You are on page 1of 3

I.

MARAMING PAGPIPILIAN

PANUTO: Basahin at unawain ng mabuti ang mga katanungan. Bilugan lamang ang pinakaangkop na tamang
sagot.

1. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon
ng pagdadalaga / pagbibinata MALIBAN sa:
a. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad
b. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
c. Pagtamo at pagtanggap nang maayos na ugali sa pakikipagkapwa
d. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
Para sa bilang 2
Palaging sinasabi ni Ana sa kanyang sarili na hindi siya perpekto, alam niyang sa bawat pakakamali ay mayroong siyang
matututuhan. Hinahasa ni Marites ang kanyang kakayahang suriin at tayahin ang kanyang sariling mga pagtatanghal bilang
isang mang-aawit. Hindi hinahayaan ni Mark na talunin ng takot at pag-aalinlangan ang kanyang kakayahan. Hindi natatakot si
Roy na harapin ang anumang hamon upang ipakita niya ang kanyang talento.

2. Ano ang mahuhubog kung ipagpapatuloy ng bawat isa ang kanyang gawi?
a. Tapang b. Talento at kakayahan c. Tiwala sa sarili d. Positibong pagtingin sa sarili
3. Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan
at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao MALIBAN sa:
a. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay
b. Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon
c. Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat gawin na akma sa kanilang edad
d. Nagsisilbing pangganyak o motibasyon upang gawin ng isang nagdadalaga/nagbibinata ang
inaasahan sa kanya ng lipunan
4. Sa pagharap sa iyong magandang bukas kailangan mong maging:
a. Marunong dumiskarte at manloko ng ibang tao para aasenso
b. Matiyaga sa lahat ng bagay pero madaling sumuko sa mga pagsubok
c. Dapat marunong makisama para makapagsamantala sa kahinaan ng iba
d. Kailangan may tiwala sa sarili, kakayahan, kilos at marunong makinig sa mga payo sa mga
nakatatanda.
5. Ito ay isa sa paglalarawan sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa pagiging binatilyo o dalagita na
magaling, mahusay sa pakikipagkaibigan, at pakikipagkapwa-tao.
a. Pagkakaroon ng tamang asal c. Paghahanda sa pag-aasawa at pagpapamilya
b. Pagkakaroon ng sariling mundo d. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan
6. Bakit mahalaga ang pakikipagkapwa-tao sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata?
a. Upang makinig ka lang pero sarili mo ang masusunod na desisyon.
b. Para may mga taong maaari mong sisihin sa panahon ng kapalpakan.
c. Para malinang ang sarili sa mga bagay at magkaroon ng gabay sa mga desisyon sa buhay.
d. Para hindi na kailangan ng gabay ng kahit na sino dahil malaki ka na at marunong ka nang
magdesisyon sa iyong buhay.
7. Sa pagdadalaga/pagbibinata dapat mong malaman na may tungkulin ka rin sa kalikasan para
____________.
a. makapagsamantala sa kalikasan
b. mapangalagaan ang kalikasan para sa susunod na henerasyon
c. mabigyan ng linaw ang sarili na walang halaga dang kalikasan sa lipunan.
d. malaman mo na ang kalikasan ay hindi dapat pahalagahan dahil itoy nagsisilbing palamuti lamang sa
bawat paligid.
8. Sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, bakit kailangan mong mangarap para sa kinabukasan?
a. Upang lalapit sa iyo ang maraming tao dahil umasenso ka na sa buhay.
b. Upang balewalain ang mga pangarap at aasa na lang sa mga magulang.
c. Upang mangarap para magkaroon ng maraming salapi at mabibili mo ang lahat ng gusto mo.
d. Upang makapagbigay ng inspirasyon sa buhay na magsusumikap para sa magandang bukas.
9. Kailan mo masasabi na dalaga o binata ka na?
a. Kung nahihiya ka at ayaw mo nang makisalamuha sa ibang tao.
b. Kung mayroon ka ng sariling pananaw na hindi patas ang mundo.
c. Kung may pagbabago sa pisikal na katangian at pananaw sa buhay.
d. Kung marunong ka ng magsarili at ayaw mo ng makinig sa iyong mga magulang.
10. Alin sa mga pahayag ang totoo batay sa pagiging dalaga o binata?
a. Ang pagiging ganap na dalaga o binata ay may mahahalagang layunin at tungkulin sa buhay.
b. Ang pagiging ganap na dalaga o binata ay may kaakibat na responsibiidad na dapat hindi mo
gampanan.
c. Ikaw ang masusunod sa mga pagpapasya sa buhay dahil marunong ka nang mag-isip para sa mga
plano mo sa buhay.
d. Malaya ka na sa pagiging bata kaya gawin mo na ang gusto mo, na walang kaakibat na basbas sa
iyong mga magulang.
11. Ang sumusunod ay ang mga mahahalagang tungkulin ng pag-iingat na pagpapasya bilang isang dalagita
o binatilyo MALIBAN sa _____________.
a. Pagkakaroon ng linaw ang mga plano sa buhay.
b. Walang ibang taong sisisihin kung sakaling bigo ang iyong pagpapasya.
c. Hindi palpak ang mga gagawin at tuloy-tuloy ang mga adhikain sa buhay.
d. Pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga gagawing hakbang tungo sa hinaharap.
12. Ito ay isang tungkulin sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata kung saan pinagtutuonan ng panahon ang
simbahan at Poong Maykapal.
a. bilang masunuring anak c. bilang konsyumer ng media
b. bilang mananampalataya d. bilang tagapangalaga sa kalikasan
13. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang positibo sa buhay na angkop sa pagiging binatilyo o
dalagita?
a. Nakadaragdag sa pagiging wais para makapanloko sa ibang tao.
b. Nakababawas ng mga tungkulin dahil hindi ka desidido at positibo sa buhay.
c. Nakatutulong para makaiwas sa mga kapalpakan at makapanisi ng ibang tao.
d. Nakapagbibigay ng lakas ng loob para gawin ang mga tamang desisyon sa buhay para sa hinaharap.
14. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili sa pagiging isang ganap na binatilyo o dalagita?
a. Nakatutulong sa pagiging marahas sa sarili at sa ibang tao.
b. Nakatutulong sa kompetisyon ng mga karibal para sa pag-unlad sa buhay.
c. Nakatutulong sa pag-unlad ng sarili, batay sa pag-iisip at sa pakikipagkapwa-tao.
d. Nakapagbibigay-linaw at tiwala sa sarili upang makaapak sa karapatan ng ibang tao.
15. Mahalaga ang paglalaro at paglilibang bilang isang dalaga at binata:
a. Para makaiwas sa mga gawaing bahay.
b. Para makalimutan ang lahat ng problema at hindi na kailangan ng solusyon.
c. Upang makalakwatsa sa paaralan at makatakas sa mga tungkulin bilang isang dalaga o binata.
d. Dahil ito ay paraan upang malibang at makalimutan ang iyong pag-aalala, takot, pagdududa at
insekyuridad
16. Masasabing mahal mo ang iyong sarili bilang isang binatilyo o dalagita kung:
a. sarili mo lang ang mahal mo
b. mahal at nagpapahalaga ka sa ibang tao
c. mas mahalaga ang materyal na bagay kaysa buhay ng ibang tao
d. mahal mo lang ang mga mayayaman para ikaw ay mahalin din nila
17. Ito ay nagsisilbing panghikayat sa mga binatilyo at dalagita upang gawin ang mga inaasahan sa kanya ng
lipunan.
a. gabay b. motibasyon c. pagpapaganda d. pagmamalasakit
18. Ito ay bahagi ng pakikipag-ugnayan sa kapwa upang maipahayag ang iyong nararamdaman, ninanais, at
mga plano sa buhay.
a. pakiki-isa b. paglilibang c. komunikasyon d. pagkukunwari

