You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII – CENTRAL VISAYAS
DIVISION OF CITY SCHOOLS – TAGBILARAN CITY
Tagbilaran City, Bohol
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Unang Markahan
Summative Test

PANUTO: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon sa lipunan
ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
A. paaralan B. pamahalaan C. pamilya D. barangay
2. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na
pamilya?
A. pinagsama ng kasal ang magulang B.Pagkakaroon ng mga anak
C. pagtatanggol ng pamilya sa kanilang Karapatan D. mga patakaran sa pamilya
3. Ang karapatan para sa _____________ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
A. kalusugan B. buhay C. edukasyon D. pagkain at tahanan
4. Si Ana ay likas na matulungin sa kaniyang mga magulang, pinagsasabay nito ang pag-aaral at
pagtitinda ng mga kakanin sa paaralan. Anong birtud ang ipinamamalas ni Ana?
A. pagtulong B. pagmamahal C. pakipagkapuwa D. pananampalataya
5. Ano ang umiiral na 3 P’s sa Pamilya?
A. Pagtutulungan, Pag-asa, Pagmamahal
B. Pagmamahal, Pag-aaruga, Pagsasama
C. Pagmamahalan Pagtutulungan Pananampalataya
D. Pananampalataya, Pagkakaisa, Pag-aaral
6. Bakit kailangan ang pagpapakasal ng lalaki at babaeng nagmamahalan? Dahil ito ay:
A. pagsasaad ng mga pangako B. pagtugon sa tawag ng Dios na magmahal
C. pagpapasaya sa pamilya D. kailangan sa lipunan
7. Bakit kinikilalang natural na institusyon ang pamilya? Dahil ito ay nabuo mula sa:
A. Pagmamahalan B.Pagkaka-isa C. Pagsasama D. Pagsisikap
8. Sino ang gumagabay at humuhubog sa pamilya?
A. anak B. lipunan C. magulang D. pamayanan
9. Ano ang orihinal at pangunahing karapatan ng mga bata?
A. karapatang kumain B. karapatang mabuhay
C. karapatan sa edukasyon D. karapatang magkaroon ng magulang
10. Ano ang katuwang ng mga magulang sa pagpapatupad ng edukasyon para sa mga bata?
A. Paaralan B. mga kapitbahay
C. mga kamag-anak D. kawani ng gobyerno
11. Sino ang naggabay sa mga anak sa bawat pagpapasya?
A. kaibigan B. kapatid C. magulang D.pamilya
12. Ano ang umusbong sa Pilipinas matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig?
A. kapuluan B. kayamanan C. pagmamahal D. relihiyon
13. Ano ang bunga ng maling pagpili?
A. karahasan B. karanasan C. pagmamahal D. pagsisisi
14. Ano ang hinuhubog sa mga kabataan sa pagpili ng damit na maisusuot at pagkuha ng
kurso ayon sa kanilang nais?
A. pag-aayuno B. pagkilos C. pagpapasya D.
pagsasakripisyo
15. Sino sa mga kasapi sa pamilya ang higit na nangangailangan ng paggabay tungo sa pagkakaroon
ng bukas na komunikasyon?
A. ate B. bunso C. kuya D. magulang
16. Sino-sino sa mga kasapi sa pamilya ang epektibong tagapaglinang ng bukas na komunikasyon?
A. ina at ama B. ina at anak C. ama at anak D. mga anak o anak
17. Alin sa sumusunod ang nararapat na mas pairalin na komunikasyon sa isang tahanan?
A. consensual B. laissez-faire C. pluralistic D. protective
18. Anong uri ng komunikasyong pampamilya na hindi pinahahalagahan ang pagkakaroon ng bukas at
tapat na pag-uusap ng bawat miyembro ng pamilya?
A. consensual B. laissez-faire C. pluralistic D. protective
19. Anong antas ng komunikasyong ang naglalayong mapaunlad ang bansa sa industriya, ekonomiya o
anumang pangkabuhayan?
A. pampubliko B. pangkaunlaran C. pangkultura D. pangmasa
20. Anong pagpapahalaga ang lubos na maipapakita sa pagkakaroon ng bukas na
komunikasyon?
