You are on page 1of 25

PAGKONS

UMO
MGA LAYUNIN:
a) Naipaliliwanag ang konsepto ng pagkonsumo;

b)Nasusuri ang mga Salik na nakaiimpluwensya sa


pagkonsumo;

c)Naimungkahi kung paano maging isang matalinong


mamimili;

d)Nailalarawan ang iba’t-ibang uri ng pag-aanunsiyo na


nakaapekto sa pagkonsumo ng tao.
Kahulugan ng Pagkonsumo

Ang pagkonsumo ay ang pagbili o


paggamit ng PRODUKTO o
SERBISYO upang matugunan ang
mga pangangailangan ng tao.
May iba’t ibang uri ang pagkonsumo:

1 TUWIRANG
PAGKONSUMO
• Nagaganap kung ang taong
kumokonsumo ay dagliang
nararamdaman ang epekto sa
paggamit ng produkto o serbisyo.
May iba’t ibang uri ang pagkonsumo:

2 PRODUKTIBONG
PAGKONSUMO
• Nagaganap kung ang isang produkto
ay ginamit upang makalikha ng
panibagong produkto
May iba’t ibang uri ang pagkonsumo:

3 MAAKSAYANG
PAGKONSUMO
• Nangyayari kung ang produkto ay
hindi nagdudulot ng kapakinabangan
o kasiyahan sa taong gumagamit nito.
May iba’t ibang uri ang pagkonsumo:

4 MAPANGANIB NA
PAGKONSUMO
• Nagaganap kung ang produkto ay
nagdudulot ng kapahamakan sa
gumagamit nito.
Mga Salik na Nakakaapekto
sa Pagkonsumo
• May iba’t-ibang salik na nakakaapekto sa
pagkonsumo ng isang tao. Ang pagkakaiba-iba
ng kanilang katangian ang dahilan kung bakit
nagkakaiba-iba ang paraan at dahilan ng
kanilang pagkonsumo.
Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo

1 Kakayahang bumili
2 Okasyon
3 Presyo
4 Panahon
5 Edad at Panlasa ng tao
6 Pag-aanunsiyo
7 Kasarian
8 Kahalagahan
Mayroong Karapatan ang mga
Mamimili
1 Mamili ng Produkto
2 Makakuha ng Resibo
3 Alamin ang Presyo
4 Marinig ang Reklamo
5 Suriin ang Produkto
6 Magtamo ng Kaligtasan
7 Malaman ang Kahalagahan ng Produkto
8 Tamang Impormasyon
9 Malinis na Kapaligiran
Ang Matalinong Pamimili
Anuman ang iyong dahilan sa pagbili ng
mga produkto o serbisyo kailangan mong
isaalang-alang ang
“value for money.”
Mga Pamantayan sa
Pamimili
I. Mapanuri
II. May Alternatibo o Pamalit
III.Hindi Nagpapadaya
IV. Makatwiran
V. Sumusunod sa Badyet
VI.Hindi Nagpapanic-Buying
VII.Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo
Republic Act 7394(Consumers Act
of the Philippines)
Ito’y nagtatakda sa kalipunan ng mga
patakarang nagbibigay ng proteksiyon at
nangangalaga sa interes ng mga mamimili.
Kaligtasan at proteksyon ng mga mamimili laban sa
panganib sa kalusugan at kaligtasan

Proteksyon laban sa mapanlinlang at hindi


makatarungang gawaing may kaugnayan sa operasyon
ng mga negosyo at industriya

Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mga


mamimili

Representasyon ng kinatawan ng mga samahan ng


maimili sa pagbabalangkas at pagbuo ng mga
patakarang pangkabuhayan at panlipunan.
Epekto ng Pag-aanunsiyo sa
Pagkonsumo ng mga tao
Pag-aanunsiyo
• Tumutukoy sa pagtuon ng pansin ng madla sa
magagandang katangian ng isang produkto o serbisyo
• Layunin nitong hikayatin ang target ng mga
konsyumer na bumili o gumamit ng produkto o
serbisyo o kaya ay ipagpatulo ang paggamit nito.
Mga Uri ng Pag-aanunsiyo
ASOSASYON
Ginagamit ang mga sikat o kaayaayang
personalidad sa pag-aanunsiyo upang mahawa
sa kasikatan ang isang produkto.
BANDWAGON EFFECT
Layunin nito na sumang-ayon o makiisa ang
isang mamimili sa desisyong ng pangkat na
mamimili. Halimbawa: “Are you the one of
us?” at “Join us now!”
DEMONSTRATION EFFECT
Ay ang paglalahad at nagpapakita ng paraan
ng paggamit at pakinabang sa produkto. Ito ay
namamalad kapag nagaganyak na bumili ng
produkto ang mamimili matapos mabatid ang
paggamit at masubukan na itong patakbuhin.
MGA PAGPAPATOTOO
(Testimonials)
Tumutukoy ito sa mga binitawang pahayag ng
pagpapatotoo o testimonyal ng mga tao hingil
sa kalidad ng nasubukang produkto.
PRESSURE
 May mga pag-aanunsiyo na madalian ang pagpapasya
ng mamimili. Nag lapat ng presyur ang pag-
aanunsiyo upang ang mamimili ay agarang
kumonsumo. Kraniwang highlight ng pag-aanunsiyo
ang napipintong pagkaubos ng produktong
ipinagbibili. Ginagamit ang katagang,”hurry no,grab
it fast!” at “limited stocks only.”
PAG-APELA SA
EMOSYON
Madaling maantig ag damdamin o emosyon ng
tao sa pamamaraang ito. Ang pag-aanunsiyo
ay gumagamit ng awa,kasiyahan, at paghanga
sa paghikayat.
PAGGAMIT NG ISLOGAN
 Sa pag-aanunsiyon,ang islogan ay maikling pahayag
ng hamon o tema ng isang produkto. Ginagamit ito
upang madaling matandaan ang pangalan ng isang
produkto o serbisyo. Ilang halimbawa ng mga islogan
ay ang “tender juicy hotdog” ng purefoods hotdog;
“follow your thirst” ng sprite; at “haplos ng
pagmamahal” ng johnson’s baby powder.
SNOB EFFECT
 Ang isang tao na snob ay gustong kakaiba o hindi
kabilang sa pangkat ng mga tao. Hinihikayat ang
mamimili na gamitin ang ipinagbibiling produkto
upang maging kakaiba. Kadalasan,lumilikha ito ng
ipresyon ng exclusivity na maaring tugma sa pag-
uugali ng isang mamimili. Ilang halimbawa ay,
“Angat sa iba!”, “Dare to be different.”, at “
Magpakatotoo ka!”
Maraming
Salamat po!!
XYLA JOY A. PEREZ
TEACHER I
SAN ISIDRO NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ISIDRO,LORETO, AGUSAN DEL SUR

You might also like