You are on page 1of 35

DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 9

(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao


Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
UNANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunang pang-ekonomiya.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakatataya ang mag-aaral ng lipunang pang-ekonomiya sa isang barangay/pamayanan at


lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo o photo/video journal (hal.YouScoop).

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya. EsP9PL-Ie-3.1
Isulat ang code ng bawat 2. Naibibigay ang kahulugan ng lipunang pang-ekonomiya.
kasanayan 3. Naipahahayag ang interes sa pagkakaroon ng mabuting ekonomiya.

II. Nilalaman Modyul 3: Lipunang Pang-ekonomiya


A. Sanggunian

1.Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 3-5

2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 36-41


Pang-Mag-aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883


sa portal ng Learning
Resource

1
B. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: LCD projector, laptop, lapel/speaker
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin A. Ipabasa ang mga katanungang nakasulat sa paper strips. Tumawag ng mag-aaral at
at pagsisimula ng bagong pasagutan ito. (Gawin sa loob ng 2 minuto) (Reflective Approach)
aralin. 1. Paano matutugunan o makakamit ng tao ang kanyang pangangailangang
pangkabuhayan, pangkultura at pangkapayapaan?
2. Bakit mahalaga ang pag-iral ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa?

B. Pasagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. (Gawin sa loob ng 10


minuto) (Reflective Approach)

Paunang Pagtataya

Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop
na sagot at isulat ang titik nito sa iyong notbuk.

1. Ang paniniwala na ang tao ay pantay-pantay ay nakaugat sa katotohan na…


a. lahat ay dapat mayroong pag-aari
b. lahat ay may kanya-kanyang angking kaalaman
c. lahat ay iisa ang mithiin
d. likha ang lahat ng Diyos

2. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao

2
d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao

3. Sa ating lipunan, alin sa sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kanyang sarili
sa bagay?
a. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula sa pamahalaan,
kahit na kaya naman niya itong bilhin o kaya ay hindi naman kailangan dahil karapatan
niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng buwis.
b. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak
dahil mayroon itong sentimental value sa kanya.
c. Inuubos ni Jerome ang kanyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa
lamang mahahanap. Ayon sa kanya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na
kasiyahan
d. Lahat ng nabanggit

4. Ang sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya maliban sa:


a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan
ng tao
d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng
pangangasiwa ng yaman ng bayan

5. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?


a. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang
patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang pangangailangan.
b. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang
patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang kakayahan.

3
c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, patas
ay ang paggalang sa kanilang mga karapatan.
d. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang
patas ay pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng
mga tao.

6-10: Magbigay ng limang tiyak na hakbang kung paano maisasaayos ang ekonomiya ng
bansa.
6. __________________________________________________________________
7. __________________________________________________________________
8. __________________________________________________________________
9. __________________________________________________________________
10. __________________________________________________________________

B. Paghahabi sa layunin ng aralin A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
at pagganyak 1. Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya.
2. Naibibigay ang kahulugan ng lipunang ekonomiya.
3. Naipahahayag ang interes sa pagkakaroon ng mabuting ekonomiya.

B. Ipabasa ang sitwasyong nasa PowerPoint Presentation at pasagutan ang mga


katanungan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

Kung minsan, dumarating sa mga magkakapatid ang tanong na "Sino ang paborito ni
Nanay?" o "Sino ang paborito ni Tatay?" May halong inggit, kung minsan, ang pagpapabor ni
Nanay kay Ate o ang pagiging maluwag ni Tatay kay Kuya. Naghihinanakit naman si Ate
dahil sa tingin niya mas malapit ang kanilang mga magulang kay bunso.

4
1. Naranasan mo na ba ito? Kung oo, ano ang naramdaman mo?
2. Ano ang naisip mo?
3. Ano ang ginawa mo?

C. Pag-uugnay ng mga pangangasiwa bahay pamamahala budget tahanan


halimbawa sa bagong aralin pamilya kayamanan prinsipyo angkop estado

Pumili ng mga salitang nasa loob ng kahong may kaugnayan sa lipunang pang-ekonomiya.
Tumawag ng mag-aaral na siyang maglalagay sa Bubble Web, ibigay ang nabuong
konseptong may kaugnayan sa lipunang pang-ekonomiya gamit ang mga gabay na
katanungan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

1. Ano ang kaugnayan ng mga salitang nasa bubble web sa lipunang pang-ekonomiya?
2. Mula sa mga salitang isinulat, ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng lipunang pang-
ekonomiya?

LIPUNANG PANG-EKONOMIYA

D. Pagtalakay ng bagong Magsagawa ng isang survey sa mga kapwa mag-aaral sa klase. Tanungin ang kapwa mag-

5
konsepto at paglalahad ng aaral ng sumusunod na katanungan. Tumawag ng 3-5 mag-aaral upang magbahagi ng
bagong kasanayan #1 resulta ng kanilang survey (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
a. Magkano ang kanilang baon sa loob ng isang araw?
b. Ano-ano ang kanilang pinagkakagastusan sa kanilang baon?
c. Sapat ba o hindi ang kanilang natatanggap na baon? Ipaliwanag.
d. Ano ang naidudulot ng kakulangan sa baon?
e. Kung hindi sapat ang natatanggap na baon, paano sinusolusyonan ang kakulangang
ito?

