You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VI – Western Visayas

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT sa EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8


S.Y. 2019-2020
Pangalan: ____________________________________ Baitang/Pangkat: ___________ Iskor: _______
Paaralan: ________________________________________Petsa: ______________________________

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod at piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang lipunan ay binubuo ng iba’t- ibang institusyon o sector. Alin sa mga institusyong ito ang
itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit?
a. Barangay b. paaralan c. pamahalaan d. pamilya
2. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na orihinal at pangunahing karapatan?
a. Buhay b. kalusugan c. edukasyon d. tahanan
3. Anong klase ng pagmamahal ang umiiral sa pagitan ng mag-asawa na nakapagbibigay buhay?
a. Paternal love b. Puppy love c. Conjugal love d. Romantic love
4. Kailan matatawag na pamayanan ng tao ang isang pamilya?
a. binubuo ng kumpletong miyembro c. binigkis ng kasal ang mga magulang
b. may pagmamahal d. madaming anak
5. Alin sa mga pagpapahalagang ito sa loob ng ating pamilya ang humuhubog kakayahang kilalanin
at igalang ang dignidad ng tao?
a. Pagmamahal b. Paggalang c. Pagtanggap d. Katarungan
6. Ang simbulo o senyas na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kanyang iniisip at
pinahahalagahan tulad ng wika, kilos, tono at iba pa ay tinatawag na _______?
a. Sign language b. Komunikasyon c. Salita d. wika
7. Alin ang hindi makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya.
a. Pagkakaroon ng ganap na kalayaan c. Pagtataglay ng karunungan
b. Pagtitiwala d. Pagtuturo ng mga magulang ng pagpapahalaga
8. Iisa sa mga paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na itinuturo sa loob ng
tahanan?
a. Pagiging bukas palad c. Pagbabayanihan
b. Pagtulong ng pamilya d. Lahat ay tama
9. Ang sumusunod ay nagsasaad ng karapatan ng pamilya maliban sa:
a. pagiging pribado ng buhay mag-asawa at buhay pamilya
b. pagkakaroon ng katatagan ng bigkis at ng institusyunal na kasal
c. paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpapalaganap nito
d. Ang karapatang bumuo ng malaking pamilya
10. Ang maaaaring matutunan ng isang bata na namumuhay sa pamumuna ay______?
a. maging mapanghusga c. matutong lumaban
b. maniwala sa sarili d. magustuhan ang sarili
11. Maituturing na labis na kabutihan ang hindi talikuran ang isang kasapi ng pamilya sa oras ng
pangangailangan. Anong pagpapahalagang Pilipino ang ipinahihiwatig nito?
a. close family ties c. kapit bisig
b. magiliw na pagtanngap d. d. bayanihan
12. “Sa pagwiwika sumasalipunan ang mga tao.” Sino ang nagsabi nito?
a. Dr. Manuel Dy b. Howard Gardner c. Stephen Covey d. Socrates
13. Ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan. Ang hindikatangian ng isang pamilyang
Pilipino ay________.
a. pamayanan ng mga tao.
b. orihinal na paaralan ng pagmamahal.
c. una at mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay.
d. May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya.
14. Ang katangian na ipinakikita ng pamilyang sama-samang nagsisimba ay ____?
a. Buo at matatag c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
b. May disiplina ang bawat isa d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
15. Sa pakikipagdiyalogo ay tinitingnan mu ang tao ng may paggalang sa kanyang dignidad. Ano ito?
a. Komumnikasyon b. I-it c. I-thou d. monologo
16. . Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng negatibong epekto ng pagiging labis na
makapamilya ng mga tao?
a. Nagiging sanhi ito ng poitical dynasties
b. Pagkakawatak watak at pagkakaniyakaniya
c. Maaaring mangahulugan ng paggamit ng posisyon at kapangyarihan
d. Lahat ay tama
17. Ang uri ng pakiipagkomunikasyon na nagsisimula sa sining ng pakikinig ay _____?
a. Pakikinig b. Sign language c. Pagsasalita d. Diyalogo
18. Ang pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya ay?
a. Pinagsama ng kasal ang magulang c. Mga patakaran sa pamilya
b. Pagkakaroon ng anak d. Pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
19. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pananagutan ng magulang?.
a. Pagbibigay ng edukasyon c. Paggabay sa mabuting pagpapasiya
b. Paghubog sa pananampalataya d. Pagpapatawad sa mga kasalanang nagawa
20. Ang salitang ”diyalogo” ay galing kay?
a. Ivan Pavlov b. Dr. Manuel Dy c. Stephen Covey d. Martin Buber
21. Mahalagang maipaunawa sa mga anak ang simple at payakna pamumuhay upang?
a. maisabuhay nila ang pagiging mapagpakumbaba
b. maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano
ang mayroon siya
c. masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya
d. pahalagahan nila ang perang pinaghirapan
22. Makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa__________:
a. Pagkakaroon ng ganap na kalayaan c. Pagtataglay ng karunungan
b. Pagtitiwala d. Pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
23. Sa paanong paraan maisasakatuparan ang pagtataguyod ng misyon ng pamilya?
a. Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan
b. Pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap sa hamon
c. Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya
d. Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng
pamilya
24. Maituturing na daan sa mabuting pakikipagkapwa ang mabuting pakikitungo sa pamilya dahil__.
a. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan
b. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa
pakikipagkapwa
c. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kanyang pakikipagkapwa-tao
d. Nakaktulong ito sa kanyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema
25. Bakit nararapat lamang na magkaisa ang mga pamilya sa kanilang layunin na itaguyod ang
kapakanan ng lipunan?
a. Kung hindi maayos ang pamilya, tiyak na hindi rin magiging maayos ang lipunan
b. Walang lipunan, kung walang pamilya.
c. Kung maayos ang lahat ng pamilya, tiyak na magiging matiwasay ang lipunan.
d. Lahat ay tama
26. Paano mapapatatag ang isang pamilya sa isang lipunan na unti-unting nayayanig at nawawasak
ng pagiging makasarili ng ilan?
a. Mahalagang hubugin ang mga anak sa tunay na diwa ng katarungan.
b. Ituro ng magulang sa kanilang mga anak ang wastong paggamit ng kalayaan sa mga material
na bagay.
c. Naihanda sila ng mga magulang gamit ang mga pagpapahalagang naituro sa kanila.
d. Lahat ay tama
27. Ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na pahayag ang
hindi nagpapatunay nito?
a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao
b. Ang pakikitungo ng magulang sa kaniyang anak, gayundin ang magiging pakikitungo nito sa
iba
c. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa
d. Sa paaralan lamang natututuhan ng bata ang pakikipagkapwa
28. Aling konsepto ang kaugnay ng likas-kayang pag-unlad o sustainable development .
a. Ang epekto sa ating hinaharap ng mga basurang likha ng mabilis na pagbabago sa teknolohiya
b. Maiiwasan ang pagkakaroon ng labis na basurang likha ng mabilis na pagbabago sa teknolohiya?
c. Makatutulong ang pagkakaroon ng simpleng pamumuhay sa pagpapanatili ng mga likas na yaman
ng daigdig?
d. Ang epekto ng kawalan ng kaalaman sa makabagong teknolohiya?
29. Alin sa sumusunod ang hindi karapatang pampolitikal ng pamilya?
a. sa paniniwala
b. sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya
c. mandayuhan sa ibang probinsya
d. magpadami ng mga anak
30. “Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang isang bansa. “Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa dahil ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa
lipunan.
b. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan
c. Ang pamilya ang bumubuo sa lipunan.
d. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan.
31. Ang pamilya ay matatawag na pamayanan ng tao dahil ito ay_________.
a. binubuo ng kumpletong miyembro
b. may pagmamahal
c. binigkis ng kasal ang mga magulang
d. madaming anak
32. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang maliban
sa:
a. Malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang
kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito
b. pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral
c. Pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensya, at sa lahat ng mga taong
ibinigay sa kanila ng Diyos
d. Pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon, lalo na sa mga hamon upang ito ay
matagumpay na malampasan
33. “Kung kayo’y nakikipagtalo o nakikipagpaliwanagan, lalo’t sa minamahal, huwag ninyong hayaang
maglayo ang inyong mga kalooban.” Ano ang ipinahihiwatig sa anekdotang ito?
a. Ang halaga ng mabuting komunikasyon sa pakikipag-ugnayan sa kapwa
b. Mahalagang magkaharap pag pakikipagtalo
c. Tumalikod habang nakikipagtalo
d. Huwag ngmagsalita
34. Ang pagiging mapanagutan ng mga magulang ay nangangahulugan ng _______
a. kasama sa paghahanda sa buhay mag-asawa
b. malayang pagganap sa kanilng mga tungkulin
c. dahil ito ang kagustuhan ng Diyos
d. nararapat lamang ito para sa mga anak
35. Ang pangunahi at dapat ituro ng magulang sa kanilang mga anak?
a. Paggamit ng kalayaan sa mga material na bagay
b. PAggamit ng po at opo sa pagsagot lalo na sa matatanda
c. Paggalang at pagmamahal sa mga magulang
d. PAgsasabi ng totoo
36. Kailangang gamitin ng tao ang kaniyang talino sa pagtuklas ng mabuting paraan ng
pagpapahayag ng kaniyang sasabihin. Alin sa mga paraan ng pakikipagkomunikasyon ang dapat
gamitin?
a. Pagiging hayag o bukas c. Pagiging mapanlikha o malikhain