19. Kapag ikaw ay mahilig sa kahit na anong “ball games” at magaling din sumayaw, anong talino ang
nangingibabaw sa iyo?
a. Bodily/Kinesthetic b. Intrapersonal c. Verbal/Linguistic d. Visual/Spatial
20. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan MALIBAN sa:
a. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay kalakasang
intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.
b. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang ang
kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
c. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang
kakayahang mag-isip.
d. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay kailangang
dumaan sa proseso ng pagsasanay.

II. PAGKILALA
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng talento/kakayahan napabilang ang sumusunod na pahayag.
Isulat sa patlang ang napiling sagot mula sa kahon.
-Visual/Spatial -Musical/Rhythmic -Verbal/Linguistic -Interpersonal -
Mathematical/Logical -Bodily/Kinesthetic -Intrapersonal - Naturalist -Existential
-Kakayahan - Talento - Self-Confidence
_____________1. Ito ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita.
_____________2. Taglay ng taong may talino ang mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatuwiran
at paglutas ng suliranin (problem solving).
_____________3. Ang larangang karaniwang tinatahak ng talinong ito ay ang pagsasayaw, isports, pagiging
musikero, pag-aartista, pagiging doctor.
_____________4. Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o
musika.
_____________5. Ang larangang kaugnay nito ay pagiging isang researcher, manunulat ng mga nobela o
negosyante.
_____________6. Kadalasan ang taong mayroong ganitong talino ay nagiging environmentalist, magsasaka o
botanist.
_____________7. Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ang taong may mataas na
interpersonal intelligence ay kadalasang bukas sa kaniyang pakikipagkapwa o extrovert.
_____________8. Ang talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pag-unawa ng mga
bagong kaalaman sa mundong ating ginagalawan
_____________9. Ang larangan na angkop sa talinong ito ay sining, arkitektura at inhinyera
_____________10.Ito ang paniniwala sa sariling kakayahan na matatapos ang isang gawain nang may
kahusayan.

III. Hanapin sa loob ng kahon ang 10 salita na may kinalaman sa mga paksang tinalakay natin, Maaring ito ay
pahalang at pababa. Linyahan ito at isulat sa gilid. (2 puntos)
1. ______________________
2. ______________________ D A L A G A F G H C H N B A
3. ______________________ V B T I W A L A J B K B T B
4. ______________________ P A M A Y A N A N L L F Y I
5. ______________________ A H H I L I G V G K M G U N
6. ______________________ B T B B C H P A M I L Y A A
7. ______________________ K A K A Y A H A N H B R J T
8. ______________________ C A B M U S I C A L K E J A
9. ______________________ T A L E N T O C D T G R L A
10. ______________________ K L A N O S R E P R E T N I
A A N A K A B G D S G T R J

IV. MALAYANG TALAKAYAN

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga katanungan. Ipaliwanag ng maayos ang sagot mula (3-5) tatlo
hanggang limang pangungusap.

Batayan:
Nilalaman: 3 puntos
Kaugnayan sa paksa: 2 puntos
Kabuuan= 5 puntos
1. Ipaliwanag ang katagang “Tanggapin ang ideya na ang maging kakaiba ay ayos lang”.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Bilang nagdadalaga at nagbibinata, bakit kinakailangan na malaman mo ang iyong kalakasan at


kahinaan sa buhay? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

You might also like