You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Division of Ilocos Sur

SARILING LINANGAN KIT


ESP
Edukasyon sa Pagpapakatao
9

PAMAGAT NG PAKSA:
MODYUL 10 - KAGALINGAN SA PAGGAWA
_______________________________________________________

KUWARTER: 3 MELC NO: EsP9KP-IIIb-11.4


MELC:
Nakapagtatapos ng isang gawain o produkto na mayroong kalidad o
kagalingan sa paggawa at wastong pamamahala sa oras

Name of Teacher –Writer: MONNET ABIGAIL S. EVANGELISTA


School: BANTAY NATIONAL HIGH SCHOOL

1
KWARTER 3
SARILING LINANGAN KIT 4

PARA SA MAG-AARAL:

Ang Self Learning Kit na ito ay ginawa para ko para sa iyo. Sinikap kong gumawa ng
mga simpleng gawain upang maging kaaya-aya ang iyong pag-aaral mula simula hanggang
matapos mo ang kit na ito. Basahin mo at unawaing mabuti ang nilalaman nito. Dito mo
lubos na mauunawaan na kailangan ang kagalingan sa paggawa at paglilingkod na may
wastong pamamahala sa oras upang maiangat ang sarili, mapaunlad ang ekonomiya ng
bansa at mapasalamatan ang Diyos sa mga talentong kanyang kaloob. Kapag iyo nang
naunawaang mabuti ang nilalaman ng kit na ito, alam kong mas magiging madali na lamang
sa iyo ang susunod nating gawain.
Gamitin ang Learning Kit na ito nang may pag-iingat at panatiling malinis. Huwag
lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng sagutang
papel o notebook sa pagsagot sa mga gawain at pagsasanay na inihanda. Pakibalik ang
modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay. Tayo na at maglakbay sa rurok ng karunungan. Handa ka na ba?

KASANAYAN SA PAGKATUTO:

Sa Self-learning Kit na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod


na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1. Natutukoy ang mga mga katangian na dapat taglayin ng isang tao
upang masabi na may kagalingan ang kanyang paggawa
2. Naitala ang mga kailangang hakbang upang maisabuhay ang
kagalingan sa paggawa
3. Nauunawaan ang kahalagahan ng kagalingan sa paggawa
4. Nakasusulat ng isang liham pasasalamat sa Diyos sa mga talento,
kakayahan, at biyayang ipinagkaloob Niya na makatutulong upang
magtagumpay sa buhay para sa sarili, pamilya at sa bansa.

2
MAGBALIK - ARAL TAYO!

1. Ano ang mga katangian na dapat taglayin ng isang tao para masabi na may kagalingan
siya sa paggawa?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Ano ang pinakamahalaga sa lahat ng pagpapahalaga upang masabi na ang paggawa


ay kakaiba, may kalidad at kagalingan?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

PAGTALAKAY SA ARALIN:

Gawain 1: Tingnan at suriin ang mga sumusunod na larawan. Lagyan


ng tsek ang mga gawa na may kalidad at ekis sa mga larawan na
hindi kakikitaan ng kagalingan sa paggawa.

MGA GAWA KALIDAD O KAGALINGAN


1.

2.

3.

3
4.

5.

Bakit mahalaga na may kagalingan o kalidad ang paggawa?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Kailangang magkaroon ng kagalingan sa paggawa at paglilingkod upang
maiangat ang sarili, kapuwa, mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at mapasalamatan
ang Diyos sa talentong ipinagkaloob sa atin. Ang paggawa ay nangangailangan ng
sapat na kasanayan at angking kahusayan upang ito ay masabing may kalidad o
kagalingan. Naisasabuhay ang kagalingan sa paggawa kung ang produkto o serbisyo ay
bunga ng mga pagpapahalaga, naipapamalas ang mga kasanayan at katangian at naaayon
sa kalooban ng Diyos at kung ito’y iniaalay bilang paraan ng papuri at pasasalamat sa
Kaniya. Ang paggawa ay mabuti sa tao dahil sa pamamagitan nito naisasakatuparan niya
ang kaniyang tungkulin sa sarili, kapuwa at sa Diyos. Ang kagustuhang maisabuhay ang
layuning ito ang nagtutulak sa kaniya upang magkaroon ng kagalingan sa paggawa.

