You are on page 1of 7

Mabini Colleges

Daet, Camarines Norte

COLLEGE OF EDUCATION

Masusing Banghay - Aralin sa Araling Panlipunan

Baitang 10 - Ekonomiks

I. LAYUNIN

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa konsepto,


produkto at serbisyo sa estruktura ng pamilihan.

B. PAMANTAYANG PANGGANAP: Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa


konsepto at mga estruktura ng pamilihan at mga katangian nito na nakakaapekto sa kanilang araw araw
na pamumuhay.

C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO/ TIYAK NA LAYUNIN


Sa loob ng limampung minutong aralin, ang mga mag - aaral ay inaasahang:
1. Naipapaliwanag ng may kahusayan ang Konsepto at Mga Estruktura ng Pamilihan.
2. Naibabahagi ang mga kaalaman at saloobin tungkol sa mga produkto o serbisyong matatagpuan sa Mga
Estruktura ng Pamilihan.
3. Nakaguguhit at Naidedetalye ang iba’t ibang estruktura at katangian ng Pamilihan sa pamamagitan ng
graphic organizer.

II. NILALAMAN (Paksa/ Aralin)


Paksa: Ang Pamilihan: Konsepto at mga Estruktura Nito

III. MGA KAGAMITAN SA PAGTUTURO (Sanggunian)


Mga Pahina sa Gabay ng Guro: Walang Ginamit na Gabay ng Guro
Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral : Ekonomiks Araling Panlipunan 10
Modyul para sa mga mag-aaral
Pahina 175-186
Mga Pahina sa Teksbuk: Walang Ginamit na Teksbuk

Karagdagang Kaalaman mula sa Portal ng Learning Resource: Walang karagdagang


kagamitan ang magagamit mula sa Portal
ng Learning Resource.

Iba pang kagamitang pangturo: Powerpoint Presentation, Mga Larawan, Chalk at


Blackboard

IV. PAMAMARAAN:

Gawain ng Guro Gawaing ng Mag – Aaral


A. Panimulang Gawain

Pagdarasal

Pagbati

Pagtatala ng mga pumasok at lumiban na estudyante


Magandang tanghali sa inyong lahat!
Magandang tanghali din po sir!

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Bago tayo dumako sa ating aralin sa araw na ito,


maglalaro muna tayo. Ang tawag sa larong ito ay “HULA
LETRA”. May ipapakita ako sainyong mga salita na
kailangang punuan ng letra upang ito ay mabuo. Huhulaan
ninyo ito sa pamamagitan ng mga pangugusap na
babanggitin ko. Ang mga pangungusap ang magsisilbing
patnubay at direktang tumutukoy sa mga salitang may
kulang na letra.

Handa na ba kayo?

1) Ang lugar/mekanismo kung saan nagkakaroon


Opo Sir!
ng transaksiyon upang magkaroon ng
bentahan.
P I H N
Mahusay!
1. PAMILIHAN
2) Ano ang tawag sa taong tagatangkilik o
tagabili ng produkto o serbisyo?
K O Y R

Magaling!
2. KONSYUMER
3) Sino ang nagsisilbing tagatustos ng mga
serbisyo at produkto upang ikonsumo ng mga
tao?
P Y R

Mahusay! 3. PRODYUSER
4) Mga binabayarang paglilingkod na
ipinagkaloob ng tao o kompanya.
E I O

Magaling! 4. SERBISYO

Tama lahat ng inyong kasagutan. Ang mga salitang iyan


ay may kaugnayan sa paksa natin sa araw na ito.

C. Pagtalakay Ng Konsepto At Paglalahad Ng


Bagong Kasanayan

May ideya na ba kayo kung ano ang paksa na ating


tatalakayin sa araw na ito?

Tama!
Ang paksa natin sa araw na ito ay patungkol sa Opo sir! Ito ay tungkol sa Pamilihan: Konsepto at mga
Pamilihan:Konsepto at mga estruktura nito. Estruktura nito.

Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng buhay ng


prodyuser at konsyumer. Ito ang nagsisilbing lugar kung
saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa marami
niyang pangngailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng
mga produkto o serbisyo handa at kayang itustos ng mga
prodyuser. Ang pamilihan ay maaring lokal, panrehiyon,
pambansa o pandaigdigan ang lawak. Ang pamilihan ay
may dalawang estruktura; Pamilihang May Ganap na
Kompetisyon at Pamilihang May Hindi Ganap na
Kompetisyon. Ang Pamilihang May Hindi Ganap na
Kompetisyon ay may apat na anyo:
 Monopolyo
 Monopsonyo
 Oligopolyo
 Monoplositic Competition

Nais ko lamang ipabatid na ang layunin sa araw na ito ay;


maipaliwanag ng may kahusayan ang Konsepto at Mga
Estruktura ng Pamilihan, Maibahagi ang mga kaalaman at
saloobin tungkol sa mga produkto o serbisyong
matatagpuan sa mga estruktura ng pamilihan at
makaguhit ng graphic organizer na makapagdedetalye ng
mga katangian at estruktura ng pamilihan.

