You are on page 1of 10

MODYUL 3:

LIPUNANG PANG-EKONOMIYA

Bb. Jo Marie Nel C. Garcia


PAGKAKAPANTAY-PANTAY
 Pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng Diyos.
 May mga nagsasabi namang hindi pantay-pantay
dahil may mga mayayaman at may mga mahihirap.
Max Scheler: “Bahagi ng pagiging tao ng tao ang
pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan.
Nasa hulma ng ating katawan ang kakayahan nating
maging isang sino. Dahil na rin sa hindi
pagkakapantay-pantay na ito, kailangang sikapin ang
pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng
pagbabahagi ng yaman ng bayan.”
PRINSIPYO NG PROPORTIO
 Sto. Tomas de Aquino: “Ang angkop na
pagkakaloob ng naaayon sa pangangailangan ng
tao.”
 Hindi man pantay-pantay ang mga tao, may angkop
para sa kanila. Kailangang maging patas ayon sa
kakayahan, ayon sa pangangailangan.
BAKIT HINDI NA LANG IBIGAY SA LAHAT, BAHALA NA
SILANG MAGPAMAHAGI SA MAS NANGANGAILANGAN?
 Dahil una ang halaga ng tao kaysa sa anumang
bagay na ipinapamigay o ibinabahagi. (May yaman
man o wala ang tao, siya ay may halaga bilang
tao.)
 Pangalawa, gumagawa at nagmamay-ari ang tao
hindi upang makipagmayabangan o
makipagkumpetensya sa iba o pahiyain ang iba.
Gumagawa ang tao dahil nais nyang ipamalas ang
kanyang sariling galing. Gumagawa siya upang
maging produktibo sa kanyang sarili.
HANAPBUHAY HINDI TRABAHO
 Ang hinahanap ng gumagawa ay ang kanyang
buhay. Hindi siya nagpapakapagod lamang para sa
pera kundi para ito sa buhay na hinahanap nya.
 Ang kanyang pag-aari ay hindi lamang tropeyo ng
kanyang pagpapagal. Ito rin ang mga gamit nya
upang matulungan siyang mahanap ang kanyang
buhay.
 Ang mga gamit at yamang pinagbabahaginan ay
hindi iniipon para higit na palakihin lamang ang
yaman. Nariyan ang mga ito upang umayon sa mga
layunin ng tao.
NAIPAKIKILALA NG TAO ANG SARILI SA
KANYANG PAGGAWA

 Ang buhay ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala


ang sarili. Hindi ang yaman, hindi ang mga gamit
na mayroon o wala siya ang humuhubog sa tao.
 Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang
sarili sa bunga ng kanyang paggawa. Hindi sa
pantay-pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang
tunay na yaman. Nasa pagkilos ng tao sa anumang
ibinibigay sa kanya ang kanyang ikayayaman.
EKONOMIYA

 “Ekonomiya” galing sa mga griyegong salita na


“oikos” (bahay) at “nomos” (pamamahala)
 Ang ekonomiya ay tulad lamang din ng
pamamahala sa bahay. May sapat na budget ang
namamahay. Kailangan itong pagkasyahin sa lahat
ng gastusin upang makapamuhay nang mahusay
ang mga tao sa bahay, maging buhay-tao (humane)
ang kanilang buhay sa bahay at upang maging
tahanan ang bahay.
LIPUNANG PANG-EKONOMIYA
 Ang lipunang pang-ekonomiya ay nagsisikap na
pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa
kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.
PATAS.
 Ito ay ang mga pagkilos na masiguro na ang bawat
bahay ay magiging tahanan.
 Pinapangunahan ito ng estado na tumitiyak na
maayos ang pangangasiwa at patas ang
pamamahagi ng yaman ng bayan.
 Sinisikap gawin ng estado na magin patas para sa
nagkakaiba-ibang tao ang mga pagkakataon upang
malikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon sa
kani-kanilang tunguhin at kakayahan.
 Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga
tao ay kilos na nagpapangyari sa kolektibong pag-
unlad ng bansa.
 Kung maunlad ang bansa, higit na mamumuhunan
ang mga may kapital na syang lilikha ng higit pang
mga pagkakataon para sa mga tao – pagkakataon
hindi lamang makagawa, kundi pagkakataon ding
tumaas ang antas ng kanilang pamumuhay.
 Sa lipunang pang-ekonomiya, ginagawa ng mga tao
na malaking tahanan ang bansa – isang tunay na
tahanan kung saan maaaring tunay na tumahan
(huminto, manahimik, pumanatag) ang bawat isa sa
pagsisikap nilang mahanap ang kanilang mga buhay.
TAKDANG ARALIN
 Panoorin ang GMA NEWS TV segment na Kape at Balita
na may titulong “Ekonomiya ng Pilipinas, itinuturing na
‘Best Performing in Asia’ ng Phil. Chamber of Commerce”
(https://www.youtube.com/watch?v=KZAypzf8Y40)
 Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano-ano ang mga bagay na nakatulong sa pag-angat


ng ekonomiya ng bansa?
2. Ano ang maaari mong magawa o plano upang
makatulong sa pag-unlad na ito sa pamamaraang
kaya mo ngayon?
3. Paano pinauunlad ng gawaing pagpaplano ang buhay
ng isang tao?

You might also like