You are on page 1of 10

Nasusuri ag mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya,

paaralan, barangay/pamayanan, o lipunan/bansa.

A. PAGBASA/TALAKAYAN

KARAPATAN AT TUNGKULIN

Kailan masasabing iginagalang ang karapatan? Sa anong paraan ipinakikita ito? Ano ang
kailangan upang matamasa ito nang may pananagutan?

Napag-aralan mo sa Baitang 7 na may pantay na karapatan ang lahat ng tao. Natutuhan mo rin
na ang batayan ng pagiging pantay niya sa kaniyang kapuwa ay ang taglay niyang dignidad. Nag-
uugat ang dignigad na ito sa kaniyang kakayahang mag-isipat makapili ng mabuti at pagiging
bukod-tangi. Ano naman ang batayan ng pagigig pantay ng karapatan ng lahat ng tao? Ano ba
ang karapatan?

Karapatan bilang Kapangyarihang Moral

Ang karapatan ay ang kapangyarihang moral na Gawain, hawakan, pakinabangan at angkinin ang
mga bagay na kailangan ng tao sa kanyang estado sa buhay. Moral ito dahil hindi maaaring
pwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan o puwerrsahan ang
mga bagay na kailangan niya sa buhay. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng
kanyang kapuwa na igalang ito. Kapag nilabag ang karapatang ito, magkakaroon siya ng
damdamin ng pagsisisi.

Bilang kapangyarihang moral, ang karapatan ay pakikinabangan ng tao lamang dahil tao lamang
ang makagagawa ng moral na kilos. Dahil sa karapatang ito, may obligasyon ang tao na akuin at
tuparin ang kaniyang mga tungkulin.

Nakabatay ang mga karapatan sa Likas na Batas Moral na tinalakay sa sinundang modyul. Ito ang
batayan ng mga karapatan na itinakda ng isang lipunan o pamahalaan. Ito ang batas na
nagpapataw ng obligasyon sa lahat ng tao na igalang ang mga karapatan ng isang tao.
Kailangan ng mga karapatan sa maaayos na pakikipag-ugnayan sa kapuwa. May anim na uri ng
karapatang hindi maaalis (inalienable) ayon kay Santo Tomas de Aquino (Quito,1989). Ang mga
ito ay ang karapatang mabuhay, magkaroon ng mga ari-arian, mag-asawa,magibg Malaya,
sumamba at maghanapbuhay.

1. Karapatan sa buhay
 Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil wala ito, hindi
mapakikinabangan ng tao ang ibang karapatan.
2. Karapatan sa pribadong ari-arian
 Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga ari-arian upang
mabuhay nang maayos at makapagtrabaho nang prosuktibo at makikibahagi sa
lipunan.
3. Karapatang magpakasal
 May karapatan ang taong bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng kasal.
4. Karapatang pumunta sa ibang lugar
 Kasama sa karapatang ito ang karapatang lumipat o tumira sa ibang lugar na may
oportnidad tulad ng trabaho o komportableng buhay o ligtas sa anumang panganib.
5. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya
 May karapatan ang bawat tao na piliin ang relihiyon na makatutulong sa kaniya
upang mapaunlad ang kaniyang pagkatao at pakikipag-ugnayan sa diyos at kapuwa.
6. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay
 May obligasyon ag lipunan o pamahalaan na magbigay ng trabaho o disenteng
hanapbuhay sa mga mamamayan upang mapakinabangan nila ang karapatang
mabuhay.

