You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
BUENLAG NATIONAL HIGH SCHOOL
BUENLAG, CALASIAO, PANGASINAN
S.Y. 2022-2023
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Pangalan: Marka:__________________
Antas at Seksiyon: Petsa:

I.MARAMIHANG PAGPIPILIAN
Panuto: Basahin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Anong aspeto sa palatandaan sa pag-unlad sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata kabilang ang
pagkakaroon ng kaalaman sa tama o mali?
A. Moral B. Pandamamin C. Pangkaisipan D. Panlipunan
2. Si Amely ay mag-aaral sa ika-walong baitang. Nahihilig siya sa pagbabasa ng mga aklat at mas mabilis
na rin siya sa pagmememorya. Anong aspeto ng mga palatandaan ng pag-unlad sa panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata ang kanyang nararanasan?
A. Moral B. Pandamamin C. Pangkaisipan D. Panlipunan
3. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng pangkaisipang palatandaan sa pag-unlad sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata MALIBAN sa:
A. Mas nakapagmememorya
B. Nagiging mahusay sa pakikipagtalo at pakikipagtalakayan
C. Nakagagawa ng mga pagplaplano sa hinaharap
D. Tinitimbang ang mga pamimilian bago gumawa ng pasiya o desisyon
4. “Ang isang bata ay madalas na mas nakikipag-ugnayan sa kapwa batang katulad niya ang kasarian”.
Ano ang tinutukoy na halimbawa ng inaasahang kakayahang at kilos sa nagdadalaga at nagbibinata?
A.Pagtanggap sa lipunan bilang babae o lalaki
B.Pagnanais at pagtatamo at mapanagutang asal sa pakikipag kapwa.
C.Pagtanggap ng mga pagbabago sa sarili at paglalapat sa tamang pamamahala sa mga ito
D.Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more Mature relation) sa mga kasingedad
5. Mahihirapan ka na tanggapin ang kahinaan ng ibang tao kung hindi mo kayang tanggapin ang sarili
mong mga kahinaan. Anong hakbang sa pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan ang tinutukoy?
A. Ipakita ang tunay na ikaw C. Pantilihing bukas ang komunikasyon
B. Mahalin mo ang iyong sarili D. Tanggapin ang kapwa at ang kanyang tunay na pagkatao
6. Naobserbahan mo na may negatibong pag-uugali ang iyong kaibigan, ano ang dapat mong gawin?
A. Isumbong sa kanyang ina upang siya ay mapagsabihan
B. Hayaan ang ibang kaibigan ang magsabi dahil baka magalit siya
C. Tanggapin na lang ang kanyang negatibong ugali dahil kaibigan ko siya
D. Sabihin sa kanya ng maayos upang magkaroon siya ng pagkakataong baguhin ito
7. Ano ang dahilan kung bakit hindi dapat maging masyadong pamilyar sa isa’t isa o hindi lahat ng bagay
ay sinasabi sa mga kakilala?
A. Maaaring magamit ang impormasyon tungkol sa iyo na ikapapahamak mo balang araw
B. Maraming tao ang hindi mapagkakatiwalaan
C. Pamilya mo lang ang dapat makaalam ng mga sikreto mo
D. Sinasabi lamang ang mga sikreto sa matalik na kaibigan
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo tungkol sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili?
A. Hindi laging umaasa sa opinyon ng ibang tao
B. Mangingibabaw ang iyong mga kalakasan
C. Natatakot na harapin ang mga bagong hamon
D. Pagkakaroon ng positibong pagtingin sa iyong mga kakayahan
9. Ano ang ibig sabihin ng “Desiring and achieving socially responsible behaviour”?
A. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan
B. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
C. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasiya
D. Pagtamo at pagtanggap ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa
10. Mas makabuluhan ang pakikipag-ugnayan kung walang anumang itinatago sa bawat isa. Ano ang
tinutukoy na hakbang ng pagbabago?
A.Alamin mo kung ano talaga ang iyong nais
B.Ipakita ang tunay na ikaw
C.Pantilihing bukas ang komunikasyon
D.Tanggapin ang kapwa at ang kanyang tunay na pagkatao
11. Ang mga sumusunod ay mga hakbang para sa paghahanda para sa paghahanapbuhay MALIBAN sa:
A. Hubugin ang tiwala sa sarili at ang kakayahan sa pagpapasiya
B. Kilalanin ang iyong mga talento, hilig, kalakasan at kahinaan
C. Makipagkaibigan at lumahok sa iba’t ibang gawain sa paaralan
D. Hingin ang payo ng mga kaibigan sa pagpili ng angkop na kurso para sa iyo
12. Kritikal ang panahon ng pagdadalaga o pagbibinata sapagkat ito ay maaaring bumuo o sumira ng iyong
kinabukasan. Ano ang HINDI dapat gawin?
A. Maghanda para sa pag-aasawa
B. Maingat sa mga gagawing pagpapasya
C. Magkaroon ng buong tiwala sa sarili at sa mga kakayahan
D. Maging bukas sa pagtanggap ng tulong o payo mula sa mga taong nagmamalasakit
13. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TALIWAS sa konsepto ng pagdadalaga o pagbibinata?
A. May oras sa paglalaro C. Pagtaas ng antas ng pananagutan
B. Pagmamahal sa sarili D. Pagtayo sa sariling mga paa
14. Ang mga sumusunod ay katangian ng kakayahan MALIBAN sa:
A. Kakayahang intelektwal
B. Minana sa magulang
C. May kinalaman sa talas ng pag-iisip ng tao.
D. Likas na tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip
15. Si Alex ay tanyag sa husay sa pag-awit sa Baranggay Maliksi. Hindi na mabilang ang kanyang
tropeyong nakolekta at nakapagpundar ng mini-grocery sa perang napanalunan. Ano ang kanyang talino?
A. Mathematical/ Logical B. Muscial/ Rythmic C. Verbal/ Lingusitic D. Visual/ spatial
16. Si Confucius ay isang kilalang pilosopo. Nakatatak sa kanya ang katagang sinulat na: ”Kung ano ang
ginawa mo sa iba ay siya ring gagawin sa iyo.” Ang ang talinong mayroon siya?
A. Existential B. Intrapersonal C. Naturalist D. Verbal/Lingusitic
17.Alin sa mga sumusunod ang katangian ng taong may talinong interpersonal?
A. Madamdamin B. Mahiyain C. Palakaibigan D. Sensitibo
18. Si John ay tahimik at mahiyain na bata. Sa kabila nito napansin ng guro ang galing niya sa pagguhit at
sinabihang lumahok ng paligsahan na naging dahilan ng kanyang pagliban. Ayon sa kanyang nanay, lubos
ang pagkamahiyain ni John na hindi niya magawang tanggihan ang guro. Ano ang maaring mangyari sa
husay ni John kung patuloy itong mangyayari?
A. Hindi malilinang ang kanyang talento sa pagguhit
B. Huhusay siya sa pagguhit sa kanyang pag-iisa
C. Matuto din siyang makihalubilo sa ibang tao
D. Lahat ng nabanggit ay maaaring mangyari sa buhay niya
19. Si Haring Solomon ay kilala sa kaniyang karunungan. Isa sa di-malimutang ginawa niya ay ang
pagbigay hatol sa dalawang ina na nag-agawan sa isang sanggol. Ang hatol niya: “hatiin sa dalawa ang
bata”. Dahil dito, lubos ang biyaya at pagmamahal ng Diyos sa kanya. Anong pangunahing katangian ang
taglay niya?
A. Mahusay at matapang C. Nilinang at pinaunlad ang talinong bigay sa kanya
B. May malakas na pananampalataya sa Diyos D. Lahat ng nabanggit
20. Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa paggawa ng plano sa pagpapaunlad sa sarili MALIBAN sa:
A. Alam natin ang aspeto ng kailangang paunlarin, alin ang dapat unahin.
B. Dapat alam natin ang ating mga kalakasan at kahinaan.
C. Kailangang gawin ang lahat ng gusto nating gawin.
D. Lapatan ng paraan kung paano isasagawa ito.
21. Sino ang nagsabi na “ Ang pagtutuon ng atensiyon nang marami sa talent sa halip na sa kakayahan ay
isang hadlang tungo sa pagtatagumpay.”?
A. Bill Bradley B. Brian Green C. Michaelangelo D. Sean Covey
22. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kawalan ng tiwala sa sarili?
A. Hindi umaasa sa opinyon o paghuhusga ng ibang tao
B. May kakayahang magdesisyon mag-isa
C. Nakikilala ang mga talento at kakayahan
D. Umaasa sa sinasabi ng iba at nagpapadikta sa kayang gawin
23. Likas sa tao ang pagkakaroon ng talento. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil itinuturo naman ito sa lahat ng tao.
B. Tama, dahil lahat tayo ay ipinanganak na may talento.
C. Mali, Dahil may tao naman na walang talento
D. Mali, Dahil tinuturuan lang tayo ng ating mga magulang kaya may talento
