You are on page 1of 3

DAVISOL NATIONAL HIGH SCHOOL

Exemeria, Manyayay. Lianga, Surigao del Sur

Name: __________________________________________ Date: _______________________


Grade & Section: ________________________________ Score: ______________________
1st Quarter Final Exam
ESP-8
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

1. Sino ang naghahanapbuhay upang magkaroon ng ligtas na tahanan, sapat at wastong pagkain, maayos na
pananamit, at masayang pagsasama. Siya ang tinaguriang haligi ng tahanan.
A. Ama B. Anak na babae C. Anak na lalaki D. Ina

2. Tungkulin nito na gumawa ng budget para sa pangangailangan ng mga anak. Nagluluto ng pagkain, nag-
aayos at naglilinis ng tahanan at nangangasiwa sa pag-aaral ng mga anak at pagtingin kapag ito ay nagkasakit.
Siya ang tinatawag na ilaw ng tahanan.
A. Ama B. Anak na babae C. Anak na lalaki D. Ina

3. Ano ang pinakamaliit na yunit sa pamayanan, ngunit ang itinuturing na pinakamahalagang pundasyon ng
lipunan?
A. Barangay B. Paaralan C. Pamahalaan D. Pamilya

4.Kung walang pagmamahal, ang pamilya ay hindi matatawag na


____________ ng mga tao.
A. lipunan B. pamayanan C. samahan D. tahanan

5. Ang mabuting pangalan ng isang pamilya ay naging halimbawa sa buong ____________.


A. barangay B. kabahayan C. lipunan D. maggkaibigan

6. Ang ____________ ay natural na dumadaloy sa pamilya sapagkat kaligayahan ng bawat kasapi ang makitang
mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.
A. pagdidiskarte B. pakikipagkaibigan C. pakikisama D. pagtutulungan

7.Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay na ang pamilya ang una at hindi mapapalitang
paaralan para sa panlipunang buhay?
A. Si Angel ay ipinanganak mula sa mapagmahal na pamilya.
B. Si Paul at Toni ay nagpasiyang magpakasal at magsama habang buhay.
C. Si Lea ay nagdarasal araw-araw upang siya ay gabayan ng Diyos sa bawat hamon ng buhay.
D. Si Gerald ay hirap sa paglalakad ngunit siya ay inihahatid pa rin ng kanyang ama sa paaralan araw-araw
upang siya ay matuto.

8.Ang pamilya ay mayroong panlipunan at pampolitikal na gampanin. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng
pamilya sa lipunan MALIBAN sa isa:
A. Pagdarasal ng 10-15 minuto araw-araw
B. Pagiging bukas ng tahanan para sa ibang tao (hospitality)
C. Pagbibigay ng oras at pansin sa pangangailangan ng kapwa
D. Pisikal o pinansiyal na pagtulong sa mga taong nabiktima ng sakuna

9.Bakit natural na dumadaloy sa pamilyang Pilipino ang pagtutulungan ng bawat isa?


A. Dahil mas magandang tingnan ang pamilyang nagtutulungan.
B. Dahil walang ibang dapat na magtulungan kundi ang bawat kasapi.
C. Dahil hindi dapat inaasa sa iba ang pagtugon ng pangangailangan ng pamilya.
D. Dahil kaligayahan ng bawat miyembro ang makitang nasa mabuting kalagayan ang buong pamilya.

10. Ano ang tamang paraan sa pagpapakita ng pagmamahal sa mga anak?


A. Ibigay sa anak ang lahat ng luho nito. C. Kampihan ang anak tuwing ito ay may katunggali.
B. Hayaan itong lutasin ang problema ng mag-isa. D. Ipadama, ipakita at ituro sa anak ang mabuting asal.
11.Ang pagpapakasal ng isang lalaki at babaeng nagmamahalan ay tumugun sa tawag ng Diyos na magmahal.
Ano ang kaakibat responsibilidad ng pagpapakasal?
A. Manganak ng marami. C. Maghiwalay sa takdang panahon.
B. Magsama habambuhay. D. Mag-aruga ang mag-asawa sa kanilang matangdang magulang.

12.Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang maitutulong mo sa iyong pamilya?
A. Paglalakwatsa ang pag-bibisyo.
B. Bumukod upang hindi makaabala sa mga magulang.
C. Paghahanapbuhay at mag-isang itaguyod ang pamilya.
D. Pagmamahal sa pamilya at pagtulong sa mga gawaing bahay.