A. pagiging makatao B. pagiging magalang C. pagiging matapang D. pagiging maka-
Diyos
21. Kanino unang natutuhan ng bata ang mga pagpapahalaga bilang tao?
A. guro B. pamilya C. pari D. principal
22. Ano ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan?
A. pananampalataya B. pagbibigay galang
C. pakikibahagi at pagbibigayan D. isipin ang pansariling kapakanan
23. Anong papel ang ginagampanan ng pamilyang nagsusulong ng bayanihan sa isang lugar?
A. pampolitikal B. pangkalusugan C. panlipunan D. pansimbahan
24. Anong papel ang ginagampanan ng pamilyang sumusunod sa mga batas na nagpoprotekta sa
karapatang pantao?
A. pampolitikal B. pangkalusugan C. panlipunan D. pansimbahan
25. Anong papel ang ginagampanan ng pamilyang magiliw na tinatanggap ang mga panauhin?
A. pampolitikal B. pangkalusugan C. panlipunan D. pansimbahan
26. Anong papel ang ginagampanan ng pamilyang nagboboluntaryong naglilingkod sa pamayanan?
A. pampolitikal B. pangkalusugan C. panlipunan D. pansimbahan
27. Ano ang kailangang matutunan ng tao para sa mabisang pakikipag-ugnayan sa lipunan?
A. pagkikipag-usap B. pag-aaruga ng tao
C. pagmamahal sa tao D. pakikipagkapuwa tao
28. Ano ang pinakamaliit na yunit ng lipunan na unang nagturo sa kahalagahan sa pagganap ng mga
responsibilidad ng isang mabuting mamamayan?
A. barangay B. lungsod C. organisasyon D. pamilya
29. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na
pundasyon ng edukasyon para sa panlipunang buhay (social life)?
A. Ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ang mga anak.
B. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay, at nagtuturo ng pakikitungo sa
kapwa.
C. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng tahanan.
D. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating buhay.
30. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
A. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng
karapatan ng magulang na sila ay turuan.
B. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa
paaralan.
C. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.
D. Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata.
31. Hindi maipagkakaila ang saya sa ngiti ni Aleng Nina nang binigyan ito ng House & Lot ng Engineer
na anak. Bilang Kabataan, anong impluwensiya ang masasalamin sa anak ni Aleng Nina?
A. pag-aalaga sa kaniyang Ina B. pagmamahal sa kaniyang Ina
C. pag-aasikaso sa kaniyang Ina D. pagbibigay-buhay sa kaniyang Ina
32. Binaha ang aming lugar noong bagyong Odette at sa awa ng Panginoon ay may mabuting loob na
nag-alok na patuluyin kami sa kanilang tahanan. Anong aral ang mapupulot sa sitwasyon?
A. pagiging madasalin B. pagkakaroon ng pag-asa
C. pagiging maramot sa iba D. pagiging matulungin sa kapwa
33. Bakit sinasabing ang pagbibigay ng edukasyon, paghubog sa pagpapasya at
pananampalataya ay pinakamagandang regalo ng magulang sa anak? Dahil ito ay:
A. trabaho ng magulang sa anak
B. tungkulin ng magulang sa anak
C. dapat maibigay ng magulang sa anak
D. batayan na makabuluhan ang pag-aaruga at pagpapalaki sa anak
34. Bakit itinuturing na bukod tangi at pinakamahalagang gampanin ng magulang ang pagbibigay ng
edukasyon? Sapagkat ito ay:
A. humuhubog sa lahat ng aspeto ng isang tao
B. basihan ng pagiging isang respetadong indibidwal
C. kwalipikasyon sa paghanap ng magandang trabaho
D. nauuso sa ngayon na dapat makapagtapos ng pag-aaral
35. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng gawi sa pagpapahalaga ng pananampalataya?
A. pagsasabi ng totoo sa lahat ng oras
B. pag-iwas sa masamang bisyo at layaw
C. pagdarasal bago pumasok sa paaralan
D. paglahok sa mga gawaing pansimbahan tulad ng youth camp
36. Ano ang nararapat gawin kung napagalitan ka ng iyong ina dahil umalis ka nang walang paalam?
A. lalambingin ito at aaluin
B. hihingi ng dispensa o paumanhin
C. hahayaan na lamang na magagalit ito
D. iiyak nang malakas upang mapatawad
37. Ano ang nararapat gawin kung nakita mong hindi sinasadyang nabasag ng iyong kapatid ang
mamahaling vase na collection ng iyong ina?
A. tatakutin at isusumbong
B. sisigawan at pagagalitan
C. isusumbong agad sa magulang ng mapagalitan
D. pakalmahin at payuhang magtapat sa magulang
38. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at
pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya?
