You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
SERGIA SORIANO ESTEBAN INTEGRATED SCHOOL II
Purok 6, Coral Street, Kalaklan, Olongapo City, Zambales

Ika-apat na Lagumang Pagsusulit sa EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9


Panuruang Taon 2020 – 2021

PANGALAN:_______________________________________________ PANGKAT:____________ ISKOR: ____________


I. Panuto:Basahin at suriing mabuti ang mga sumusunod na katanungan/sitwasyon.Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may kinalaman sa iyong kahusayan o galing sa isang bagay o
tiyak na abilidad na maaari mong matuklasan mula sa pakikiharap sa mga taong nakasasalamuha, paglutas ng mga mahihirap na
bagay, pagbubuo at masistemang paraan sa pagkuha ng datos at iba pa.
A. Hilig C. Pagpapahalaga
B. Talento D. Kasanayan (skills)

2. Ano ang dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit niya sa pagpapasiya at malayang pagsasakilos ng kaniyang pinili
at ginusto nang may pananagutan?
A. Kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob
B. Kagalingang mangatwiran at matalas na kaisipan
C. Kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip
D. Kalinawan ng isip at masayang kalooban

3. Ano ang inaasahan sa lipunan na nilikha upang makipagkapuwa at makibahagi sa buhay-sa mundo (lifeworld) na ang layunin ay
makipag-ugnayan sa isa’t isa at makipagtulungan?
A. Makialam C. Makipagkasundo
B. Makiangkop D. Makisimpatya

4. Kung ikaw ay naguguluhan sa mga pagpipili ng kurso para sa nalalapit na Senior High School, ano ang dapat mong gawin?
A. Makinig sa mga gusto ng kaibigan
B. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
C. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
D. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon

5. Si Albert ay mula sa isang negosyanteng pamilya at siya ay nakapagtapos sa kolehiyo. Siya ang saksi sa kasipagan at pagiging
matulungin ng kaniyang mga magulang. Sa kaniyang propesyon, dala niya ito lalo na kapag may mga mahihirap siyang pasyente sa
probinsya kapag nagdaraos sila ng medical mission. Anong pansariling salik ang naging gabay ni Albert sa pagpili ng kurso?
A. Hilig C. Pagpapahalaga
B. Talento D. Kasanayan (skills)

6. Alam ni Cecile na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina gayundin ang kakayahan ng kaniyang magulang na suportahan siya.
Kaya naghanap siya ng mga scholarship grant sa kanilang munisipyo at iba pang institusyon. Nagsulat siya ng mga tiyak niyang plano
at mga paalaala upang maging gabay niya ito. Ano ang pansariling salik ang isinagawa ni Cecile?
A. Mithiin C. Pagpapahalaga
B. Kasanayan D. Hilig

7. Si Alma ay magaling at mahusay sa Matematika. Namana niya ito sa kanyang mga magulang. Bago ang kanilang pagtatapos sa
Junior High School, mayroon na siyang ideya kung ano ang kaniyang pipiliing kurso. Suportado din siya ng kaniyang mga magulang
dahil bukas siya pagdating sa komunikasyon sa mga nais niyang kuning propesyon. Anong pansariling salik ang naging tuntungan
niya sa pagpili ng kurso?
A. Hilig C. Pagpapahalaga
B. Talento D. Kasanayan (skills)

8. Hindi kaya ng mga magulang ni Darrel sa gusto niyang kursong Engineering at mag-aral sa isa sa mga unibersidad sa Baguio. Kaya
naisipan niyang kumuha ng kursong Tech-Voc sa TESDA. Anim na buwan lamang ang pagsasanay at pagkatapos ay may naghihintay
na trabaho sa ibang bansa. Anong pansariling salik ang isinaalang-alang ni Darrel sa kaniyang naging desisyon na maghanap ng
alternatibo bilang tugon sa lumalaking demand sa lipunan?
A. Katayuang Pinansiyal C. Pagpapahalaga
B. Kasanayan D. Talento
9. Bata pa lamang si Ted ay may interes na sa pagbabasa ng mga Educational Book, pagguhit at pagsusulat. Sumasali siya sa mga
paligsahan sa paaralan at nananalo. Ito ang ginawa niyang batayan sa pagpili ng kurso na maging Journalist. Alin sa mga sumusunod
na pansariling salik ang naging daan upang makamit ni Ted ang tagumpay ng kaniyang piniling hanapbuhay?
A. Pagpapahalaga C. Hilig
B. Talento D. Kasanayan

