You are on page 1of 9

I.

Layunin: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Naipaliliwanag ang konsepto ng alokasyon;
b. Nasusuri at naihahambing ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya bilang mekanismo
ng alokasyon
c. Napapahalagahan ang mga konseptong natutunan bilang batayan sa matalino at maunlad
na pamumuhay.
II. Nilalaman
a. Paksa: Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya
b. Balangkas ng Aralin:
1. Konsepto ng Alokasyon
2. Ang Sistemang Pang-ekonomiya
c. Sanggunian: Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 3 (ADM), Ekonomiks 9
d. Mga Kagamitan: manila paper, felt tip pen, laptop, projector, scotch tape, at factsheets,
chalk.
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

a. Panalangin
b. Pagtsek ng atendans
c. Pagbabalik Aral

Magandang hapon, klas! Magandang hapon po.

Kumusta kayo? Mabuti naman po, titser!

Kinagagalak ko yang marinig klas.

Ngayon, sino sa inyo ang naka alala kung ano ang


ating tinalakay noong nakaraang tagpo?

Tungkol po sa kahulugan ng
ekonomiks, mga mahalagang
konsepto nito at tinalakay rin po
natin kung bakit ito ay mahalaga sa
mag-aaral, bilang kasapi ng pamilya
at bilang kasapi ng lipunan.

Mahusay! Tunay nga ninyong naintindihan ang mga


araling tinalakay natin noong nakaraang tagpo.
B. Pagganyak

“Picture Analysis”

Ano ang inyong nakikita sa Mayroon pong building, pamilihan, at

larawan? nagpapalitan ng produkto, ma’am.

Tama! Ngunit ano kaya ang ibig Base sa larawan ma’am, ito ay naglalarawan

sabihin ng nasa larawan? sa mga pang- ekonomikong gawain dahil


makikita naman na may nagtitinda at bumibili
atsaka may nagpapalitan isda at karne.

Siguro po ekonomiya po ma’am.


Ano kaya ang mas malalim na
pakahulugan ng larawan?

Bakit mo naman nasabi na ito Dahil ang mga pagbili at pagtinda ay mga

ay tumutukoy sa ekonomiya pang-ekonomikong gawain at sa malalim


nitong pakahulugan base sa pagkakaintindi,
malamang ang larawan ay tumutukoy sa mas
malawak na konsepto kaya ko po nasabi na
ang larawan ay tumutukoy sa ekonomiya.
C. Paglalahad

May punto ang inyong mga sagot dahil ang


tatalakayin natin sa araw na ito ay tungkol sa iba’t
ibang uri ng sistemang pang-ekonomiya.

a. Pamantayan

Bago natin talakayin ang bagong aralin. Ano ba ang


dapat gawin ng isang mabuting mag-aaral?
Makinig po sa sinasabi ng guro at makilahok
po titser.

Okay, ano pa? Huwag makipag-usap sa katabi

Maaasahan ko ba yan sa inyo klas? Opo titser.

D. Developmental Activities

1. Presentasyon

Ilalahad ang kahulugan ng alokasyon at sistemang


pang-ekonomiya.

Gabay na mga katanungan?


1. Ano ang alokasyon
2. Ano ang mga sistemang pang-ekonomiya
bilang mekanismo ng alokasyon?

2. Paggawa ng home group


3. Mekaniks ng laro

Sa puntong ito, hahatiin ko ang klase sa


apat na pangkat. Bawat pangkat ay may
babasahing fact sheet. Sa loob ng 10
minuto, pag-aralan, I’take note at mag
brainstorming sa nabasang fact sheet.
Gamitin ang mga gabay na tanong upang
magabayan kayo sa inyong pag babasa ng
basahin. Pagkatapos ay magpapalitan kayo
ng fact sheet sa ibang grupo at gawin ang
parehong proseso. Gawin ito hanggang sa
mabasa na ang apat na factsheet. Paalala,
bigyan ng parte ang bawat grupo.
Pagkatapos ay magkakaroon tayo ng game
tournament, ang inyong makukuhang iskor
ay magsisilbing quiz. Ang grupo na may
pinakamataas na iskor ang siyang
mananalo.
Na iintindihan ba, klas?
Opo titser.

Paksa: Traditional Economy

Panuto: Basahin ang fact sheets, mag take note, at mag brainstorming upang magkaintindihan.
Gamitin ang apat na pang-ekonomiyang tanong bilang gabay na tanong:

Mga gabay na katanungan: (Economic Questions)


1. Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
2. Papaano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
3. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
4. Gaano karami ang gagawinng produkto at serbisyo?

Paksa: Market Economy

Panuto: Basahin ang fact sheets, mag take note, at mag brainstorming upang magkaintindihan.
Gamitin ang apat na pang-ekonomiyang tanong bilang gabay na tanong:

Mga gabay na katanungan: (Economic Questions)


1. Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
2. Papaano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
3. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
4. Gaano karami ang gagawinng produkto at serbisyo?