A. pagkaiinggit sa natamo ng iba
B. paglilihim ng problema sa mga magulang
C. pagbibigay ng pantay na pagtingin o hatol
D. pagpapakita ng pagsang-ayon sa lahat ng oras
39. Madalas na nakararanas ng pambubulas si Noel sa loob ng klase kaya ayaw na niyang pumasok sa
eskwela. Kanino siya dapat unang sumangguni sa suliraning kaniyang kinakaharap?
A. mga kaibigan B. punong-guro C. mga magulang D. gurong tagapayo
40. Sinasabi na ang pamilya ay natural na institusyon. Alin sa sumusunod ang sumusuporta sa
pahayag?
A. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
B. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.
C. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa
kapwa.
D. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang
magpakasal at magsama nang habambuhay.
41. Bakit kailangan ng pamilya ang makipag-ugnayan sa ibang pamilya at sa iba pang sektor ng
lipunan?
A. upang magparami B. upang hihingi ng tulong
C. upang umunlad ang buhay D. upang mapadali ang buhay
42. Alin sa mga sitwasyong ito ang nagpapamalas ng isang pamilyang makabubuo ng mapagmahal na
lipunan?
A. pagmamalupit sa mga kapus-palad
B. pambubuska sa mga pulubi sa halip na tumulong
C. pagbubulag-bulagan sa nakitang babaeng hinablutan ng bag
D. pagiging aktibo sa asosasyong naglalayon ng pangangalaga sa kalikasan
43. Napansin ng guro ni Mayo na tanging siya lang ang nakasunod sa tamang paraan ng pagtatapon ng
basura. Kaya, tinanong siya nito kung bakit nagawa niya ito nang tama. “Tinuro kasi ito sa amin ni
Nanang at Tatang” sagot ni Mayo. Ano ang mahihinuha sa sagot ni Mayo?
A. Ang batang mabait ay magaling sumagot.
B. Ang kaniyang magulang ay mga basurero.
C. Sa pamilya nahuhubog ang mga pagpapahalagang dapat matutuhan ng isang bata.
D. Ang magulang na nagtuturo nang tama sa anak ay magkakaroon ng mabubuting anak.
44. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng panlipunang papel ng pamilya?
A. paglahok sa clean-up drive B. pagtanggap ng tulong mula sa 4P’s
C. pagkakaroon ng proteksiyon mula sa awtoridad D. pamimigay sa mga senior citizen
ng
honorarium mula sa DSWD
45. Bakit mahalagang maisagawa ang mga angkop na kilos sa isang pamilya?
A. upang mapatibay ang relasyong pampamilya
B. upang maipakita na ang bawat pamilya ay perpekto
C. upang mapatibay ang relasyong pakikipagkapuwa tao
D. upang ipagmalaki sa iba ang katatagan ng kanilang pamilya.
46. Isa sa mga naging susi sa pag-asenso ng buhay ni Kenneth ay ang pananampalataya at
pagsabuhay ng aral ng Diyos at ang katangiang mapagkakatiwalaan na noong una pa ay nakita na ng
kaniyang boss. Anong kilos ang nasasalamin sa tauhang si Kenneth?
A. may tiwala sa sariling kakayahan
B. may mataas na pangarap sa buhay
C. may panahon na magsimba araw-araw
D. may matatag na pananampalataya sa Diyos
47. Paano masasabi na maunlad ang komunikasyon ng isang pamilya?
A. kapag pabalang na sumagot sa katanungan
B. kapag naninindigan kahit mali ang paniniwala
C. kapag sumagot nang walang pag-unawa sa sitwasyon
D. kapag malayang makapagbigay ng pansariling pananaw
48. Bakit mahalagang magkaroon ng bukas at tapat na komunikasyon sa bawat miyembro ng isang
pamilya?
A. para maturuan ang mga bata kung paano makipag-ugnayan sa iba
B. para hindi humantong sa pagkakahiwalay ng magulang at pagkawatak-watak ng
miyembro ng pamilya
C. para magkaroon ng ideya ang bawat miyembro tungkol sa iniisip at nararamdaman
ng ibang miyembro ng pamilya
D. para makabuo ng tahanan na kumikilala sa malayang pagpapahayag ng
pagkakaiba, pagmamahal at pagpapahalaga sa isa’t isa

You might also like