You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION REGION III


SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
SERGIA SORIANO ESTEBAN INTEGRATED SCHOOL II
IKA-APAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 8

PANGALAN: ___________________________________________ PETSA:__________________


BAITANG AT SEKSYON:________________________________ ISKOR:__________________
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod at isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bilang.

1. Ano ang tamang pagpapakahulugan sa sekswalidad?


A. Ang seksuwalidad ay behikulo upang maging ganap na tao, lalaki o babae na ninanais mong maging. Hindi ito pisikal o bayolohikal
na kakanyahan lamang.
B. Ang pagkababae o pagkalalaki ay hindi maaaring piliin ito ay taglay na ng isnag tao.
C. Ang pagkababae o pagkalalaki ng isang tao ay nakikita lamang sa pisikal o bayolohikal.
D. Ang seksuwalidad ay hindi bunga ng pagpili, may tuon, at nag0uugat sa pagmamaha
2. Isang moral na hamon sa bawat tao ang pagbubuo ng seksuwalidad at pagkatao upang maging ganap ang pagkababae o
pagkalalaki.
A. Mahalagang behikulo ng pagkakatao ang seksuwalidad.
B. Hindi moral ang taong hindi buo ang seksuwalidad at pagkatao.
C. Maaaring hindi magkatugma ang seksuwalidad at pagkatao, ganoon din naman ang babae.
D. Ang lalaki ay dapat na lalaki sa seksuwalidad at pagkatao, ganoon din naman ang babae.
3. Ang magmahal ang natatanging bokasyon ng tao bilang tao. Sa pagmamahal ang tao ay nagbibigay- buhay na maaariing sa paraang
pisikal o seksuwal.
A. Ang mabuhay bilang biyaya na nagbibigay-buhay din sa iba.
B. Matuto sa mga karanasan ng mga dumanas na ng tunay na pagmamahal.
C. Ang paggsilang ng sanggol
D. Ang taong may kalinisang puri lamang ang may kakayahang magmahal ng tunay
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo?
A. Ang seksuwal na pagnanasa sa tao ay maari niyang supilin o hayaang mangibabaw sa kaniyang pagkatao.
B. Ang katutubong simbuyo seksuwal (sex drive) ng hayop ay magkatulad sa seksuwal na pagnanasa ng tao.
C. Ang seksuwal na pagnanasa sa tao ay maaari niyang supilin o hayaang mangibabaw sa kaniyang pagkatao.
D. Ang udyok o pagnanasang seksuwal ng tao ay isang katotohanang kailangang kilalanin at tanggapin bilang bukal ng likasa na
enerhiya.
5. Alin sa sumusunod ang hindi emosyonal at pangkaisipan na epekto ng premarital sex?
A. Ito ay maaaring sanhi ng labis na emosyon at pakiramdam na siya’y mahina.
B. Maraming kababaihan ang nagsisisi matapos gawin ito na nagiging sanhi ng depresyon o labis na kalungkutan.
C. Bingabag ng kanilang konsiyensya at may pangmatagalang epekto.
D. Dahil sa kahihiyan, nakagagawa ang maraming kabataan ng isang kaunos-lunos na krimen, ang abortion
6. Anong naidudulot ng pornograpiya sa pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarian?
A. Ang pagkasugapa ng kalalakihan o kababaihan sa pornograpiya ay nagdudulot ng malusog na pakikipag- ugnayan sa kanilang
asawa.
B. Ang mga taong sugapa sa pornograpiya ay nakararanas lamang ng seksuwal na kasiyahan sa panonood at pagbabasa ng
pornograpiya.
C. Ang pornograpiya ay tumutulong sa kahusayan na isang tao sa kanyang pakikipagrelasyon.
D. Ang pornograpiya ay isang sining na nagbibigay ng kasiyahan sa mga nanonood o nagbabasa.
7. Paano mo maipaliwanag ang pahayag na “Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang makapagsisilang ng isa pang
tao, na tulad niya ay may kakayahang magmahal. Ang kakayahhang magmahal- at maghahatid ng pagmamahal sa mundo- ang likas na
nagpapadakila sa tao.
