Professional Documents
Culture Documents
ESP 8 3rd Quarter Exam
ESP 8 3rd Quarter Exam
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Cebu Province
District of Tudela
I. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot. (Rx2)
II. Para sa bilang 1-4. (Rx2)Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay ng mga tao
sa sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa sumusunod na pagpipilian.
Isulat ang titik ng tamang sagot.
a. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao
b. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan
c. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
d. Pagsisisnungaling upang protektahan ang sarili kahit makapinsala ng ibang tao
_______1. Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang inyong mga kaibigan. Hindi
nakapagpaalam sa kaniyang mga magulang ang iyong matalik na kaibigan dahil alam niya na hindi siya
papayagan. Ngunit dahil napasarap sa pakikipagkuwentuhan, hindi niya namalayan na gumagabi na pala.
Alam na pagagalitan siya ng kaniyang mahigpit na ama. Kung kaya kinausap ka niya upang magsinungaling
sa mga ito upang sabihin na ginabi kayo dahil ayaw mong mapahamak ang iyong kaibigan.
_______2. Ipinagkakalat ni Flor na ampon ang kanyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo. Naiinggit
kasi siya rito dahil maraming tao ang nais na makipagkaibigan sa huli.
_______3. Kilala si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na nahuhuli siya ng
kaniyang guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip ay kinakausap at ginagambala ang kaniyang kaklase.
Kapag siya ay nahuhuli ng guro, sinasabi niya na nadadamay lamang siya dahil palagi siyang kinakausap ng
kaklase.
_______4. Pinatawag sa paaralan ang magulang ni Joey dahil sa paglabag sa panuntunan sa paaralan. Sa
takot na mapagalitan, humanap siya ng ibang kakilala na magpapanggap na magulang niya