E. Pagtalakay ng bagong Balikan ang takdang-aralin ukol sa kaparehong survey sa mga magulang. Pangkatin ang
konsepto at paglalahad ng klase sa limang grupo. Pasagutan sa Manila paper ang katanungan na iaatas sa kanila.
bagong kasanayan #2 Lahat ng miyembro ay magbabahagi ng kasagutan. Pumili ng mag-uulat sa klase. (Gawin sa
loob ng 10 minuto) (Collaborative Approach)

Unang Pangkat: Magkano ang budget ng pamilya para sa isang buwan?


Ikalawang Pangkat: Ano-ano ang kanilang pinagkakagastusan sa tahanan?
Ikatlong Pangkat: Sapat ba o hindi ang kanilang budget para sa isang buwan?
Ipaliwanag.
Ikaapat na Pangkat: Ano ang naidudulot ng kakulangan sa budget?
Ikalimang Pangkat: Kung hindi sapat ang budget, ano ang paraang ginagawa upang
masolusyonan ang suliranin?

F. Paglinang sa Kabihasahan Sagutin ang sumusunod na katanungan, isulat sa notbuk ang kasagutan at tumawag ng 3-5
(Tungo sa Formative mag-aaral na magbabahagi ng kasagutan. (Gawin sa loob ng 5 minuto)(Reflective
Assessment) Approach)
1. Ibigay ang iyong opinyon sa pahayag na, “Ang karanasan sa pag-ibig ng magulang ay
isang ekonomiyang hindi malayo sa ekonomiya ng lipunan”.
2. Ano ang mabuting ekonomiya?
3. Magbigay ng halimbawa ng mabuting ekonomiya.

6
G. Paglalapat sa aralin sa pang- Pumili ng limang mag-aaral na magsasagawa ng panel discussion. Pasagutan ang mga
araw-araw na buhay katanungang nakasulat sa paper strips. Maghanda rin ng kasagutan ang mga mag-aaral na
hindi kasali sa panel. Ang guro ang magsisilbing moderator. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective/Collaborative Approach)

1. Sa pangkalahatan, sapat ba ang kakayahan ng mga magulang sa pagbubudget ng


perang kanilang hawak? Pangatuwiranan.
2. Sa iyong sariling karanasan, mahirap ba o hinding magbudget ng perang hawak?
Pangatuwiranan.
3. Bakit mahalagang matutuhan ng lahat ang tamang pamamahala sa perang kinikita?
4. Ano ang maaaring maidulot kung hindi mapangangasiwaan nang wasto ang perang
kinikita?
5. Anong sitwasyon sa lipunan o pamahalaan ang sinasalamin ng nagdaang gawain?
Ipaliwanag.

H. Paglalahat sa aralin Ang ekonomiya ay galing sa mga Griyegong salita na oikos (bahay) at nomos
(pamamahala). Ito ay tulad din ng pamamahala sa bahay. May sapat na budget ang
namamahay. Kailangan itong pagkasyahin sa lahat ng gastusin upang makapamuhay ng
mahusay ang mga tao sa bahay, maging buhay-tao (humane) ang kanilang buhay sa bahay
at upang maging tahanan ang bahay. Ang lipunang pang-ekonomiya ay nagsisikap na
pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan
ng tao.Sinisikap gawin ng estado na maging patas para sa nagkakaiba-ibang tao ang mga
pagkakataon upang malikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon sa kani-kanilang tunguhin
at kakayahan.

I. Pagtataya ng Aralin Tukuyin kung tama o mali ang bawat pangungusap at lagyan ng tamang pahayag kung mali.
(Gawin sa loob ng 5minuto) (Reflective Approach)

7
1. Sadyang magkakaiba ang mga tao.
2. Ang karanasan sa pag-ibig ng magulang ay isang ekonomiyang hindi malayo sa
ekonomiya ng lipunan.
3. Ang ekonomiya ay hindi tulad lamang din ng pamamahala sa bahay dahil ito ay
malawak ang sakop.
4. Ang lipunang pang-ekonomiya ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng
bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.
5. Ang lipunan ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa
kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.

J. Karagdagang gawain para sa Para sa paghahanda sa susunod na gawain, hatiin ang klase sa maliit na pangkat na may tig-
takdang-aralin at remediation 5 o 6 na miyembro ayon sa laki ng klase. Dapat ay pare-pareho ang bilang ng mga kasapi sa
bawat pangkat. Ang bawat pangkat ay magdadala ng sumusunod na kagamitan:
1. barbecue sticks
2. masking tape
3. piraso ng papel (reusable bond paper)
4. orasan
5. pamaypay
6. ruler
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang

8
gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-guro
at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

9
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 9
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
IKALAWANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunang pang- ekonomiya.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakatataya ang mag-aaral ng lipunang pang-ekonomiya sa isang barangay/pamayanan, at


lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo o photo/video journal (hal.YouScoop).

C. Mga kasanayan sa 1. Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya. EsP9PL-Ie-3.2


Pagkatuto. Isulat ang code 2. Nakagagawa ng poster na nagpapakita ng magandang ekonomiya.
ng bawat kasanayan 3. Naibibigay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magandang ekonomiya.