Tungkulin bilang Obligasyong Moral

Kung ang karapatan ay kapangyarihang moral, ano naman ang tungkulin? Ito ang
obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang Gawain.
Moral ang obligasyong ito dahil ito ay nakasalalay sa malayang kilos-loob ng tao.
Kaya tulad ng karapatan, ang suheto ng tungkulin ay tao lamang. Tulad ng
karapatan, batay rin sa Likas na Batas Moral ang mga tungkulin. Kaya kailangan
tuparin ang mga tungkulin dahil ito ay nararapat at nakabubuti. Kasama iyo sa
pagiging moral ng tao. Moral na Gawain ang pagtupad ng tungkulin dahil ang moral
ang siyang nagpapanatili n gating buhay-pamayanan
Mga Tungkulin

May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan. Narito ang anim na tungkulin sa
tulugon sa angkop na karapatan:

1. Sa Karapatan sa buhay
 May tungkulin ang bawat tao na pangalagaan ang kaniyang kalusugan halimbawa
ay ang kaniyang sarilo sa mga panganib ng katawan at kaluluwa.
2. Sa karapatan sa pribadong ari-arian
 May tungkulin ang tao na pangalagaan at palaguin ang anumang ari-arian niya at
gamitin ito upang tulungan ang kapuwa at paunlarin ang pamayanan.
3. Sa Karapatang magpakasal
 May kaakibat na tungkulin na suportahan ang pamilya at gabayan ang mga anak
upang maging mabuting tao ang mga ito.
4. Sa karapatang pumunta sa ibang lugar
 May tungkulin na igalang ang pribadong boundary. Kaakibat ng karapatang ito ang
tungkulin na kilalanin ang limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo ng
kapuwa.
5. Sa Karapataang sumamba o ipahayag ang pananampalataya
 May tungkulin na igalang ang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba.
6. Sa Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay
 May tungkulin ang bawat isa na magpunyagi sa trabaho o hanapbuhay at magpakita
ng kahusayan sa anumang Gawain.
Nagpatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na
kabuluhan kung gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin
at unawain, gamit ang kanyang katawiran, ang pagkakapantay-pantay ng
dignidad ng lahat ng tao.

A. PAGBASA/TALAKAYAN

Karapatan at Tungkulin

Kailan masasabing iginagalang ang karapatan? Sa anong paraan ipinakikita ito? Ano
ang kailangan upang matamasa ito nang may pananagutan?

Nag-alaman natin na may pantay niya sa karapatan ang lahat ng tao at nalaman din
natin na ang batayan ng pagiging pantay niya sa kaniyang kapuwa ay ang taglay
niyang dignidad. Nag uugat ang dignidad na ito sa kanyang kakayahang mag-isip at
makapili ng mabuti at pagiging bukod tangi. Ano naman ang batayan ng pagiging
pantay na karapatan ng lahat ng tao? Ano ba ang karapatan?

Karapatan bilang Kapangyarihang Moral

Ang karapatan ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at


angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kanyang estado sa buhay. Moral ito
dahil hindi maaaring puwersahin ng tao ang kanyang kapuwa na ibigay saa kaniya
nang sapilitan o puwersahan ang mga bagay na kailangan kapuwa na igalang ito.
Kapag nilabag ang karapatan ito, magkakaroon siya ng damdamin sa pagsisisi.

Mga Uri ng Karapatan

Kailangan ang mga karapatan sa maayos na pakikipag- ugnayan sa kapuwa. May


anim na uri ng karapatang hindi maaalis (inalienable) ayon kay Santo Tomas de
Aquino (Quito 1989).

1. Karapatan sa buhay
 Ito ang pinakamataas na antas ng mga karapatan dahil kung wala ito, hindi
mapakinabangan ng tao ang ibang karapatan. Dapat itong mangibabaw sa ibang
karapatan kung sakaling ito ay malagay sa panganib.
2. Karapatansa pribadong ari-arian
 Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga ari-arian upang
mabuhay nang maayos at makapagtrabaho nang produktibo at nakikibahagi sa
lipunan.
3. Karapatang magpakasal
 May karapatan ang taong bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng kasal.
4. Karapatang pumunta sa ibang lugar
 Kasama sa karapatang ito ang karapatang lumipat o tumira sa ibang lugar na may
oportunidad tulad ng trabaho o komportableng buhay o ligtas sa anumang
panganib.
5. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya
 May karapatan ang bawat tao na piliin ang relihiyon na makatutulong sa kaniya
upang mapaunlad .ang kaniyang pagkatao at pakikipag-ugnayan sa Diyos at
kapuwa.
6. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay
 Mga obligasyon ang lipunan o pamahalaan na magbigay ng trabaho o disenteng
hanapbuhay sa mga mamamayan upang mapakinabangan nila ang karapatang
mamuhay.