Gawain 2:
Panuto: Gamit ang iyong malikhain isip, dugtungan ang guhit at
bumuo ng isang larawan ng kahit na anong bagay. Gawin ito sa
sagutang papel.

4
Nahirapan ka bang dugtungan ang mga guhit at makalikha ng kakaibang larawan?
Ipaliwanag ang sagot.
_________________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

May mga hakbang ka bang sinunod upang magkaroon ng kalidad o kagalingan ang
ginawa mo? Ano-ano ito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Upang maisakatuparan ang mga mithiin sa buhay at magtagumpay sa anomang


larangan, kailangang pag-aralan at linangin ang mga kakailanganing kakayahan at
katangian tulad ng: kakayahang magbasa, magsulat, magkwenta, makinig at magsalita, at
ang pagkakaroon ng mayamang kaisipan na gagabay sa iyo upang maging sistematiko at
malinang ang tatlong yugto ng pagkatuto: Pagkatuto bago ang paggawa, Pagkatuto
habang gumagawa, at Pagkatuto pagkatapos gawin ang isang gawain.

Pagkatuto Bago ang Paggawa. Ang yugto ng paggawa ng iba’t ibang plano na siyang
magsisilbing gabay upang maging malinaw ang mga layuning isasakatuparan,
paglalarawan ng mga katangian ng tunguhin (goal), pagbuo ng konsepto, pagtataya
ng mga istratehiyang gagamitin ayon konseptong binuo, pagtukoy ng mga hakbang
gagawin at paghahanda ng mga kagamitang gagamitin, pagkilala sa mga tutulong sa
pagsasagawa ng kilos at pagtatakda ng panahon ng pagkilos. Sa yugtong ito,
matututo kang gumawa ng plano, hakbang maging handa at organisado ang
gagawing gawain o proyekto.

Pagkatuto Habang Ginagawa. Ito ang yugto na magtuturo ng iba’t ibang istratehiyang
maaaring gamitin upang mapadali ang pagsasakatuparan ng mga tunguhin sa
pamamagitan ng pagtatala ng mga konkretong hakbang upang maisagawa ang
proyektong napili at mga posibleng kakaharaping problema at posibleng solusyon.

Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang Isang Gawain. Ito ang yugto ng pagtataya kung
ano ang naging resulta o kinalabasan ng gawain. Sa yugtong ito malalaman mo ang
mga posibleng kilos, pagpapasya na dapat baguhin at panatilihin.

Mapatutunayan na ang paggawa ay may kagalingan kung naisa-alang-alang at


nasasagot ang mga tanong na:
1. Ito ba ay pinag-isipang mabuti?
2. Nasunod ba ang mga hakbang na dapat gawin?
3. Bung aba ito ng malalim na pag-iisip?
4. Nagagamit ba ang mga talento at kasanayang ipinagkaloob ng Diyos?
5. Nagamit ba ang aral ng buhay na natutunan mula sa karanasan?
Maituturing na mga mahalagang kraytirya ang mga tanong na ito upang masabi na
ang paggawa ay may kagalingan o kalidad. Paano mo naipapamamalas ang mga
kasanayan at katangiang nabanggit sa iyong paggawa upang malinang sa iyo ang
kagalingan?

5
Handa ka na bang linangin at isabuhay ang mga positibong katangian at
kakayahang ito? Sa papaanong paraan mo ito sisimulan? Anong produkto o
gawain ang iyong lilikhain? Ano-anong mga pamamaraan ang iyong
gagawin upang magkaroon ng kalidad at kagalingan ang iyong gagawing
produkto o ibibigay na serbisyo?