24. Bakit mahalagang malampasan natin ang ating mga kahinaan?
A. Makagawa ng plano at maipagmalaki ang pagtatagumpay
B. Magkaroon tayo ng tiwala sa sarili
C. Maisagawa ng maayos ang mga tungkulin
D. Lahat ng nabanggit
25. “Ang pagsasanay (practice) at pagkakaroon ng interes ay mahalaga sa pagpapaunlad ng ating talento
at kakayahan”. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil mahalaga ang pagsasanayat dapat ay masaya at gusto natin an gating ginagawa.
B. Tama, dahil inspirasyon natin ito upang higitan ang ibang tao
C. Mali, dahil gagaling naman tayo kahit hindi tayo magsanay
D. Mali, dahil may talento naman ang bawat tao
26. “Sapagkat sa sinumang mayroon nito, bibigyan pa siya at magkaroon ng sagana; ngunit ang wala,
maging ang sa kaniya ay aagawin pa.” Ano ang tinutukoy ng anekdotang ito?
A. Kabutihan B. Kagalakan C.Kagandahan D. Talento
27. Ang pagkakaroon ng preperensiya sa partikular na mga gawain ay nagbibigay ng motibasyon sa isang
tao na kumilos at gumawa ng may pagsisikap at kasiyahan. Ano ang tinutukoy ng pangungusap?
A. Hilig B. Kakayahan C. Pangarap D. Talento
28. Si Yeng Constantino ay isang mahusay na mang-aawit at manunulat ng mga kanta. Saan nabibilang na
larangan ang hilig ni Yeng?
A. Artistic B. Linguistic C. Musical D. Scientic
29. Ang mga hilig ay preperensiya sa mga partikular na uri ng gawain na maaaring batayan sa kursong
kukunin sa kolehiyo o teknikal bokasyonal. Ang mga hilig ay galing sa mga sumusunod maliban sa:
A. Natutuhan mula sa mga karanasan C. Impluwensiya ng mga kaibigan
B. Minamana D. Galing sa ating mga pagpapahalaga at kakayahan
30. Ano ang larangan ng hilig ni Jun na malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay bagay?
A. Artistic B. Computational C. Mechanical D. Scientific
31. Alin sa mga sumusunod na tuon ng hilig ang may preperensiya sa katotohanan, records, files, numero
at detalye?
A. Bagay B. Datos C. Ideya D. Tao
32. Siyang- siya si Janna na tumulong sa ibang tao. Para sa kanya, hindi masaya ang buhay kung hindi mo
paglilingkuran ang iyong kapwa. Ano ang larangan ng hilig ni Janna?
A.Literary B. Mechanical C. Outdoor D. Social Services
33. Si Joan ay nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman. At nasisiyahan ding mag-imbento ng mga
bagay at produkto kaya ang larangan ng kanyang hilig ay scientific. Ano naman ang kurso/teknikal
bokasyunal ang nababagay sa kanya?
A.Accountancy B. Criminology C. Engineering D. Environmental Science
34. Ano ang pinakamahalagang dahilan kung bakit kailangan mong malaman ang mga bagay na iyong
kinasisiyahang gawin?
A. Makapagpapaunlad ito ng talento at kakayahan
B. Magbibigay kahulugan ito sa sa bawat Gawain mo sa araw araw
C. Matutukoy ang mga bagay na nais mong gawin sa iyong libreng oras.
D. Palatandaan ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay kasiyahan sa iyo.
35.Si Ivan ay maawain at mapagmahal sa mga aso at pusa. Mahusay din siya sa pag-aalaga ng iba’t ibang
uri ng hayop kaya beterinaryo ang kanyang kinuhang kurso sa kolehiyo. Ang kanyang hilig ay
A. galing sa kanyang pinahahalagahan at kakayahan
B. minana sa kanyang mga magulang
C. natutunan sa kanyang karanasan
D. natutunan sa mga kaibigan
36. Ang mga sumusunod ay ang kinahihiligang gawin ng apat na magkakaibigan. Ano- ano ang larangang
kanilang kinahihiligan?
•Si Andrew ay isang siklista.
•Si Paul ay mahilig gumamit ng numero.
•Si Ana ay mahilig magdisenyo ng mga damit
•Si Clara ay mahilig tumulong sa mga kapitbahay nya.
A. Interpersonal, computational,literary,persuasive
B.Naturalist, visual, existential,intrapersonal
C.Persuasive, outdoor,clerical,mechanical
D.Outdoor, mechanical, artistic,social service
37. Simula sa pagkabata kilala na si Ana sa pagiging matulungin sa kapwa. Binibigyan niya ng kanyang
baon ang mga kaklaseng wala nito at nagbibigay ng pagkain sa mga pulubi. Sa anong larangan ng hilig