A. Ang maraming anak ay nangangahulugang mas dakila ang isang tao.
B. Ang tao ay likas na dakila dahil ito ang nagpapadkila sa kaniya.
C. Higit na mahalaga ang kakayahang magmahal ng tao kaysa kakayahang magsilang ng snggol.
D. Ang tao nilikhang sekuwal kaya siya ay kabahagi ng Diyos sa Kaniyang pagiging manlilikha.

8. “Narito ako ngayon upang ihandog sa iyo ang aking sarili, bilang iyong asawa. Ako ay nangangakong maging tapat magpakailanman”. Ito
ay karaniwang ipingangako sa kasal, Ano ang iyong gagawin upang maging karapat-dapat sa mga pangakong ito?
A. Magpakasal sa tamang edad na may kakayahang magmahal at may kakayahang magpundar ng pamilya.
B. Handang magmahal at maglaan ng panahon sa taong minamahal.
C. Magpundar ng negosyo upang maitaguyod ang pamilya.
D. Nakahandang masaktan
9. Hindi mo maunawaan kung bakit ka namumula tuwing ngumungiti sa iyo ang “crush” mo. Ito ay natural lamang na damdamin na:
A. makatutulong upang ihanda ka sa pagiging ganap na lalaki o babae.
B. magiging gabay mo sa proseso ng pagpapakasal.
C. Maging inspirasyon mo sap ag-aaral.
D. Pinagkamalan nating tunay na pagmamahal.
10. Ang aking katawan ay templo ng Diyos at hindi isang laruan. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa iyong katawan?
A. Paguguhitan ko ito dahil sa pagmamahal sa sining.
B. Maging bukas sa anumang bagong estilo ng pananamit.
C. Ilalaan ko ang aking puri para sa aking magiging asawa at anak.
D. Ang aking pananamit ay walang kinalaman sa aking personalidad.
11. Bilang isang responsableng lalaki, paano mo pahahalagahan ang iyong kasintahan?
A. Ikinararangal ko ang aking nobya at nais kong palagi kaming magkasama.
B. Ang pagkalalaki ay nangangahulugan ng lakas ng karakter at maging kahinaan ko ang pagpipigil sa sarili.
C. Igagalang ko ang pagkababae niya dahil ang aking ina ay isang babae.
D. Kakulangan ng isang lalaki kapag hindi nakikipagtalik sa kasintahan.
12. Malaki na ang nagawa ng aking mga magulang para sa akin, ano ang gagawin mo upang maging kapuri-puri ka para sa kanila?
A. Maging masunurin na anak.
B. Magtrabaho at hindi na tapusin ang pag-aaral.
C. Hindi ako gagawa ng anumang bagay na magdudulot ng hindi mabuti sa akin at sa aking mga magulang.
D. Karapatan kong pakikipagrelasyon
13. Ang sumusunod ay mga umiiral na karahasan sa paaralan maliban sa:
A. Gang C. Pambubulas
B. Fraternity D. Pandaraya
14. Ang sumusunod ay mga sanhi ng ng pambubulas sa paaralan maliban sa:
A. Paghahanap ng mapagkatuwaan
B. Pagkakaranas ng karahasan sa tahanan.
C. Pagkakaroon ng pagkakaibang pisikal.
D. Pagkakaroon ng mababang marka sa klase. E.
15. Ito ay isang sinasadya at madalas na malisyosong pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan ang katawan o isipan ng isa o mahigit
pang biktima sa paaralan.
A. Pambubulas o bullying C. Pandaraya
B. Gang D. Fraternity
16. Si James ay laging biktima ng pambubulas,. Ano ang maging epekto nito sa kanya?
A. Natutong makipagkaibigan C. Nag-aaral ng mabuti.
B. Naisipang gumanti D. Nagiging marahas
17. Si Kenneth ay lumaking may paggalang sa sarili . Ano ang maging papel nito sa kanyang pakikitungo sa kapwa mag- aaral?
A. Si Kenneth ay hindi magiging sangkot sa anumang karahasan sa paaralan
B. Maging matagumpay siya sa buhay.
C. Maasahan siya ng kanyang magulang.
D. Makakuha siya ng matataas na marka.
18. Ang sumusunod ay nagpapahayag ng pagmamahal sa sarili, maliban sa :
A. Ang pagmamahal sa sarili ang isa sa pinakamahalagang sandata ng isang kabataan upang maiwasan ang masangkot sa anumang
uri ng karahasan.
