You are on page 1of 3

Schools Division Office

LAGRO HIGH SCHOOL


District V, Quezon City, Metro Manila
FIRST QUARTERLY SUMMATIVE ASSESSMENT IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
SY 2023 – 2024

Panuto: Piliin at isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot.


1. Ayon sa kanya, may walong inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng pagdadalaga at
pagbibinata.
a. Havighurst b. Gardner c. Covey d. Hurlock
2. Ito ay pagtitimbang ng mga pamimilian bago gumawa ng desisyon ay isa sa mga palatandaan ng pag-unlad sa:
a. Moral b. Pangkaisipan c. Panlipunan d. Pandamdamin
3. Ito ang tawag sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.
a. Transition Period b. Adolescence Period c. Development Period d. Maturity Period
4. Ito ang tawag sa paglipat mula sa isang yugto ng buhay patungo sa susunod pang yugto ng buhay.
a. Transition Period b. Adolescence Period c. Development Period d. Maturity Period
5. Ang isang nagdadalaga at nagbibinata ay naghahanap ng mga taong makakasama niya nang mas madalas
araw-araw, makakasundo sa maraming bagay at iba pang gawain. Ito ay inaasahang kakayahan at kilos sa:
a. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasiya
b. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito
c. Pagtanggap ng papel sa lipunan bilang babae o lalaki
d. Pagtatamo ng bago at hanap na pakikipag-ugnayan
6. Napapansin ni Miguel na dumadalang ang pangangailangan nyang makasama ang kanyang pamilya. Sa halip ay
mas nasisiyahan siyang kasama ang kanyang mga kaibigan. Ito’y aspeto ng pagbabago sa:
a. Pangkasisipan b. Pandamdamin c. Panlipunan d. Moral
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa
panahon ng pagdadalaga at pagbibinata?
a. Pagsisikap na makakilos na angkop sa kanyang edad
b. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
c. Pagtamo at pagtanggap nang maayos na ugali sa pakikipagkapwa
d. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
8. Alin sa mga sumusunod ang makatutulong sa iyo upang mahubog ang maayos at ganap na pakikipag-ugnayan?
a. Alamin mo kung ano talaga ang iyong nais c. Tanggapin lang ang mga positibong katangian ng kapwa
b. Ipakita lang ang iyong magagandang katangian d. Makipag-usap ng paminsan-minsan sa kasing-edad
9. Sa yugto ng maagang pagdadalaga at pagbibinata, inaasahan na sa isang “teenager” ang pagkakaroon ng
kasintahan (girlfriend/boyfriend). Ang pahayag na ito ay:
a. Tama, dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng relasyon sa katapat na
kasarian sa maagang panahon.
b. Tama, dahil ito ay makatutulong sa kanya upang matutong humawak ng isang relasyon at maging handa sa
magiging seryosong relasyon sa hinaharap.
c. Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isang nagdadalaga o
nagbibinata sa paghawak ng isang seryosong relasyon.
d. Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang “teenager”
10. Si Ana ay iskolar sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napaliligiran sya ng mga mayayaman na kamag-
aral. Labis ang kanyang pag-aalala dahil alam nyang hindi naman siya makasasabay sa mga ito sa maraming
bagay. Ano ang pinakamakatwirang gawin ni Ana?
a. Makipagkaibigan lamang siya sa mga kapwa niyang mga iskolar na mahirap din.
b. Ipakita niya ang kanyang totoong pagkatao.
c. Kausapin niya ang kanyang mga magulang upang bumili ng mga gamit at damit na katulad sa mga
mayayaman nyang kamag-aral.
d. Maki-angkop sa mga kamag-aral na mayaman sa oras na sila ang kasama at sa mga kapwa niyang iskolar
na mahirap kung sila naman ang kasama.
11. Masasabi lamang na ganap ang iyong pakikipag-ugnayan kung handa mong ipaalam ang lahat sa kapwa. Ang
pahayag na ito ay:
a. Tama, dahil nagpapakita ito ng tiwala sa kapwa.
b. Tama, dahil ito ay magiging simula ng isang malalim na pakikipag-ugnayan.
c. Mali, dahil sa pamilya mo lamang nararapat na sabihin ang lahat ng sikreto.
d. Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi magamit ang mga impormasyon tungkol sa
sarili laban sa iyo sa hinaharap.
12. Ang pagharap at wastong pamamahala sa pagbabago sa pagdadalaga o pagbibinata ay tungkuling bilang:
a. mag-aaral b. anak c. sa sarili d. bilang kapatid
13. Mababa ang marka ni Betty sa English dahil hirap sya sa asignaturang ito. Palaging mababa ang kanyang marka
sa mga pagsusulit at hindi sya magkaroon ng “confidence” na magrecite sa klase dahil hirap sya sa pagsasalita
ng ingles. Ano ang maaaring gawin ni Betty?
a. Maglapat ng paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kanyang kakayahan sa pagsasalita at
pagsusulat sa ingles.
b. Alamin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura.
c. Tukuyin kung ano ang nais na matutuhan upang ito ang paunlarin.
