You are on page 1of 21

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Division of Ilocos Sur

SARILING LINANGAN KIT


EDUKASYON SA 9
PAGPAPAKATAO
PAMAGAT NG ARALIN:

KATARUNGANG PANLIPUNAN

QUARTER: 3 MELC NO. 2


MELC:
Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay sa kapwa ang
nararapat sa kanya. (EsP9KP-IIId– 9.3)

Pangalan ng Guro: Efel Jane C. Blance


Paaralan: Basug National High School
Distrito: Santa

1
KUWARTER 3
GABAY NG MAG-AARAL
SA PAGKATUTO BILANG 2
(MELC) #

TUNGKOL SA GABAY NG MAG-AARAL SA PAGKATUTO

Bago mo simulan ang Sariling Linangan Kit na ito, basahing mabuti at iyong isapuso
ang kahalagahan nito. Pakaingatan at palaging basahin sapagkat malaking tulong ito para
sa lubusang pag-unawa sa mga sa mga konsepto ng mga Katarungang Panlipunan.
Magsisilbi itong gabay mo sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang isang
mamamayan at sa pagtupad mo ng iyong bokasyon na respetuhin at igalang ang mga
karapatan ng bawat mamamayan. Isang paalaala rin na gumamit ng hiwalay na papel para
sa pagsagot sa mga gawaing inihanda.
Kaya kaibigan, magpatuloy na sa paglalakbay at magsimula ka na sa pagsalok ng
karunungan!

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Tukuyin ang mga pananagutan at pangangailangan ng
bawat mamamayan sa karapatan ng kaniyang kapwa.
2. Maisabuhay ang mga pananagutan at pangangailangan
ng bawat mamamayan sa karapatan ng kaniyang
kapwa.
3. Makalikha ng tsart na nagtatala ng mga pananagutan at
pangangailangan ng bawat mamamayan sa karapatan
ng kaniyang kapwa.

PAGTALAKAY SA ARALIN

PAUNANG PAGTATAYA

Sagutin ang mga katanungan sa ibaba ayon sa iyong


nalalaman at pag-unawa.

PANUTO: Basahing mabuti ang pahayag at piliin ang pinakaangkop na kasagutan. Isulat sa
ibang papel ang titik ng iyong sagot.

Gawain: “Subukan Natin!”

2
1. Ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kaniya. Alin sa sumusunod
na sitwasyon ang nagpapakita nito?
A. Kumakain nang sabay-sabay ang mga miyembro ng pamilya.
B. Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kaniyang gawaing bahay.
C. May “Feeding Program” ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng
timbang.
D. May bumibili sa lahat ng paninda ng tindera sa palengke upang mauwi ito nang
maaga.
2. Alin sa sumusunod ang kilos ng isang makatarungang tao?
A. Pinag-usapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa sistemang
legal ng bansa.
B. Inaalam ng mga mag-aaral ang kanilang tungkulin at karapatan sa lipunan.
C. Binisita ng guro ang mag-aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin siya at
ang kanyang mga magulang na bumalik ito sa pag-aaral.
D. Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng kanilang barangay tuwing
Sabado ng hapon upang maglaro ng basketball.
3. Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?
A. Palaging nakasasalamuha ang kapwa
B. Paggalang sa karapatan ng bawat isa
C. Tutulong ang mga mayayaman sa mga mahihirap
D. May ugnayan na namamagitan sa dalawang tao
4. Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?
A. Natututong tumayo sa sarili at hindi ng umaasa ng tulong mula sa pamilya.
B. Nagiging bukas loob na tumanggap sa pagkakamali at hindi naninisi ng iba.
C. Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid.
D. Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa
karapatan.
5. Bakit mahalaga sa katarungan na ibinababatay sa moral na batas ang legal na
batas?
A. Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos.
B. Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng
tao.
C. Ang pagpapakatao ay napapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa
moral na batas.
D. Hindi maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon ng
katarungan sa lipunan.
6. “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Ano ang kahulugan ng
pahayag na ito?
A. Nakatakda na ang mga batas na kailangang sundin ng tao habang siya ay
nabubuhay.
B. Ang mga itinakda na batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin
lahat ng mga ito.
C. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kaniyang buhay kung susuwayin niya ang
mga itinakda na batas.
D. Itinatakda ang batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at hindi
upang diktahan nito ang kaniyang buhay.
7. Alin ang makabuuang paraan ng pagsasabuhay ng katarungang panlipunan?
A. Sundin ang batas trapiko at ang mga alituntunin ng paaralan.
B. Maging mabuting mag-aaral at mamamayan ng bansa.
C. Igalang ang karapatan ng kapwa.
D. Pag-aralan at sundin ang mga alituntunin ng tahanan, paaralan, lipunan at
simbahan.
8. Bakit isinasaalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad ng
tao?
A. Binubuo ng tao ang lipunan.

