o makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan,
katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado

____21. Ang sistemang pang-ekonomikong ito ay sumasagot sa unang katanungang pang-


ekonomiko batay sa puwersa ng pamilihan.
a. Traditional Economy c. Command Economy
b. Market Economy d. Mixed Economy

_____22. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kabayaran sa paggamit ng kapital sa proseso ng


produksyon?
a. Interes C. Pera
b. Kita D. Regalo

_____23. Ang isang entrepreneur ay itinuring bilang “Kapitan ng Negosyo”. Ang sumusunod
ay katangiang taglay niya MALIBAN sa:
a. Puno ng inobasyon
b. Maging malikhain
c. May kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan
d. Handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo

____24. Sa pang araw-araw na buhay ng mga tao ay may pagkonsumo. Alin sa mga
pahayag sa ibaba ang nagpapatunay sa pagkakaiba ng produksyon at pagkonsumo?
a. Ang produksyon ay pagproseso ng produkto at ang pagkonsumo ay paggamit ng
produkto.
b. Nililikha ang produkto sa produksyon, samantala ginagamit ito sa pagkonsumo.
c. Ang produksyon ay proseso ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng
produkto at ang pagkonsumo ay pagbili at paggamit ng produkto na magbibigay ng
kapakinabangan sa tao.
d. Sa produksyon maraming produktong bibilhin samantala sa pagkonsumo nasisiyahan
ang mga tao sa pagbili ng produkto

_____25. Paano nakatulong ang paggamit ng makinarya sa produksyon?


a. Maraming hilaw na sangkap ang magagamit
b. Maraming output ang mabubuo
c. Mas magiging mabilis ang paglikha ng mga produkto
d. Matutugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer

____26. Ang ilustrasyon sa ibaba ay tungkol sa produksyon. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a. Magaganap lamang ang produksyon kung kumpleto ang mga salik sa gagamitin dito.
b. Magiging mas produktibo ang produksyon kung mas marami ang lakas-paggawa kaysa
sa mga makinarya.
c. Ang produksiyon ay ang proseso ng pagsasama-sama ng input tulad ng lupa, lakas
paggawa, kapital, at intreprenyur upang makabuo ng produkto at serbisyo.
d. Ang produksyon ay proseso ng pagsasama-sama ng output tulad ng produkto at
serbisyo upang makabuo ng input tulad ng lupa, paggawa, kapital at kakayahan ng
entreprenyur.
_____27. Sa paanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang impormasyon?
a. Pag- aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami at komposisyon sa
produkto
b. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong bibilhin
c. Palagiang gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran
d. Palagiang pumunta sa timbangan ng bayan upang matiyak na husto ang bibilhing
produkto

_____28. Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkonsumo?


a. Maraming kalagayan ang isinasaalang-alang
b. Magkakaiba ang katangian ng mga nakakaapekto dito
c. Magkakaiba ang pangangailangan ng tao
d. Hindi tiyak ang pangyayari sa lipunan

_____29. Sa pagbabago ng presyo, sa anong pagkakataon tumataas ang pagkonsumo?


a. Kakaunti ang suplay
b. Marami ang suplay
c. Mataas ang presyo
d. Mababa ang presyo

____30. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng mga inaasahan na kabilang sa mga salik na
nakakaapekto sa pagkonsumo?
a. Araw ng eleksyon
b. Kaarawan
c. Kalamidad
d. Palabas sa telebisyon

_____31. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na may naiibang katangian ang lupa bilang salik
ng produksyon?
a. Tinataniman ng mga magsasaka
b. Patayuan ng mga imprastraktura
c. Itinuturing ito na fixed o takda ang bilang
d. Pinagmumulan ito ng mga input sa produksyon

_____32. Ang produksyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng:


a. Paggamit ng mga hilaw na sangkap
b. Pagtayo ng mga pabrika
c. Pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output o produkto
d. Pagkamalikhain ng mga manggagawa

_____33. Ang isang entrepreneur ay itinuring bilang “Kapitan ng Negosyo”. Ang sumusunod ay
katangiang taglay niya MALIBAN sa:
a. puno ng inobasyon
b. maging malikhain
c. may kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan
d. handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng Negosyo

