You are on page 1of 5

TINIB- CALANGCUASAN INTEGRATED SCHOOL

Casiguran, Aurora

Ikatlong Markahang Pagsusulit


ESP8
Pangalan: ___________________________________________ Petsa: __________
Antas: _____________________________

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang at bilugan ang titik ng pinaka angkop na sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang tanda ng isang taong may pasasalamat?


a. Si Maria ay kuntento sa kanyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang pahalagahan ang mga
mabubuting natatangap niya mula sa iba at sa DIyos.
b. Sa kabila ng mga pagpapalang natatangap ni Rey, marunong parin siyang tumingin sa kanyang
pinanggalingan.
c. Nag aaral ng mabuti si Jojo upang marating niya ang kanyang mga pangarap.
d. Laging nagpapasalamat si Janeth sa mga taong tumutulong sa kanya kahit hindi bukal sa kanyang kalooban.

2. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?


a. Paggawa ng kabutihang- loob sa kapwa ngunit naghihintay ng kapalit
b. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng salamat.
c. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito.
d. Pagsasabi ng salamatngunit salat sa gawa.

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan?


a. Nagiging mas pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon na magkaroon ng depresyon.
b. Naghihikayat upang maging maayos ang Sistema ng katawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas
malusog na presyu ng dugo at pulse rate.
c. Nakapanghihina ng katawan dahil laging nag iisip kung paano magpapasalamat.
d. Nakapagdadagdag ng likas na antibodies na responsible sa pagsugpo sa mga bacteria sa katawan.

4. Ano ang entitlement mentality?


a. Ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa isang tao.
b. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang
pansin.
c. Ito ay pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
d. Ito ay ang pag- aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang kanilang
pangangailangan.

5. Ang mga sumusunod ay mga pakinabang dulot ng pasasalamat, maliban sa:


a. Pagkakaroon ng kgalakan dahil sa kinikilala moa ng mga kabutihang kaloob ng kapwa.
b. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay.
c. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita moa ng pasasalamat sa kanila.
d. Pagiging maingat sa mga material na pagpapapala buhat sa ibang tao.

6. Ang mga sumusunod ay mga pasasalamat sa loob ng tahanan maliban sa:


a. Pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang
b. B. pagtulong sa mga simpleng Gawain sa bahay
c. Paghinto sap ag aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila nang may pantustos ang mga
magulang
d. Pag alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang pagpapahalaga at pagmamahal sa
kanya

7. Ang birtud na pasasalamat ay Gawain ng:


a. Kalooban b. kaisipan c. damdamin d. konsensiya

8. Ayo kay Tomas Aquianas, may tatlong anta sang pasasalamat, alin sa pagpipilian ang hindi kasama?
a. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
b. Pagpapasalamat
c. Patuloy na paghingi ng tulong sa iba
d. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya

9. Ano ang isang halimbawa ang entitlement mentality?


a. Ang hind pagbabayad ng buwis ng mamamayan kung hindi nakukuha ang sapat na serbisyo
b. Ang hindi pagbiigay ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang magulang
c. Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong
d. Ang kawalan ng utang na loob sa taong tumulong

10. Ang sumusunod ay nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat, maliban sa;


a. Kawalan ng panahon o kakayahan upang matumbsan ang tulong na natanggap sa abot ng makakaya.
b. Pagpapasalamat ng hindi bukal sa puso.
c. Hindi pagkilala o pagbibigay pagpapahalaga sa taong nagpakita ng kabutihan.
d. Paghingi ng suporta sa mga magulang sa mga pangunahing pangangailangan dahil sa menor de edad.

11. Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng_______.


a. Pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan.
b. Pakikipagugnayan sa mga taong nakakahalubilo.
c. Pagbibigay ng halaga sa isang tao.
d. Pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay.

12. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “ Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katuwiran at ng kakayahang
magpasakop’?
a. Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagpapasakop.
b. Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat.
c. Maipakikita sa pamamagitan ng pagsuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa mga ipinaguutos.
d. May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong di kailangnang magpasakop
at sumunod.

13. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?


a. Napagtitibay nito ang presensiya ng pamilya. c. nabubuklod nito ang mga henerasyon
b. Naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya d. naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib

14. Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
a. Unawain na hindi lahat ng pagpapasya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya aya para sa iyo.
b. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katuwiran
c. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali.
d. Suportahan ang kanilang mga proyekto

15. Natutuhan ang isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng mga sumusunod, maliban sa:
a. Pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin
b. Pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakauunawa sa kanya
c. Pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang at pagsunod.
d. Pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda

16. Kung pagkatapos ng edad na tatlo hangang apat, nagsisimula nang mahubog ang kilos-loob ng isang bata, ang
bata ay_______:
a. Medaling makasunod sa ipinag uutos ng kanyang mga magulang
b. Nagkakaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa kanyang buhay
c. Nagkakaroon ng pagunawa sa kahalagahan ng tuntuning itinakda.
d. Kumikilos ayon sa mga ipinatutupad n autos ng kaniyang magulang.