Mga Tungkulin

May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan. Narito ang anim na tungkulin na tutugon sa
angkop na karapatan:

1. Sa karapatan sa buhay
 May tungkulin ang bawat tao na pangalagaan ang kaniyang kalusugan at ang
kaniyang sarili sa mga panganib ng katawan at kaluluwa.
2. Sa karapatan ng pribadong ari-arian
 May tungkulin ang tao na pangalagaan at palaguin ang anumang ari-arian niya at
gamitin ito at tulungan ang kapuwa at paunlarin ang pamayanan.
3. Sa karapatang magpakasal
 May kaakibat na tungkulin na suportahan ang pamilya at gabayan ang mga anak
upang maging mabuting tao ang mga ito.
4. Sa karapatang pumunta sa ibang lugar
 May tungkulin na igalang ang mga pribadong boundary. Kaakibat ng karapatang ito
ang tungkulin na kilalanin ang limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo.
5. Sa karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya
 May tungkulin ng igalang ang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba.

6. Sa karapatang magtrabaho o maghanapbuhay
 May tungkulin ang bawat isa na magpunyagi sa trabaho o hanapbuhay at magpakita
ng kahusayan sa anumang Gawain.
Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa likas na Batas Moral

A. PAGBASA/TALAKAYAN

Tatlong Bahagi ng Moralidad ng Kilos:

 Batayan sa Pagpapasya sa Wastong Kilos


 Nagtagubilin si St. Thomas Aquinas tungkol sa tatlong bahagi ng moralidad ng kilos.
Ang lahat ng ito ay nararapat sa mabuting pagkilos. Ang mga ito ay ang sumusunod:
1. Ang particular na kilos o Gawain
2. Ang pansariling motibo o layunin
3. Ang sitwasyon o kondisyon
 Ang uri ng kilos o Gawain ay nararapat na mabuti. Kaya ang pagpapasya sa pagkilos
ay mahalaga. Ang batas moral ay nakatutulong ditto sapagkat ito ang gabay ay
tamang kilos. Walang ibang dapat sisihin kung ang iyong ikinilos ay mali dahil ito ay
nararapat na pinag-isipan at ibinatay sa batas moral.
 Ang intensyon o motibo ng kilos ay nararapat ding maging tama. Ito ay maaaring
maging makatotohanan o tunay (objective) at pansarili (subjective). Mataas ang
moralidad ng intensyon o motibo ng kilos kung ito aay objective kaysa subjective.
Halimbawa: objective kung nais mong magtrabaho upang maiangat mo sa kahirapan
ang iyong maglang. Samantal, subjective kung ang pagtatrabaho ay gagawin mo
pang iyong sariling kapakanan lamang.
 Sa pagbuo ng ating pasya, mahalaga ang magkaroon ng pagbatay sa kabutihan
upang an gating ikinikilos ay maging taama. Ang galit, kasakiman, pagkahilig, inggit,
kawalan ng pag-asa, katamaran, pagkamataas at poot ay mga maling motibo.
 Ang panghuli, ang pagkakataon o sitwasyon na kailangan ding tama. Piso o isang
milyon man ang ninakaw ay pareho pa ring pagnanakaw. Hindi maaaring gawing
katwiran na mayaman naman ang iyong ninakawan kaya hindi masama. Inaaasahan
ding ang higit na nakakatanda, nasa katinuan, may mataas na pinag-aralan ay may
taas na kapasidad na gawin at kumilos nang tama. Halimbawa: kung ikaw ay isang
guro at nakipag-away ka sa tinder sa palenke. Siguradong marinig mo na sasabihin
ng mga tao na: “Para kang walang pinag-aralan,guro ka pa naman.”

