You are on page 1of 4

PANIMULANG PAGTATAYA

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
(FIRST QUARTER)

Pangalan: ____________________________________________________________Iskor: ________________


I.MARAMING PAMIMILIAN. Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot sa bawat bilang. Isulat ang titik ng
tamang sagot bago ang bilang.
_____1. Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa
bawat yugto ng pagtanda ng tao maliban sa _____________.
a. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay
b. Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon
c. Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma sa kanilang edad
d. Nagsisilbing pangganyak o motibasyon upang gawin ng isang nagdadalaga/nagbibinata ang inaasahan sa
kanya ng lipunan
_____2. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata maliban sa ______.
a. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad
b. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
c. Pagtamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa
d. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad
_____3. Bakit mahalaga ang pagtamo sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ng bago at ganap na pakikipag-
ugnayan sa mga kasing-edad?
a. Upang masisiguro niya na mayroong tao na tatanggap sa kanyang mga kalakasan at kahinaan
b. Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipagugnayan sa mga kasing-edad
c. Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang makipagugnayan nang maayos sa kanyang
kasing edad
d. Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kaniya upang matanggap sa isang pangkat na labas
sa kanyang pamilya
_____4. Sa yugto ng maagang pagdadalgaga o pagbibinata, inaasahan na ang pagkakaroon ng tinedyer ng kasintahan
(girlfriend/boyfriend). Ang pangungusap ay ______________.
a. Tama, dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng relasyon sa katapat na
kasarian sa maagang panahon.
b. Tama, dahil ito ay makatutulong sa kanya upang matutong humawak ng isang relasyon at maging handa sa
magiging seryosong relasyon sa hinaharap.
c. Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isang
nagdadalaga/nagbibinata sa paghawak ng isang seryosong relasyon.
d. Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang tinedyer.
_____5. Si Cleofe ay iskolar sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napaliligiran siya ng mga mayayaman na
kamag-aral. Labis ang kanyang pagkabalisa dahil alam niyang hindi naman siya makasasabay sa mga ito sa
maraming bagay. Ano ang pinakamakatuwirang gawin ni Cleofe?
a. Makipagkaibigan lamang siya sa kapwa niya mga iskolar na mahirap din.
b. Ipakita niya ang kanyang totoong pagkatao.
c. Kausapin niya ang kanyang mga magulang upang bumili ng mga gamit at damit na halos katulad ng sa mga
mayayamang kamag-aral.
d. Makiangkop sa kamag-aral na mayaman sa oras na sila ang kasama at sa mga kapwa niyang iskolar na
mahirap kung sila naman ang kasama.
_____6. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa:
a. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay kalakasang
intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.
b. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang ang kakayahan ay
tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
c. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang
kakayahang mag-isip.
d. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay kailangang dumaan sa
proseso ng pagsasanay.
_____7. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?
a. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan
b. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan
c. Upang makapaglingkod sa pamayanan
d. Lahat ng nabanggit
_____8. Ang mga sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili maliban sa:
a. Ito ay hindi namamana
b. Ito ay nababago sa paglipas ng panahon
c. Ito ay hindi nakasalalay na sa mga bagay na labas sa ating sarili
d. Ito ay unit-unting natutuklasan bunga ng karanasan

