You are on page 1of 10

MODYUL 3:

LIPUNANG PANG-EKONOMIYA

Bb. Jo Marie Nel C. Garcia


PAGKAKAPANTAY-
PANTAY
 Pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng Diyos.

 May mga nagsasabi namang hindi pantay-pantay dahil


may mga mayayaman at may mga mahihirap.
Max Scheler: “Bahagi ng pagiging tao ng tao ang
pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan. Nasa
hulma ng ating katawan ang kakayahan nating maging
isang sino. Dahil na rin sa hindi pagkakapantay-pantay na
ito, kailangang sikapin ang pagkakapantay-pantay sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman ng bayan.”
PRINSIPYO NG PROPORTIO
 Sto. Tomas de Aquino: “Ang angkop na
pagkakaloob ng naaayon sa pangangailangan ng
tao.”
 Hindi man pantay-pantay ang mga tao, may angkop para
sa kanila. Kailangang maging patas ayon sa
kakayahan, ayon sa pangangailangan.
BAKIT HINDI NA LANG IBIGAY SA LAHAT, BAHALA NA
SILANG MAGPAMAHAGI SA MAS
NANGANGAILANGAN?
 Dahil una ang halaga ng tao kaysa sa anumang bagay na
ipinapamigay o ibinabahagi. (May yaman man o
wala ang tao, siya ay may halaga bilang tao.)
 Pangalawa, gumagawa at nagmamay-ari ang tao hindi
upang makipagmayabangan o makipagkumpetensya sa
iba o pahiyain ang iba. Gumagawa ang tao dahil nais
nyang ipamalas ang kanyang sariling galing.
Gumagawa siya upang maging produktibo sa
kanyang sarili.
HANAPBUHAY HINDI TRABAHO
 Ang hinahanap ng gumagawa ay ang kanyang buhay.
Hindi siya nagpapakapagod lamang para sa pera kundi
para ito sa buhay na hinahanap nya.
 Ang kanyang pag-aari ay hindi lamang tropeyo ng
kanyang pagpapagal. Ito rin ang mga gamit nya upang
matulungan siyang mahanap ang kanyang buhay.
 Ang mga gamit at yamang pinagbabahaginan ay hindi
iniipon para higit na palakihin lamang ang yaman.
Nariyan ang mga ito upang umayon sa mga layunin ng
tao.
NAIPAKIKILALA NG TAO ANG SARILI
SA KANYANG PAGGAWA

 Ang buhay ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala ang


sarili. Hindi ang yaman, hindi ang mga gamit na
mayroon o wala siya ang humuhubog sa tao.
 Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang
sarili sa bunga ng kanyang paggawa. Hindi sa pantay-
pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na
yaman. Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinibigay sa
kanya ang kanyang ikayayaman.
EKONOMIYA
 “Ekonomiya” galing sa mga griyegong salita na
“oikos” (bahay) at “nomos” (pamamahala)
 Ang ekonomiya ay tulad lamang din ng pamamahala sa
bahay. May sapat na budget ang namamahay. Kailangan
itong pagkasyahin sa lahat ng gastusin upang
makapamuhay nang mahusay ang mga tao sa bahay,
maging buhay-tao (humane) ang kanilang buhay sa
bahay at upang maging tahanan ang bahay.
LIPUNANG PANG-EKONOMIYA
 Ang lipunang pang-ekonomiya ay nagsisikap na
pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa
kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.
PATAS.
 Ito ay ang mga pagkilos na masiguro na ang bawat
bahay ay magiging tahanan.
 Pinapangunahan ito ng estado na tumitiyak na
maayos ang pangangasiwa at patas ang
pamamahagi ng yaman ng bayan.
 Sinisikap gawin ng estado na magin patas para sa
nagkakaiba-ibang tao ang mga pagkakataon upang
malikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon sa kani-
kanilang tunguhin at kakayahan.
 Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao
ay kilos na nagpapangyari sa kolektibong pag- unlad ng
bansa.
 Kung maunlad ang bansa, higit na mamumuhunan ang
mga may kapital na syang lilikha ng higit pang mga
pagkakataon para sa mga tao – pagkakataon hindi
lamang makagawa, kundi pagkakataon ding tumaas
ang antas ng kanilang pamumuhay.
 Sa lipunang pang-ekonomiya, ginagawa ng mga tao na
malaking tahanan ang bansa – isang tunay na tahanan
kung saan maaaring tunay na tumahan (huminto,
manahimik, pumanatag) ang bawat isa sa pagsisikap
nilang mahanap ang kanilang mga buhay.
TAKDANG
ARALIN
Panoorin ang GMA NEWS TV segment na Kape at Balita na
may titulong “Ekonomiya ng Pilipinas, itinuturing na ‘Best
Performing in Asia’ ng Phil. Chamber of Commerce” (
https://www.youtube.com/watch?v=KZAypzf8Y40)
 Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano-ano ang mga bagay na nakatulong sa pag-angat ng


ekonomiya ng bansa?
2. Ano ang maaari mong magawa o plano upang
makatulong sa pag-unlad na ito sa pamamaraang kaya
mo ngayon?
3. Paano pinauunlad ng gawaing pagpaplano ang buhay ng
isang tao?

You might also like