17. Hinahangaan ni Jay si Danny sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno. Nang si Danny ang naging lider ng
kanilang grupo, lahat ng sabihin ni Danny ay kaniyang sinusunod at ginagawa nang walang pagtutol,kahit pa
minsan ay napapabayaan na niya ang kanyang sariling pangangailangan. Ang kilos ni Jay ay nagpapakita ng
_____________.
a. Katarungan b. kasipagan c. pagpapasakop d. pagsunod

18. Nag iisang itinataguyod ni aling Fely ang kaniyang tatlong anak.Maliit pa lamang ang kanilang mga anak nang
siya ay naging biyuda. Panatag naman si Aling Fely. Dahil alam niyang napalaki niya sila ng maayos. Subalit may
pagkakataon na nangangamba siya dahil sa mga teen ager na sila. Mas mapatatatag nila ang kanilang samahan sa
pamamagitan ng ____________.
a. Sama- samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang lingo.
b. Pagkukumustahankapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone/ e mail kung nasa malayong lugar.
c. Pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan, tulad ng paguwi ng maaga.
d. Pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim nap ag- unawa sa kalagayan ng bawat isa.

19. Kilala ang pamilya nina Vergie sa pagbibigay ng halaga sa edukasyon. Kahit na ang kanilang magulang ay hindi
nakatapos ng pag aaral, sinisikap nila na mait aguyod silang apat na magkakapatid.Ngunit siya ay kinakikitaan ng
ibang mga kasapi ng pamilya nang kawalang pagpapahalaga sa pagaaral ayon sa isinasaad ng mga marka nito sa
ibat ibang mga asignatura.At kapag pinapaalalahanan siya ng kaniyang magulang, hindi nagiging maganda ang
reaksyon ni Vergie.Ano ang nararapat ggawin ng ibang mga kasapi ng pamilya sa mga ganitong sitwasyon?
a. Ipaunawa kay vangie ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat pagkakataon.Huwag magsawa
b. Kausapin si Vangie at bigyan ng inspirasyon upang mapataas ang kaniyang marka.Nasa lahi nila ang pagiging
magaling, kailangan lang ng pagpapaalala.
c. Siyasatin ang mga dahlia kung bakit mababa ang mga marka ni Vangie kumilos ng ayon sa mga natuklasang
dahilan.
d. Isa alang alang ang kakanyahan at pagiging bukod tangi ni Vangie. Tanggapin siya kung ano siya nang
walang pagtatangi.

20. Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakitaan mo ng mga gawaing taliwas sa dapat nilang
gampanan. Maraming kabataang tulad moa ng nagkaroon ng pag aalinlangan kung sila ay magpapakita pa ng
paggalang at pagsunod. Ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila?
a. Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapat ipaglaban. Gawin kung ano ang inaasahan
saiyo ng iyong kapwa.
b. Mahirap kumilos nang may pag aalinlangan. Sumannguni sa ibang may awtoridad at kumilos ayon sa iyong
kilos loob.
c. Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa ng pagkakamali,lalo na kung hindi naman
ikaw ang naapektuhan.
d. Ipagbigay alam agad sa kinauukulan ang nasaksihang paglabag sa batas. Hindi makatarungan na ang
nagpapatupad sa batas ay siyang lumalabag dito.

21. Sinusuri mo kung mabuti ang kanilang kalagayan o sitwasyon upang makapagbigay ka ng angkop na tulong
bilang pagtugon sa kanilang pangangailangan.Ang sitwasyo ay nagpapakita ng:
a. Paggalang sa nakatatanda
b. Pagsunod sa magulang
c. Pagsunod sa awtoridad
d. Kagandahang loob sa kapwa

22. Ang paghingi ng payo sa kinauukulan bilang pagkilala sa karunungang dulot ng kanilang mayamang karanasan sa
buhay.Ito ay __________.
a. Paggalang sa Pagsunod sa awtoridad
b. Paggalang at pagsunod sa nakatatanda
c. Paggalang at pagsunod sa kaibigan
d. Paggalang at pagsunod sa magulang

23. Iginagalang ko ang aking mga magulang, kahit na kinakikitaan ko sila ng pagkakamali.
Kung ito ang iyong saloobin, ikaw ay_______.
a. Paggalang at pagsunod sa magulang
b. Paggalang at pagsunod sa awtoridad
c. Paggalang sa nakatatanda
d. Paggalang sa kapwa

24. Ano ang iyong nararamdaman kung nasusunod mo ang ipinag-uutos sa iyo, subalit hindi ka binigyan ng
kaukulang papuri?
a. Maligaya
b. Naiinis
c. Malungkot
d. Masaya

25. Ano ang maaring maging bunga ng hindi pagsunod ng anak sa kanyang mga magulang?
a. Magkakaroon ng mas matibay na relasyon
b. Mawawalan ng tiwala sa isat isa
c. Mas titibay ang tiwala sa isat isa
d. Magkakaroon ng gap sa relasyon ng anak at magulang.