B. Ang pagmamahal sa sarili ay nagpapaalala ng mahalaga ka sa mundo.
C. Ang pagmamahal sa sarili ang nagtuturo sa atin upang mahalin ang kapwa tao.
D. Ang pagmamahal sa sarili ay mahirap kapag walang nagmamahal sa iyo.
19. Anong uri ng pambubulas ang may layuning sirain ang reputasyon at ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
A. Pisikal na Pambubulas
B. Sosyal o Relasyonal na Pambubulas
C. Pasalitang Pambubulas
D. Pambubulas
20. Sa sobrang galit ni Lorena sa kanyang kaibigang si Annie ay pinahiya niya ito sa harap ng kaklase. Ito ay pambubulas na:
A. Sosyal o Relasyonal C. Mental
B. Pisikal D. Pasalita
21. Sa paghahanap ng ibang kabataan ng mapabilang sa pangkat ang nag-uudyok sa kanyang sumali sa fraternity. Bakit kailangang iwasan
ng kabataan ang fraternity o gang?
A. Ang paglahok sa isang gang ay halos palaging nangangahulugan ng paggamit ng alcohol o droga
B. Ang mga miyembro ng gang ay kadalasan nagtatagumpay sa buhay.
C. Magiging kasapi ka lang ng fraternity kung nakapagtapos ka na ng pag-aaral.
D. Ang mga kasapi ay hindi sumasali sa masasamang gawain o krimen.
22. “Ayaw ko ng karahasan , kaya di ko lubos maisip bakit ako gumanti” Sabi ni Ronel nang nasuntok niya si Eric na laging tumutukso sa
kanya. Ano ang damdaming hindi kabilang sa isinasaad ng pahayag?
A. Pagkamuhi sa sarili
B. Binagabag ng konsensiya
C. Kasiyahan sa nagawa
D. Pagsisi sa nagawa
23. Maiwasan at masupil ng mga mag-aaral ang karahasan sa paaralan sa pamamagitan ng
A. Pag-aaral nang mabuti
B. Pagsunid sa payo ng magulang
C. Paggalang sa awtoridad
D. Pagmamahal sa sarili at sa kapuwa at paggalang sa buhay.
24. Ano ang nararapat na tugon ng mga may kinauukulan ng paaralan sa pambubulas?
A. Ipatawag ang mga magulang at ipadisiplina ito sa kanila.
B. Humanapa ng pangmatagalan at mabisang paraan sa pagsupil sa karahasan sa paaralan.
C. HUwag na lang pansinin dahil natural lamang sa kabataan ang kalikutan.
D. Pagalitan at suspindihin sa paaralan.
25. Ano ang nangangahulugan ng pagkakaiba sa pagitan ng mga nakababata at nakatatandang henersyon, lalo na sa pagitan ng mga anak at
mga magulang.
A. Digital Devide
B. Generation Gap
C. Net generation
D. Gen X
26. Si Aling Puring ay ipinanganak noong 1950. Sa anong henerasyon siya nabibilang?
A. Martial Law Babies
B. Net Generation
C. Silent Generaton
D. Baby Boomers
27. Ano ang isinasaad ng digital immigrants?
A. Sila ang mga taong ipinanganak bago pa man naging laganap ang paggamit ng digital technology.
B. Sila ay kabilang sa Generation y at Generation Z.
C. Ang mga taong ipinanganak sa dayuhang bansa.
D. Sila ang mga taong ipinanganak at lumaki sa mundo ng digital technology.
28. Ano ang maging hindi mabuting implikasyon ng Online ang pag-eenrol sa mga pangunahing pamantasan sa Pilipinas?
A. Ang mga may access lamanang ang makapg-aaral sa mahuhusay ng pamantasan
B. Magiging madali ang proseso ito.
C. Makapagtitipid sa pera, dahil hindi mo na kailangang magpunta mismo sa paaralan at magpa-enrol.
D. Magiging madali na lamang ito
29. Si Alaiza ay nag-aaral bilang iskolar sa tanyag na pamantasan sa Maynila. Karamihan sa kanilang gawain ay ipapasa online. Wala silang
internet sa bahay at luma ang gamit niyang cellphone. Ano ang maging implikasyon sa kanyang pag-aaral.