D. Paglinang Sa Kabihasaan (Tungo Sa Formative


Assessment)

Pangkatang Gawain
Handa na ba ang lahat para sa ating gawain sa araw
na ito?

Panuto: Bumuo kayo ng limang pangkat, bumilang


mula isa hanggang lima at ulitin ito hanggang sa
makarating sa pinakadulo. Opo Sir!

Lahat ng magkakaparehong numero ang siyang


magkakagrupo. Base sa mga larawang nakapaskil, (Bilang isa, dalawa, tatlo, apat at lima)
kukuha kayo ng tigtatatlong larawan na akma at (Sino ang mga numero isa, dalawa, tatlo, apat at lima?)
tumalalakay sa paksa ng inyong pangkat. Pagkatapos (Ok! Tayo ang magkakasama.)
makapili ng tatlong larawan kailangan maipaliwanag
ng isa sa mga miyembro ng inyong pangkat ang
katangian ng inyong paksa.

Bago natin umpisahan ang pangkatang gawain, (Student X):Maganda siguro 10% sa bawat larawang
kailangan muna nating magtakda ng krayterya sa mapipiling tama at mababawasan naman ng 2% sa
pagmamarka. Meron ba kayong suhestiyon? bawat larawang mali. Dahil 3 larawang kailangan piliin,
sakto ang 30%.
Sang –ayon ba ng lahat?

Kung gayon maari na ba ninyong umpisahan ang inyong


gawain? Opo sir!

Mga Larawan: (Student Y): Dagdag ko lang sir, yung natitirang 70%
ay sa kabuang presentasyon na ng bawat grupo.

Opo sir!
Ito ang tatalakayin ng bawat pangkat.
1) Pangkat I – Pamilihang may Ganap na
Kompetisyon
2) Pangkat II – Monopolyo
3) Pangkat III – Monopsonyo
4) Pangkat IV – Oligopolyo
5) Pangkat V – Monopolistic Competition
Meron lamang kayong 20 minuto para tapusin ang
inyong gawain. Umpisahan na!

E. Paunlarin
Oras na ng pagtatalakay ng inyong mga ginawa.
Maari na bang marinig ng lahat ang mga nagawa at Pwede na po sir.
napagkasunduan ng bawat grupo?

Pakiayos n inyong mga upuan at makinig sa paliwanag


ng bawat grupo.

Pangkat I.

Base sa mga larawang inyong nakikita, ang mga


produkto ay gulay, prutas, isda at bigas. Ito ay
nagpapakita ng Pamilihang May Ganap na
Kompetisyon. Sa ilalim ng ganitong sistema, walang
sinoman sa prodyuser at konsyumer ang maaring
makakontrol sa takbo ng pamilihan partikular sa presyo.
Mapapansin din sa sistemang ito na magkakatulad ang
produktong tinitinda.
Mahusay, natalakay ng maayos ang Pamilihang may Pangkat II.
Ganap na Kompetisyon.

Monopolyo – Ito ay isa sa mga anyo ng estruktura ng


pamilihan na may hindi ganap na kompetisyon. Sa
ganitong uri ng pamilihan, iisa lamang ang prodyuser na
gumagawa ng produkto o nagbibigay ng serbisyo kung
kaya’t walang pamalit o kahalili. Sa ganitong sistema,
may kakayahan ang prodyuser na kontrolin ang takbo
ng presyo. Ang mga halimbawa nito ay ang mga
makikita sa larawan gaya kuryente, tubig at MRT.

Mahusay. Tama ang lahat ng iyong sinabi. Dumako


naman tayo sa ikatlong pangkat.
Pangkat III.

Ang mga nasa larawang inyong nakikita ay halimbawa


ng Monopsonyo, kung saan sa ganitong uri ng
pamilihan, mayroon lamang iisang konsyumer sa kabila
ng maraming prodyuser ng produkto o serbisyo. Sa
ganitong kalagayan, may kapangyarihan ang konsyumer
na maimpluwensyahan ang presyo sa pamilihan. Base
sa mga makikita sa larawan, itoy ay mga simbolo ng
ibat ibang ahensya ng pamahalaan. Dahil ang
pamahalaan lamang ang nag-iisang kumukuha ng
serbisyo ng pulis, military, bumbero at iba pa.