10. Ang lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino at talento. Ano ang mahalagang gampanin na dapat mong
gawin sa mga talino at talentong ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa pagtuntong mo sa Senior
High School?
A. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat
B. Pagtutuunan ng pansin at palaguin
C. Pahalagahan at paunlarin
D. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso
11. Ano ang ibang tawag sa salitang calling?
A. bokasyon C. tamang direksiyon
B. misyon D. propesyon

12. Ito ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.
A. misyon C. propesyon
B. bokasyon D. tamang direksiyon

13. Ito ay ang trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay.


A. misyon C. propesyon
B. bokasyon D. tamang direksiyon

14. Ito ay mahalaga sa pagkakaroon ng makabuluhang buhay at ganap na pagbabago.


A. tamang pagpapasya C. tamang sagisag
B. tamang pangarap D. tamang pagpapakita

15. Ayon kay Fr. Jerry Orbos ang tunay na misyon ay ang paglilingkod sa Diyos at kapwa. Ano ang maibibigay nito sa tao sa oras na
naisagawa ang kaniyang misyon?
A. kapayapaan C. kaligayahan
B. kaligtasan D. kabutihan

16. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksiyon ang isang tao.


A. Upang siya ay hindi maligaw C. Upang mayroon siyang gabay
B. Upang matanaw niya ang hinaharap D. Upang magkaroon siya ng kasiyahan

17. Ang mga sumusunod ay pansariling pagtataya sa paglikha ng Personal na misyon sa buhay maliban sa:
A. pasuri sa ugali at katangian C. pagsukat ng mga kakayahan
B. pagtukoy sa mga pinahahalagahan D. pag-iipon ng mga impormasyon

18. Anong aspeto ang dapat isaalang-alang sa pagsasagawa ng pasya?


A. sarili, simbahan, at lipunan C. paaralan, kapwa, at lipunan
B. kapwa, lipunan, at paaralan D. sarili, kapwa, at lipunan

19. Sa paggawa ng Personal na Misyon sa buhay kinakailangan na ito gamitan mo ng SMART. Ano ang kahulugan nito?
A. Specific, Measurable, Artistic, Relevance, Time Bound
B. Specific, Measurable, Attainable, Relevance, Time Bound
C. Specific, Manageable, Attainable, Relevance, Time Bound
D. Specific, Manageable, Artistic, Relevance, Time Bound
20. Bakit kailangan ng tao ng gabay sa tuwing tayo ay magpapasya?
A. Para maiwasan ang pagkakamali C. Para hindi na kailangan mag-isip sa paggawa ng desisyon
B. Para mapadali ang pagdedesisyon D. Wala sa nabanggit

21. Mula elementarya ay magkakaibigan na sina Carlos, Andrei, Zyrus, Ace, at Lexter. Ngayong nasa High School na sila ay pinag-uusapan
na nila na Computer Programmer ang kukunin nilang kurso sa kolehiyo. Anong panlabas na salik ang nakaimpluwensiya sa kanila?
A. Impluwensiya ng Pamilya C. Impluwensiya ng Barkada
B. Lokal na demand D. Kakayahang pinansiyal

22. Ang paglaganap ng pandemya sa bansa ay isa sa suliranin na kinakaharap nito ngayon. Kung kaya’t nagkaroon ng Job Fair para sa mga
doctor at nurse dahil na rin sa kakulangan dito. Saang panlabas na salik kabilang ito?
A. Impluwensiya ng Pamilya C. Impluwensiya ng Barkada
B. Lokal na demand D. Kakayahang pinansiyal