A. Magiging madali sa kanya ang pagpasa ng mga gawain, matalino naman siya.
B. Magiging mahirap ito sa kanya dahil malayo sila sa paaralan.
C. Maapektuhan ang kanyang markang makukuha.
D. Magpalod na lang siya upang makapgpasa ng mga gawain.
30. Online ang pagkuha ng mga mahahalagang pagsusulit tulad ng Professional Board Examination. Alin sa sumusunod ang hindi mabuting
implikasyon nito?
A. Uunlad negosyng internet.
B. Hindi apektado ang mga karaniwang mamamayan na high school lang ang natapos.
C. Mga mayayaman na lamang ang makakukuha ng mga mahahalagang pagsusulit.
D. Hindi lahat ng mamamayan ay makakukuha ng mga mahahalagang pagsusulit.
31. Bilang mga digital natives dapat na ituring nating tulad sa ating magulang at mga kapatid ang mga tinatawag na digital immigrants, dapat
natin silang pakitunguhan nang may pagmamalasakit at pagmamahal. Sino ang ang tinaguriang digital natives.
A. Sila ang ipinanganak bago pa man nagging laganap ang paggamit ng digital technology.
B. Ang mga ipinanganak at lumaki sa mundo ng digital technology.
C. Ipinanganak at lumaking walang makabagong teknolohiya.
D. Sila ay katumbas ng mga kabilang sa Silent Generation.
32. Sila ay lumaking maraming tanong ang bunagabag habang sila’y nagkakaisip, hanggang mangyari ang EDSA Revolution noong,
1986. Sila ay tinatawag na:
A. Y Generation
B. Martial Law Babies
C. Generation Z
D. Baby Boomers
33. Ano ang ibig sabihin subsidiary moral right o pantulong na karapatang moral?
A. Isang espesyal na karapatang moral na nagbibigay proteksyon sa mga kondisyong kinakailangan maisulong ang karapatang moral.
B. Ito ay nakabatay sa mga pamantayang etikal sa halip na sa saligang batas.
C. Ang access sa impormasyon ay maaari nating ituring na isang subsidiary moral rights.
D. Iito ang pagkakaroon ng sapat na pangangalaga sa kalusugan, at malinis na hangin at tubig.
34. “Think before you click”, Ito ay paalala sa paggamit ng internet. Alin sa mga pahayag ang nagpapatotoo rito?
A. Maging matalino sa pagbabasa bago magkomento o maglike.
B. Iwasang pagkomento at paglike.
C. Iwasan ang paggamit ng Facebook.
D. Walang kabutihang dulot ang paggamit ng internet.

35. Ang mga Baby Boomers ay mga auditory at visual learners, kaya kapag sila ang bibili ng bagong gadget ang ginaga wa nila ay:
A. Basahin ang manual nito o kaya’y panoorin ang video instructions.
B. Magkabit ng mga wires at susubukin ang mga buton nito.
C. Gagamitin agad ito.
D. Magpaturo sa mga mahuhusay sa gadgets.
36. Ang mga pagkakaiba-ibang ito ng mga henerasyon ay ugat ng henerasyon gap. Paano ito haharapin?
A. Nararapat lang na magdamdam kung sa pakiramdam mo ay hindi ka nauunawaan ng mga tao sa paligid.
B. Minsan kailangang magalit upang matakot din ang mga taong hindi tayo nauunawaan.
C. Sikaping unawain ang kanilang pinangagalingang pananaw .
D. Sikaping maunawaan ka ng tao sa iyong paligid.
37. Ang pakahulugan sa pamilya ay nagiiba-iba sa bawat henerasyon. Alin sa sumusunod ang nagsasaad sa pahayag na ito?
A. Ang pamilya ay mahalaga sa lahat ng henerasyon
B. Ang pamilya ay nananatiling buo sa lahat ng henerasyon.
C. Ang suporta ng pamilya ay makikita sa lahat ng henerasyon.
D. Maraming mga anak ang isinilang sa pamilyang iisa ang magulang o hiwalay ang magulang,
38. Ang isyung ito ay tumutukoy kung mapalalaki b ao mababawasan ang agwat sa pagitan nga mga mayayaman at mahihirap sa mundo sa
pamamagitan ng internet?
