You are on page 1of 5

OLD SAN AGUSTIN NATIONAL HIGH SCHOOL

Basey Samar

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Pangalan: ___________________________________________________ Baitang at Seksyon: ______________

Petsa: ______________________________________________________ Iskor: _________________________ Panuto:


Basahin ng mabuti ang mga katanungan. Piliin ang tamang sagot. Isulat lamang ang titik sa sagutang papel.
1. “Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang isang bansa” ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa
lipunan.
b. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
c. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa dahil ito ang bumubuo sa lipunan
d. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan
2. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na pahayag ang
hindi nagpapatunay nito.
a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabuting paraan ng pakikipagkapwa tao.
b. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kanyang anak, gayundin ang magiging pakikitungo nito
sa iba.
c. Sa pamilya unang natutuhan ang kagandahang asal at maayos na pakikitungo sa kapwa
d. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga
bata
3. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay(law of free giving). Alin sa
sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas?
a. Isang ama na naghahanap buhay upang maibigay ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya.
b. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon sila naman ang
maghahanap buhay sa pamilya
c. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng karagdagang baon
sa eskwela
d. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kaya’t ginagawa nila ito
4. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya?
a. Pinagsama ng kasal ang magulang c. Pagtanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
b. Pagkakaroon ng mga anak d. Mga patakaran sa pamilya
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na
pundasyon ng edukasyon para sa panlipunang buhay (Social Life)?
a. Ang pamilya ang siyang may katungkulan ng pag-aralin ang mga anak.
b. Dahil ang magulang ang ginagamit na instrumento upang bigyan ng tungkulin na bigyan ng
edukasyon ang anak.
c. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakahahalubilo sa loob ng tahanan
d. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating buhay
6. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
a. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya
b. Dahil wala ng iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya
c. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya
d. Lahat ng nabanggit
7. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sector. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang
itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
a. paaralan b. pamahalaan c. pamilya d. barangay
8. . Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa:
a. pagtitiwala c. pagkakaroon ng ganap ng kalayaan
b. pagtataglay ng katarungan d. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
9. Hindi nakaliligtaan ng pamilya Juan ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang pagsisimba ng
magkakasama tuwing lingo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan?
a. Buo at matatag c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
b. May disiplina ang bawat isa d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
10. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao”. Ano ang ibubunga nito
sa isang tao kung ito ang kaniyang isasabuhay?
a. Higit na nagiging popular ang isang tao kung ito ang kaniyang isasabuhay
b. Nakatutulong ito sa kanyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema
c. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa pakikipagkapwa
d. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan
11. Ang pamilya ay itinatag bilang isang malapit na_________.
a. komunidad ng buhay at pagmamahal c. pundasyon ng lipunan
b. tahanan ng pagmamahal d. paaralan ng pagmamahal
12. Ano ang dapat taglayin ng mga kabataan ngayong nahaharap sila sa mga negatibong impluwensya?
a. magkaroon ng takot sa Diyos c. malasakit sa ibang tao
b. pagpapahalaga sa maingat na pagpapasiya d. respeto sa sarili
13. Paano makakamit ang edukasyon sa pananampalataya?
a. kailangang makipag-ugnayan ang pamilya sa ibang institusyon tulad ng paaralan at simbahan
b. kailangang makipag-ugnayan ang pamilya sa anak
c. kailangang makipag-ugnayan ang pamilya sa guro
d. kailangang makipag-ugnayan ang pamilya sa pari
14. Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng pagiging palaasa ng isang tao dahil sa labis na pagtulong
