You are on page 1of 7

Liceo de Davao

Briz District, Tagum City

FIRST GRADING EXAMINATION


ESP 7

Name : __________________________________ Score: ___________


Teacher: __________________________________

I. Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang. Itiman ang sagutan papel.

1. Ito ay bahagi ng pakikipag-ugnayan sa kapwa upang maipahayag ang iyong nararamdaman,


ninanais, at mga plano sa buhay.
a. pakiki-isa
b. paglilibang
c. komunikasyon
d. pagkukunwari
2. Ito ay nagsisilbing panghikayat sa mga binatilyo at dalagita upang gawin ang mga inaasahan
sa kanya ng lipunan.
a. gabay
b. motibasyon
c. pagpapaganda
d. pagmamalasakit
3. Masasabing mahal mo ang iyong sarili bilang isang binatilyo o dalagita kung:
a. sarili mo lang ang mahal mo
b. mahal at nagpapahalaga ka sa ibang tao
c. mas mahalaga ang materyal na bagay kaysa buhay ng ibang tao
d. mahal mo lang ang mga mayayaman para ikaw ay mahalin din nila
4. Mahalaga ang paglalaro at paglilibang bilang isang dalaga at binata:
a. Para makaiwas sa mga gawaing bahay.
b. Para makalimutan ang lahat ng problema at hindi na kailangan ng solusyon.
c. Upang makalakwatsa sa paaralan at makatakas sa mga tungkulin bilang isang dalaga o
binata.
d. Dahil ito ay paraan upang malibang at makalimutan ang iyong pag-aalala, takot,
pagdududa at insekyuridad.
5. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili sa pagiging isang ganap na binatilyo o
dalagita?
a. Nakatutulong sa pagiging marahas sa sarili at sa ibang tao.
b. Nakatutulong sa kompetisyon ng mga karibal para sa pag-unlad sa buhay.
c. Nakatutulong sa pag-unlad ng sarili, batay sa pag-iisip at sa pakikipagkapwa-tao.
d. Nakapagbibigay-linaw at tiwala sa sarili upang makaapak sa karapatan ng ibang tao.
6. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang positibo sa buhay na angkop sa pagiging
binatilyo o dalagita?
a. Nakadaragdag sa pagiging wais para makapanloko sa ibang tao.
b. Nakababawas ng mga tungkulin dahil hindi ka desidido at positibo sa buhay.
c. Nakatutulong para makaiwas sa mga kapalpakan at makapanisi ng ibang tao.

