You are on page 1of 4

Unang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 9

Oktubre
S.Y.: 2022-2023

Pangalan: __________________________ Seksyon: __________________ Marka: _______

Petsa: _____________________________ Lagda ng Magulang: _______________________

Pangkalahatang Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Ipinagbabawal ang pagbubura.
I. Mga Matalinong Pagdedisisyon
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang tamang sagot sa kahon.
Trade-off Opportunity Cost Marginal Thinking Incentives

__________1. Mas pinili ni Tatay Peter ang bumili sa online kaysa pumunta sa Mall para masiguro
ang kanyang kalusugan.
__________2. Mag-aaral na lamang ng takda si Geoff kaysa maglalaro ng kanyang paboritong
Online Games.
__________3. Binili ni Nanay Mildrid ang isang sako ng bigas na may kasamang sampung delata.
__________4. Tinaasan ang sahod ni Tatay Miguel ng isang libo dahil wala itong liban sa trabaho.
__________5. Napagdesisyunan ni Drake na mag-aabroad para sa magandang kinabukasan ng
kanyang anak dahil sa mataas ang sahod.
__________6. Nakatanggap si Sally ng libreng produkto o samples na kasama ng mga produkto na
nabili.
__________7. Inubos niya ang kanyang baon kaysa ipunin ito.
__________8. Sulit ba kung bibili ako ng buy one take one?
__________9. Nag-aaral nang mabuti si Sarah para makatanggap ng sertipiko sa paaralan.
__________10. Mas pinili ni Nanay Sally ang magtinda sa kalagitnaan ng pandemya kaysa manatili
ng bahay upang mag-alaga ng bata.

II. Konsepto ng Alokasyon

Panuto: Maglista ng mga paraan kung paano ka makaangkop sa suliranin ng kakapusan.
(2 puntos)

Suliranin Pag-aangkop na Gagawin

Pagkaubos ng mga endangered species Ang paglalaan ng isang lugar na kung saan sila
ay makakapamuhay ng malaya, may sapat na
pagkain , maayos na tirahan , at malayo sa mga
tao.
1. Kakulangan ng kuryente; madalas na
brownout.

2. Pagkaubos ng mga kagubatan sa

Pilipinas; pagtaas ng halaga ng mga
papel at produktong yar isa kahoy.

3. Patuloy na pagmahal ng galunggong, ang

paboritong ulam ng pamilya dahil
nauubos na ang isdang ito sa karagatan
dulot ng overfishing.

4. Patuloy na pagbaba sa suplay ng langis

sa daigdig; pagmamahal ng gasoline at
diesel na nagdudulot naman ng pagtaas
ng halaga ng pamasahe.

5. Pagdanas ng kawalan ng malinis na tubig

sa lungsod.

III. Sistemang Pang-ekonomiya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang mga gagawing produkto o serbisyo ay nakaayon sa pangangailangang pamilihan na

dinidikta ng presyo.
a. Tradisyunal b. Pinag-uutos c. Pamilihan d. Pinaghalo
2. Ang mga pribadong indibidwal ay may karapatan na magtayo ng kanilang negosyo at kumita
mula rito.
a. Tradisyunal b. Pinag-uutos c. Pamilihan d. Pinaghalo
3. Bakit pinag-aralan ang paglalaan ng pinagkukunang-yaman para sa mga pangangailangan?
Dahil ang…
a. pangangailangan ng tao ay walang katapusan samantalang limitado ang
pinagkukunang-yaman.
b. pinagkukunang-yaman ng tao ay sapat sa lahat ng pangangailangan.
c. pinagkukunang-yaman ng tao ay sapat sa lahat ng kagustuhan.
d. pangangailangan ay bahagi ng buhay ng mga tao.
4. Paano nakatutulong ang mga ekonomista sa paglago ng ekonomiya ng isang bansa? Sila ay..
a. nagpapayo at nangangasiwa sa pagpapatupad ng mga patakarang pangkabuhayan ng
bansa.
b. nanghuhuli ng mga taong lumalabag sa mga patakarang pangkabuhayan ng bansa.
c. tumatakbo sa mga posisyon ng pamahalaan upang makontrol ang ekonomiya.
d. nagtuturo ng Ekonomiks sa mga mag-aaral sa kolehiyo.