Paksa: Command Economy

Panuto: Basahin ang fact sheets, mag take note, at mag brainstorming upang magkaintindihan.
Gamitin ang apat na pang-ekonomiyang tanong bilang gabay na tanong:
Mga gabay na katanungan: (Economic Questions)
1. Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
2. Papaano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
3. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
4. Gaano karami ang gagawinng produkto at serbisyo?

Paksa: Mixed Economy

Panuto: Basahin ang fact sheets, mag take note, at mag brainstorming upang magkaintindihan.
Gamitin ang apat na pang-ekonomiyang tanong bilang gabay na tanong:

Mga gabay na katanungan: (Economic Questions)


1. Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
2. Papaano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
3. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
4. Gaano karami ang gagawinng produkto at serbisyo?

4. Game Proper

Panuto: Bawat grupo ay may flashcard ng letrang A-D. Babasahin ko ang tanong ng dalawang beses
pagsinabi kong “Up” ay dapat niyo ng itaas ang inyong letrang sagot. Bawat tamang sagot ay katumbas ng
isang puntos na aking ilalathala sa score board.

1. Piliin sa sumusunod ang tamang paraan ng pagpapasya ng market economy.


a. Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
b. Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang makamit ang mga layuning pang-
ekonomiya.
c. Hinahayaan ang pamilihan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan.
d. Alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at mamimili.

2. Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa
market economy.

a. Wala sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya nagmumula sa pamahalaan batay sa plano.


b. Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi pinakikialaman ng
pamahalaan.
c. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa pinagkukunang yaman.
d. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol pa rin sa ilang mga gawain.

3. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon


ng:
a. Konsyumer
b. Pamahalaan
c. Pamilihan
d. Prodyuser

4. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung
gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser
a. Likas-yaman
b. Pamahalaan
c. Presyo
d. Prodyuser

5. Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?


a. Upang mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa.
b. Upang makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
c. Upang makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paano episyenteng magagamit ang
pinagkukunang-yaman ng bansa.
d. Upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

6. Ang sistemang pang-ekonomiko ay sumasagot sa apat na pangunahing pangekonomiko. Alin sa


sumusunod ang kasagutan ng Traditional Economy sa katanungang: Ano-anong produkto at
serbisyo ang gagawin?
a. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan.
b. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa utos ng pamahalaan.
c. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
d. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan at pamahalan

7. Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-yaman ng


bansa?
a. Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
b. Upang mas lumaki ang kita nga ekonomiya ng ating bansa at ng mamamayan nito.
c. Mas mapalawig ang yamang-likas ng isang bansa na kagaya ng ating bansa.
d. Nararapat itong bigyang pansin dahil sa katotohanang may kakapusan na umiiral.

8. Sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa mundo, anong katangian na


nakapagbubukod-tangi sa sistemang mixed economy na siyang dahilan upang ito ang ginagamit ng
mas nakararaming bansa?
a. Ang pagkontrol ay alinsunod sa komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan.
b. Ang anomang produkto na kanilang nalilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan
at kung sino ang dapat gumamit.
c. Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipagugnayan sa pamamagitan ng
presyo at pangangasiwa ng gawain
d. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam
ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan,
at pagmamay-ari ng estado.

9. Ang sistemang pang-ekonomikong ito ay sumasagot sa unang katanungang pang-ekonomiko batay


sa puwersa ng pamilihan
a. Traditional Economy
b. Market Economy
c. Command Economy
d. Mixed Economy

10. Alin sa sumusunod ang may pinakawastong interpretasyon sa kasabihang, “There isn’t enough to go
around.” ni John Watson Howe?
a. May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa pangangailangan ng
tao.
b. Ang walang pakundangan na paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa kakapusan. c.
Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunang-yaman.
d. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig.

5. Declaration of the Winner

E. Pangwakas na Gawain

a. Paglalahat
Sa kabuuan, ano ba ang ating tinalakay ngayong
araw? Ang ating tinalakay ay tungkol sa uri ng mga
sistemang pang- ekonomiya. Ito ay may apat na
uri- ang traditional economy, market economy,
command economy at mixed economy. Itong mga
sistemang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa
institusyonal na kaayusan at paraan upang
maisaayos. Ang paraan ng produksiyon, pag
mamay-ari, at paglinang ng pinagkukunang
yaman at pamamahala sa gawaing pang-
ekonomiko sa lipunan.

Tama!

b. Paglalapat

Sa iyong palagay, mahalaga ba may pag sunod sa


sistemang pang-ekonomiya? Mahalaga na may sinusunod na sistema upang
mas efficient ang alokasyon o ng paggamit sa
mga likas na yaman.
Magaling!
Sa Pilipinas, ano kaya ang sinusunod nating
sistemang pang-ekonomiko?

Bilang isang mamayan, paano kaya tayo


Mixed economy po
makakatulong sa ating ekonomiya?

Siguro po, makakatulong tayo sa pamamagitan ng


hindi pag abuso sa mga yamang likas at pag sunod sa
Magaling! mga batas na niregula ng ating pamahalaan.

IV. Pagkikilatis

Panuto: Punan ang talaan sa kaliwa kung saang sistemang pang-ekonomiya ito nabibilang sa mga
halimbawang ibinigay sa ikalawang hanay.

V. Takdang Aralin

You might also like