3
B. Magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao.
C. Mahalaga ang pakikipagkapwa sa lipunang kinabibilangan.
D. May halaga ang tao ayon sa kaniyang kalikasang taglay bilang tao.
9. Ang sumusunod ay mabisang pagsasanay sa pagiging makatarungan maliban sa:
A. Pag-unawa sa kamag-aral na palaging natutulog sa klase.
B. Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki.
C. Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi.
D. Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapwa araw-araw.
10. Bakit mahalagang mauunawaan ang mga pagpapahalaga na kaugnay ng
katarungang panlipunan?
A. Malalaman mo kung bakit kaugnay ang mga ito sa katarungang panlipunan.
B. Makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang kailangan mo
para sa iyong sarili.
C. Mabisang paraan ito sa iyong pagsisikap na magpakatao at sa pagtugon sa
hamon ng pagiging makatarungan sa kapwa.
D. Wala sa nabanggit.

MAIKLING PAGTALAKAY

Ayon sa isang kasabihan, “Hindi mo alam kung ano ang


nariyan hangga’t hindi ito nawawala sa’yo.” (You don’t know
what you have until it’s gone.) Mula pinakamumunti at
mababaw na bagay tulad ng isang kamiseta o payong
hanggang sa pinakamalalim at malapit-sa-puso gaya ng
kaibigan o magulang, madalas binabalewala lamang sila
hanggang sa maging huli na ang lahat. Ganito rin ang
katarungan. Hindi napapag-usapan, hindi nga rin siguro
talaga maintindihan, ngunit kapag binawi na, saka
nagngingitngit sa galit o nagmamakaawang nagsusumamo
ng “katarungan” ang nakararanas ng kawalan nito.

Katarungang Panlipunan

”Katarungan para kay Ka Dencio! Ang sikat na linya sa 80s na pelikulang


Sister Stella L (1984) na pinagbidahan ni Vilma Santos. Tungkol ito sa isang madre
na nakiisa sa pagpipikot ng mga manggagawa laban sa mapaniil na pamamalakad
ng pabrika.
Katarungan. Madalas mong marinig ito sa mga rally kapag ipinaglalaban ang
karapatan sa lupa o kaya sa balita tulad ng iyak ng isang inang pinagnakawan ng
buhay ng anak. Katarungan ang sigaw kapag may inapi. Katarungan ang hinihingi
kapag hindi patas ang turing sa tao. Kung titingnan nang maigi, ang paggamit sa
salitang “katarungan” sa mga nabanggit na halimbawa ay negatibo. Sa totoo, mas
angkop yatang sabihin na tungkol sa pagkawala ng katarungan o “kawalang-
katarungan” ang pinag-uusapan sa itaas. May sinasabi ito sa atin: 1.) ang usaping
“katarungan” ay lumalabas lamang sa diskursyo kapag nawawala na ito o kapag
umiiral ang inhustisya (kawalang-katarungan), at 2.) sa maraming panahon na hindi
nawawala ang katarungan, ang ibig sabihin nito ay umiiral ang katarungan.

4
Tao bilang Tao
Ang tao bilang binubuo ng katawan, pagnanasa, kasaysayan, mga layunin at
pangarap ay tinatawag ng sarili na ipunin ang mga naghahatakang puwersang ito
upang manatiling isa at buo. Ang katarungan sa sarili ay ang paglalagay sa ayos sa
sarili. Iniipon ng tao ang iba’t ibang salik at puwersang nagtutunggalian at
humahatak sa kaniya na tumungo sa iba-ibang direksyon.
Kung nais mong makakilos nang may direksyon sa iyong buhay ay
kinakailangang timbangin, ayawan at/o panindigan ang maraming mga bagayna
ihinahain sa iyong harapan. Ang wastong pagpiling ito ang masasabi nating
pinakapundamental na prinsipyo ng katarungan sa sarili.