d. Nakapagbibigay ng lakas ng loob para gawin ang mga tamang desisyon sa buhay para sa
hinaharap.
7. Ito ay isang tungkulin sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata kung saan pinagtutuonan ng
panahon ang simbahan at Poong Maykapal.
a. bilang masunuring anak
b. bilang mananampalataya
c. bilang konsyumer ng media
d. bilang tagapangalaga sa kalikasan
8. Ang sumusunod ay ang mga mahahalagang tungkulin ng pag-iingat na pagpapasya bilang
isang dalagita o binatilyo MALIBAN sa _____________.
a. Pagkakaroon ng linaw ang mga plano sa buhay.
b. Walang ibang taong sisisihin kung sakaling bigo ang iyong pagpapasya.
c. Hindi palpak ang mga gagawin at tuloy-tuloy ang mga adhikain sa buhay.
d. Pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga gagawing hakbang tungo sa hinaharap.
9. Alin sa mga pahayag ang totoo batay sa pagiging dalaga o binata?
a. Ang pagiging ganap na dalaga o binata ay may mahahalagang layunin at tungkulin sa
buhay.
b. Ang pagiging ganap na dalaga o binata ay may kaakibat na responsibiidad na dapat hindi
mo gampanan.
c. Ikaw ang masusunod sa mga pagpapasya sa buhay dahil marunong ka nang mag-isip para
sa mga plano mo sa buhay.
d. Malaya ka na sa pagiging bata kaya gawin mo na ang gusto mo, na walang kaakibat na
basbas sa iyong mga magulang.
10. Kailan mo masasabi na dalaga o binata ka na?
a. Kung nahihiya ka at ayaw mo nang makisalamuha sa ibang tao.
b. Kung mayroon ka ng sariling pananaw na hindi patas ang mundo.
c. Kung may napapansin kanang pagbabago saiyong katawan.
d. Kung marunong ka ng magsarili at ayaw mo ng makinig sa iyong mga magulang.
11. Sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, bakit kailangan mong mangarap para sa
kinabukasan?
a. Upang lalapit sa iyo ang maraming tao dahil umasenso ka na sa buhay.
b. Upang balewalain ang mga pangarap at aasa na lang sa mga magulang.
c. Upang mangarap para magkaroon ng maraming salapi at mabibili mo ang lahat ng gusto
mo.
d. Upang makapagbigay ng inspirasyon sa buhay na magsusumikap para sa magandang
bukas.
12. Sa pagdadalaga/pagbibinata dapat mong malaman na may tungkulin ka rin sa kalikasan para
____________.
a. makapagsamantala sa kalikasan
b. mapangalagaan ang kalikasan para sa susunod na henerasyon
c. mabigyan ng linaw ang sarili na walang halaga dang kalikasan sa lipunan.
d. malaman mo na ang kalikasan ay hindi dapat pahalagahan dahil itoy nagsisilbing
palamuti lamang sa bawat paligid.
13. Bakit mahalaga ang pakikipagkapwa-tao sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata?
a. Upang makinig ka lang pero sarili mo ang masusunod na desisyon.
b. Para may mga taong maaari mong sisihin sa panahon ng kapalpakan.
c. Para malinang ang sarili sa mga bagay at magkaroon ng gabay sa mga desisyon sa buhay.
d. Para hindi na kailangan ng gabay ng kahit na sino dahil malaki ka na at marunong ka
nang magdesisyon sa iyong buhay.
14. Ito ay isa sa paglalarawan sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa pagiging binatilyo o
dalagita na magaling, mahusay sa pakikipagkaibigan, at pakikipagkapwa-tao.

a. Pagkakaroon ng tamang asal


b. Pagkakaroon ng sariling mundo
c. Paghahanda sa pag-aasawa at pagpapamilya
d. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan
15. Sa pagharap sa iyong magandang bukas kailangan mong maging:
a. Marunong dumiskarte at manloko ng ibang tao para aasenso
b. Matiyaga sa lahat ng bagay pero madaling sumuko sa mga pagsubok
c. Dapat marunong makisama para makapagsamantala sa kahinaan ng iba
d. Kailangan may tiwala sa sarili, kakayahan, kilos at marunong makinig sa mga payo sa
mga nakatatanda.

II. Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang. Itiman ang sagutan papel.

1. Kapag ikaw ay mahilig sa kahit na anong “ball games” at magaling din


sumayaw, anong talino ang nangingibabaw sa iyo?
a. Bodily/Kinesthetic c. Verbal/Linguistic
b. Intrapersonal d. Visual/ Spatial
2. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan MALIBAN sa:
a. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay
kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.
b. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang
ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
c. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao
dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
d. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay
kailangang dumaan sa proseso ng pagsasanay.
3. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at
kakayahan?
a. Upang makapaglingkod sa pamayanan
b. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan
c. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan
d. Lahat ng nabanggit
4. Alin sa mga sumusunod ang TAMA tungkol sa late bloomer?
a. mga estudyante na laging huli sa klase
b. mga tao na laging nagbibitaw ng mga pangako
c. mga tao na matagal umusbong o natuklasan ang kanilang mga talent

d. lahat ng nabanggit
5. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang
panahon ng pagpapaunlad nito. Ang
pangungusap ay:
a.Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento at
kakayahan ng tao.
b. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento
katulad ng pagsali sa paligsahan at mga pagtatanghal.
c.Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento.
d. Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa.
6. Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talento?
a. dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin
b. dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talent

c. dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talento


d. dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan at talento dahil hindi naman
ito makaagaw ng atensyon
7. Alin sa mga sumusunod ang TAMA tungkol sa talinong Verbal/ Linguistic?
a. may mataas na tinatawag na muscle memory
b. Ito ay talino tungkol sa pagbigkas o pagsulat ng salita.
c. Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
d. Ito ay talino tungkol sa mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng
pangangatuwiran at paglutas ng suliranin (problem solving)
8. Sino sa mga sumusunod na personalidad ang maihahanay sa talinong Verbal/Linguistic?
a. Angel Locsin c. June Mar Fajardo
b. Jessica Soho d. Vhong Navarro

Si Chris ay mahilig sa pagguhit buhat ng siya’y bata


pa. Sa kanyang pagpalista sa Grade 7, siya’y tumungo sa
Coordinator ng Special Program in the Arts (SPA) upang
mag-audition sa kanyang talento sa pagguhit. Gusto niya
na malinang pa ang angking talento na kanyang pinili.