PAGLALAGOM:

Ang paggawa ay mabuti sa tao dahil sa pamamagitan nito


naisasakatuparan niya ang kaniyang tungkulin sa sarili, kapuwa at sa
Diyos. Ang kagustuhang maisabuhay ang layuning ito ang nagtutulak
sa kaniya upang magkaroon ng kagalingan sa paggawa. Mahalagang
isaalang-alang ang kalidad ng serbisyong ibinigay o produktong
ginawa upang maging gawi ng bawat kabataan ang kagalingan sa
paggawa. Mahalagang magkaroon ng kagalingan sa paggawa at
paglilingkod upang maiangat ang sarili, kapuwa, mapaunlad ang
ekonomiya ng bansa at mapasalamatan ang Diyos sa talentong
ipinagkaloob niya. Bukod sa mga kasanayan at katangian, ang mga
yugto o hakbang ng pagkatuto ay magsisilbing susi sa pagtupad ng
iyong layuning makagawa ng isang mahusay na produkto o serbisyo.
Ang kagalingan sa paggawa ay nasusukat ayon sa maayos na
pagsasakatuparan ng mga hakbang na dapat isaalang-alang sa
paggawa.

6
APLIKASYON

Panuto: Gumawa ng isang liham ng pasasalamat sa Diyos sa


mga talento, kakayahan, at biyayang ipinagkaloob Niya na
makatutulong upang magtagumpay sa buhay para sa sarili,
pamilya at sa bansa. (50 puntos)

Kraytirya ng pagtataya:
Nilalaman (Kagalingan sa paggawa ng liham) – 30 puntos
Natapos at naipasa sa takdang oras) – 10 puntos
Kaayusan at kalinisan – 10 puntos

PAGTATAYA:

PAGSASANAY 1:
Panuto: Basahin ang bawat pahayag at isulat ang TAMA kung naglalarawan ng
kagalingan sa paggawa at MALI kung hindi kakikitaan ng kagalingan. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel/kwaderno.
________ 1. Mabenta ang pagkakagawa ni Yana sa mga bag na yari sa tetra pack ng juice.
________ 2. Dismayado si Ronette sa nabili niyang sapatos dahil nasira agad sa unang
beses na paggamit nito.
________ 3. Binigyan ng tip si Joseph ang waitres sa kinainang restawran dahil sa pagsisilbi
nito sa kanya.
________ 4. Maraming tao ang pumupunta at nanonood sa banda na gumaganap gabi gabi
sa La Jenns.
________ 5. Nagalit si Malou sa online seller na pinag orderan nya ng bag dahil iba sa
iniorder nya ang pinadala nito.

PAGSASANAY 2:
Panuto: Tukuyin ang mga hakbang na dapat gawin ni Melissa sa paggawa ng milo
jelly.
Lagyan ng bilang ayon sa tingin mo ay pagkasunod-sunod nito. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel/kwaderno.

7
1. _______ Paghahanda sa kagamitan at pagtukoy sa paraan kung paano gagawin ang
milo jelly.
2. _______ Pagsunod sa recipe
3. _______ Pagpapatikim sa kinalabasan ng ginawang milo jelly.
4. _______ Pagtukoy sa istratehiyang gagawin sa paggawa ng milo jelly.
5. _______ Pagpaplano sa oras kung kailan isasagawa ang paggawa ng milo jelly

PAGSASANAY 3: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.


Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa sagutang papel.

1. Inilunsad ng isang kilalang kumpanya ng softdrinks in can ang proyektong


“Ang latang naitabi mo, panibagong pamatid uhaw ang dala nito sa iyo” upang
makaipon ng maraming lata na ido-donate sa Tahanang Walang Hagdan. Ang
programang ito ay tumutugon sa mga pagpapahalagang mayroon ang
pagawaan o ang kumpanya sa paglikha ng isang produktong may kalidad at
nakikibahagi sa lipunan, lalo na sa mga may kapansanan. Kung ikaw ang
lilikha ng produkto alin sa mga sumusunod ang dapat mong isaalang-alang?
a. Gumawa ng produktong kikita ang tao
b. Gumawa ng produktong makatutulong sa tao
c. Gumawa ng produktong magpapabago sa buhay ng tao
d. Gumawa ng produktong ayon sa kalooban ng Diyos
2. Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato
sa pinapasukang karinderya pero hindi ito nagrereklamo at nagpapabaya sa
kanyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni Katrina ang kagalingan niya sa
paggawa?
a. Ginagawa niya nang may kahusayan ang kanyang tungkulin
b. Ginagawa niya ang kanyang trabaho para hindi sya matanggal dito
c. Ang kaganapan nang kanyang pagiging mabuting manggagawa ay
kaganapan ng kanyang pangarap
d. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa
trabahong ginagawa
3. Sa pagreretiro ni Mang Rene binigyan siya nang mga benepisyong hindi niya
inaasahan ng pabrikang kanyang pinaglingkuran ng mahigit sa 40 taon,
bukod dito binigyan din siya nang plake ng pagkilala bilang natatanging