Tama! Yan talaga ang tumpak na paliwanag para sa


monopsonyo. Sunod na grupo na ang magpapaliwang.
Ang ika-apat na pangkat. Pangkat IV.

Gasolina, LPG, Semento at iba pang hardware materials


ang makikita sa mga larawan. Ang ganitong uri ng
pamilihan ay kabilang sa estruktura ng Pamilihang
May Hindi Ganap na kompetisyon kung saan iilan
lamang ang prodyuser na nagbebenta ng magkakatulad
na produkto o serbisyo. Kaya naman, may kakayahan
ang prodyuser na makontrol ang presyo na umiiral sa
pamilihan.

Magaling pangkat 4, yan ay nagpapatunay ng


kooperasyon ng bawat miyembro ng grupo. Sunod na
ang ika-5 pangkat.
Pangkat V.
Ang mga larawan ng produktong inyong nakikita ay
nagpapakita ng katangian ng Monopolistic Competition.
Sa ganitong uri ng pamilihan, maraming kalahok na
prodyuser ang nagbebenta ng produkto o serbisyo sa
pamilihan subalit marami ang mga konsyumer.
Gayunpaman, may kapangyarihan pa rin sa mga
pamilihan ang mga prodyuser na magtakda ng presyo
ng kanilang produkto dahil sa katangian at kalidad ng
kanilang produkto. Maaring magkakapareho ang uri ng
produkto subalit ang nagiging basehan ng presyo ay ang
pagkakaiba ng packaging, labeling, presentyasyon at
flavor.

Mahusay! Naipabatid din ng pangkat 5 ang kahulugan Eto na po sir.


ng Monopolistic Competition.

Ngayon ay markahan ng bawat pangkat ang sariling


presentasyon at ipasa sakin. Pagsasamahin ko ang
markang ibibigay ninyo sa inyong pangkat at ang
markang ibinigay ko ayon sa inyong presentasyon.

Ok. Ito an marka ng bawat pangkat:


6) Pangkat I – 96%
7) Pangkat II – 96%
8) Pangkat III – 96%
9) Pangkat IV - 96%
10) Pangkat V - 98%

F. PAG-UNAWA NG ARALIN Wala na po sir..

Mayroon pa bang hindi naintindihan sa paksang ating


tinalakay?
(Student Z): Bago po ang ating talakayan,
Kung gayon ako ang magtatanong. Sino ang pagnanabanggit ang salitang pamilihan ang unang
makapagbibigay ng repliksyon sa paksang ating pumpasok po sa isip ko ay ang palengke. Mainit,
tinalakay? maingay at magulo subalit may mga produkto at
serbisyong matatagpuan na may kaakibat na halaga. Ito
rin ang lugar kung saan makikita ang dalawang uri ng
tao, isang mamimili at isang tindero. Pakatapos ng
talakayan, maaring tama ang ideya ko tungkol sa
pamilihan, subalit ang daming kulang. Gaya na lamang
ng monopolyo, monopsonyo, oligopolyo at
monopolistic competition. Dahil sa nangyaring
talakayan, mas lubos kong naintindihan ang
kahalagahan at mga estruktura ng pamilihan.

Ok Salamat (student Z) para sa pagbabahagi ng


iyong natutunan.

E. PAGLALAHAT NG ARALIN
Ang pamilihan ay mahalaga sa ating mga mamamayan sapagkat kung wala ito, walang
magagawa ang halaga ng perang hawak mo kung wala ka ring mabibiling serbisyo o produkto na
tutugon sa pangangailangan at kagustuhan mo.

F. PAGTATAYA NG ARALIN
Gumuhit ng isang graphic organizer na nagpapakita ng konsepto at katangian ng ibat ibang uri ng estruktura ng
pamilihan?

G. KARAGDAGANG GAWAIN PARA SA TAKDANG ARALIN AT REMEDIATION

Sa isang buong kwadernong papel.

1. Pumili ng dalawang estruktura/anyo ng pamilihan na iyong paghahambingin.

2. Gumawa ng VENN diagram na nagpapakita ng katangiang magkatulad at magkaiba ng napiling


anyo/estruktura ng Pamilihan.

Iinihanda ni:

LUIZA Z. TOPULAR

You might also like