d. Magpaturo sa mga kamag-aral.
14. Si Charlie ay madalas na makipag-away sa kanyang kapatid. Para silang aso’t pusa sa dalas ng kanilang pag-
aaway. Madalas sumasama ang loob ng kanilang nanay dahil sa kanilang pag-aaway. Ano ang makatuwirang
magagawa ni Charlie?
a. Umiwas na kanyang kapatid upang hindi na sila magtalo.
b. Hanapin ang dahilan ng kanilang hindi pagkakasundo at kausapin ang kapatid upang iwasan na itong gawin.
c. Makipagplastikan na lamang sa kapatid.
d. Makipagbati sa kapatid upang makonsensya ito.
15. Upang mapaghandaan ang paghahanapbuhay sa hinaharap, kinakailangan na:
a. Magpaganda ng katawan c. Magkaroon ng plano sa kursong gustong kunin sa hinaharap
b. Makipag-kaibigan sa mga tambay d. Hingin ang payo ng lahat
16. Ito ay talinong kaugnay ng kakayahan sa pangangatuwiran at paglutas na suliranin.
a. Visual/Spatial b. Naturalist c. Mathematical/Logical d. Intrapersonal
17. Ito ay talino sa interaksyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
a. Interpersonal b. Verbal/Linguistic c. Intrapersonal d. Existential
18. Ang taong may ganitong talino ay mas natututo sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang katawan tulad
halimbawa sa pagsasayaw o paglalaro.
a. Bodily/Kinesthetic b. Musical/Rhythmic c. Naturalist d. Visual/Spatial
19. Ang larangan kaugnay sa pagiging Scientist, Inhinyero, Doktor at Ekonomista ay ______.
a. Bodily/Kinesthetic b. Musical/Rhythmic c. Naturalist d. Visual/Spatial
20. Ayon kay Dr. Howard Gardner, ang mga sumusunod ay mga kakayahan o iba’t ibang talino maliban sa _____.
a. Intrapersonal b. Artistic c. Existential d. Naturalist
21. Sino sa mga sumusunod ang higit na nagtataglay sa talino sa Bodily/Kinesthetic?
a. Lea Salonga b. Manny Pacquiao c. Kris Aquino d. Coco Martin
22. Ang pakikipag-ugnayan sa social media, halimbawa ay pakikipagchat o pagbibigay ng komento sa mga posts ay
nagpapakita ng mga sumusunod na talino maliban sa _______.
a. Interpersonal b. Visual/Spatial c. Verbal/Linguistic d. Mathematical/Logical
23. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng talinong Interpersonal maliban sa ___.
a. Kakayahang pagsamasamahin ang mga bagay batay sa kanilang kalidad.
b. Kakayahang makipagtulungan at kaisa sa isang pangkat.
c. Kakayahan sa pakikipagkapwa
d. Mabilis na nakatutugon sa pagbabago ng damdamin, motibasyon at disposisyon ng kapwa.
24. Si April ay may kakayahang mangatuwiran at mahusay sa pakikipagdebate. Siya ang laging isinasali ng kanilang
paaralan kapag may paligsahan sa pakikipagtalastasan. Ano kaya ang kursong nababagay para kay April?
a. Accounting b. Architecture c. Law d. Psychology
25. Si Anna ay mabilis matuto sa pamamagitan ng kaniyang paningin. Nakagagawa siya ng mahusay na
paglalarawan ng mga ideya. May kakayahan siya na makita sa kaniyang isip ang mga bagay upang makalikha ng
isang produkto. Anong talino ang taglay niya?
a. Mathematical/Logical b. Existential c. Intrapersonal d. Visual/Spatial
26. Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talento?
a. Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin.
b. Dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talent.
c. Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talent.
d. Dahil hindi nila kinikilala ang kanilang kakayahan dahil hindi naman ito makaagaw atensyon.
27. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?
a. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili c. Upang maging isang mabuting kaibigan
b. Upang mapaunlad ang pagkatao. D. Upang magawa anuman ang naisin.
28. Paano mo mapauunlad ang talento at kakayahan?
a. Gamitin ang kakayahan sa paghahanapbuhay c. Ibalita ang iyong talento sa iba
b. Sumali sa mga paligsahan at programa sa paaralan d. Gawing negosyo ang iyong talento
29. Si Bernard ay mababa ang tiwala sa sarili sa kabila ng kanyang talento. Hindi niya ito ipinapakita sa paaralan
dahil sa takot na hindi ito magugustuhan ng iba pang mga mag-aaral. Ano ang makatuwirang gawin ni Bernard?
a. Kausapin niya ang kanyang sarili at sabihin na hindi matatalo ng hindi pagtanggap ng iba sa kanyang talento
ang kanyang pagnanais na umunlad ang kanyang kakayahan.
b. Humingi siya ng papuri mula sa kanyang mga kaibigan at kapamilya na makatutulong upang maiangat ang
kanyang tiwala sa sarili.
c. Manahimik na lamang para hindi magkaroon ng ikasasama niya ng loob.
d. Huwag niyang isipin na mas magaling ang iba sa kanya, bagkus, isipin na siya ay nakaaangat sa lahat.
30. Ano ang pinaka angkop na kahulugan ng kakayahan?
a. Ang kakayahan ay taglay ng tao dahil sa pagkakaraoon ng kalakasang intelektwal o kakayahang mag-isip.
b. Ang kakayahan ay likas sa tao at kusang lumalabas sa tamang panahon.