A. Digital Devide C. Subsidiary morl right
B. World wide Web D. Facebook account\
39. Si Kyra ay isinilang noong 1995, siya ay nabibilang sa:
A. Henerasyong X C. Henerasyon Z
B. Henerasyon Y D. Silent Generation
40. Dahil sa information overload, nahihirapan ng kunin ang atensyon ng mga kabataan, ano ang maaring solusyon na maibigay mo bilang
guro?
A. Magbigay ng magandang aralin.
B. Panoorin sila ng magagandang video na may kaugnayan sa aralin.
C. Maging mahusay sa pakikipagtalastas upang maunawaan nila ang aralin.
D. B at C
41. Bilang nakakatandang kapatid, ano ang sasabihin mo sa nakababatang kapatid sa pinanonood niyang may “SPG”?
A Pagsabihan ang aking kapatid an ito’y hindi niya maaaring panooring dahil ito ay magbubunga ng masama sa
Kanyang pag-iisip at pagkatao.
B. Papatayin ko ang TV.
C. Isusumbong ko siya sa aking nanay.
D. Pababayaan ko lamang siya.
42. Huminto ng pag-aaral si Leno,gusto niyang magtrabaho muna upang makabili ng cellphone. Bilang kaklase niya?
A. Hindi, ang aking pag-aaral kaysa material na bagay
B. Hindi, mabibili mo naman ito kung ikaw ay nakapagtapos at nakapagtrabaho.
C. Oo, dahil tulad na iba gusto ko ring magkaroon ng cellphone
D. Ang C lang ang mali
43. Ano ang naging epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino para sa iyo?
A. Ang posibilidad na maging dayuhan sa sariling bayan
B. Ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawan ng magkapatid.
C. Ang pagbabago ng tradisyunal na pamilya sa transnasyunaal na pamilya
D. Ang pangtangkilik sa mga gawang dayuhan.
44. Alin ang positibong epekto ang naidudyuot ng migrasyon sa pamliya?
A. Ang pag-usbong ng makabago at mas mabilis na paraan ng komunikasyon
B. Ang pagkakaroon ng mga imported na kagamitan
C. Ang makapaglibang at makapamaasyal sa mga magagandang lugar
D. Nakatutugon sa mga pangangailangang pangkabuhayan para maitaguyod ang mas maginhawang pamumuhay
45. Ano sa iyong pananaw ang dahilan ng migrasyon?
A. Kakulangan ng mapasukang trabaho at mababang pasahod para sa manggagawang Pilipino?
B. Kagustuhang makapgpundar ng mga bahay at kagamitan.
C. Kaggustuhang makarating at makapamasyal sa mga iba’t ibang bansa
D. Upang manbayaran ang lahat ng mga pagkakautang.
46. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nangigibang bansa ang karamihan ng mga Pilipino?
A. Makapag-aral C. Makapagtrabaho
B. Makapaglibang D. Makapgshopping
47. Sa paanong paraan makaiiwas sa epekto ng migrasyo na pagbabago sa mga pagpapahalaga at pamamaraan sa.
A. Ang pagtangkilik sa sariling gawang Pilipino
B. Ang hindi pagtangga sa mga pagbabagong dulot ng globalisasyon
C. Ang malalim na pagkakahubog ngmga magulang sa mga anak ukol sa mga pagpapahalaga at kultura Bilang isng tunay na
Pilipino
D. Huwag papansini ang mga makabagong teknolohiya at pamamaraan sa buhay.
48. Ang mga magulang ni Kris ay kailangang magtrabaho sa abroad dahil nais nilang makagpatayo ng bahay at magkaroon kung ikaw si Kris ano
ang iyong mararamdaman?
A. Hiindi ako papayag na mapalayo sila sa akin
B. Magagalak sa pag-aabroad dahil sila ay makapagpupundar ng mga ari-arian at maiaangat ang pamumhay.
C. Matutuwa dahil makapgpamasyal sila.
D. Alulungkot dahul hindi ko sila makakasama.
50. Ano ang isang mabisang paraan para maiwasan at mapaghandaan ang isa sa mga epekto ng migrasyon sa pamilyang
A. Pagkakaroon ng mga counseling cenetrs.
B. Panatilihin ang bukas na komunikasyon sa isa’t isa
C. Ang madalas nap ag-uwi ng asawang nagtatranaho sa ibang nabansa
D. Panatilihin ang bukas na komunikasyon sa isa’t isa

You might also like