 Kahalagahan ng Batas sa Lipunan

 Ang batas ay nagsisilbing instrument ng panginoon upang mapangasiwaan ang


pamahalaan na inaasahan ng lipunan na magsasabuhay sa mga karapatang
pantao ng mga mamamayan.
 Ang batas ay tuntunin na ginawa at ipinatupad ng pamahalaan para sundin ng
mga tao at ng mamamayan.
 Ang batas ay pinagbabatayan ng anumang kautusan, desisyon o programa na
ipinatutubad ng gobyerno o ng pamahalaan.

 Kabutihang Dulot ng batas


 Nagagawa ng batas na mapangalagaan at maproteksyunan ang ating mga
karaptan.
 Nagkakaroon ng kaayusan at kapayapaan sa lipunan.
 Nagiging ligtas ang bawat isa.
 Ginagarantiya ng batas ang pagkakaloob ng mga benepisyo sa mga
mamamayanan.
Nahihinuha na nakabatay sa Likas na Batas Moral, gumagarantiya sa pagtugon sa pangangailangan ng
tao at umaayon sa dignidad ng tao at sa kung ano ang hinihingi ng tamang katwiran ay mahalaga pang
makamit ang kabutihang panlahat.

Napipapahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral na batas batay sa pagtugon nito sa
kabutihang panlahat.

A. PAGBASA/ TALAKAYIN
 ( MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL)
 Likas na Batas Moral:
 Ang likas na batas moral ay tumutukoy sa mga batas na ipinagkaloobsa tao
bilang tugon sa kaniyang pakikibahagi s kabutihan at karubungan ng Diyos, dahil
sa mga batas na ito nagkaroon ding kakayahan ang tao na gmawa ng mabuti o
masama bunga ng kanyang malayang kilos-loob.
 Sa pamamagitan ng likas sa batas moral, nagkaroon ng direksyon ang buhay ng
tao. Ang kaniyang pagsunod sa likas na batas moral, nakagagawa siya ng mabuti
at naisasabuhay niya ang makabuluhang pakikipagkapwa. Sa kabila nito ang likas
na batas moral ay hindilupon ng mga batas na dapat na isinasaulo upang sundin
sa araw-araw kundi ang paggawa ng mabuti na nagmumula sa kaniyang
pagkatao. Ang mga ito ay nakalapat sa kanyang konsensya na siya ring ginagamit
na personal na panuntunan ng moral ng tao. Ang konsenya ang ginagamit ng ta
sa pagbili ng tama.

Mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral

Una: Gawin ang mabuti, iwasan ang masama.

 Dapat maunawaan ng tao ang likas na batas moral ay hindi nagbabago. Hindi ito
sumasabay sa pagbabago ng panahon o sa kung ano ang hinihingi ng
pagkakataon. Hindi ito maaaring ihambing sa pagbabago na hindi nababawasan
at walang katapusan. Sa oras na nakilala ng tao ang mabuti sa masama,
kinakailangan niya na gawin ito at tuluyan ng iwasan ang paggawa ng masama.
Sa ganitong paraan, mas maisasabuhay niya ang pagiging mabuti kaysa sa mga
gawing masama

Pangalawa:

 Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang
kanilang buhay.
 Kasama ng mga hayop likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang
mga anak.
 Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang
katotohanan at mabuha sa lipunan.
Lahat ng tao ay may kakayahang
mag-isip. Lahat ng tao ay may
kakayahang makaunawa sa
Paniwala ng pilosopong si Sto. Tomas de Aquino:Lahat ng tao
Ay may kakayahang mag-isip. Lahat ng tao a may kakayahang kabutihan.
Makaunawa sa kabutihan. Para sa pilosopong si Max Scheler,
Ang pag-alam sa kabutihang ito ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan
ding ng pakiramdam. Ninanasa ng tao ang mabuti; hindi ang masama. Walang sinuman ang magnanais

You might also like