You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOL DIVISION OF PARAÑAQUE CITY
PARAÑAQUE NATIONAL HIGH SCHOOL – MAIN

Pre Test
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ika-walong Baitang

Pangalan: Petsa:
Grado/Pangkat: Iskor:

Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang tamang sagot sa mga pagpipilian at
isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
1. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang itunuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
a. Paaralan b. Pamilya c. Pamahalaan d. Baranggay
2. Alin sa mga sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na
pamilya?
a. Pinagsama ng kasal ang magulang
b. Pagkakaroon ng anak
c. Pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
d. Mga patakaran sa pamilya
3. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin ng sama-sama at higit sa lahat ang
pagsisimba ng magkakasama tuwing linggo. Ano ang pinapakita ng pamilyang ito na dapat
mong tularan?
a. Buo at matatag
b. May disiplina ang bawat isa
c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa diyos
d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
4. Ang karapatan para sa ___________ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
a. Kalusugan b. Buhay c. Edukasyon d. Pagkain at Tahanan
5. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasyang magpakasal ang magkaroon ng mga
anak. Ito ay _____________.
a. Bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng diyos na magmahal.
b. Makakapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa
c. Sususbok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanailang pananagutan bilang magulang
d. Pagtugon sa kagustuhan ng diyos na maparami ang tao sa mundo
6. Bakit mahalaga na maturuan ang mga anak na mamuhay ng simple?
a. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba
b. Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya
c. Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan
d. Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa
kung anong meron siya.
7. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng mga sumusunod
na pagpapahalaga maliban sa:
a. Pagtanggap b. Pagmamahal c. Katarungan d. Pagtitimpi
8. Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasya
maliban sa:
a. Pagtitiwala
b. Pagtataglay ng katarungan
c. Pagkakaroon ng ganap na kalayaan
d. Pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
9. Ang mga susumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga
gawaing ispiritwal maliban sa:
a. Ilagay ang diyos bilang sentro ng pamilya
b. Iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya
c. Maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng pananampalataya
d. Ituon ang pansin sa ganap na pagunawa sa nilalaman ng aklat tunkol sa pananampalataya
10. Ang karapatan sa pakikitungo sa kapwa ay _____________.
a. Nakabatay sa estado ng tao sa lipunan
b. Nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya
c. Pagtrato sa kanya ng may galang at dignidad
d. Pagkakaroon ng inklinasyon na mging mapag-isa
11. Maipapakita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng mga sumusunod
maliban sa ____________.
a. Kakayahan ng taong umunawa
b. Pagmamalasakit sa kapanganakan ng may kapansanan
c. Espesyal na pagkagiliw sa nakakaangat sa lipunan
d. Pagtulong at pakikiramay sa kapwa
12. Ano ang pangunahing dapat mapagyaman upang maging posible ang pagbuo ng malalim na
pagkakaibigan?
a. Pagpapayaman sa pagkatao
b. Pagpapaunlad ng ugnayang interpersonal
c. Pagpapaunlad ng mga kakayahan
d. Pagpapabuti ng personalidad
13. Ang sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan maliban sa:
a. Ang pakikipag kaibigan ay hindi lamang isang pakikitungo sa kapwa kundi isang
pagbabahagi ng sarili.
b. Ang pakikipagkaibigan ay nakatututugon sa personal na intensyon ng tulong o pabor na
makukuha sa iba.
c. Ang pakikipagkaibigan ay bunga ng pasisikap na dalisay at patatagin ang ugnayan sa pang
matagalang panahon.
d. Ang pakikipagkaibigam ay nararamdaman mula sa inspirasyong nagmumula sa taong
naniniwala at nagtitiwala sa atin.
14. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng pamumuno?
a. Natutugunan ang pangangailangan ng bawat isa sa pangkat.
b. Nagkakaroon ng direksyon ang pangkat tungo sa pagkamit ng layunin.
c. Nakatatanggap ng parangal dahil sa pagkakaroon ng bagong proyekto.
d. Nagkakaroon ng kintawan upang makilala ang pangkat na kinabibilangan.
15. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing katangian ng isang lider na pinipili ng mga tao?
a. Nagpapamalas ng kagalingan sa pagpapasya at pagpaplano.
b. Nagpapamalas ng integredad.
c. Nagtitiwala sa kanyang tagasunod.
d. Nagbibigay ang lider ng inspirasyon sa pangkat.
16. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
a. Paggawa ng kabutihang loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit.
a. Pagkillala sa kabutihang gawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat.
b. Pagpapahalaga ng kabutihan ng kapwa kahit alam niyang ginagawa lang niya ang trabaho nito.
c. Pagsasabi ng salamat ngunit salat sa gawa.
17. Ano ang entitlement mentality?
a. Ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa isang tao.
b. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na naumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan
ng dagliang pansin.
c. Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng tao.
d. Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang
kanilang pangangailangan.
18. Naipapakita ang paggalang sa pamamagitan ng ______________,
a. Nakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan.
b. Pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo.
c. Pagbibibgay ng halaga sa isang tao.
d. Pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay.
19. Paano mo mas higit maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
a. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya
para sa iyo.
b. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katuwiran.
c. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali.
d. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.
20. Natututuhan ng isang bata ang sunod at paggalang sa pamamagitan ng sumusunod, maliban sa:
a. Pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin.
b. Pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakuunawa sa kaniya.
c. Pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang at
pagsunod.
d. Pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda.
21. Ang sumusunod ay umiiral na karahasan sa paaralan maliban sa:
a. Pambubulas b. Pandaraya c. Fraternity d. Gang
22. Ang sumusunod ay sanhi ng pambubulas sa paaralan maliban sa:
a. Pagkakaranas ng karahasan sa tahanan.
b. Paghahanap ng mapagkatuwaan.
c. Pagkakaroon ng pagkakaibang pisikal.
d. Pagkakaroon ng mababang marka sa klase.
23. Maiiwasan at masusupil ng mga mag-aaral ang karahasan sa paaralan sa pamamagitan ng:
a. Pagsunod sa payo ng magulang
b. Paggalang sa awtoriidad ng paaralan
c. Pag-aaral ng mabuti
d. Pagmamahal sa sarili at sa kapwa at paggalang sa buhay
24. Ano ang pinakamaituturing na dahilan kung bakit dapat iwasan at supilin ang mga karahasan sa
paaralan?
a. Upang makatuon sa pag-aaral
b. Upang wala ng banta sa buhay sa loob ng paaralan
c. Upang mabawasan ang pagliban o paghinto sa pag-aaral
d. Upang wala ng suliranin ang mga magulang at ang awtoridad
25. Ano ang tamang pagpapakahulugan sa sekswalidad?
a. Ang seksuwalidad ay behikulo upang maging ganap na tao, lalaki o babae na ninanais mong
maging. Hindi ito pisikal o bayolohikal na kakanyahan lamang.
b. Ang pagkababae o pagkalalaki ay hindi maaaring piliin ito ay taglay na ng isnag tao.
c. Ang pagkababae o pagkalalaki ng isang tao ay nakikita lamang sa pisikal o bayolohikal.
d. Ang seksuwalidad ay hindi bunga ng pagpili, may tuon, at nag0uugat sa pagmamahal.
26. Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo?
a. Ang seksuwal na pagnanasa sa tao ay maari niyang supilin o hayaang mangibabaw sa
kaniyang pagkatao.
b. Ang katutubong simbuyo seksuwal (sex drive) ng hayop ay magkatulad sa seksuwal na
pagnanasa ng tao.
c. Ang seksuwal na pagnanasa sa tao ay maaari niyang supilin o hayaang mangibabaw sa
kaniyang pagkatao.
d. Ang udyok o pagnanasang seksuwal ng tao ay isang katotohanang kailangang kilalanin
at tanggapin bilang bukal ng likasa na enerhiya.
27. Alin sa sumusunod ang hindi emosyonal at pangkaisipan na epekto ng premarital sex?
a. Ito ay maaaring sanhi ng labis na emosyon at pakiramdam na siya’y mahina.
b. Maraming kababaihan ang nagsisisi matapos gawin ito na nagiging sanhi ng depresyon o labis
na kalungkutan.
c. Binabagabag ng kanilang konsiyensya at may pangmatagalang epekto.
d. Dahil sa kahihiyan, nakagagawa ang maraming kabataan ng isang kaunos-lunos na krimen ,
ang abortion.
28. Anong naidudulot ng pornograpiya sa pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarian?
a. Ang pagkasugapa ng kalalakihan o kababaihan sa pornograpiya ay nagdudulot ng malusog na
pakikipag-ugnayan sa kanilang asawa.
b. Ang mga taong sugapa sa pornograpiya ay nakararanas lamang ng seksuwal na
kasiyahan sa panonood at pagbabasa ng pornograpiya.
c. Ang pornograpiya ay tumutulong sa kahusayan na isang tao sa kanyang pakikipagrelasyon.
d. Ang pornograpiya ay isang sining na nagbibigay ng kasiyahan sa mga nanonood o nagbabasa.
29. Sa paghahanap ng ibang kabataan ng mapabilang sa pangkat ang nag-uudyok sa kanyang