b. Pag-aalala at malasakit d. Atin-atin o personal
37. Nasa ibang bansa ang ama ni Melissa.Tuwing katapusan ng buwan ay tumatawag ito at
nagpapadala ng pera. Nang lumaon ay nagpapadala na lamng ito ng pera at hindi na tumatawag.
Sa iyong palagay, ano ang dapat gawin ni Melissa?
a. Hayaan na lamang at hintayin kung kelan ito tatawag.
b. Ipagsawalang bahala na lamang, ang mahalaga ay may natatanggap siyang pera
c. Ikwento sa mga kaibigan ang nangyayari
d. Ipagbigay alam sa kinauukulan ang problema para sa hindi siya mag-alala
38. MAdalas magkagalit ang magkapatid na Willy at Billy. Hindi nila pinakikinggan ang sinasabi ng
bawat isa. Kapwa ayaw magpatalo sa argumento ang dalawa. Kung ikaw mga magulang nila anu
ang nararapat mung gawin?
a. Pabayaan na lamang sila dahil natural lang naman sa magkapatid ang nag-aaway
b. Pagsabihan sila na okay lang na mag-away pero hindi lang magsasakitan
c. Kampihan si Billy dahil siya naman ang bunso at kailangang pagpasensyahan
d. Kausapin ng masinsinana ang magkapatid at ipaalaala sa kanila na kailangang mahalin nila
ang isat-isa.
39. Kahit parehong nagtatrabaho ang mga magulang ni Leo ay inihahanda muna ng inang si Maritess
ang kanyang mga kailangan sa pagpasok sa eskwela. Masasabing napakaswerte niya dahil sa
mga responsableng magulang. Sa paanong paraan niya mapapasalamatan ang mga ito.
a. Bilhan sila ng chocolates and flowers
b. Itreat sila at yayain silang manood ng sine
c. Bigyan sila ng thank you card na ikaw mismo ang gumawa
d. Mag-aral ng mabuti at sundin ang kanilang mga payo
40. Sa isang lipunan na unti-unting nayayanig at nawawasak ng pagiging makasarili ng ilan,
mahalaganag hubugin ang anak sa tunay na diwa ng ______________
a. pagmamahal b. pagtanggap c. katarungan d. kabutihan
41. Mas magiging malalim ang mensaheng maibibigay ng aral ng pananampalataya kung________?
a. Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng pamilya
b. Ituon ang pansin sa pag-unawa
c. Hayaang maranasan ang tunay at malalim nitong mensahe
d. Ipadanas ang pananampalataya ng may kagalakan
42. Paano maipapakita ang malasakit at galang sa kausap sinuman o anuman ang kaniyang katayuan
o nalalaman.
a. Pagiging hayag o bukas c. Pagiging mapanlikha
b. Pag-aalala at malasakit d. Lugod o ligaya
43. Ayon kay Dr. Manuel Dy, “Sa pagwiwika sumasalipunan ang tao.” Alin sa mga sumusunod ang
hindi sumasalamin ditto?
a. Upang maging ganap na tao kailangan nating magsalita at makipagtalastasan
b. Hindi ka maituturing na tao kung hindi ka marunong magsalita
c. Mahalaga ang komunikasyon sa paghahanap ng tao sa katotohanan
d. Hindi possible ang mabuhay sa lipunan kung walang salita o wika
44. Ang pinakamabisang paraan ng komunikasyon ay sa pamamagitan ng________?
a. Open communication b. Sign language c. Diyalogo d. Pagmamahal
45. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang sa 7 Habits of Highly Effective Families ni Stephen
Covey?
a. Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng buhay-pampamilya.
b. Ituon ang pansin sa pag-unawa
c. Ipadanas ang pananampalataya nang may kagalakan
d. Mag-alok ng suhol sa mga miyembro
46. Isa sa mga paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na itinuturo at
natututuhan sa loob ng tahanan ay_________.
a. Pagiging bukas palad c. Pagbabayanihan
b. Pagtulong ng pamilya d. Lahat ay tama
47. Bakit nararapat lamang na magkaisa ang mga pamilya sa kanilang layunin na itaguyod ang
kapakanan ng lipunan?
a. Kung hindi maayos ang pamilya, tiyak na hindi rin magiging maayos ang lipunan kung walang
pamilya
c. Walang lipunan, kung walang pamilya.
d. Kung maayos ang lahat ng pamilya, tiyak na magiging matiwasay ang lipunan.
e. Lahat ay tama.
48. Alin sa mga sumusunod ang talagang nagpapakita ng magiliw na pagtanggap sa panauhin:
a. Paghahain ng masarap na pagkain
b. Pagbibigay ng pinakamainam na higaan
c. Pagpapagamit ng pinakamagandang kasangkapan
d. Pagbubukas ng pintuan sa mga nangangailangan
49. Alin sa mga sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang
maayos na pamilya?
a. Pinagsama ng kasal ang mga magulang c. Pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
b. Pagkakaroon ng mga anak d. Mga patakaran ng pamilya
50. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na
pundasyon ng edukasyon para sa panlipunang buhay (social life)?
a. Ang pamilya ang siyang may katungkulan nap ag-aralin ang mga anak
b. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay, at nagtuturo ng pakikitungo sa kapawa
c. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng tahanan
d. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating buhay

“Maging estudyanteng may INTEGRIDAD at DIGNIDAD,


Aanhin mo ang maatas na grado kung ang ugali mo naman ay hindi MAKATAO”
- Anonymous

You might also like