II. Nilalaman Modyul 3: Lipunang Pang-ekonomiya


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 5-6


Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 40-41


Pang-Mag-aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk

10
4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Video mula sa: (http://www.gmanetwork.com/saksi)


Panturo LCD projector, laptop
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Tumawag ng 2-3 mag-aaral para sumagot sa mga katanungang nakalagay sa isang mystery
aralin at pagsisimula ng box. Isa-isang bubunot ang mga napiling mag-aaral na sasagot sa nabunot na katanungan
bagong aralin. tungkol sa mga katangian ng mabuting lipunang pang-ekonomiya. (Gawin sa loob ng 5
minuto) (Reflective Approach)
1. Ano ang lipunang pang-ekonomiya?
2. Ano ang mabuting ekonomiya?
3. Ibigay ang katangian ng mabuting ekonomiya.
4. Ano ang role o gampanin ng estado para magkaroon ng mabuting ekonomiya?
5. Paano nasusuri ang mabuting ekonomiya?

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya.
2. Nakagagawa ng poster na nagpapakita ng magandang ekonomiya.
3. Naibibgay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magandang ekonomiya.

B. Panoorin ang GMA NEWS TV segment na Saksi na may titulong “GDP growth rate sa
unang buwan ng Duterte Administration, pumalo sa 7.1%”
(http://www.gmanetwork.com/saksi) (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Integrative Approach)

11
C. Pag-uugnay ng mga Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat pangkat ay pipili ng isang lider na siyang
halimbawa sa bagong aralin magpapadaloy ng talakayan tungkol sa napanood na video. Ilista ang mga nakitang dahilan ng
paglago ng ekonomiya ng Pilipinas. Iulat ito ng lider sa klase. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective/Collaborative Approach)

D. Pagtalakay ng bagong Paggawa ng Bahay (Gawin sa loob ng 20 minuto) (Collaborative Approach)


konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1 Layunin:
1. Masaksihan ang proseso ng palitan ng personal na kayamanan para sa mga kakailanganin
sa pagtupad ng tungkulin.
2. Maipamalas ang kakayahang unahin ang grupo bago ang sarili.
3. Mamulatan at matanggap ang hangganan ng pagbibigay ng sarili.
4. Matutuhang makipagtulungan sa iba sa pagtupad ng tungkulin.
5. Makita ang papel ng estado sa lipunang pang-ekonomiya.
6. Matutuhang maging masinop sa mga kagamitan.
7. Mamulat sa halaga ng pag-aari at panahon.

Mga gagamitin:
barbecue sticks
masking tape
piraso ng papel (reusable bond paper)
orasan
pamaypay
ruler

1. Hatiin ang klase sa maliliit na pangkat na may tig-5 o 6 na miyembro ayon sa laki ng klase.
Dapat ay pare-pareho ang bilang ng mga kasapi sa bawat pangkat.
2. Kailangang makabuo ng isang bahay yari sa barbecue sticks, masking tape at mga papel na

12
tumutupad sa mga sumusunod na pamantayan
a. may kabuuang taas na hindi bababa sa 5 pulgada
b. matibay
c. matitirahan (may bintana, pintuan, may hindi bababa sa apat na dingding, bubong na
hindi tatangayin ng bagyo at hindi pababagsakin ng ulan, sahig)
3. Ang materyales na gagamitin ay simbolikong bibilhin sa guro. Gamit ang kanilang mga
personal na kagamitan, ipagpapalit nila ang mga ito para sa kailangan nilang materyales.
4. Maaaring maging ganito ang palitan sa klase.
a. 1 barbecue stick = aksesorya sa katawan (relos, pulseras, headband, kuwintas, sinturon,
etc.)
b. 1 papel = 1 pares ng sapatos o tsinelas
c. 1 pulgadang masking tape = damit
5. Maaaring dumating sa punto na wala nang paninda o wala na ring maipampalit ang mga
pangkat. Mahalagang mapag-isipang mabuti kung paano ito sosolusyonan sa klase.
6. Anuman ang gagawin pagkatapos na maubos ang mga kagamitan sa guro ay hindi na
kailangan pang ipaalam sa kanya.
7. Bibigyan ng 20 minuto ang bawat pangkat na buuin ang bahay simula sa oras ng palitan ng
mga gamit.
8. Kapag ubos na ang oras, dadalhin ang mga nagawang bahay sa guro upang subukin ang
mga ito batay sa kraytirya.
a. Sapat ang taas ng bahay na ginawa 30%
b. Maaaring matirahan ang bahay 30%
c. Paypayan ang bahay upang makita kung tatayo ito laban sa bagyo 40%

E. Pagtalakay ng bagong Iulat sa klase ang resulta ng gawain gamit ang mga gabay na katanungan. Bawat grupo ay
konsepto at paglalahad ng may 3 minuto para ibahagi sa klase ang naging karanasan sa paggawa ng bahay. (Gawin sa
bagong kasanayan #2 loob ng 10 minuto) (Reflective/Collaborative Approach)

a. Ikuwento ang nangyari sa inyong grupo. Saan kayo nahirapan? Ano ang ginawa ninyo ukol

13
dito? Paano ninyo ito nalampasan?
b. Ano ang naramdaman ninyo nang kailangan ninyong ipagpalit ang inyong gamit para
makabili ng isang materyales? Ano ang pakiramdam nang naubos na ang inyong pampalit?
c. Ano ang napansin ninyo sa ibang pangkat? Paano natutulad o naiiba ang kanilang bahay at
ang proseso ng pagbuo nito sa inyo? Sa tingin ninyo, tama ba o mali ang kanilang ginawa?
d. Ano-ano kaya ang sinisimbolo ng sumusunod: (a) bahay; (b) guro; (c) palitan; (d) orasan?