_____34. Ang input ay mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto. Sa nabuong output na
“mesa at silya”, alin sa sumusunod ang mga input nito?
a. kagamitan, makinarya
b. kahoy, kagamitan, makinarya
c. kagamitan, makinarya, manggagawa, kahoy
d. tabla, makinarya, teknolohiya

_____35. Ano ang magiging epekto ng pag-aaksaya ng tubig na isang pangangailangan tuwing
naliligo ang mga miyembro ng sambahayan sa kabuuang supply ng tubig ng inyong
subdibisyon?
a. Tataas ang bayarin sa nakunsumong tubig ng bawat bahay.
b. Mapuputol ang supply ng tubig ng iyong mga kapitbahay.
c. Kakaunti ang supply ng tubig para sa ibang gamit ng sambahayan
d. Magkakagulo ang mga tao sa pagkuha ng supply ng tubig

______36. Inaanyayahan ka ng iyong kaibigan na dumalo sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan


na gaganapin sa gabi pagkatapos ng inyong klase. Gayunman, kailangan mo na ring
umuwi nang maaga dahil magkakaroon ng pagsusulit sa inyong klase. Sa kabila nito,
nais mo pa ring paunlakan ang paanyaya ng iyong kaibigan. Ano ang pinakamabuting
desisyon na iyong gawin?
a. Paunlakan ang paanyaya at matulog pagdating sa bahay.
b. Hayaan anuman ang kahihinatnan nng piniling pagpapasya.
c. Bigyang-halaga ang mas mabuting makamit mula sa pagkakataon.
d. Bigyang-halaga ang kasiyahang madarama sa pagdalo.

_____37. Bilang miyembro ng pamilyang Santos, ano ang gagawin mo sa personal na antas
upang maibsan ang suliraning kinakaharap ng iyong pamilya?
a. Gumawa ng estadistika ng mga gastusin sa paaralan.
b. Maglista ng mga haka-haka na makakatulong sa pag-unawa ng suliranin.
c. Gumawa ng badyet na naglalayong maging produktibo, makatotohanan at may
kaangkupan.
d. Sundin ang mga hakbang na batayan ng matalinong pagpapasiya.

_____40. Isa sa mga tungkulin ng mamimili ay ang pagkakaroon ng malasakit panlipunan, sa


paanong paraan nakakatulong sa kapwa ang pagtangkilik natin sa mga produktong
sariling atin?
a. Sa pagtangkilik natin sa ating mga produkto, mas nakikilala ito ng ibang bansa.
b. Sa ganitong paraan, mas marami ang mahihikayat na magnegosyo at umasenso sa
buhay.
c. Maiiwasan ang pagkakaroon ng artipisyal na kakulangan sa mga produkto dahil
dadami ang demand dito.
d. Wala itong epekto dahil ang konsyumer ay may karapatang pumili ng produkto at
serbisyo na kanyang bibilhin.
Para sa aytem 41-50
Panuto: Isulat ang produkto at nawawalang salik ng produksyon sa patlang, gumuhit sa kahon
ng halimbawa ng mga salik na angkop sa produkto.
Halimbawa:

Pamantayan 10 8 5 3
napakahusay mahusay katamtaman kailangan pang
paghusayan
Malikahain Nagpakita ng Mahusay ang Maayos Kinakailangan pang
napag-guhit malikhaing pagkakaguhit subalit may mas paghusayan
pag guhit sa ng mga datos kaunting ang gawain
datos na dapat pag
hinihingi pahusayan
Nailahad ng Nailahad ng Mahusay na Nabigyan Hindi nabigyan ng
maayos ang napakahusay nailahad ang pansin ang malinaw na
hinihingi ng ang hinihingi hinihingi ng hinihingi na pagkakaguhit ang
panuto. ng panuto panuto datos subalit hinihinging datos.
hindi lahat
naibigay

Prepared by:

Andrea Amor P. Macapanas


Guro sa AP

Reviewed:
Ian Santos B. Salinas
Master Teacher

Emelia L. Ronquillo
Head Teacher

Noted:
Maria Teresa D. Lumibao
Principal II

You might also like