23. Pangingisda ang ikinabubuhay ng pamilya nina Pauline. Isa siyang scholar sa kanilang eskwelahan dahil na rin sa katalinuhang
taglay niya. Nais niyang maging abogado, ngunit dahil na rin sa kahirapan ng kanilang pamumuhay ay hindi siya makakayang pag-
aralin ng kaniyang magulang sa nais niyang kurso.
A. Impluwensiya ng Pamilya C. Impluwensiya ng Barkada
B. Lokal na demand D. Kakayahang pinansiyal

24. Pamilya ng mga guro sina Jiress. Kung kaya’t nais din niyang maging guro sa hinaharap. Alin panlabas na salik ang
nakaimpluwensya sa kanya?
A. Impluwensiya ng Pamilya C. Impluwensiya ng Barkada
B. Lokal na demand D. Kakayahang pinansiyal

25. Isa sa hinahangang Guro ni Princess si Gng. Valencia. Kaya sumanggun siya dito sa kukunin niyang kurso sa kolehiyo. Hindi pa
kasi siya sigurado sa kukunin niyang kurso. Alin panlabas na salik ang naka impluwensiya kay Princess?
A. Impluwensiya ng Pamilya C. Impluwensiya ng Barkada
B. Lokal na demand D. Gabay ng guro o Guidance Advocate

II. Panuto: Isulat ang Tama kung tama ang salitang nakasalungguhit sa pangungusap at itama ang Salitang may salungguhit kung ito
ay Mali, isulat ang sagot sa patlang.

__________ 1. Ang produktibong manggagawa ay masasabing isang asset ng kaniyang kompanya o institusyong kaniyang
kinabibilangan.
__________ 2. Ang pagkakaroon ng makabuluhang hanapbuhay. Dito, hindi lamang makatutulong na maiangat ang antas ng iyong
buhay.
__________ 3. Ang panloob at panlabas na salik ay hindi isinasaalang–alang sa pagpili ng track o kurso.
__________ 4. Ang panloob at panlabas na salik ay ang unang isinasaalang-alang sa pagpili ng track o kurso.
__________ 5. Kung ang mag-aaral na tulad mo ay pinaghahandaang mabuti ang kaniyang pagpili ng track o kurso, malaki ang
posibilidad na
magkaroon ng maayos na track o kurso sa hinaharap.
__________ 6. Magkakaroon ka ng pagbabago sapagkat ang lahat ng iyong gagawin o iisipin ay nakabatay sa misyon mo sa buhay.
__________ 7. Ang iyong sarili ang magiging pundasyon mo sa pagbuo ng personal na misyon sa buhay.
__________ 8. Ang misyon sa buhay ay hindi mahalaga sa pagkakaroon ng makabuluhang buhay at ganap na pagkatao.
__________ 9. Sa iyong mga impormasyon na naitala, laging isaisip na ang layunin ng paggawa ng personal na misyon sa buhay ay
mayroong malaking
magagawa sa kabuuan ng iyong pagkatao.
__________ 10. Ayon kay Stephen Covey, upang makabuo ng mabuting personal na misyon sa buhay, mabuti na ito ay magsimula na alamin
ng tao ang
sentro ng kaniyang buhay.
__________ 11. Ang misyon sa buhay ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga pagpapasya sa kinabukasan.
__________ 12. “All of us are creators of our own destiny”. Ibig sabihin, tayo ang lilikha ng ating kahapon.
__________ 13. Ang resulta ng misyon sa buhay ay magiging kapaki-pakinabang sa iyong mapanagutang pasya at kilos.
__________ 14. Ang sentro ng sarili mo ang magbibigay sa iyo ng seguridad, paggabay, karunungan at kapangyarihan.
__________ 15. Ang pangunahin mong katangian ang magpapakilala sa iyo kung sino ka.

Inihanda ni:

IAN SANTOS B. SALINAS


MT-1, JHS Dept.

Sinuri:

MARIA TERESA D. LUMIBAO


Principal 1

You might also like