F. Paglinang sa Kabihasahan Gumawa ng paghahalintulad sa paraan at epektong ginamit ng grupo/estado kung paano
(Tungo sa Formative nakamit ang magandang bahay/magandang ekonomiya. Isulat sa notbuk ang kasagutan.
Assessment) (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

PARAAN EPEKTO
Grupo Estado Grupo Estado

G. Paglalapat sa aralin sa pang- Sagutin ang sumusunod na katanungan. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)
araw-araw na buhay
1. Ano ang maidudulot ng magandang ekonomiya?
2. Ano ang inyong natutuhan mula sa gawain?

H. Paglalahat sa aralin Ang magandang ekonomiya ay produkto ng maayos na sistema ng pangangalakal,


kawalan ng corruption at mga taong nagtutulong-tulong upang makamit ang hinahangad. Hindi
imposibleng magkaroon ng magandang ekonomiya ang Pilipinas kung tayo ay magtutulungan.

14
I. Pagtataya ng Aralin Gumawa ng isang poster sa isang bond paper na nagpapakita ng isang magandang
ekonomiya. Ipaliwanag ito sa pamamagitan ng tatlong pangungusap. (Gawin sa loob ng 15
minuto) (Constructivist Approach)

Kraytirya:
Nilalaman at pamamaraan 50%
Pagkamalikhain 25%
Pananalita 15%
Orihinalidad 10%

J. Karagdagang gawain para sa Kumuha ng larawan mula sa lumang magazines o pahayagan at suriin kung anong uri ng
takdang-aralin at remediation eknomiya ang ipinapakita nito. Maghanda para sa pagbabahagi ng opinyon tungkol dito.
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?

15
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-guro
at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

16
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 9
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
IKATLONG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunang pang-ekonomiya.


Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Nakatataya ang mag-aaral ng lipunang pang-ekonomiya sa isang barangay/pamayanan, at


lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo o photo/video journal (hal. YouScoop).

C. Mga kasanayan sa 1. Napatutunayan na: EsP9PL-If-3.3


Pagkatuto. Isulat ang code a. Ang mabuting ekonomiya ay ang napauunlad ang lahat – walang taong sobrang
ng bawat kasanayan mayaman at walang maraming mahirap.
b. Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng lahat.
2. Nakapag-uulat ng mga konsepto tungkol sa lipunang pang-ekonomiya.
3. Naipahahayag ang opinyon sa estado ng ekonomiya ng bansa.

II. Nilalaman Modyul 3: Lipunang Pang-ekonomiya


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9TG p. 6-7


Guro

2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag- Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 42-46
aaral

17
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883


mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: LCD projector, laptop


Panturo
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang A. Tumawag ng 2-3 mag-aaral upang magbahagi ng opinyon tungkol sa katangian ng
aralin at pagsisimula ng magandang ekonomiya ng isang bansa at sagutin ang sumusunod na katanungan. (Gawin
bagong aralin. sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

1. Ano ang iyong masasabi sa uri ng pamumuhay ng mga Pilipino ngayon?


2. Nakamit na kaya natin ang magandang ekonomiya?

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Napatutunayan na:
a. Ang mabuting ekonomiya ay ang napauunlad ang lahat – walang taong sobrang
mayaman at walang maraming mahirap.
b. Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng
lahat.
2. Nakapag-uulat ng mga konsepto tungkol sa lipunang pang-ekonmiya.
3. Naipahahayag ang opinyon sa estado ng ekonomiya ng bansa.
B. Mula sa ibinigay na takdang aralin, ipakita ang mga larawang nagpapahayag ng uri ng
ekonomiya. Tumawag ng 3-5 mag-aaral upang magbahagi ng opinyon tungkol sa larawan.
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

18
C. Pag-uugnay ng mga Ipabasa at pasagutan sa mga mag-aaral ang mga katanungan. Ipagawa ito sa notbuk at pumili
halimbawa sa bagong aralin ng 3-5 mag-aaral upang magbahagi sa klase ng kanilang kasagutan. (Gawin sa loob ng 5
minuto) (Reflective Approach)
1. Sukatan ba ang matataas na gusali at maraming infrastructures para masabing maganda
ang ekonomiya ng isang bansa?
2. Sa inyong palagay, ano ang dapat maranasan ng mga taong nakatira sa bansang may
magandang ekonomiya?

D. Pagtalakay ng bagong Pangkatin ang klase sa apat. Ipabasa ang bahagi ng sanaysay na nakatakda sa bawat grupo
konsepto at paglalahad ng at iulat ito sa klase. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Collaborative Approach)
bagong kasanayan #1
Unang Pangkat: Lipunang Pang-ekonomiya

Lipunang Pang-ekonomiya
Pagkakapantay-pantay

Isang debate sa mga pilosopo ang tanong ukol sa pagkakapantay-pantay. Sa isang


panig, may nagsasabing pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng Diyos, dahil tao tayo. Isa
pa, dahil kung titingnan ang tao sa kanyang hubad na anyo, katulad lamang din siya ng iba. Sa
kabilang panig, may nagsasabi rin namang hindi pantay-pantay ang mga tao. May mga taong
mananatiling nasa itaas, dinudungaw ang mga tao sa ibaba. May mga taong yayaman at
patuloy na yayaman at may mga taong mahirap at mananatili sa kanilang kahirapan dahil
sadyang ganito ang kaayusan ng mundo.