5. Nakabatay ang paggawa ng mga produkto o serbisyo sa nakasanayang gawain at tradisyon.

a. Tradisyunal b. Pinag-uutos c. Pamilihan d. Pinaghalo
6. Ang mamamayan ay gumagawa ng mga produkto o serbisyo para sa estado.
a. Tradisyunal b. Pinag-uutos c. Pamilihan d. Pinaghalo
7. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng tamang kaisipan tungkol sa kahulugan ng
Ekonomiks?
a. Tumutukoy ito sa pamamahala ng mga pangangailangan ng tao at sa pangangasiwa ng
kanyang pinagkukunang-yaman.
b. Ang mamimili lamang ang pangunahing pokus nito.
c. Walang kinalaman ang pamahalaan sa pag-aaral nito.
d. Galing sa salitang Latin ang salitang “ekonomiks”
8. Ang mga gagawing produkto o serbisyo ay maaaring gawing ipagmamay-ari ng estado,
mamamayan, o pribadong indibidwal. ______________.
a. Tradisyunal b. Pinag-uutos c. Pamilihan d. Pinaghalo
9. Bakit dapat isaalang-alang ang kita sa pagtataya ng pangangailangan?
a. Sapagkat ang pangangailangan ay nakabatay sa antas ng kinikita ng tao.
b. Ito nagsasaad ng kakayahan ng tao na bumili ng produkto.
c. Maraming produkto ang maaaring bilihin kapag malaki ang kita.
d. Lahat ng nabanggit.
10. Paano nakaaapekto ang hanapbuhay sa pamimili ng mga pangangailangan ng tao?
a. Dahil sa laki ng populasyon, kumakaunti ang bilang ng hanapbuhay para sa panustos
ng mga pangangailangan ng tao.
b. Ang bawat hanapbuhay ay may natatanging kagamitan na dapat gamitin para sa kumita
at mamuhay sa araw-araw.
c. Ang patuloy na paggawa ng mga kagamitan para sa hanapbuhay ay nagpalaki sa kita
ng mga negosyo.
d. Nakabatay sa kita ng tao mula sa kanyang hanapbuhay ang pamimili ng kanyang mga
pangangailangan.

III.Ekonomiks
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa bawat bilang. Ipaliwanag o ibigay ang sariling
opinyon bawat bilang nang buong husay. Gawing gabay ang rubrik sa ibaba sa  pagsagot.
Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.

Punto Mga Pamantayan

s
 Maayos ang paglalahad ng sanaysay.
 Akma ang sagot sa paksa.
5
 Wastong pagbaybay ng bawat salita.

 Maayos ang paglalahad ng sanaysay.

 Hindi gaanong magka-akma ang sagot sa tanong.
4  May isa hanggang dalawa ang hindi wastong pagbaybay ng salita.

 Hindi gaanong maayos ang paglalahad ng sanaysay.

 May mga sagot na nawawala sa paksa.
3  May hanggang tatlong salita ang hindi wasto sa pagbaybay.

 Hindi gaanong maayos ang paglalahad ng sanaysay.

 Nawawala sa paksa ang sagot.
2  Maraming salita ang hindi wastong pagbaybay.

1. Paano naiuugnay sa pang-araw-araw na gawain ang pag-aaral ng Ekonomiks?

___________________________________________________________________________

2. Bakit mahalaga ang Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng pamilya at ng lipunan?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Para sa iyo, paano magagamit ang kaalaman sa espesilasyon sa pagpapanatili ng mga likas
na yaman?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Bakit mahalaga ang pagbabadyet ng kita ng pamilya?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
“Gamitin ang kalakasan at karunungan sa mabuting paraan.”
Inihanda ni:
Gng. Queency C. Lozano

You might also like