You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII- Central Visayas
SCHOOLS DIVION OF NEGROS ORIENTAL
Kagawasan Avenue, Capitol Area, Dumaguete City

EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9

DIAGNOSTIC TEST

I. Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik na may tamang kasagutan.

1. Ano ang dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit niya sa pagpapasiya
nang may pananagutan?
a. kagalingang mangatwiran at matalas na kaisipan
b. Kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob
c. kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip
d. kalinawan ng isip at masayang kalooban
2. Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo
ang iyong puso na ibinigay ang lahat ng makakaya
a. Talino b. Skills c. pagpapahalaga d. Hilig
3. Sa "Parable of the Talent" tuwirang sinasabi sa Panginoon na ang mga kakayahang ibinigay
niya ay may kaukulang layunin. Ano ang mangyayari kung ito ay binalewala at hindi
pinahahalagahan?
a. babawiin b. papalaguin c. ipagmalaki d. pagyamanin
4. Ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.
a. misyon b. trabaho c. tungkulin d. pag-aasawa
5. Hindi lingid sa kaalaman ni Alfred ang mga naging puhunan ng kaniyang mga magulang sa
puhunan ng kaniyang mga magulang sa negosyong ipinundar simula noong bata pa siya
hanggang sa kasalukuyan kung kaya sila ngayon ay maginhawa at nakapagtapos lahat ng pag-
aaral sa kolehiyo. Siya ang saksi sa kasipagan at pagiging bukas-palad ng kaniyang mga
magulang. Sa kaniyang propesyon ngayon dala niya ito lalo na kapag may mga mahihirap
siyang pasyente sa probinsiya kapag nagdaraos sila ng medical mission. Anong pansariling
salik ang naging gabay ni Alfred sa pagpili ng kurso.
a. hilig b. pagpapahalaga c. katayuang pinansiyal d. kasanayan
6. Malungkot si Melchor dahil hindi niya mapilit ang kaniyang mga magulang sa gusto niyang
Kursong Engineering at mag-aral sa isa sa mga unibersidad sa Maynila. Gayunpaman, ang
kanilang lokal na pamahalaan ay nanghihikayat ng mga kursong Tech-Voc. Sila ay sasailalim
sa 6-month training, at pagkatapos ay may naghihintay na trabaho sa Middle East. Sa kaniyang
pagsasarili, naisip niyang ito ang magiging daan tungo sa kaniyang magandang pangarap para
sa kaniyang sarili at pamilya. Pumayag siya at naging desidido sa kaniyang desisyon na piliin
ito. Anong pansariling salik ang isinaalang-alang ni Melchor sa kaniyang naging desisyon na
maghanap ng alternatibo bilang tugon sa lumalaking demand sa lipunan?
a. katayuang pinansyal b. mithiin c. pagpapahalaga d. kasanayan
7. Alam ni Dianne ang kaniyang galing at husay pagdating sa Matematika. Ang kahusayan niya
sa pagkalkula ay namana niya sa kaniyang ama. At ang determinasyon at pagtitiyaga ay
nakuha sa kaniyang ina. Apat na buwan bago ang kanilang pagtatapos sa Junior High (Baitang
10) ay mayroon na siyang ideya kung ano ang kaniyang pipiliing kurso. Suportado rin siya ng
kaniyang mga magulang lao’t siya naman ay bukas pagdating sa komunikasyon sa mga nais
niyang kuning propesyon. Kahanga-hanga si Dianne dahil siya ay may matatag na loob na
magpasya para sa kanilang sarili. Anong pansariling salik ang naging tuntungan niya sa pagpili
ng kurso?
a. mithiin b. kasanayan c. pagpapahalaga d. hilig
8. Bata pa lamang si Cecil ay may interes na sa pagbabasa ng mga Educational book, ng