sumali sa fraternity. Bakit kailangang iwasan ng kabataan ang fraternity o gang?
a. Ang paglahok sa isang gang ay halos palaging nangangahulugan ng paggamit ng alcohol o
droga.
b. Ang mga miyembro ng gang ay kadalasan nagtatagumpay sa buhay.
c. Ang magiging kasapi lang ng fraternity ay ang nakapagtapos lang ng pag-aaral.
d. Ang mga kasapi ay hindi sumasali sa masasamang gawain o krimen.
30. Sa sobrang galit ni Lorena sa kanyang kaibigang si Annie ay pinahiya niya ito sa harap ng kaklase. Ito
ay pambubulas na:
a. Sosyal o Relasyonal b. Pisikal c. Mental d. Pasalita
31. Anong uri ng pambubulas ang may layuning sirain ang reputasyon at ang pakikipag-ugnayan sa ibang
tao.
a. Pisikal na Pambubulas
b. Sosyal o Relasyonal na Pambubulas
c. Pasalitang Pambubulas
d. Pambubulas
32. Ang sumusunod ay nagpapahayag ng pagmamahal sa sarili, maliban sa :
a. Ang pagmamahal sa sarili ang isasa pinakamahalagang sandata ng isang kabataan
upang maiwasan ang masangkot sa anumang uri ng karahasan.
b. Ang pagmamahal sa sarili ay nagpapaalala ng mahalaga ka sa mundo.
c. Ang pagmamahal sa sarili ang nagtuturo sa atin upang mahalin ang kapwa tao.
d. Ang pagmamahal sa sarili ay mahirap kapag walang nagmamahal sa iyo.
33. Si Kenneth ay lumaking may paggalang sa sarili . Ano ang maging papel nito sa kanyang pakikitungo
sa kapwa mag-aaral?
a. Si Kenneth ay hindi magiging sangkot sa anumang karahasan sa paaralan
b. Maging matagumpay siya sa buhay.
c. Maasahan siya ng kanyang magulang.
d. Makakuha siya ng matataas na marka.
34. Si James ay laging biktima ng pambubulas, Ano ang maging epekto nito sa kanya?
a. Natutong makipagkaibigan
b. Naisipang gumanti
c. Nag-aaral ng mabuti
d. Nagiging marahas
35. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa:
a. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa.
b. Pagiging magaan ng pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw
sa buhay.
c. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinakita mo ang pasasalamat sa kanila.
d. Pagiging maingat sa mga material na pagpapala buhat sa ibang tao.
36. Ang birtud ng pasasalamat ay gawain ng:
a. Kalooban b. Isip c. Damdamin d. Konsensiya
37. Si Manuel ay isa sa kinikilalang mag-aaral na magaling sa pasulat na pagsusulit. Minsan nahuli siyang
may kodigo sa pagsusulit at nalaman ito ng kaniyang mga kamag-aral. Ano ang maaring bunga nito kay
Manuel kaugnay ng pagtingin sa kaniya na isang magaling na mag-aaral?
a. Hindi siya pagbibigyang makakuha ng pagsusulit.
b. Mas lalakas ang loob ng iba na mangodigo upang maging magaling na mag-aaral.
c. Hindi siya paniniwalaan at pagtitiwalaan.
d. Hindi na siya kakaibiganin ng mga kamag-aral.
38. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?
a. Nagpapatibay ito ng presensiya ng pamilya.
b. Naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya
c. Nagbubuklod nito ang mga henerasyon.
d. Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib.
39. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan.
b. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa.
c. Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kasya ibang tao.
d. Pakikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka.
40. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang nilalang?
a. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kaniyang sariling pangangailangan.
b. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa.
c. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala.
d. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan.
41. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtataguyod ng __________
bilang paglilingkod sa kapwa at sa kabutihang panglahat.
a. Hanapbuhay b.Libangan c. Pagtutulungan d. Kultura
42. Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa _________.
a. Kakayahan nilang umunawa sa damadamin ng iba.
b. Kakayahan nilang makiramdam.
c. Kanilang pagtanaw ng utang na loob.
d. Kanilang pagiging emosyonal sa pakikisangkot.
43. Sa tuwing tayo’y nakararanas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon mahalaga na tayo ay
makapag-relax. Alin sa mga sumusunod ang hindi magandang paraan ng pagrerelax?
a. Paglakad-lakad sa parke
b. Paninigarilyo
c. Pagbabakasyon
d. Panonood ng sine
44. Ano ang nililinang ng isang tagasunod kung paiiralin niya ang isang tamang konsensya na
gagabay sa kanya sa pagtupad ng kanyang mga gawain at pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa
kapwa?
a. Kakayahan sa trabaho
b. Kakayahang mag-organisa
c. Mga pagpapahalaga
d. Pakikipagkapwa
45. Ang mga anak ni Aling Corazon at Mang Ambo ay may pagkukusang gumawa ng mga gawaing
bahay kahit hindi sila utusan ng mga magulang. Anong impluwensya ang tinutukoy sa sitwasyon?