Tao bilang Nasa Ugnayan


Subalit hindi lamang sarili ang tao. Bahagi rin ng kasarian ay ang pagiging
nasa sa loob ka ng ugnayan. Salamat sa mga ugnayang ito dahil napupunan ng mga
ugnayang kinapapalooban ng tao ang anumang pagkukulang at pangangaillangan
niyang hindi kayang likhain ng sarili. Pipitasin niya sa taniman ang kaniyang
kakainin. Kukunin niya sa kabundukan ang kaniyang titirhan. Aanihin niya sa mga
hayop ang kaniyang isusuot. Makikiugnay at makikipagtulungan ang tao sa kaniyang
kapwa upang mapabilis ang paggawa. Nabubuo ang mga komunidad upang
maharap nang mas maginhawa ang mga hamon ng kasalukuyan, naghahati-hati sa
yaman ng bayan at nagsasama-samang nagpapatakbo ng lipunan.
Ang katarungang panlipunan ay ang pag-iingat sa sarili ng komunidad upang
makagawa, makabuo at makalikha. Kakailanganin sa katarungang panlipunan ang
mga batas upang maingatan ang indibidwal na karapatan ng tao, ang pamahalaan
upang masiguro ang patas na pagbabahagi ng yaman sa bansa, ang pulis upang
magbanatay sa kalayaan ng mga tao. Ngunit, higit pa dito, ang pinakasento ng lahat
ay ang mga malalalim na ugnayan ng tao sa loob ng komunidad. Kung wala at hindi
mahigpit ang mga ugnayang ito, mauunawaan ang katarungang panlipunan bilang
transaksiyon lamang ng pamahalaan at ng mga sangkap nito. Mauuwi ang
katarungang panlipunan sa usaping legalistiko lamang- bilang pagsunod sa batas o
pagpataw ng parusa sa mga tao. Bagaman kasali rin talaga ang mga ito sa paksa,
ang katarungang panlipunan ay, una’t higit, ukol sa mga tao at sa mga ugnayan nila
sa isa’t isa. Kaya nagsisikap magkaroon ng katarungan ay dahil sa pagnanais na
mabuo ang sarili at ang komunidad.
Sa ganitong pag-unawa sa katarungang panlipunan, inaako ng sarili ang
malaking tungkulin na maging makatarungan sa sarili. Dahil kung hindi magiging
maayos ang tao, ang komunidad na kaniyang ginagalawan ay mawawasak din. At sa
isang katawang balik-ikot ng ugnayang tao at komunidad, kung wala ring katarungan
sa lipunan, pati ang tao sa loob nito ay hindi magagawang mabuo ang
sarili.Mahalaga ang papel ng pamahalaan dito. Kung hindi matuwid ang
pamahalaan, kung hindi ginagawa nang maayos ang kaniyang ekonomiko at
pampolitikong tungkulin, mahihirapan ang mga tao na pag-ukulan pa ng panahon
ang mga ugnayan sa komunidad.

Katarungan
Ano ang katarungan? Sa halip na pag-usapan ang katarungan kapag
nawawala na ito, ang hamon ay makita ang katarungan na isang pagpapahalagang
kailangang pagsikapang panatilihin sa bawat sandali. Katarungan ang tumawid sa

5
tamang tawiran. Katarungan ang maging malinis sa itinitindang pagkain. Katarungan
ang magbayad ng buwis. Katarungan ang sumunod sa batas trapiko. Katarungan
ang maging tapat sa pagsusulit. Katarungan ang sabihin sa kaibigan ang totoo.
Katarungan ang aminin sa sarili ang totoo.
Ang katarungan ay hindi hinihingi mula sa labas. Bagaman iginagawad din ng
panlabas na estruktura tulad ng pamahalaan, ang katarungan ay kailangang makita
bilang isang kilos na nagmumula sa loob ng bawat isa. Hindi bilang karapatan ko
lamang bilang miyembro ng lipunan kundi bilang kilos ng pagpapahalaga ng sarili
dahil ako ay may halaga sa sarili at sa komunidad.
Sa huli, maitataguyod mo ang katarungang panlipunan sa pamamagitan ng
pagbibigay mo sa iyong kapwa ng nararapat sa kaniya. Ito ay tanda ng paggalang
mo sa kaniyang dignidad bilang tao. Ang pagiging makatarungan sa kapwa tao ay
nagsisimula at sinasanay sa pamilya. Ibinabatay ang makatarungang ugnayang ito
sa moral na kaayusan ng lipunan. Pinagtitibay ang pag-iral ng katarungang
panlipunan sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga kaugnay na mga
pagpapahalaga na daan tungo sa kabutihang panlahat.
Ang katarungan, ang paghahangad at pagpapatupad nito, ay hindi hinihintay
dumating sa akin. Ginagawa ito ngayon. Sabi ni Sister Stella L, “Kung hindi ako,
sino? Kung hindi ngayon, kalian?

