You are on page 1of 5

M1

1. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa:

a. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay


kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.

b. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang ang


kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.

c. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa
kanyang kakayahang mag-isip.

d. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay


kailangang dumaan sa proseso ng pagsasanay.

2. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa
panahon ng pagdadalaga / pagbibinata maliban sa ______.

a. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad

b. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki

c. Pagtamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa

d. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad

1. Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos


(developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao maliban sa:

a. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay

b. Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon

c. Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma sa kanilang


edad

d. Nagsisilbing pangganyak o motibasyon upang gawin ng isang nagdadalaga/nagbibinata ang


inaasahan sa kanya ng lipunan.

6. Bakit mahalaga ang pagtamo sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ng bago at ganap na


pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad?

a. Upang masisiguro niya na mayroong tao na tatanggap sa kanyang mga kalakasan at kahinaan

b. Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipagugnayan sa mga kasing-


edad
c. Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang makipagugnayan nang maayos
sa kanyang kasing edad

d. Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kaniya upang matanggap sa isang


pangkat na labas sa kanyang pamilya.

9. Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-unayan kung handang ipaalam ang lahat sa kapwa.
Ang pangungusap ay:

a. Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa.

b. Tama, dahil ito ang magiging simula ng isang malalim na pakikipagugnayan.

c. Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na sabihin ang lahat ng sikreto.

d. Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi magamit ang mga
impormasyon tungkol sa sarili laban sa kanya sa hinaharap.

10. Si Bernard ay mababa ang tiwala sa sarili sa kabila ng kanyang talento. Hindi niya ito
ipinakikita sa paaralan dahil sa takot na hindi ito maging kalugodlugod sa iba pang mga mag-
aaral. Ano ang makatuwirang gawin ni Bernard?

a. Kausapin niya ang kanyang sarili at sabihin na hindi matatalo ng hindi pagtanggap ng iba sa
kanyang talento ang kanyang pagnanais na umangat dahil sa kanyang kakayahan.

b. Humingi siya ng papuri mula sa kanyang mga kaibigan at kapamilya na makatutulong upang
maiangat ang kanyang tiwala sa sarili

c. Harapin niya ang mga hamon nang may tapang at hayaang mangibabaw ang kanyang
kalakasan.

d. Huwag niyang iisipin na mas magaling ang iba sa kanya, bagkus isipin niya na siya ay
nakaaangat sa lahat.

M2

Ito ang pambihirang lakas o kakayahan na may kinalamansa Genetics o mga pambihirang
katangiang minana sa magulang.

a. Hilig
b. Kapangyarihan
c. Talento
d. Talino
1. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa:

a. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay


kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.

b. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang ang


kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.

c. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa
kanyang kakayahang mag-isip.

d. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay


kailangang dumaan sa proseso ng pagsasanay.

4. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?

a. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan

b. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan

c. Upang makapaglingkod sa pamayanan

d. Lahat ng nabanggit

8. Ang mga sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili maliban sa:

a. Ito ay hindi namamana

b. Ito ay nababago sa paglipas ng panahon

c. Ito ay hindi nakasalalay na sa mga bagay na labas sa ating sarili

d. Ito ay unti-unting natutuklasan bunga ng karanasan

m3

2. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na kinahihiligan?

a. Nakapagpapasaya sa tao

b. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili

c. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay

d. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap


3. Ang mga sumusunod ay paraan sa pagtuklas ng hilig maliban sa:

a. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin

b. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.

c. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawin.

d. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito

6. Ano ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong pangakademiko/bokasyunal?

a. Magtutulak ang pagkakaroon ng kinahihiligan upang makamit ang labis na tagumpay sa


hinaharap.

b. Makatutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay ng kasiyahan sa


hinaharap.

c. Makatutulong ang hilig upang matiyak na maipakikita ang galing sa pagaaral upang maitaas
ang antas ng pagkatuto.

d. Makatutulong ang hilig upang mapili ng angkop na kursong pangakademiko o teknikal-


bokasyonal

7. Bakit mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig?

a. Magbibigay kahulugan ito sa bawat pang-araw-araw na gawain.

b. Makatutulong ito upang matukoy ang bagay na nais mong gawin sa iyong libreng oras.

c. Palatandaan ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa iyo bilang
tao.

d. Makapagpapaunlad ito ng talento at kakayahan.

8. Nakita ni Liza na uso ang cross stitching. Marami sa kanyang mga kaklase ay gumagawa nito
kung kaya nagpabili rin siya sa kanyang ina ng mga gamit na kakailanganin. Sinimulan nya
ngunit hindi niya natapos. Makalipas ang ilang buwan nakita naman niya nauuso naman ang
paggawa ng scrapbook kung kaya nagpabili rin siya sa kanyang magulang ng mga
kakailanganing gamit. Makalipas ang ilang lingo ay nahinto na ang kanyang paggawa nito. Ano
ang matwirang gawin ni Liza?

a. Kausapin ang kanyang magulang upang tulungan siyang piliin ang wastong kahihiligan.

b. Ituon lamang ang kanyang atensyon sa kanyang sarili at huwag bigyangpansin ang nauuso.
c. Suriin kanyang sarili upang mataya kung anong bagay ang kanyang ginagawa na
nakapagpapasaya sa kanya.

d. Humingi ng payo sa kanyang mga kaibigan upang tulungan siyang mataya kung ano talaga
ang kanyang nararapat na pagtuunan ng pansin.

M4

9. Ano ang pinakamataas na tungkulin ng isang anak sa kanyang mga magulang?

a. Sila ay igalang, mahalin at pagkatiwalaan

b. Ibigay sa kanila ang nararapat na katumbas ng lahat ng tulong na kanilang naibigay.

c. Ang ilaan ang kanyang hinaharap para sa walang pagdaramot na pagtulong sa pamilya

d. Ang magsilbing isang magandang halimbawa sa kanyang mga kapatid

8. Bakit mahalagang tuparin ng tao ang kanyang tungkulin sa kalikasan?

a. Makikinabang nang lubos ang mga henerasyon na darating

b. Mapangangalagaan ang kalikasan para patuloy na matugunan ang pangangailangan ng lahat


ng tao

c. Maiiwasan ang patuloy na pagkasira ng kalikasan at ang paulit-ulit na mga kalamidad

d. Lahat ng nabanggit

7. Ano ng pinakamakabuluhang layunin ng pagiging isang mag-aaral?

a. Pataasin ang marka

b. Pagyamanin ang kakayahang mag-isip

c. Matutunang lutasin ang sariling mga suliranin

d. Pagkakaroon ng masidhing pagnanais na matuto

You might also like