siya nabibilang?
A. Clerical B. Persuasive C. Scientific D. Social Services
38. Ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa mga sumusunod MALIBAN sa:
A. Paghahanda sa pag-aasawa
B. Paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon
C. Paglilingkod sa pamayanan
D. Pagtupad ng mga tungkulin
39. Sa bawat araw na dumaraan, marami kang bagay na dapat gawin. May mga obligasyon ka sa tahanan,
sa paaralan, sa simbahn at sa lipunan. Ano ang tinukoy ng pangungusap?
A. hilig B. kakayahan C. talento D. tungkulin
40. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng mga kabataan maliban sa:
A. Tungkulin sa sarili C. Tungkulin bilang kaibigan
B. Tungkulin bilang kapatid D. Tungkulin bilang mag-aaral
41. Alin ang pangunahing paraan upang papurihan ang Diyos?
A. Pagbibigay ng donasyon B. Pagkanta C. Panalangin D. Pagsayaw
42. Alin sa mga sumusunod ang higit nanagpapakita ng tunay na likas na pagkatao ng tao?
A. pag-alam at pagsasagawa ng tungkulin.
B. pagiging mapanagutan
C. pagsunod sa mga alituntunin
D. pagtugon sa tungkulin
43. Malakas na ang panaghoy ng inang kalikasan at lumalala na ang kanyang sakit. Ano ang kahulugan ng
pangungusap.
A. Malala na at malawak na ang suliraning pangkapaligiran
B. May sakit ang ating kalikasan.
C. May kumakalat na nakahahawang sakit dapat pag-ingatan
D. May malalang karamdaman na dapat sugpuin ang mga kababaihan.
44. Ang pagpapayaman ng isip at pagkatutong lutasin ang sariling suliranin lalo na sa pakikipag-ugnayan
at pagpapasya ay bahagi ng tungkulin bilang isang _______
A. anak B. mag-aaral C. mamamayan D. mananampalataya
45. Ano ang malalang mangyari kung pababayaan natin ang ating kapaligiran?
A. Darami ang mga taong magtutulung-tulong upang alagaan ito.
B. Liliit ang populasyon ng mga tao at iba pang may buhay.
C. Magdudulot ito ng kahirapan sa kabuuang buhay ng tao.
D. Magiging marumi ang paligid.
46. Ano ang tungkulin mo bilang isang konsyumer ng midya?
A. Maglaro maghapon sa computer.
B. Manood ng marahas na Palabas
C. Panoorin ang gustong panoorin.
D. Piliin ang tama at dapat lamang panoorin.
47.Alin sa mga sumusunod ang HINDI tungkulin ng isang mag-aaral?
A. Matutong lutasin ang mga sariling suliranin
B. Makilahok sa mga gawain sa paaralan
C. Magkaroon ng maraming kaibigan
D. Mag-aral ng mabuti
48. Umuulan ng malakas at baha na sa inyong lugar. Nakita mo ang iyong kaibigan na walang masilungan.
Ano ang mainam mong gawin?
A. Pabayaan na lang sila kasi parehas naman kayong binaha.
B. Tawagan na lang ang iba nyong kaibigan para sila na ang tumulong
C. Tulungan sya at hayaan munang tumuloy sa inyong bahay.
D. Tumawag sa barangay para sila ang tumulong
49. Ano ang pinakamainam na paraan para mapahalagahan ang kalikasan?
A. Gumamit ng dinamita sa pangingisda
B. Maayos na pagtatapon ng basura
C. Pagputol ng matatandang puno
D. Pagsusunog ng mga plastik
50. Ang mga sumusunod ay mga tungkulin ng mga nagdadalaga o nagbibinata sa pamayanan MALIBAN
sa:
A. Gamitin ang kakayahan sa komunikasyon nang buong husay
B. Magkaroon ng pagkukusang maglingkod sa pamayanan
C. Makibahagi sa mga pagpupulong sa pamayanan kung kinakailangan
D. Pangalagaan ang maayos at malinis na pamahalaan.

Inihanda nina:

MARIA JOY G. DOMULOT ROWELLA A. CATUGAS DIANA ROSE T. MAYNIGO


Guro I Guro III Guro III

Sinuri at Iniwasto ni: Inaprubahan ni:

SUSANA F. FLORES GENOVEVA E. BALLESTEROS, Ph.D


Ulong-Guro III Punong- Guro I
GRADE 7 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Unang Markahang Pagsusulit

SUSI SA PAGWAWASTO
1. A
2. C
3. D
4. D
5. B
6. D
7. A
8. C
9. D
10. C
11. D
12. A
13. D
14. B
15. B
16. A
17. C
18. A
19. D
20. C
21. B
22. D
23. B
24. D
25. A
26. D
27. A
28. C
29. C
30. A
31. B
32. D
33. D
34. D
35. A
36. D
37. D
38. A
39. D
40. C
41. C
42. B
43. A
44. B
45. C
46. D
47. C
48. C
49. B
50. A

You might also like