Isa sa mga gitnang posisyon ay ang posisyon ng pilosopong si Max Scheler. Para kay
Scheler, bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan.
Nasa hulma ng ating katawan ang kakayahan nating maging isang sino. Ang taong matangkad
ay sadyang may pangunguna sa basketbol kaysa maliliit. Ang babae ay mas may taglay na
karisma upang manghalina kaysa lalaki. May timbre ng boses ang hinahanap upang maging
19
tagapagbalita sa radyo. May linaw ng matang hinihingi sa pagiging isang piloto. Idagdag pa rito
ang iba pang aspekto ng kasinuhan ng tao: ang kanyang kinagisnan ng pagpapalaki sa kanya,
ang mga koneksyon ng pamilya, ang kanyang lahi, relihiyon, at iba pa. Ang lahat ng ito ay
naglalatag ng maaabot ng tao.

Ngunit, sinasabi rin ni Scheler na dahil na rin sa hindi pagkakapantay-pantay na ito,


kailangang sikapin ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman ng
bayan. Hindi dahil maliliit ang manlalaro ng basketbol, hindi na siya kailanman magiging
mahusay at masaya sa kanyang paglalaro. Hindi niya maaabot ang naaabot ng matangkad
ngunit mayroon siyang magagawa sa bukod-tangi niyang paraan na magpapaiba sa kanya sa
matangkad. Kailangan lamang niya ng tiwala at pagkakataon.

Malabo? Gamitin nating halimbawa ang sitwasyon sa klase. Maaaring si Elmer ang
pinakamagaling sa Math ngunit hindi nito ibig sabihin na si Elmer na lamang ang tuturuan ng
guro ng Math. Pagsisikapan pa rin ng gurong ituro ang mga tuntunin sa Math sa kapwa mabilis
matuto at sa mga mag-aaral na kailangan ng ibayong pag-akay. Subalit, upang higit pang
mapaunlad ang husay ni Elmer, maaaring bigyan siya ng dagdag na mga Math problems na
kanyang pag-aaralan. Tugma ito sa tinatawag ni Sto. Tomas de Aquino na prinsipyo ng
proportio, ang angkop na pagkakaloob ng naaayon sa pangangailangan ng tao. Sa madaling
salita, hindi man pantay-pantay ang mga tao, may angkop para sa kanila. Kailangang maging
patas ayon sa kakayahan, ayon sa pangangailangan.

Kung mayroon man tayong isandaang tinapay na dapat ipamigay sa isandaang tao, ano
ang pinakamabisang paraan ng pagbabahagi nito? Bibigyan ba ang lahat ng tig-iisang tinapay
o bibigyan ang mga tao nang ayon sa kanilang hinihingi? Baka may ibang busog pa o kaya
naman ay mahinang kumain. Baka may ibang may sakit o mas gutom. Hindi ba’t pinakamabisa
at masinop na paraan ang pagbabahagi ng tinapay ayon sa huling batayan?

Ikalawang Pangkat Ang mga Pag-aari: Dapat Angkop sa Layunin ng Tao


20
Pero Hindi Patas!

Marahil magpipilit ang iba at sasabihing, “Bakit hindi na lang ibigay ang tinapay sa lahat
at bahala na ang mga nakatanggap na ipamigay o ibahagi sa iba ang sobra sa kanila?”
Maganda ang hangarin ng ganitong pag-iisip. Umaasa ito sa kabutihang loob na taglay ng
bawat isa. Naniniwala ito sa kakayahan ng tao na gumawa ng matinong pagpapasya para sa
kanyang sarili at para sa iba. Ngunit may sinasabi rin ito ukol sa pagtingin ng tao sa tinapay
mula sa halimbawa sa itaas, o sa anumang yaman na ibabahagi sa mga tao sa mas
malakihang pagtingin.

Una, tila tinatali ng tao ang kanyang sarili sa bagay na kung hindi siya makakakuha ng
bagay, bumababa ang kanyang halaga bilang tao. Kung hahayaan niya na ang iba lamang ang
mabigyan ng tinapay, para siyang nagpapalamang. Para niyang binitiwan ang tinapay na
karapatan naman niya talaga. Pakiramdam niya ay nagpapaapi siya. Mali ang ganitong
pananaw. Hindi sa tinapay nagkakaroon ng halaga ang tao. Una ang halaga ng tao bago ang
tinapay. May tinapay man o wala, may halaga ang tao. May yaman man ang tao o wala, may
halaga pa rin siya bilang tao. Ang tinapay ay nariyan upang siya ay busugin, palakasin at
paginhawahin. May pangingibabaw siya sa tinapay; hindi ang tinapay sa kanya. Ang kunin pa
niya ang tinapay ay pagsasayang na lamang sa tinapay. Ang pagpilit naman niyang kainin ang
tinapay para masabi lamang na hindi nasayang ang tinapay ay isang pagsira naman niya sa
kanyang sarili. Maaari pa itong dahilan ng kanyang pagkakasakit. Maling-mali ito.

Pangalawa, kailangan yatang balikan ang dahilan ng paggawa at pag-aari (ownership).


Bakit nga ba ako nagtratrabaho at nagmamay-ari ng mga bagay? Nagtratrabaho ba si Tatay
para ipagmayabang niya sa kanyang kapitbahay ang kanyang kwarta? Bumibili ba si Nanay ng
gamit sa bahay para ibandera sa iba ang kanilang mga bagong appliances? Gumagawa at
nagmamay-ari ang tao hindi upang makipagmayabangan sa iba, ibagsak o pahiyain ang iba o
makipagkompetisyon sa iba. Gumagawa siya dahil nais niyang ipamalas ang kanyang sariling
21
galing. Nagtratrabaho siya upang maging produktibo sa kanyang sarili.