26. May mga pagkakataong nakakagawa tayo ng kabutihan sa ating kapwa subalit nakakaligtaan nilang magbalik o
sumambit ng simpleng pasasalamat, ano dapat mong maging saloobin?
a. Maiinis sa kanya dahil hindi marunong magpasalamat.
b. Pagsasabihan siya na kung maari ay magpasalamat naman sa ginawa mo para sa kanya.
c. Pabayaan na lang at iisipin nab aka nakalimutan lamang na magpasalamat
d. Hindi na siya papansinin sa susunod na hihingi siya ng tulong.

27. Ang salitang “ unconditional love” ay nangangahulugang:


a. Pagbibigay at pagmamahal ng walang sawa.
b. Paggawa ng mabuti sa kapwa ng walang hinihinging kapalit at walang pasubali
c. Pagmamahal sa isang taong alam mong makapagbabalik din nito sa’yo.
d. Walang sawang paggawa ng kabutihan

28. Ikaw ay may angking kagandahang –loob at Napapahalagahan moa kapakanan ng iyong kapwa.Ito ay
nangangahulugang ang kagandahang loob ay:
a. Palagi mong naisasabuhay
b. Paminsan –minsan ginagawaA
c. Madalang ginagawa
d. Hindi kalian man ginagawa

29. Ang paggawa mo ng magandang bagay sa kapwa ay bihira dahil may takot ka o pag aalinlangan na tugunan ang
kanilang kagandahang loob.Ito ay nangangahulugang ang kagandahang loob ay:
a. Madalang mong ginagawa
b. Paminsan minsan mo ginagawa
c. Palagi mo ginagawa
d. Hindi mo kalian man ginagawa

30. Likas sa iyo ang kagandahang loob ngunit marami kanga gam-agam sa pakikipagkapwa.Ito ay nangangahulugang
ang kagandahang loob ay:
a. Palagi mong gingawa
b. Paminsan-minsan mo ginagawa
c. Madalang mo ginagawa
d. Hindi mo kalian man ginagawa

31. Sa pang araw- araw na pamumuhay ng bawat isa nasusubok kung hanggan saan tayo magiging mabuti o
maipakita ang kagandan ng ating kalooban.Ang sitwasyon ay nagpapahiwatig ng :
a. Kagandahang –loob
b. Hannganan ng kabutihan o kagandahang loob
c. Mahirap na sitwasyon upang gumawa ng kabutihan
d. Kawalan ng dahilan na gumawa ng kabutihan

32. Bakit mahalaga ang paggawa ng kabutihan sa kapwa?


a. Upang magkaroon ng pagkakaisa
b. Upang magkaroon ng masaganang buhay ang bawat tao
c. Dahil ito ay magdudulot ng kaligayahan sa tao sa tuwing ginagawa niya ito.
d. Dahil ito ay kailangnang gawin upang maging matahimik ang buhay ng bawat tao.

33. Ikaw ay nagbibigay ng tulong sa abot ng aking makakaya sa mga organisasyon at institusyon.Ito ay:
a. Pagpapakita ng kagandahang loob sa kapitbahay.
b. Paggawa ng kabutihan sa kapitbahay
c. Paggawakabutihan ng kabutihan sa paaralan
d. Pagpapakita ng kabutihan sa tahanan

34. Ikaw ay nakikitungo ng buong katapatan sa iyong mga kamag- aral.Ito ay pagpapakita ng kabutihan sa :
a. paaralan
b. kapitbahay
c. tahanan
d. kaibigan

35. Gaano kahalaga ang paggabay at pagtuturo ng mga birtud ng paggalang at pagsunod sa murang edad palang ng bata?
a. ito ay napaka halaga sapagkat ayon nga sa kasabihan ituro sa bata ang daan na dapat niyang lakaran upang sa
kanyang pagtanda ay hindi niya ito malilimutan.
b. hindi gaanong mahalaga dahil natututo ang bata hangang siya ay lumalaki.
c.Ito ay mahalaga dahil hindi paalam ng bata ang kanyang ginagawa.
d.hindi gaanong mahalaga sapagkat may kanya kanyang ugali ang bata.