MGA HALIMBAWA

Upang mabigyang linaw ang mga katanungan sa iyong isipan,


narito ang mga halimbawa tungkol sa katarungang panlipunan.

1. Kung kawalang-katarungan ang pagpatay, ang buhay ay katarungan.


2. Kung kawalang-katarungan ang pang-aagaw ng lupa, katarungan ang gumalang sa
pagmamay-ari (ng lupa).
3. Kung kawalang-katarungan ang pang-aapi, katarungan ang pagkalinga at paggalang
sa dignidad ng tao.
Mula sa tatlong halimbawa, masasabi nating ang katarungan ay umiikot sa dalawang nibel:
ang nibel ng pagkilala sa tao bilang tao; at ang nibel ng pagkilala sa karapatan ng tao. Ang
una ay tungkol sa taong tumatayo bilang isang indibidwal na may sariling pagka-siya at ang
pangalawa naman ay tungkol sa ginagalawang ugnayan ng tao sa kapwa at lipunan.
4. Kung magpapabaya ang tao sa kaniyang sarili- halimbawa ay hindi siya kakain nang
husto at wasto- manghihina ang kaniyang katawan at hindi niya magagawa ang mga
gusto niyang gawin.
5. Ang Punong Barangay at Alkalde ay maayos na tao- hindi pinangungunahan ng
kanilang sariling mga hilig at pagnanasa sa kapangyarihan lamang. Na ang
mamamayan ay makatarungang tao din na hindi inaasa pa sa pamahalaan ang sarili
niyang pag-aayos ng kaniyang bakuran, pamilya, at sarili.

PAGSASANAY

Ayan! Nabigyang linaw na sa iyo ang mga


Katarungang Panlipuan na iyong ginagalawan. Handa ka na
ba sa mga pagsubok? Tara, subukan natin ang iyong galing!
6
I. Basahing mabuti ang pahayag at piliin ang pinakaangkop na kasagutan. Isulat
ang titik ng pinakaangkop na sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang tamang pagpapatupad sa katarungan?
A. Ikulong ang lumabag sa batas.
B. Patawarin ang humingi ng tawad.
C. Tumawid sa tamang tawiran.
D. Bigyan ng limos ang namamalimos.
2. Sino ang may tungkuling ipatupad ang batas?
A. mamamayan
B. pamahalaan
C. pulis
D. lahat ng nabanggit.
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatarungan?
A. Ang pagbibigay ng bagsak na grado sa hindi nakakatupad sa mga
kakailanganin sa klase.
B. Ang pagpatay sa mga nahuling kargador ng droga sa Tsina.
C. Ang pagbigay ng limos sa namamalimos sa kalye.
D. Wala sa nabanggit.
4. Nagsisimula ang katarungang panlipunan sa:
A. sarili.
B. pamahalaan.
C. lipunan.
D. Diyos.
5. Alin sa mga sumusunod ang pagpapamalas ng katarungan?
A. Pagsumbong sa guro ng kaklaseng nangongopya.
B. Pagpapautang ng 5-6.
C. Pagturing sa mga fixer ng lisensya bilang kapwa-naghahanap-buhay.
D. Wala sa nabanggit.
II. Mula sa iyong pagkatuto sa pagpapalalim ng paksa, punan ng angkop na salita
ang pangungusap sa ibaba upang mabuo ang Batayang Konsepto.

May pananagutan ang bawat _________ na ibigay sa ______ ang


_________ sa _________ sa kanilang pagkakasamang __________.

III. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Ang kraytirya sa ibaba ang gagamitin sa
pagbibigay ng iskor.

Nilalaman o konsepto ----------------- 5 puntos


Organisasyon ng konsepto ---------- 3 puntos
Pagka-orihinal --------------------------- 2 puntos
Kabuuan 10 puntos

1. Anu-ano ang mga naglalabang kaisipan o alalahanin sa iyong buhay na kailangan


mong timbangin? Paano mo aayusin ang mga ito? Paano mo mabibigyang

7
katarungan ang iyong sarili? Bakit ganito ang pagpili na ginawa? Ano ang iyong
pinahahalagahan?