Napakaganda ng salitang Filipino para sa trabaho. Ang tawag natin dito ay “hanap-
buhay.” Ang hinahanap ng gumagawa ay ang kanyang buhay. Hindi siya nagpapakapagod
lamang para sa pera kundi para ito sa buhay na hinahanap niya. Ang kanyang pag-aari ay
hindi lamang tropeyo ng kanyang pagpapagal. Ito rin ay ang mga gamit niya upang
matulungan siyang mahanap ang kanyang buhay. Mayroon siyang videoke machine hindi para
mag-ingay kundi para magamit niya sa kanyang pagpapahinga at muling pagpapalakas.
Mayroon siyang telebisyon hindi upang ipagmalaki ang kanyang kakayahang makabili ng
mamahaling gamit kundi upang malibang at makakuha ng bagong kaalamang makatutulong sa
muli niyang pagbalik sa pagtratrabaho. Mayroon siyang damit hindi para ipang-porma kundi,
dahil kailangan niya ito upang gawing presentable ang kanyang sarili sa trabaho at sa mga
nakakasalamuha niya. Marapat na ipaalala sa sarili na ang mga gamit sa paligid at yamang
pinagbabahaginan ay hindi iniipon para higit na palakihin lamang ang yaman. Nariyan ang mga
ito upang umayon sa mga layunin ng tao.

Ang buhay ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala ang sarili. Naipakikilala ng tao ang
kanyang sarili sa paggawa. Hindi ang yaman, hindi ang mga kagamitang mayroon siya o wala,
ang humuhubog sa tao. Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng
kanyang paggawa. Hindi sa pantay-pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na
kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinigay sa kanya ang kanyang ikayayaman.

Ikatlong Pangkat Hindi Pantay pero Patas: Prinsipyo ng Lipunang Pang-ekonomiya

Hindi Pantay Pero Patas

Ito nga ang prinsipyong iniinugan ng Lipunang Pang-ekonomiya. Ang lipunang ito ay
nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga
pangangailangan ng tao. Patas. Nakatutuwang malamang ang pinagmulan ng salitang
“Ekonomiya” ay ang mga griyegong salita na “oikos” (bahay) at “nomos” (pamamahala). Ang
22
ekonomiya ay tulad lamang din ng pamamahala sa bahay. Mayroong sapat na budget ang
namamahay. Kailangan niya itong pagkasyahin sa lahat ng mga bayarin (kuryente, tubig,
pagkain, panlinis ng bahay, at iba pa) upang makapamuhay nang mahusay ang mga tao sa
bahay, maging buhay-tao (humane) ang kanilang buhay sa bahay at upang maging tahanan
ang bahay.

Ang Lipunang Pang-ekonomiya sa mas malakihang pagtingin ay ang mga pagkilos na


masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan. Pinapangunahan ito ng estado na
nangunguna sa pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan. Lumilikha sila ng
mga pagkakataong makapamuhunan sa bansa ang mga may kapital upang mabigyan ang
mga mamamayan ng puwang na maipamalas ang kanilang mga sarili sa paghahanapbuhay.
Sinisikap gawin ng estadong maging patas para sa mga nagkakaiba-ibang mga tao ang mga
pagkakataon upang malikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon sa kani-kanilang mga
tunguhin at kakayahan. Bilang pabalik na ikot, ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng
mga tao ay kilos na nagpapangyari sa kolektibong pag-unlad ng bansa. Kung maunlad ang
bansa, higit na mamumuhunan ang mga may kapital na siyang lilikha ng higit pang mga
pagkakataon para sa mga tao-pagkakataon hindi lamang makagawa kundi pagkakataon ding
tumaas ang antas ng kanilang pamumuhay.

Hindi lamang sariling tahanan ang binubuo ng mga tao sa loob ng Lipunang Pang-
ekonomiya. Ginagawa rin nilang isang malaking tahanan ang bansa—isang tunay na tahanan
kung saan maaaring tunay na tumahan (huminto, manahimik, pumanatag) ang bawat isa sa
pagsisikap nilang mahanap ang kanilang mga buhay.

E. Pagtalakay ng bagong Sa pamamagitan ng graphic organizer, tukuyin at isa-isahin ang mga konseptong nabasa sa
konsepto at paglalahad ng sanaysay. Bawat pangkat ay bigyan ng takdang graphic organizer. Gawin ito sa notbuk.
bagong kasanayan #2 (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)

23
Unang Pangkat Ikalawang Pangkat

PAKSA

Ikatlong Pangkat

PAKSA

F. Paglinang sa Kabihasahan Mula sa mga nakuhang konsepto, pasagutan ang mga katanungan sa notbuk. Pumili ng 3-5
(Tungo sa Formative mag-aaral upang magbahagi ng kasagutan sa klase.
Assessment) 1. Ano ang pagkakaiba ng pantay at patas?
2. Bakit mas epektibo ang patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan kaysa sa pantay na
pamamahagi?
3. Ano ang kaibahan ng trabaho sa hanapbuhay?
4. Ano ang tamang ugnayan ng tao sa kanyang pag-aari?
5. Ipaliwanag ang ugnayan ng pag-unlad ng sarili at pag-unlad ng bayan.