a. Katapatan b. Kasipagan c. Katatagan d. Katipiran

46. Paano mo dapat ipinakikita ang iyong paggalang sa karapatan ng bawat kasapi ng pamilya?
a. Hayaan magsalita ang kapamilya sa gusto nitong sabihin.
b. Hindi pakikialaman ang gamit ng kapamilya.
c. Hayaan ang bawat kasapi sa nais gawin.
d. Magpapahayag ng mga saloobin nang may paggalang at pananagutan.

47. Sa paanong paraan maipakikita ang pagpapanatili ng komunikasyon sa loob ng pamilya?


a. Pakikipag ugnayan sa piling kasapi ng pamilya.
b. Pakikipag ugnayan sa lahat ng gawaing pampamilya.
c. Pakikipag ugnayan kung mayroon lamang suliranin sa pamilya.
d. Pagbibigay halaga sa kasapi na nakatutulong sa pamilya.

48. Ang tao ay nilalang na mapagkapwa. Alin sa mga sumusunod ang mga tamang pakahulugan sa
salitang kapwa?
a. Ang ating kapwa ay may buhay.
b. Ang lahat ng ating nakakasama sa buhay ay kapwa.
c. Ang kapwa ay tulad mong tao at pantay ang karapatan sa buhay.
d. Ang kapwa ay tumutukoy sa lang ng nilalang ng kasama sa araw-araw.
49. Ang proseso ng komunikasyon ay tagumpay kung:
a. Nagbibigay ng feedback ang tagatanggap.
b. Mahinahon ang pag-uusap ng dalawang tao.
c. Natapos ang mahalagang usapan ng dalawang tao.
d. Angkop ang pagka-unawa ng tumatanggap ng mensahe.
50. Maliban sa salita at pagsasabi ng totoo, saan pa makikita ang katapatan ng isang tao?
a. Sa kilos at pakikitungo sa iba c. Sa pagsasabi ng iniisip
b. Sa pagpapahayag ng nararamdaman d. Sa pag-uulat ng nakikita

You might also like