9. Anong talino ang taglay ni Chris?


a. Bodily/Kinesthetic c. Verbal/Linguistic
b. Intrapersonal d. Visual/ Spatial
10. Anong larangan o trabaho ang maaaring pasukan ni Chris sa hinaharap?
a. accountant c. cartoonist
b. call center agent d. pulis

Maliit pa lang si Joanna nang siya ay matuklasan ng kanyang


mga magulang na magaling sa pag-awit. Sa edad na tatlo, nakasali na
siya sa mga patimpalak at siya ay nakikilala dahil sa kanyang
kahusayan sa kabila ng murang edad. Ngunit sa kanyang paglaki ay
naging mahiyain si Joanna at hindi na sumasali sa mga patimpalak
11. Ano ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni Joanna?
a. Ang kawalan ng suporta ng kanyang mga magulang
b. Ang kawalan niya ng tiwala sa kanyang kakayahan
c. Ang kanyang paniniwala na nakakatakot humarap sa maraming tao
d. Ang kanyang mga kamag-aral dahil hindi siya hinihimok na sumali sa paligsahan at
magtanghal.
12. Ano ang nararapat na gawin ni Joanna?
a. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihing mas magaling siya sa pag-
awit sa sinuman na kanyang narinig sa paaralan.
b. Kailangan niyang humingi ng tulong sa kanyang kapatid upang palaging samahan
siya sa lahat ng kanyang paligsahan at pagtatanghal.

c. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihin na kaya niyang harapin ang
anumang hamon at lagpasan ang kanyang mga kahinaan.
d. Kailangan niyang magsanay nang labis upang maperpekto niya ang kanyang talento
at hindi matakot na mapahiya sa harap ng maraming tao.
13. Si Cleo ay mahusay sa paglalaro ng basketball. Labis ang paghanga
sa kanya ng kanyang mga kasamahan sa team. Sa tuwing maglalaro,
siya ang nakapagbibigay ng malaking puntos sa kanilang team. Makikitang halos
perpekto na niya ang kanyang kakayahan sa basketball. Ngunit sa labis na
kaabalahan sa pag-aaral, barkada at milya hindi na siya nakapagsasanay nang
mabuti. Ano ang maaaring maging kahihinatnan ng ganitong gawi ni Cleo?
a. Manghihina ang kanyang katawan dahil sa kakulangan ng pagsasanay.
b. Hindi magkakaroon ng pagbabago sa kanyang paraan ng paglalaro dahil halos
naperpekto na niya ang kanyang kakayahan.
c. Makaaapekto ito sa kanyang laro dahil bukod sa pagkokondisyon ng katawan ay
mahalaga ang pagsasanay kasama ng kanyang team upang mahasa sa pagbuo ng laro
kasama ang mga ito.
d. Hindi ito makaaapekto dahil alam naman niyang laging nariyan ang kanyang mga
kasamahan na patuloy ang masugid na pagsasanay at nakahandang sumuporta sa
kanya sa laro.
14. Sa pagpasok ni Angeline sa high school ay naging kapansin-pansin ang kanyang
pagiging matangkad. Isang araw, nilapitan siya at inalok na sumali sa volleyball team ng
paaralan.
Nabuo ang interes sa kanyang isip na sumali dahil wala pa siyang kinahihiligang
isports. Hindi pa siya nagkapaglalaro ng volleyball minsan man sa kanyang buhay ngunit
nakahanda naman siyang magsanay. Sa kabila ng mga agam-agam ay nagpasiya siyang
sumali rito. Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng pasya ni Angeline?
a. Magiging mahusay siya sa paglalaro ng volleyball dahil sa kanyang interes at
kahandaan na dumaan sa pagsasanay.
b. Magiging mahusay siya sa paglalaro sa matagal na panahon dahil hindi siya
makasasabay sa kanyang mga kasama na matagal ng nagsasanay.
c. Magiging mahirap ang kanyang pagdaraanan dahil hindi sapat ang kanyang pisikal na
katangian lalo na at wala naman siyang talento sa paglalaro ng volleyball.
d. Magiging mahirap lalo na sa kanyang pangangatawan dahil hindi siya sanay sa
paglahok sa anumang isports sa matagal na panahon.
15. Mababa ang marka ni Leo sa English dahil hirap siya sa asignaturang
ito. Palaging mababa ang kanyang marka sa mga pagsusulit at hindi siya magkaroon
ng lakas ng loob na magrecite sa klase dahil hirap siya sa pagsasalita ng Ingles. Ano ang
maaaring maging solusyon sa suliranin ni Leo?
a. tukuyin kung ano ang nais na matutuhan upang ito ay paunlarin
b. tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura
c. maglahad ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kanyang
kakayahan sa pagsasalita at pagsusulat sa Ingles
d. lahat ng nabanggit
III. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang. Itiman ang
sagutan papel.

