You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF OLONGAPO CITY
JAMES L. GORDON INTEGRATED SCHOOL
Olongapo City

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
Pangalan: __________________________________________ Iskor: ______________________
Seksyon: ___________________________________________ Petsa: ______________________

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag o tanong. Matalinong sagutin ang bawat aytem at isulat ito sa
sagutang papel.

I. Pagtukoy. Tukuyin kung aling aspeto ng pag-unlad sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata ang mga sumusunod na pahayag
o senaryo. Piliin kung A- Pangkaisipan, B- Pandamdamin, C-Panlipunan, o D-Moral. Isulat sa patlang ang letra ng iyong sagot.
(8 puntos)
_____1. Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo, marka sa klase, at pangangatawan.
_____2. Madalas ay may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa.
_____3. Alam kung ano ang tama at mali.
_____4. Nahihilig sa pagbabasa.
_____5. Karaniwang nararamdamang labis na mahigpit ang magulang; nagiging rebelde.
_____6. Madalas na mainitin ang ulo
_____7. Dumadalang ang pangangailangang makasama ang pamilya.
_____8. Nakapag-iisip ng lohikal tungkol sa mga konsepto.
II. Pagpili. Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot .
(13 puntos)
9. Ang mga sumusunod ay mahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos sa bawat yugto ng tao maliban sa:
A. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay.
B. Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon.
C. Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma sa kanilang edad.
D. Nagsisilbing pagganyak o motibasyon upang gawin ng isang nagbibinata o nagdadalaga ang inaasahan sa kanya ng lipunan.
10. Ang mga sumusunod at ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng pagbibinata/pagdadalaga
maliban sa:
A. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad.
B. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki.
C. Pagtamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa.
D. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad.
11. Ang mga sumusunod sa paghahanda para sa paghahanapbuhay, maliban sa isa na hindi. Alin ito?
A. Kilalanin ang iyong mga talent, hilig at kalakasan
B. Magkaroon ng plano sa kursong nais
C. Sumangguni sa mga matagumpay na kakilala na may hanapbuhay
D. Magkaroon ng oras sa paglalaro at libangan
12. Bakit mahalaga ang pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad sa panahon ng pagdadalaga at
pagbibinata?
A. Upang masiguro niya na may tao na tatanggap sa kanyang mga kalakasan at kahinaan
B. Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
C. Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang makipag-ugnayan nang maayos sa kanyang kasing edad
D. Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kaniya upang matanggap sa isang pangkat na labas sa kanyang pamilya
13. Ayon kay Professor Erickson, napapatunayan ang kahusayan ng tao sa pamamagitan ng ______.
A. Karanasan C. Tiwala sa sarili
B. Pinag- aralan D. Masusing pagsasanay
14. Alin sa sumusunod na kasabihan ang may kaugnayan sa talento at kakayahan?
A. Time is Gold C. Honesty is the best Policy
B. The feeling is mutual D. Practice makes Perfect
15. Ang pag- unlad ng tao ay nagsisimula sa _____.
A. pamilya C. sarili
B. paaralan D. kapwa
16. Ito ay pagkagusto o pagiging masaya sa ating ginagawa. B. mithiin
A. tiyaga C. hilig

Address: Foster St. Brgy. Kababae, Olongapo City 2200


Tel. No.: (047) 222-4769
Email Address: jlgis@deped.gov.ph
Facebook Page: Deped Tayo James L. Gordon Integrated School
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF OLONGAPO CITY
JAMES L. GORDON INTEGRATED SCHOOL
Olongapo City

D. tiwala
Basahin at unawain ang mga talata sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang bilang 17-18
17. Ano ang pangunahing paksa ng sanaysay?

Pagtuntong ng isang bata sa kanyang ika-labintatlong taon, nagsisimula ang matulin at kagyat na pagbabago sa kanyang pag-iisip at pag-
uugali. Kung dati ay kuntento na ang isang batang lalaki sa paglalaro, ngayon ay tila naaakit na siyang tumingin sa kababaihan. Gayundin ang
isang batang babae: nagsisimula na rin siyang kumilos na tulad sa isang ganap na babae. Sa panig ng kalalakihan, nagiging masilakbo ang
kanilang katapangan.
Nagiging mapangahas sila sa anumang bagay, waring ipinagwawalang bahala ang panganib, nagkukunwaring hindi nababalisa sa anumang
suliranin. Ito ang panahon na tila naghihimagsikang isang kabataan, waring di matanggap ang katotohanang hindi pa siya ganap na lalaki at
nagpupuyos ang kalooban na pasubalian ito sa mundo. Ito ang panahon na ang isang lalaki ay wala pang napapatunayan sa kanyang sarili at
sa iba, kaya napakalaki ng kanyang kawalan ng seguridad, laging humahanap ng pagkakataon na ipakita ang kanyang kahalagahan. Sa panig
ng kababaihan, ang isang nagdadalaga ay nagsisimulang iwan ang daigdig ng mga manika at laruan, nag-iingat na kumilos nang magaslaw o
tila bata. Isa siyang bulaklak na nagsisimulang mamukadkad.