c. Ang kakayahan ay taglay ng lahat ng tao at nagagamit ng pantay-pantay.
d. Ang kakayahan ay ang pagkakaroon ng tao ng lakas upang magawa ang iba’t ibang bagay
31. Isang mabisang paraan upang masimulan ang daan sa pagpapaunlad ng sarili.
a. Paggawa ng plano o mga hakbang sa pagkamit nito. c. Pakikinig sa mga plano at hakbangin ng iba.
b. Pag-iisipi ng mga pangarap sa buhay. d. Paghingi ng payo sa malalapit na kaibigan
32. Ano ang maaring makatulong upang matiyak na mapauunlad ang angking talento at kakayahan?
a. Magtiwala sa likas na talento at kakayahan. c. Magkaroon ng sapat na panahon at masusing pagsasanay
b. Making sa mga papuri ng iba. d. Maging masaya sa anumang ginagawa.
33. Ano ang makatutulong sa isang mag-aaral na may talento sa pag awit na magamit ito nang lubos kung siya ay
mahiyain at may takot na humarap sa tao?
a. Kailangan niya umawit araw-araw nang walang nakakikita o nakaririnig upang hindi siya lalong mahiya.
b. Kailangan niya maniwala at magtiwala sa sariling talento at kakayahan at gamitin sa tuwing mayroon siyang
pagkakataon.
c. Kailangan niya ipagsabi sa mga tao na magailing siyang umawit upang lumakas ang loob.
d. Kailangan niyan makihalubilo sa mga magagaling ding umawot at palaging makinig sa mga papuri na
natatanggap nila
34. Ang hilig ay maaring pagmulan ng mga sumusunod, maliban sa:
a. Natutunan mula sa karanasan c. Nakita sa Kaibigan
b. Minamana d. Galing sa ating mga pagpapahalaga at kakayahan
35. Ang makabuluhang paggamit ng mga hilig ay tungkulin sa :
a. Kapwa b. Sarili c. Pamilya d. Pamayanan
36. Si Albert ay isang mountain climer at ramdam na kaisa niya ang kalikasan. Anong larangan ng hilig ni Albert?
a. Outdoor b. Mechanical c. Indoor d. Literacy
37. Ano ang pinaka mahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na kinahihiligan?
a. Nakapagpapasaya ng tao c. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap
b. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili d. Nagkakaroon ng maraming kaibigan
38. Ano ang kaugnayan ng hilig sa pag pili ng kursong pangakademeko/bokasyonal?
a. Makatutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay ng kasiyahan sa hinaharap
b. Magiging matagumpay sa kursong kukunin
c. Makatutulong ang hilig upang mapili ang angkop na kursong pang akademeko / bokasyonal.
d. Masisiguradong maipapakita ang galing sa pag-aaral upang maitaas ang antas o lebel ng pagkatuto.
39. Alin sa mga sumususod ang nagpapakita ng makabuluhang paggamit ng mga hilig?
a. Ginagamit ni Rex ang computer sa paglalaro at pagtuklas ng mga bagong laro.
b. Ginagamit ni Rona ang kaniyang iphone sa pakikipagchat maghapon.
c. Buong araw tumutugtog ng guitar si Adrian kaya hindi siya nakaktulong sa gawaing bahay.
d. Nagvolunteer si Glen na magturo sa ibang kamag-aral na hirap sa computer subject.
40. Ang mga sumusunod ay paraan sa pagtuklas ng hilig, maliban sa:
a. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin c. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpa pasigla sa iyo
b. Pagnilayan ang iyong ang mga libangan d. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin ng mga ito.
41. Bakit mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig?
a. Magbibigay kahulugan ito sa bawat pang araw-araw na gawain.
b. Makatututlong ito upang matukoy ang bagay na nais mong gawin sa iyong libreng oras
c. Palantandaan ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa iyo bilang tao.
d. Makapagpapataas ito ng iyong mga marka.
42. Tuwing araw ng sabado, Si Rose ay tumutulong sa kanyang tiyahin sa pagbabantay sa tindahan nito. Kahit pagod
ay nasisiyahan si Rose sa kaniyang ginagawa. Malaki ang kanilang benta kapag siya ang nagtitinda. Anong Larangan
ng hilig ang taglay niya?
a. Artistic b. Persuasive c. Literary d. Clerical
43. Ang tuon ng atensyon na may kinalaman sa bagay o tools.
a. Tao b. ideya c. bagay d. datos
44. Ang______ ay tumutukoy sa preperensya ng uri ng pakikisangkot sa isang gawain.
a. Hilig b. Kakayahan c. Pangarap d. Tuon ng atensyon
45. Nakapagbibigay ang hilig ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Ang
pangungusap ay:
a. Tama, ito ang pinakamataas na makakamit sa pagtuklas ng hilig.
b. Tama, dahil kung hilig mo ang iyong ginagawa magagawa mo ito nang buong sigla at husay.
c. Mali, dahil makakamit lamang ito kung ginagawa ang hilig upang tulungan ang kapwa.
d. Mali, dahil mahalagang nakaayon ang hilig sa talento ay kakayahan ng tao upang makamit ang mga ito.
46. Mula pa pagkabata, hilig na ni Sarah Geronimo ang pag-awit kung kaya naman, isa siya sa pinakasikat na
babaeng singer sa Pilipinas. Ano ang larangang hilig at tuon ng atensyon mayroon siya?
a. Outdoor: bagay b. Mechanical: datos c. Literary: ideya d. Musical: tao