_____9. Mababa ang marka ni Leo sa English dahil hirap siya sa asignaturang ito. Palaging mababa ang kanyang
marka sa mga pagsusulit at hindi siya magkaroon ng lakas ng loob na magrecite sa klase dahil hirap siya sa
pagsasalita ng inlges. Ano ang maaarig maging solusyon sa suliranin ni Leo?
a. Maglapat ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kanyang kakayahan sa pagsasalita at
pagsusulat sa Ingles
b. Tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura
c. Tukuyin kung ano ang nais na matutuhan upang ito ay paularin
d. Lahat ng nabanggit
_____10. Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talento?
a. Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin
b. Dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talento
c. Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talento
d. Dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan na talento dahil
hindi naman ito makaagaw atensyon
_____11. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o Gawain na kinahihiligan?
a. Nakapagpapasaya sa tao
b. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili
c. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay
d. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap
_____12. Ang mga sumusunod ay paraan sa pagtuklas ng hilig maliban sa:
a. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin
b. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
c. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawin.
d. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito.
_____13. Si Hadji ay isang sikat na mang-aawit at kompositor. Ano ang larangan at tuon ng hilig ni Hadji.
a. Larangan: musical Tuon: tao
b. Larangan: musical, artistic Tuon: tao, ideya
c. Larangan: musical, literary Tuon: tao, ideya
d. Larangan: musical, literary Tuon: tao, datos, ideya
_____14. Ano ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong pangakademiko/ bokasyunal?
a. Magtutulak ang pagkakaroon ng kinahihiligan upang makamit ang labis na tagumpay sa hinaharap.
b. Makatutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay ng kasiyahan sa hinaharap.
c. Makatutulong ang hilig upang matiyak na maipakikita ang galing sa pagaaral upang maitaas ang antas ng
pagkatuto.
d. Makatutulong ang hilig upang mapili ng angkop na kursong pangakademiko o teknikal-bokasyonal
_____15. Bakit mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig?
a. Magbibigay kahulugan ito sa bawat pang-araw-araw na gawain.
b. Makatutulong ito upang matukoy ang bagay na nais mong gawin sa iyong libreng oras.
c. Palatandaan ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa iyo bilang tao.
d. Makapagpapaunlad ito ng talento at kakayahan.
_____16. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing tungkulin ng isang nagdadalaga/nagbibinata sa kanyang sarili
maliban sa:
a. Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig
b. Paghahanda para sa pagbuo ng makabuluhang relasyon sa hinaharap
c. Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at Wastong Paggamit ng mga ito
d. Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga Pagbabago sa Yugto ng Pagdadalaga/Pagbibinata
_____17.”Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay, para sa sarili
lamang”. Ano ang pinakaangkop na pakahulugan sa katagang ito?
a. Ang lahat ng tao ay mayroong pananagutan sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa.
b. Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang kapwa.
c. Mabubuhay nang matiwasay ang isang tao kung ipauubaya ng tao ang kanyang sarili para sa kanyang
kapwa.
d. Hanggang sa huling yugto ng buhay ng tao, mahalagang suriin ang kanyang sarili sa kanyang kakayahan na
makipagkapwa.
_____18. Bakit mahalagang tuparin ang tungkulin sa pamayanan?
a. Mayroong gampanin ang lahat sa kapwa na bahagi ng lipunan.
b. Makatutulong ito upang maramdaman na ikaw ay kabahagi ng lipunan.
c. Magiging ganap lamang ang lipunan kung makikibahagi lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon.
d. Mahuhubog ang kakayahan ng tao sa pamumuno kung maglilingkod siya sa pamayanan.
_____19. Si Jamir ay madalas na nakikipagtalo sa kanyang kapatid. Para silang aso’t pusa sa dalas ng kanilang pag-
aaway. Madalas na sumasama ang loob ng kanilang ina dahil sa kanilang hindi magandang pagpapalitan ng
mga salita. Ano ang makatwirang magagawa ni Jamir?
a. Umiwas sa kanyang kapatid upang hindi na sila magtalo.
b. Hanapin ang dahilan ng kanilang hindi pagkakasundo at kausapin ang kapatid upang iwasan na itong
gawin.
c. Pag-aralang pakitunguhan ang kanyang kapatid katulad ng pakikitungo niya sa ibang kakilala at mga
kaibigan.
d. Maging handa na ipakita ang pagmamahal sa kapatid sa panahong kapwa na sila handa na kalimutan ang
mga nakaraang pagtatalo.
_____20. Ano ang magiging kahihinatnan ng pagiging matapat sa pagtupad sa tungkulin bilang
nagdadalaga/nagbibinata?
a. Matitiyak ang kaganapan ng pagkatao.
b. Tataglayin ang kakayahan na harapin ang susunod na yugto ng buhay.
c. Matitiyak ang tagumpay sa pagharap sa hamon ng pagiging isang dalaga/binata.
d. Magkakaroon ng mga kakayahang kailangan upang maging isang magandang halimbawa sa kapwa
kabataan.

Inihanda ni:
ANGELICA B. AMMUGAUAN
Guro
PANIMULANG PAGTATAYA
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
(FIRST QUARTER)

MGA SAGOT
1. C
2. A
3. D
4. C
5. B
6. D
7. D
8. D
9. D
10. D
11. A
12. A
13. B
14. A
15. C
16. B
17. A
18. A
19. B
20. B

You might also like