1. Sa pagpapaunlad ng likas na talento at kakayahan kailangan


ang ______.

a. masusi at tamang pagsasanay


b. katamtaman at napapanahong pagsasanay
c. mabagal at unti-unting pagsasanay
d. mabilis at napapanahong pagsasanay
2. Ang pagtatagumpay at kahusayan ay bunga ng ________.
a. mabagal at unti-unting pagsasanay
b. katamtaman at napapanahong pagsasanay
c. masusi at tamang pagsasanay
d. mabilis at napapanahong pagsasanay
3. Mahalaga na tayo ay may__________ sa larangang pinasok.
a. basbas ng magulang
b. interes o hilig
c. kaalaman
d. pera na pantustos
4. Kung nais mong makamit ang isang bagay, hindi sapat ang ___________.
a. paulit-ulit na pagsubok
b. minsanang pagsubok lamang
c. puhunan sa pagpapalago sa sariling kakayahan
d. pagpapaubaya sa panghuhusga ng ibang tao
5. Kung hindi nagtagumpay sa isang larangan ay__________.
a. ipagpatuloy ang iyong larangang pinili
b dapat na sumubok muli ng iba
c. huwag na lamang ipagpatuloy ang pagsubok sa larangang
pinili
d. ipagpaliban na lamang ang pagsubok sa larangang pinili
6. Ang tiwala sa sarili o self-confidence ay ang ____________ sa sariling kakayahan na
matatapos ang isang gawain nang may kahusayan.
a. pagpapaubaya
b. pagmamayabang
c. paniniwala
d. paghahanap ng mungkahi ng iba
7. Ang tiwala sa sarili o self-confidence ay ___________.
a. namamana sa magulang at mga ninuno
b. nakabatay sa sinasabi ng iba
c. nababasa sa mga libro
d. natutunan at napapaunlad
8. Napag-aralan ang tiwala sa sarili sa pamamagitan ng______.
a. iba’t ibang karanasan sa ating buhay
b. iba’t ibang karanasan sa buhay ng ibang tao
c. iba’t ibang natutunan sa paaralan
d. iba’t ibang karanasan galing sa ating magulang
9. Ang tiwala sa sarili ay tumitibay sa _______________.
a. pamamagitan ng mga sinasabi ng ibang tao
b. pamamagitan ng mga payo ng iyong magulang
c. mga natutunan sa paglipas ng panahon
d. pagpapaubaya sa mga pangyayari sa buhay
10. ___________ ang bumuo sa sarili mong katatagan.
a. Sila
b. Tayo
c. Kayo
d. Ikaw

Answer key

ESP 7

I. Panuto
1. c 13. c
2. b 14. d
3. b 15. d
4. d
5. c
6. d
7. b
8. a
9. a
10. c
11. d
12. b
II. Panuto
1. a 10. c
2. d 11. b
3. d 12. c
4. c 13. c
5. c 14. a
6. a 15. d
7. b
8. b
9. d
III. Panuto
1. a
2. c
3. b
4. b
5. b
6. c
7. d
8. a
9. c
10. d

You might also like