A. Ang mga karanasan na pinagdaraanan ng mga nagdadalaga/nagbibinata


B. Ang pagkakaiba ng mga pagbabagong pinagdaraanan ng isang nagdadalaga/nagbibinata
C. Ang mga pagbabago sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
D. Ang damdamin ng mga nagdadalaga/nagbibinata sa mga pagbabagong kanilang pinagdaraanan.
18. Ano ang pangunahing pagkakaiba na inillarawan sa sanaysay sa pagitan ng isang nagdadalaga at nagbibinata?
A. Ang nagbibinata ay nagiging mapangahas at ang nagdadalaga ay hindi na naglalaro ng manika at iba pang laruan.
B. Ang nagbibinata ay nagiging masidhi ang pag-iisip at damdamin at ang nagdadalaga ay nagsisimulang maging pino sa kanilang
kilos.
C. Ang nagbibinata ay walang seguridad at ang nagdadalaga ay nakararamdam ng kalituhan.
D. Ang nagbibinata ay nagsisimulang maging matapang at ang nagdadalaga ay nagsisimula nang kumilos na tulad ng isang ganap na
babae.
19. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na kinahihiligan?
A. Nakapagpapasaya sa tao
B. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili
C. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay
D. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap
20. Ang sumusunod ay paraan sa pagtuklas ng hilig maliban sa:
A. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin
B. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
C. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawin.
D. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito.
21. Ano ang maaaring maging solusyon sa suliranin ni Katrina?
A. Tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura
B. Maki-usap sa guro na ipasa siya.
C. Maglapat ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kanyang kakayahan sa pagsasanay at paglutas ng mga
problema sa matematika.
D. Hayaan na lamang na maging mababa ang marka.
III. Pagpapasya. Isulat sa patlang ang TAMA kung ang isinasaad ng mga pangungusap ay nagpapakita ng tiwala sa sarili at MALI
ung hindi. (5 puntos)
__________22. Umaasa lagi sa plano at kilos ng mga kasama.
__________23. Hindi pagsuko sa mga hamon na dinaranas sa buhay gaano man ito kahirap
__________24. Masayang pagtanggap sa sarili maging anuman ang iyong katayuan sa buhay.
__________25. Naniniwala na ang husay sa pagsasayaw ay maaring magamit sa pagkita ng malaking halaga kahit sa
masamang paraan.
__________26. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang panahon ng
pagpapaunlad nito.
IV. Pagpili. Isulat ang tamang sagot na tinutukoy sa bawat bilang. Piliin sa kahon ang tamang sagot. ( 8 puntos)

Bodily Kinesthetic Interpersonal Naturalist


Address: Foster St. Brgy. Kababae, Olongapo City 2200
Existential
Tel. No.: (047) 222-4769 Logical/Mathematical Verbal/Linguistic
Email Address: jlgis@deped.gov.ph
Interpersonal
Facebook Page: Deped Tayo JamesMusical Rhythmic
L. Gordon Integrated School Visual Spatial
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF OLONGAPO CITY
JAMES L. GORDON INTEGRATED SCHOOL
Olongapo City

_____________27. Ang taong ito ay may talinong kaugnay ng lohika, paghahalaw at numero.
_____________28. Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit,ritmo, o musika.
_____________29. Ang talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig.
_____________30. Ang taong may mataas na _________ intelligence ay kadalasang bukas sa kaniyang pakikipagkapwa o extrovert.
_____________31. Kadalasan ang mga taong may taglay natalinong ito ay mahusay sa pagbasa,pagsulat, pagkukuwento, at
pagmememoryang mga salita at mahahalagang petsa.
_____________32. Ito ay talino na kaugnay ng kakayahan na magnilay at masalamin ang kalooban. Karaniwang ang taong may ganitong
talinoay malihim at mapag-isa o introvert.
_____________33. Ang taong may gantong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga konkretong karanasan o interaksyon sa kapaligiran.
_____________34. Ang taong ito ay mabilis matututo sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng mga ideya. Nakagagawa siya nang
mahusay na paglalarawan ng mga ideya na kailangan din niyang makita ang paglalarawan upang maunawaan ito.

V. Paglalahad
Panuto: Sagutin ang mga tanong na hindi lalagpas sa 3 pangungusap. (2 puntos bawat isa)

35-36. Kapag nakakaranas ka ng kabiguan, anu-ano ang ginagawa mong paraan upang ito ay malampasan?
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________

37-38. Magbigay ka ng mga paraan na ginagawa mo para mapaunlad ang iyong talento o kakayahan.
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________

VI. 39-40.
Panuto: Gumawa ng isang pangako. Dugtungan ang nasimulan na. Maaring gumawa ng sariling desenyo na nais o kayang
gawin. (2 puntos)

Bilang isang nagdadalaga/nagbibinata, ako ay nangangako at magsasagawa ng :

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___

Inihanda ni: Naitala ni:

Abigail A. Buenaventura Erwin A. Bucasas,Ed.D Amalia M. Abayan


Teacher I (Substitute) Head Teacher I Principal IV

ANSWER KEY:
1. B

Address: Foster St. Brgy. Kababae, Olongapo City 2200


Tel. No.: (047) 222-4769
Email Address: jlgis@deped.gov.ph
Facebook Page: Deped Tayo James L. Gordon Integrated School
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF OLONGAPO CITY
JAMES L. GORDON INTEGRATED SCHOOL
Olongapo City

2. D
3. D
4. A
5. C
6. B
7. C
8. A
9. C
10. A
11. D
12. D
13. D
14. D
15. C
16. C
17. C
18. B
19. B
20. B
21. C
22. MALI
23. TAMA
24. TAMA
25. MALI
26. TAMA
27. LOGICAL/MATHEMATICAL
28. MUSICAL RHYTHMIC
29. EXISTENTIAL
30. INTERPERSONAL
31. VERBAL/LINGUISTIC
32. INTRAPERSONAL
33. BODILY KINESTHETIC
34. VISUAL SPATIAL
35.
36.
37.
38. ANSWERS ARE
39. SUBJECTIVE
40.

Address: Foster St. Brgy. Kababae, Olongapo City 2200


Tel. No.: (047) 222-4769
Email Address: jlgis@deped.gov.ph
Facebook Page: Deped Tayo James L. Gordon Integrated School

You might also like