8
manggagawa ng pabrika. Ang pagtanggap ba nang benepisyo at pagkilala ni
Mang Rene ay palatandaan ng kagalingan niya sa paggawa?
a. Oo, sapat na basehan ang 40 na taon niyang paglilingkod
b. Hindi, binibigay talaga ang parangal at benepisyo sa isang
manggagawa sa oras na siya ay magretiro bilang bahagi nang
kanyang karapatan bilang isang manggagawa
c. Oo, hindi ibibigay ng isang kumpanya ang pagkilala at benepisyo sa
manggagawang hindi nararapat bigyan o gawaran nito
d. Hindi, binigay lang ang parangal upang maging masaya si Mang
Rene dahil sa edad na mayroon siya
4. Sa nagdaang pasko, naging abala ang mga gumagawa ng mga palamuting
pandekorasyon na pumapatok sa benta. Ano ang naging magandang
motibasyon na isinaalang-alang nang gumagawa ng mga ito?
a. materyal na bagay at pagkilala sa kanila sa lipunan
b. personal na kaligayan na makukuha mula dito
c. pag-unlad ng sarili, kapwa at lipunang kinabibilangan
d. kaloob at kagustuhan ng Diyos
5. Hindi natapos ni Baldo ang kaniyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa
kabila nito siya ay matagumpay dahil sa negosyong kaniyang itinayo at
pinaunlad. Naging madali ito para sa kaniya dahil ito ay ayon sa kaniyang
gusto at hilig. Ano ang katangian ang mayroon si Baldo?
a. Masipag, madiskarte, at matalino
b. May pananampalataya, malikhain, may disiplina sa sarili
c. Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili,
kapuwa at bansa
d. May angking kasipagan, pagpupunyagi, at tiwala sa sarili

9
SANGGUNIAN:

Edukasyon sa Pagpapakato 9, Modyul para sa Mag-aaral, pahina 153-159

http://techietengki.weebly.com/uploads/4/2/0/0/42007407/et2101ssy2014-
15cablingdeguzmanmanicio.pdf
file:///C:/Users/asus/Documents/ESP%207-9%20ppt%20lessons/ESP%209/
esp9%20learners%20module.pdf

10
SUSI SA PAGWAWASTO SA GAWAIN
Paalala: Maliban sa mga naitalang sagot, maaaring magkaroon ng iba
pang mga kasagutan depende sa pagkaunawa. Maaring magbigay ng
konsiderasyon.

Magbalik-aral Tayo: Gawain 1: Gawain 2:


1. Nagsasabuhay ng mga 1. x 1. Lagyan ng
pagpapahalaga, 20 puntos ang
2. /
Nagtataglay ng positibong anumang
kakayahan, Nagpupuri at 3. x ginawang larawan
nagpapasalamat sa 4. / basta nakikita ang
Diyos, curiosita, paunang guhit at
mapagpunyagi, 5. X nasasagot ang
dimostrazione, Mahalaga na magkaroon mga katanungan
sansazione, sfumato, ng kagalingan sa ayon sa pang-
arte, corporalita, paggawa at paglilingkod unawa
connessione upang maiangat ang
2. Kung ito ay naayon sa sarili, kapuwa, mapaunlad
kalooban ng Diyos at ang ekonomiya ng bansa
iniaalay bilang paraan ng at mapasalamatan ang
papuri at pasasalamat sa Diyos sa talentong
Kanya ipinagkaloob sa atin

APLIKASYON: SUSI SA PAGWAWASTO SA PAGSASANAY


Lagyan ng puntos
ayon sa kraytirya
ng pagtataya
PAGSASANAY 1: PAGSASANAY 2: PAGSASANAY 3:

1. Tama 6. 2 1. b
2. Mali 7. 4 2. a
3. Tama 8. 5 3. c
4. Tama 9. 3 4. c
5. Mali 10. 1 5. d

11
12

You might also like