13. Ano ang pangunahing dapat ituro ng magulang sa kanilang anak?


A. Wastong pamumuhay C. Wastong pagpapahalaga sa materyal nabagay.
B. Wastong pakikipagugnayan sa iba D. Wastong paggamit ng kalayaan sa mga materyal na bagay

14. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa Pagmamahal?


A. Pagmamahal sa taong popular
B. Pagpapakalat ng mga malalaswang larawan sa social media
C. Pagtanggap sa isang tao na hindi tumitingin sa kanyang kakayahan at katangian
D. Pagmamahal sa taong popular Pakikisalamuha sa mga taong may kakayahan magbigay

15. Ano ang matutunan ni Anna sa paglaki kung palagi siyang pinupuna ng kanyang mga magulang?
A. Siya ay matututong magmahal
B. Si Anna ay maniniwala sa kanyang sarili
C. Matututo siyang maging mapanghusga
D. Matututo siyang bumuo ng layunin sa buhay

16. Bakit mahalagang magabayan ang isang kabataan sa paggawa ng tamang pagpapasya?
A. Upang maramdaman niya ang tunay na pagmamalasakit ng magulang
B. Upang hindi siya masanay na gumawa ng mga maling pasiya at hindi matuto sa mga ito
C. Upang masanay siyang gumawa ng maling pasiya kasi natural lamang na magkamali ang tao
D. Wala alinman sa nabanggit

17. Ang mga pagpapasiyang isasagawa ng mga bata hanggang sa kanilang pagtanda ay magdidikta
ng_________________________?
A. anong klase ng ugali ang kanilang kayang ipakita sa kapwa
B. parehong lalabas ang kabutihan at kasamaan ng kaniyang pagkatao
C. anong uri ng tao sila magiging sa hinaharap at kung anong landas ang kanilang pipiliin
D. Lahat ng nabanggit

18. Ito’y makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasya


A. Pagtuturo ng magulang ng mga mabubuting asal
B. Pagkakaroon ng kaakibat palagi kapag may problemang hinaharap
C. Pagtataglay ng kayamanan para magsuhol ng eksperto sa paglutas ng problema
D. Pagkakaroon ng ganap na kalayaang gawin ang simpleng pagpapasiya para sa sarili

19. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na ang pananampalataya niya sa Dios ay bukal sa loob at kusang
ginawa
A. Ito’y di umaasa ng suhol pagkatapos magsimba
B. Ito’y umasa na may suhol pagkatapos magsimba
C. Siya ang nagbibigay ng suhol pagkatapos magsimba.
D. Wala sa nabanggit

20. “Kay Yaweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan.” Ano
ang ibig ipahiwatig ng kawikaan na ito?
A. Magtiwala ka sa sarili mo at ganun din sa Diyos
B. Magtiwala ka sa iyong sariling karunungan at kakayahan
C. Sa Diyos ka magtiwala ng buo at huwag sa sarili mong karunungan
D. Wala sa tatlong nabanggit
DAVISOL NATIONAL HIGH SCHOOL
Exemeria, Manyayay. Lianga, Surigao del Sur
1st Quarter Final Exam
ESP-8

Table of Specification
Easy (50%) Average (30%) Difficult (20%)
Module Competency
10 6 4
1 Pagtutukoy sa mga Gawain o Karanasan sa 1,2,3
Sariling Pamilya na Napupulutan ng Aral at
Positibong Impluwensya sa Sarili
2 Pagpapairal ng Pagmamahalan, 4,5,6
Pagtutulungan at Pananampalataya sa
Isang Pamilyang Nakasama,
Naoobserbahan at Napanood
3 Pagpapatunay ng Pamilya bilang Natural 8 7,9
na Institusyon ng Pagmamahalan at
Pagtutulungan
4 Pagpapasagawa ang mga Angkop na Kilos 10 11,12
Tungo sa Pagpapatatag ng Pagmamahalan
at Pagtutulungan sa Sariling Pamilya.
5 Pagpapakilala ng mga Gawi o Karanasan 13 14,15
sa Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon
6 Paggagabay sa Pagpapasya Bilang 18 16,17
Pananagutan ng mga Magulang sa
Kanilang mga Anak
7 Pagsasabuhay sa nalalaman mula sa Banal 19,20
na Aklat tungo sa Paghubog ng
Pananampalataya
8
Total 10 6 4

Prepared by:

JINGLE P. CELESTIAN
T-III
Answer key
1. A
2. D
3. D
4. B
5. C
6. D
7. A
8. A
9. D
10. D
11. B
12. D
13. A
14. C
15. C
16. B
17. C
18. D
19. A
20. C

You might also like