You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Laguna
Don Manuel Rivera Memorial National High School
Bulilan Sur, Pila, Laguna
MAHABANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Pangalan: _____________________ Petsa:_____________


Baitang at Pangkat: _____________ Guro:______________

I. MULTIPLE CHOICE. Panuto: Basahin at unawaig mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Isulat
ang titik ng wastong sagot sa patlang bago ang bilang.
____1. Ang mga sumusunod ay mahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos (developmental
task) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao maliban sa:
A. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay.
B. Nakakatulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon.
C. Nagtuturo sa isang nagdadalaga/ nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma sa kanilang
edad.
D. Nagsisilbing pagganyak o motibasyon upang gawin ng isang nagdadalaga/nagbibinata ang
inaasahan sa kanya ng lipunan.
____2.Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon
ng pagdadalaga/pagbibinata maliban sa __________.
A. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kaniyang edad.
B. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki.
C. Pagtatamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa.
D. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipagugnayan sa mga kasing edad.
____3.Sa murang edad ay dapat matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang panahon ng
pagpapaunlad nito. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento at
kakayahan ng tao.
B. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maiutuon sa mga pagsubok sa talento katulad ng
pagsali sa paligsahan at mga pagtatanghal.
C. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento.
D. Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa.
____4.Ang _____ay tumutukoy sa mga pambihira at espesyal na kakayahan o kagalingan ng tao sa isang
bagay.
A. Birtud C. Kakayahan
B. Hilig D. Talento
____5.Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na kinahihiligan?
A. Nagpapasaya sa tao
B. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili.
C. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay.
D. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap.
____6.Ang mga sumusunod ay paraan sa pagtuklas ng hilig maliban sa:
A. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin.
A. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
B. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawain.
C. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito.
____7.Bakit mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig?
A. Magbibigay kahulugan ito sa bawat pang-araw araw na gawain.
B. Makakatulong ito upang matukoy ang bagay na nais mong gawin sa iyong libreng oras.
C. Palatandaan ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa iyo bilang
tao.
D. Makakapagpaunlad ito ng talento at kakayahan.
____8.Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang, ano ang ibig sabihin nito?
A. Tayo ay nabubuhay para sa ating kapwa.
B. Kailangan natin ang ating kapwa upang tayo ay lumago bilang isang tao.
C. Ang lahat ng tao ay may pananagutan sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa
D. Lahat ng nabanggit
____9. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/ pagbibinata?
A. Para malampasan ang mga hamon sa buhay
B. Para magkaroon ng madaming kaibigan
C. Para mapagtagumpayan ang pangarap sa buhay
D. Para maging matagumpay at magkaroon ng madaming kaibigan
____10.Ang sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili maliban sa:
A. Ito ay unti-unting natutuklasan bunga ng karanasan
B. Ito ay hindi nakasalalay na sa mga bagay na labas sa ating sarili.
C. Ito ay hindi namamana
D. Ito ay nagbabago sa paglipas ng panahon
____11.Isang napakamahalagang teorya ang binuo ni _________ noong 1983 at tinawag itong teorya ng
Multiple intelligence.
A. Dr. Howard Gardener C. Dr. Howard Gardner
B. Dr. Havard Gardner D. Dr. Howaard Gardner
____12. Tumutukoy sa taong may talino nito ang mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng
pangangatwiran o paglutas ng suliranin.
A. Bodily Kinesthetic C. Mathematical Logical
B. Intrapersonal D. Visual/Spatial Intelligence
____13. Ang talino kung saan siya ay mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin.
C. Bodily Kinesthetic C. Mathematical Logical
D. Intrapersonal D. Visual/Spatial Intelligence
____14._____________ang taong nagtatagly ng talinong ito ay natututo Sa pamamagitan ng paguulit,
ritmo o musika.
A. Intrapersonal C. Musical/Rhythmic Intelligence
B. Interpersonal D. Verbal Linguistic
____15.Paggamit ng wika at salita sa iba’t ibang paraan.
C. Intrapersonal C. Musical/Rhythmic Intelligence
D. Interpersonal D. Verbal Linguistic
II. Panuto: Tukuyin kung anong aspeto ng pagkatao ang isinasaad sa sumusunod na pangungusap.
Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang.

A. PANGKAISIPAN
B. PANLIPUNAN
C. PANDAMDAMIN
D. MORAL

____16. Madalas na mainitin ang ulo.


____17. Karaniwang nararamdaman ang labis na paghihigpit ng magulang ; nagiging rebelde.
____18. Nahihilig sa pagbabasa.
____19. Alam kung ano ang tama o mali.
____20. Hindi nagsisinungaling.
____21. Lumalayo sa magulang; naniniwalang makaluma ang magulang.
____22. Nakagagawa ng pagplaplano sa hinaharap.
____23. May pantay na pagtingin sa kapwa.
____24. Madalas malalim ang iniisip.
____25. Nagiging mapag-isa sa tahanan.
____26. Dumadalang ang pangangailangang makasama ang pamilya.
____27. Madalas na may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa.
____28. Mas nakakapagmemorya.
____29. Nagiging mahusay sa pakikipagtalo at pakikipagtalakayan
____30. Nangangailangan na maramdamang may halaga sa mundo at may pinaniniwala.

I CAN DO ALL THINGS THROUGH CHRIST WHO STRENGTHENS ME.


Philippians 4:13
mds/mjvf/jrg

You might also like