24
G. Paglalapat sa aralin sa Pumili ng kapareha at makipagpalitan ng opinyon tungkol sa konseptong nabuo sa aralin.
pang-araw-araw na buhay Gamit ang graphic organizer, ipakita ang kabuuan ng lipunang pang-ekonomiya kasama ang
mga konseptong bumubuo rito upang maabot ang tunguhin para sa kabutihang panlahat.
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?


2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na
ito?

PAKSA

H. Paglalahat sa aralin Ang Lipunang Pang-ekonomiya sa mas malakihang pagtingin ay ang mga pagkilos na
masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan. Pinangungunahan ito ng estado na
nangunguna sa pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan. Ang bawat
mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na nagpapangyari sa kolektibong pag-
unlad ng bansa. Hindi lamang sariling tahanan ang binubuo ng mga tao sa loob ng Lipunang
Pang-ekonomiya. Ginagawa rin nilang isang malaking tahanan ang bansa - isang tunay na
tahanan kung saan maaaring tunay na tumahan (huminto, manahimik, pumanatag) ang bawat
isa sa pagsisikap nilang mahanap ang kanilang mga buhay.

I. Pagtataya ng Aralin Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong, pumili ng pinakaangkop na sagot at isulat ang
titik nito sa notbuk. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)

1. Ang paniniwala na ang tao ay pantay-pantay ay nakaugat sa katotohan na…

25
a. lahat ay dapat mayroong pag-aari
b. lahat ay may kanya-kanyang angking kaalaman
c. lahat ay iisa ang mithiin
d. likha ang lahat ng Diyos

2. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao

3. Sa ating lipunan, alin sa sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kanyang sarili
sa bagay?
a. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula sa pamahalaan,
kahit na kaya naman niya itong bilhin o kaya ay hindi naman kailangan dahil karapatan
niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng buwis.
b. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak
dahil mayroon itong sentimental value sa kanya.
c. Inuubos ni Jerome ang kanyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa
lamang mahahanap. Ayon sa kanya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na
kasiyahan
d. Lahat ng nabanggit

4. Ang sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya maliban sa:


a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng
tao
d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng

26
pangangasiwa ng yaman ng bayan

5. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?


a. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang
patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang pangangailangan.
b. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang
patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang kakayahan.
c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, patas
ay ang paggalang sa kanilang mga karapatan.
d. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang
patas ay pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng
mga tao.

6-10: Magbigay ng limang tiyak na hakbang kung paano maisasaayos ang ekonomiya ng
bansa.
6. __________________________________________________________________
7. __________________________________________________________________
8. __________________________________________________________________
9. __________________________________________________________________
10. __________________________________________________________________

J. Karagdagang gawain para sa Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Maghanda para sa isang symposium tungkol sa
takdang-aralin at remediation paksang “Ano ang Magagawa ng Isang Kabataan sa Pagkamit ng Mabuting Ekonomiya?”
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

27
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-guro
at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

28
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 9
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
IKAAPAT NA ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunang pang-ekonomiya.


Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Nakatataya ang mag-aaral ng lipunang pang-ekonomiya sa isang barangay/pamayanan, at


lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo o photo/video journal (hal. YouScoop).

C. Mga kasanayan sa 1. Nakatataya ng lipunang pang-ekonomiya sa isang baranggay/pamayanan, at lipunan/bansa


Pagkatuto. Isulat ang code gamit ang dokumentaryo o photo/video journal (hal. YouScoop) EsP9PL-If-3.4
ng bawat kasanayan 2. Nakapagsasagawa ng isang symposium tungkol sa ibinigay na paksa.
3. Naipahahayag ang opinyon tungkol sa magagawa ng isang kabataan sa pagkamit ng
mabuting ekonomiya.

II. Nilalaman Modyul 3: Lipunang Pang-ekonomiya


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Eduksayon sa Pagpapakatao 9 TG p. 7-9


Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang


Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 46-49
Pang-Mag-aaral

29
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883


mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: LCD Projector, Laptop


Panturo Sanaysay mula sa: www.gmanetwork.com/news/story/372849/news/ulat filipino/galing-sa-
hirap-nagsumikap-hindi-yumaman-pero-nagbago-ang-estado-ng-buhay
Video mula sa: https://www.youtube.com/watch?v=KZAypzf8Y40
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang A. Tumawag ng 2-3 mag-aaral upang magbahagi ng konsepto ng lipunang pang-ekonomiya.
aralin at pagsisimula ng (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)
bagong aralin.
B. Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. (Gawin sa loob ng 2 minuto) (Reflective
Approach)
1. Ano ang kalagayang pangkabuhayan sa inyong lugar?
2. Ano ang prinsipyo ng lipunang pang-ekonomiya?

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Nakatataya ng lipunang pang-ekonomiya sa isang baranggay/pamayanan, at
lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo o photo/video journal (hal. YouScoop)
2. Nakagagawa ng isang dokumentaryo tungkol sa lipunang pang-ekonomiya ng barangay
na kinabibilangan.
3. Naipahahayag ang opinyon sa pagsusuri ng lipunang pang-ekonomiya.

B. Ipabasa sa mag-aaral ang isang sanaysay ng isang kabataang may titulong “Galing sa Hirap
Nagsumikap, Hindi Yumaman pero Nagbago ang Estado ng Buhay”

30
(www.gmanetwork.com/news/story/372849/news/ulat filipino/galing-sa-hirap-nagsumikap-
hindi-yumaman-pero-nagbago-ang-estado-ng-buhay) (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)

C. Pag-uugnay ng mga Pasagutan ang sumusunod na katanungan sa notbuk. Tumawag ng 3-5 mag-aaral upang
halimbawa sa bagong aralin magbahagi ng kasagutan sa klase. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Ano-ano ang ipinahahayag ng kuwento?
2. Paano siya nagtagumpay sa buhay?
3. Paano siya nakaambag sa lipunang pang-ekonomiya?