36. Ano ang marapat mong gawin kung ang ipinag-uutos sa iyo ng iyong magulang/nakatatanda ay nagdudulot sa iyo ng
pagaalinlangan?
a. susunod agad kahit may pagaalinlangan dahil siya ay iyong magulang
b. hindi ako susunod dahil hindi ako sigurado kung tama o mali ang aking gagawin kahit alam kong ako ay
maaring makagalitan.
c. hindi ako susunod dahil ayaw kong magkamali.
d.itatanong ko muna ang aking pag aalinlangan bago ako susunod.
37. Sa paanong paraan mo maipakikita ang marapat na paggalang at pagsunod mo sa iyong magulang?
a. ito ay maipapakita sa pamamagitan ng pagmamano at pagsagot ng may po at opo.
b. ito ay maipapakita ko sa pamamagitan ng pagtupad sa itinakdang Gawain para sa akin at pagsagot ng maayos
sa tuwing may itatanong.
c.Pagsagot ng po at opo at hindi pakikinig sa kanilang sinasabi
d. pagbabalewala s autos subalit sumasagot at nangangatwiran ng maayos.

38. Si Manuel ay isa sa kinikilalang mag-aaral na magaling sa written examination,minsan nahuli siyang may kodigo sa
pagsusulit at nalaman ito ng kanyang mga kamag-aral.Ano ang maaring ibunga nit okay Manuel kaugnay sa pagtingin sa
kanyana isang magaling na mag-aaral?
a. hindi na siya pagbibigyang makakuha ng pagsusulit
b. mas malakas ang loob ng iba na mangodigo upang maging magaling na mag-aaral
c. hindi na siya kakaibiganin ng mga mag aaral

Para sa bilang 39-41 Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungalin ang isinasabuhay ng mga tao sa mga ss.
39.Ipangkakalat ni Flor na ampon ang kanyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo.Naiingit kasi siya rito dahil
maraming tao ang naisna makipagkaibigan sa kanya
a. pagsisinungalin upang pangalagaan at tululungan ang ibang tao
b. pagsisinungalin upang isalba ang sarili upang maiwasan na masisi o maparusahan
c. pagsisinungalin upang sadyang makasakit ng kapwa
d. pagsisinungalin upang protektahan ang sarili

40. Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Joey dahil sa isang paglabag sa panuntunan sa paarala ngunit sa takot na
mapagalitan ay humanap siya ng ibang kakilala na magpapangap na magulang nito.
a. pagsisinungalin upang isalba ang sarili upang maiwasan na masisi
b. pagsisinungalin upang pangalagaan at tulungan ang ibang tao
c. pagsisinungalin upang sadyang makasakit ng kapwa
d. pagsisinungalin upang protektahan ang sarili

41. Kilala si Angelo sa kanyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na nahuhuli siya ng kanyang guro na hindi
nakikinig sa klase at sa halip ay kinakausap at ginagambala ang kaniyang kaklase. Kapag siya ay nahuhuli ng guro
sinasabi niya na nadadamay lamang siya dahil palagi siyang kinakausap ng kaklase.
a. pagsisinungalin upang isalba ang sarili
b.pagsisinungalin upang pangalagaan at tulungan ang ibang tao
c. pagsisinungalin upang maprotektahan ang sarili kahit na makapinsala sa ibang tao
d. pagsisinungalin upang sadyang makasakit ng kapwa

42. Ang mga sumusunod ay mga dahilan sa pagsasabi ng totoo maliban sa:
a. mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa
b.Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at kapayapaan ng
kalooban.
c. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksyon para sa isang tao, hindi upang masisi,maparusahan at
masaktan.
d. hindi mo na kinakailngang lumikha pa ng maraming kasinungalin para lamang mapanindigan ang iyong
nilikhang kwento.

43. Kahit nasasaktan dahil sa pamimilit ng hindi kilalang tao na sabihin niya ang lugar kung nasaan ang kanyang ama ay
hindi parin nagsasalita si Alvin.
a. pag-iwas
b.pananahimik
c. pagtitimping diwa
d.pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan

44. Sinabi ni Joy sa kanyang ina na pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan ngunit hindi niya sinabi rito na malayo
ang tirahan ng mga ito dahil alam niyang hindi siya papayagan ng mga ito.
a.pag-iwas
b. pananahimik
c. pagtitimping diwa
d. pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin

45.Iniiba ni Leo ang usapan sa tuwing tatanungin siya sa tunay niyang damdamin para sa kanyang mga magulang na
matagal na nawala at hindi niya nakasamamas ipinararamdamna lamang niya rito na siya ay nasasaktan sa kanyang tanong
sa halip sabihin niya rito ang tunay niyang nararamdaman.
a. pananahimik
b. pagtitimping diwa
c .pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin
d.pag-iwas

Para sa bilang 46-50


Bakit mahalagang isabuhay ang katapatan sa salita at gawa?Ipaliwanag.

You might also like