maliban sa____.
a. Laging nariyan ang mga magulang upang tugunan ang pangangailangan ng anak sa lahat ng oras
b. Huwag ihiwalay sa pamilya ang anak kahit may asawa na
c. Sa takdang panahon hayaang mamuhay nang mag-isa at malayo sa pamilya
d. Wala sa nabanggit
15. Sino ang maituturing na haligi ng isang pamilya?
a. Ate at Kuya b. Lolo at Lola c. Ama at Ina d. Tiyo at Tita
16. Sa bawat pagkakataon na ikaw ay napapagalitan ano ang iyong natatanto?
a. Nag-aalala sila para sa aking kabutihan upang mahubog ang aking sarili bilang isang mabuting tao
b. Mabigyan ng masayang buhay
c. Hindi nila ako mahal
d. Mahal lamang nila ang kanilang mga magulang
17. Ang pamilya ang orihinal na______ng pagmamahal
a. samahan b. paaralan c. simbahan d. institusyon
18. Ano ang tawag sa pagmamahal na namamagitan sa mag-asawa?
a. paternal love b. platonic love c. conjugal love d. intimate love
19. Anu-ano ang mahalagang misyon ng pamilya?
a. Pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya
b. Pagbibigay ng buhay
c. Paggabay sa mabuting pagpapasiya
d. Paggabay sa pagkamit ng mga pangarap
20. Ano ang tawag sa pagmamahal ng namamagitan sa magulang at anak?
a. paternal love b. platonic love c. conjugal love d. intimate love
21. Ang karapatan para sa_____ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
a. kalusugan b. edukasyon c. buhay d. pagkain at tahanan
22. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak. Ito
ay_____.
a. bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal
b. makapagpatatag sa ugnayan ng mag-asawa
c. susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang
d. pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo
23. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang maliban sa:
a. pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral
b. pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga hamon upang ang
mga ito ay matagumpay na malampasan
c. pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsiyensiya, at sa lahat ng mga taong ibinigay
sa kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan
d. Ipaubaya na lamang ang lahat sa Diyos
24. Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang mga tungkulin sa kanilang mga
anak?
a. Si Mark at Mae na nagplaplano at nagpapasiya para sa katiyakan ng magandang ng buhay para sa
kanilang mga anak
b. Sina Lina at James na pinag-aral ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad upang matiyak
ang magandang buhay para sa kanilang hinaharap
c. Si Jake at Rhea na namumuhay nang simple kasama ang mga anak, katuwang ng mga ito sa
kanilang mga gagawin, pangangailangan at gumabay sa kanila sa mundong kanilang ginagalawan lalo na sa
hinaharap
d. Sina Nita at Edward na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan
ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak, tinitiis ang hirap ng kalooban dahil malayo sila sa kanilang
pamilya
25. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
a. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng
karapatan ng magulang na sila ay turuan
b. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa
paaralan
c. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal, pag-aaral at kaalaman
d. Dahil ang kanilang ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata
26. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay ng simple?
a. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagpakumbaba
b. Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya
c. Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinahihirapan
d. Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano
ang mayroon siya
27. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaring magbunga ng sumusunod na
pagpapahalaga maliban sa:
a. pagtanggap b. pagmamahal c. katarungan d. pagtitimpi
28. Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa:
a. pagtitiwala c. pagkakaroon ng ganap ng kalayaan
b. pagtataglay ng katarungan d. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
29. Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga gawaing
ispiritwal maliban sa:
a. ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya
b. iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya
c. maglaan ng tiyak na panahon upang matuto sa mga aral ng pananampalataya
d. ituon ang pansin sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya
30. Sa paanong paraan magagawang possible ang pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya?
a. Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya
b. Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng pamilya
c. Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan
d. Pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap sa hamon at pagtulong ng mga ito upang
ito ay maisakatuparan
31. Bakit mahalagang magabayan ang kabataan sa paggawa ng tamang pagpapasiya?
a. upang hindi siya masanay na gumawa ng mga maling pasiya at hindi matuto sa mga ito
b. upang mahubog ang kanilang kakayahan sa pagtanggap ng kanilang kamalian
c. upang pagdating ng panahon ay mabigyan ng laya sa pagpapasiya sa kanilang sarili
d. ang magdidikta kung anong uri ng tao sila magiging hinaharap
32. Ano ang gustong mangyari ng isang magulang sa kaniyang mga anak?
a. Makamit ang tunay na kaligayahan at kaganapan bilang tao
b. Wastong paggamit ng kalayaan sa mga material na bagay
c. Magkaroon ng dignidad sa kanilang sarili
d. Upang mahubog ang kanilang kakakayahan sa pagtanggap ng kanilang kamalian
33. Ano ang gustong ipabatid ng mga magulang sa kanyang mga anak kung paulit ulit nilang pinagsasabihan
ang mga ito?
a. Dahil ayaw nilang maging masaya ang kanilang mga anak
b. Dahil hindi matanggap ng mga magulang kung nagkakamali ang kanilang mga anak
c. Upang makamit ang tunay na kaganapan bilang tao
d. Dahil gusto ng mga magulang na maging maayos ang buhay ng mga anak
34. Sa mga kabataan sino ang unang naghahanda sa pagharap ng mga hamon na kanilang haharapin?
a. guro b. principal c. magulang d. kapatid
35. Kung ang isang bata ay namumuhay sa pagtanggap, natututo siyang_________.
a. maging pala away c. maging mapaghusga
b. bumuo ng sariling desisyon d. maawa sa ibang tao
36. Kung ang isang bata ay namumuhay sa pamumuna o pamimintas, natututo siyang______.
a. maging palaaway c. maging mapanghusga
b. bumuo ng sariling desisyon d. magmahal
37. Ano ang bunga ng maling pagpili o desisyon?
a. pagtitiwala b. kaalaman c. pagsisisi d. kalungkutan
38. Kung ang isang bata ay namumuhay sa selos at pagkainggit, natututo siyang______.
a. iba siya sa karamihan c. palaging nababalot ng pag-aalala
b. palaging nakakaramdam ng pagkakasala d. lumaban
39. Ano ang pangunahing makatutulong sa isang tao upang maging matagumpay?
a. paggawa ng mabuting pagpapasiya c. matatakot sa maykapal
b. ipagwalang bahala ang anumang gagawing desisyon d. humingi ng tulong sa pagpapasiya sa
lahat ng oras
40. Ano ang pangunahing makatutulong upang ang isang tao ay maging matagumpay, masaya at magkaroon
ng kakayahan na makapag-ambag para sa kaunlaran ng lipunan?
a. turuang tumayo sa sariling mga paa
b. maghintay na lumaki ang anak bago turuan ng kanyang tamang gagawin
c. turuan siya na gumawa ng mabuting pagpapasiya at bigyan siya ng laya na pagpasiya para sa
kaniyang sarili
d. ipagwalang bahala ang di magandang ginagawa ng anak
41. Ito ay itinuturing na anumang senyas o simbolo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang iniisip
at pinahahalagahan, kabilang dito ang wika, kilos, tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay at mga gawa.
a. komunikasyon b. diyalogo c. pagmamahal d. pakikipag-ugnayan
42. Paano makapagpapatatag ang komunikasyon sa pamilya?
a. pagrespeto sa nagsasalita c. magkaroon ng katulad na pananaw
b. pag-unawa sa tunay na kahulugan ng komunikasyon d. pakikipag-usap o talastasan
43. Ito ay ang pagkumpirma sa pagkatao ng taong kadiyalogo
a. komunikasyon b. paggalang c. pakikipagdiyalogo d. pagkumbin
44. Ang sumusunod ay mga karapatan ng pamilya, maliban sa isa
a. Ang karapatan sa tahanan o tirahang maayos na buhay pamilya
b. Ang karapatan sa pagiging pribado ng buhay mag-asawa at buhay pamilya
c. Ang karapatan sa pakikialam sa kaparti ng pamilya ayon sa iyong kagustuhan
d. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpapalaganap nito
45. Anu ang ibig sabihin ng 3R’s?
a. repeat, reduce, re-use c. reduce, re-use, recycle
b. re-use, recycle, reduce d. re-use, reduce, recycle
46. Sino ang nagsasabi na ang isang pamilya ay isang munting lipunan?
a. Eskobar b. Esteban c. Erlinda d. Erika
47. Anu ang nagbunsod upang kilalanin at igalang ang dignidad ng tao?
a. pagpaparaya b. pagmamahal c. katarungan d. pataggan
48. Ito ang paghubog sa kakayahang kupkupin ang tao bilang siya at hindi siya susukatin batay sa kung anu ang maaaro
niyang maibigay.
a. pagpaparaya b. pagmamahal c. katarungan d. pataggan
49. Ito ang pagbunsod sa kakayahang tanggapin ang tao na hindi tumitingin sa kaniyang kakayahan at katangian ay
tanda ng malalim na__________.
a. pagpaparaya b. pagmamahal c. katarungan d. pataggan
50. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sector. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang itinuturing
na pinakamaliit at pangunahing yunit ng pamilya?
a. paaralan b. pamahalaan c. pamilya d. barangay

Inihanda ni:

Mrs. Jean Mitzi Moreto- Doncillo


Subject Teacher

You might also like