D. Pagtalakay ng bagong Mag-iimbita ang guro ng tagapagsalita (Youth Development Program Officer of the Division).
konsepto at paglalahad ng Pangkatin ang klase sa dalawa. Magsagawa ng isang symposium gamit ang paksang, “Ano
bagong kasanayan #1 ang Magagawa ng Isang Kabataan sa Pagkamit ng Mabuting Ekonomiya?” Maglaan ng 15
minuto upang malayang makapagtanong ang mga mag-aaral. Tiyaking lahat ay matamang
nagtatala ng mga tiyak na hakbang na kanilang magagawa para makatulong sa pagkamit ng
mabuting ekonomiya. (Gawin sa loob ng 30 minuto) (Reflective-Collaborative Approach)

E. Pagtalakay ng bagong Pagkatapos ng gawain ay pasagutan ang mga sumusunod na katanungan sa notbuk.
konsepto at paglalahad ng a. Alin sa mga nabanggit ng tagapagsalita ang ginagawa o nagawa mo na? Ipaliwanag.
bagong kasanayan #2 b. Alin sa mga nabanggit ng tagapagsalita ang nais mong simulang gawin sa malapit na
hinaharap? Paano?

F. Paglinang sa Kabihasahan Bumuo ng pangkat na may limang miyembro. Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga gabay na
(Tungo sa Formative tanong. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective-Collaborative Approach)
Assessment) 1. Ano-ano ang mga bagay na nakatutulong sa pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas?
2. Ano ang maaari mong isagawang plano upang makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya sa
pamamaraang kaya mo sa ngayon?
3. Paano pinauunlad ng gawaing pagpaplano ang buhay ng isang tao?

31
G. Paglalapat sa aralin sa Pumili ng 3-5 mag-aaral upang magbahagi ng kanilang kasagutan sa tanong,
pang-araw-araw na buhay “Bilang isang kabataan, saan mo maikukumpara ang iyong naging kontribusyon sa lipunang
pang-ekonomiya?”

H. Paglalahat sa aralin Bawat isa ay malaki ang ginagampanang papel sa pagkamit ng magandang lipunang
pang-ekonomiya. Kahit ang sinumang kabataan ay malaki ang maiaambag sa pagkamit nito.

I. Pagtataya ng Aralin Hatiin ang klase sa mga pangkat na may 6 na kasapi. Magsagawa ang bawat pangkat ng isang
Proyektong Pampayanan gabay ang sumusunod na layunin.

Mga Layunin:
1. Makalikha ng isang bagay na may pangmatagalang pakinabang sa pamayanan.
2. Matutuhan ang pangangalap ng pondo.
3. Mamulat sa halaga ng kayamanan: salapi, oras at pagod.
4. Matutong makipag-ugnayan sa mga kinauukulan.
5. Makapaglunsad ng isang fair kung saan makaiipon ng salapi ang mga pangkat.

Mag-isip ng isang proyektong magagawa agad sa loob ng isang linggo at may


pangmatagalang kapakinabangan ang pamayanan. Maghanda ng proposal gamit ang kalakip
na form. Ipasa sa guro at hingin ang kanyang pagsang-ayon. Makikipag-ugnayan ang mga
pangkat sa kinauukulan para sa proyekto. Halimbawa, kung nais nilang magtanim ng mga
namumulaklak na halaman sa parke, kailangan nilang magpaalam sa Kapitan ng Barangay.
Pagkatapos ng proyekto, iuulat nila ang kanilang mga paghahanda, naranasan at natutuhan sa
klase. Kailangang maghanda ng komprehensibong ulat sa isasagawang mga gawain.
Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na tanong:
a. Ano ang nangyari? Ikwento ang magagandang bagay na nangyari. Paano ito naganap?
Ano ang inyong ginawa?
b. Ano ang naging balakid? Paano ninyo ito napagtagumpayan?

32
c. Ano ang inyong natutuhan?

J. Karagdagang gawain para Ibigay ang kahulugan ng mga salita:


sa takdang-aralin at 1. lipunan
remediation 2. sibil
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito

33
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-guro
at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

34
Mga Sanggunian:

Mga Aklat:

(2014).Patnubay ng Guro sa Edukasyong sa Pagpapakatao 9


Dy, M et al., Modyul Para sa Mag-aaral ng Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Unanng Edisyon 2015 p.36-64

Mula sa Internet:

Hango sa http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883, hinango noong Pebrero 9, 2017


Hango sa https://www.slideshare.net, hinango noong Pebrero 9, 2017
Hango sa www.gmanetwork.com/saksi, hinango noong Pebrero 9, 2017
Hango sa www.gmanetwork.com/news/story/372849/news/ulat filipino/galing-sa-hirap-nagsumikap-hindi-yumaman-pero-nagbago-
ang-estado-ng-buhay, hinango noong Pebrero 9, 2017

Mga Larawan, hinango sa:

https://google images/14gcov, Pebrero 9, 2017


https://www.google.com.ph/hp&ei=kdecwj, Pebrero 9, 2017

35

You might also like