Para sa bilang 47-48. Tukuyin ang larangan ng hilig ng sumusunod:


47. Pagbibisekleta.
a. Computational b. Mechanical c. Outdoor d. Scientific
48. Pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.
a. Mechanical b. Outdoor c. Scientific d. Social Service
49. Bago pa man maging Kapitan si MangLupen ay matagal at malawak na ang karanasan sa pagiging lingkod-bayan
bilang social worker. Anong mga larangan ng hilig at tuon ng atensyon mayroon siya?
a. Artistic, outdoor, persuasive: ideya, datos, tao
b. Clerical, persuasive, social services: datos, ideya, tao
c. Persuasive, clerical, mechanical: tao, datos, bagay
d. Social services, literary, clerical: tao, ideya, bagay
50. Ang sumusunod ay ang kinahihiligang gawin ng apat na magkakapatid. Ano-ano ang larangan na kanilang
kinahihiligan?
 Si Josh ay mountain climber. Sa gawaing ito ramdam niyang kaisa niya ang kalikasan.
 Si Jess ay laging nagkukutingting o nagkukumpuni ng kanyang motor.
 Si Jenny ay palaging nasa komunidad at nagbibigay ng libreng sebisyo.
 Si Jake ay palaging nakakulong sa kanyang silid at nagpipinta ng iba’t ibang larawan.

a. Persuasive, outdoor, clerical, mechanical c. Outdoor, mechanical, social service, artistic


b. Scientific, computational, persuasive, artistic d. Literary, musical, social service, clerical

You might also like