pagguhit at minsang pagsusulat. Lalo niya itong napaunlad nang siya ay sumali sa mga
paligsahan sa paaralan at nanalo. Kaya sa pagdating ng pagpili ng kurso ay hindi siya
nahirapan dahil alam na niya ang magiging linya ng kaniyang propesyon, ang maging
journalist. Alin sa sumusunod na pansariling salik ang naging daan upang makamit ni
Cecil ang tagumpay ng kaniyang piniling hanapbuhay?
a. kasanayan b. hilig c. mithiin d. pagpapahalaga
9. Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaaring mabago o mapalitan
a. Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao
b. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan
c. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa buhay
d. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Maaaring magkaroon ng problema
kung ito ay babaguhin pa.
10. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay?
a. Ito ang batayan ng tao sa kaniyang pagpapasya
b. Ito ay katulad ng isang personal na kredo o motto na nagsasalaysay ng nais mong
mangyayari sa iyong buhay
c. Isang magandang paraan ito upang higit na makilala ang sarili
d. Ito ay gawain tungo sa paglilingkod sa kapuwa.
11. Sa paggawa ng Personal na Misyon sa Buhay kinakailangan na gamitan mo ito ng
SMART. Ano ang kahulugan nito?
a. Specific, Measurable, Artistic, Relevance, Time Bound
b. Specific, Measurable, Attainable, Relevance, Time Bound
c. Specific, Manageable, Attainable, Relevance, Time Bound
d. Specific, Manageable, Artistic, Relevance, Time Bound
12. Ang sumusunod ay pansariling pagtataya sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay
maliban sa:
a. Suriin ang iyong ugali at katangian c. Sukatin ang mga kakayahan
b. Tukuyin ang mga pinahahalagahan d. Tipunin ang mga impormasyon
13. Ito ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.
a. Misyon b. Bokasyon c. Propesyon d. Tamang direksiyon
14. Ang ibig sabihin nito ay calling o tawag.
a. Bokasyon b. Misyon c. Tamang direksiyon d. Propesyon
15. Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa buhay ng
kapangyarihan kung:
a. nagagamit sa araw-araw nang mayroong pagpapahalaga
b. nakikilala ng tao ang kaniyang kakayahan at katangian
c. nagagampanan nang balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho at komunidad
d. kinikilala niya ang kaniyang tungkulin sa kapuwa
16. Saan dapat makabubuti ang isasagawang pagpapasiya?
a. Sarili, simbahan at lipunan b. Kapuwa, lipunan at paaralan
c. Paaralan, kapuwa at lipunan d. Sarili, kapuwa at lipunan
17. Front Office Agent/ Attendant, Baker, Food Server, Hot-Kitchen Cook, Tour Guides, Waiter
at Service Attendant ay iilan lamang sa mga trabahong in demand sa bansa at sa buong
mundo. Alin sa mga Key Employment Generators sa ibaba ito kabilang?
a. Overseas Employment b. Transport and Logistics
c. Cyberservices d. Hotel and Restaurant
18. Ang mga sumusunod ay mga trabahong in demand sa bansa at sa buong mundo na
kabilang sa Key Employment Generator na Agribusiness MALIBAN sa:
a. Animation Artist b. Pathologist c. Food Processor/ Food Technician d. Veterinarian
19. Madalas mapagsabihan si Andrew ng kaniyang lolo dahil sa pagbubutingting
nito ng mga sirang upuan. Dahil dito, nalipasan na ng kain si Andrew. Ano ang tugmang SHS
strand ang ipinapakita ni Andrew?
a. SMAW b. Masonry c. Carpentry d. Cooking and Pastry
20. Ang mga sumusunod ay angkop na kurso sa akademikong track MALIBAN sa:
a. Pharmacy b. Electronics c. Communication d. Political Science
21. Ang pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at palakasan, negosyo o
hanapbuhay na angkop sa sariling talento, kakayahan at hilig ay makatutulong sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa. Ang pangungusap ay:
a. Tama, ang maling pagpili ng kurso na ayon sa iyong sariling talento, kakayahan at
hilig ay nangangahulugang karagdagang problema sa isyu ng job mismatch.
b. Mali, ang pag-unlad ng bansa ay responsibilidad ng pamahalaan at hindi ng kaniyang
mamamayan
c. Tama, ang pagpili ng tamang kurso ayon sa sariling talento, kakayahan at hilig ay
hakbang sa minimithing trabaho at buhay sa hinaharap para sa sarili, pamilya, kapwa at
bansa
d. Mali, ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa mga batas na gagawin at ipatutupad
nang mga naihalhal na ng taong bayan.
22. Alin sa sumusunod na suliranin ang dapat bigyan pansin ng pamahalaan na maaaring
maging susi sa pag-unlad ng ekonomiya nito?
a. Ang patuloy na pagdami ng Pilipinong walang trabahong mapapasukan.
b. Ang dumaraming bilang ng manggagawang Pilipinong inaaabuso sa ibang bansa
c. Ang kawalan ng sapat na impormasyon sa mga trabahong lokal o maging sa ibang
bansa na angkop sa hilig, talento at kakayahan na ayon sa kursong natapos
d. Ang mga batas na hindi naipapatupad upang makalikom ng buwis sa kita ng mga
manggagawa.
23. Kung isasabuhay mo ang iyong mga pangarap, alin sa sumusunod ang maaaring
makatulong sa iyo?
a. Pagsasabuhay ng mga kaalamang ibinahagi ng magulang, guro at kaibigan
b. Mga kasanayang ayon sa lipunang kinabibilangan
c. Mga karanasang pampagkatuto na gagamitin sa pagtatayo ng negosyo
d. Pagpili ng kurso ayon sa talento, hilig at kakayahan
24. Isinasabuhay ng pamahalaan ang kaniyang tungkulin sa kaniyang mamamayan sa
pamamagitan ng ____________________.
a. paglikha ng maraming trabaho para sa kaniyang mamamayan.
b. paglulunsad ng mga programang pampagkatuto na magagamit ng kaniyang
mamamayan sa paggawa at mithiin ng lipunan ang kabutihang panlahat
c. pagbibigay sapat na impormasyon sa mga batas na nilikha para pangalagaan ang
kaniyang karapatan
d. pagsasaayos sa sistema ng pamamahala upang mawakasan ang kurapsiyon at
maling pagsasabuhay ng tungkulin
25. Ang mga sumusunod ay pangunahing akademikong kasanayan MALIBAN sa:
a. pag-awit b. pagbasa c. pagsulat d. pagtutuos
26. Ang trabahong skilled worker ay nangangailangan ng specilaized skill na hindi
nangangailangan ng mataas na akademikong pag-aaral, maaaring nangangailangan ng
teknikal-bokasyonal na pagsasanay. Alin dito ang hindi kabilang sa hanay?
a. welder b. carpenter c. electrician d. nurse
27. Ito ang tawag sa mga pagsasanay, pag-aaral, posisyon o iba't ibang trabaho at mga
paghahanda na ating pinagdaraanan upang matamo ang nais na uri ng pamumuhay.

a. job analysis b. career path c. steady state d. linear


28. Ang mga sumusunod ay mga pansariling salik sa pagpili ng akmang kurso sa pagtungtong
sa Senior High o kolehiyo MALIBAN sa:

a. impluwensiya ng mga kaibigan b. talent c. hilig d. kasanayan


GRADE 9

Edukasyon sa Pagpapakatao

DIAGNOSTIC TEST

ANSWER KEY:

1 b
2 d
3 a
4 a
5 b
6 a
7 b
8 a
9 c
10 d
11 b
12 c
13 a
14 a
15 c
16 d
17 d
18 a
19 c
20 b
21 c
22 c
23 d
24 d
25 a
26 d
27 b
28 a

You might also like