2. Anu-ano ang ginagawa mo upang maitaguyod ang katarungan sa ating bansa?


PAGLALAGOM

Ang katarungan sa sarili ay ang paglalagay sa ayos ng sarili.


Ang legal na batas ay siyang panlabas na anyo ng moral na
batas. Ang legal na kaayusan kung gayon ay nararapat na
maging tulay ng moral na kaayusan sa lipunan. Ang
katarungang panlipunan ay pag-iingat sa sarili ng komunidad
upang makagawa, makabuo at makalikha. Ang bawat tao ay
may dignidad hindi dahil sa kaniyang pag-aari, posisyon sa
lipunan o mga nakakamit sa buhay, kundi dahil sa kaniyang
pagkatao. Kung ang katarungang panlipunan ay ginagabayan
ng diwa ng pagmamahal, ito ay hindi lamang isang simpleng
pag-iwas na makasakit o makapinsala sa kapwa, kundi ito ay
iang positibong paglapit sa kaniya upang samahan at
suportahan siya sa kaniyang pagtubo bilang tao at sa
pagpapaunlad niya ng kaniyang potensiyal. Kaya’t alang-alang
sa lipunan at alang-alang din sa sarili, utang na loob ng bawat
isa na magkaroon ng katarungan sa sarili at sa komunidad
dahil ang ikaayos ng bawat isa ay nasa kamay ng bawat isa.

APLIKASYON

Gamit ang matrix sa ibaba, sa Kolum 1 ng matrix isulat ang


mga aytem na palatandaan na kailangan mo pang taglayin.Sa
Kolum 2, isulat ang 2 na tiyak na paraan o hakbang na
gagawin mo sa pagsasakatuparan ng bawat palatandaan. Sa
Kolum 3 naman, isulat ang mga kaugnay na pagpapahalaga
sa mga palatandaan ng pagiging makatarungang tao na
mahubog sa iyong sarili. Magbigay ng tatlong palatandaan.

Mga Palatandaan ng Mga Paraan o Hakbang Mga Kaugnay na


Pagiging Makatarungang Tao na Gagawin Ko sa Pagpapahalagang
na Kailangan Kong Taglayin Pagsasakatuparan ng Mahuhubog sa Aking
Bawat Palatandaan Sarili

8
PAGTATAYA
I. Basahing mabuti ang pahayag at piliin ang pinakaangkop na kasagutan. Isulat
ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Ano ang katarungan?
A. Paggalang sa sarili.
B. Pagsunod sa batas.
C. Pagtrato sa tao bilang kapwa.
D. Lahat ng nabanggit.
2. Bakit kailangan ng mga batas?
A. Upang matakot ang mga tao at magtino sila.
B. Upang magabyan ang mga tao sa tamang pagkilos.
C. Upang parusahan ang mga nagkamali.
D. Lahat ng nabanggit.
3. Ang mga sumusunod ay mga panukalang makatarungan maliban sa:
A. “Mata sa mata, ngipin sa ngipin.”
B. “Kunin mo lamang ang kailangan mo.”
C. Walang sala hangga’t hindi napapatunayang nagkasala.”
D. Tulungan ang lahat ng nanghihingi ng tulong.”
4. Ang katarungang panlipunan ay:
A. ideyal lamang at hindi mangyayari sa talaga.
B. ukol sa parehong komunidad at sarili.
C. pinatutupad ng pamahalaan.
D. wala sa nabanggit.
5. Nakapaloob sa katarungang panlipunan ang mga sumusunod:
A. batas, kapwa, sarili
B. Diyos, pamahalaan, komunidad
C. Baril, kapangyarihan, rehas
D. batas, konsensya, parusa

II. Punan ang tsart sa ibaba ng mga sitwasyong nagpapakita ng a.) pagiging
makatarungan at b.) kawalan n katarungan. Magbigay ng limang sitwasyon.

9
D
M I
A M
K A
A K
T A
A T
R A
U R
N U
G N
A G
N A
N

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Division of Ilocos Sur

SARILING LINANGAN KIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
PAMAGAT NG ARALIN:

KATARUNGANG PANLIPUNAN

QUARTER: 3 MELC NO. 3


MELC:
Natutugunan ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga angkop na
pagkakataon. (EsP9KP-IIId– 9.4)

10
Pangalan ng Guro: Efel Jane C. Blance
Paaralan: Basug National High School
Distrito: Santa

KUWARTER 3
GABAY NG MAG-AARAL
SA PAGKATUTO BILANG 2
(MELC) #

TUNGKOL SA GABAY NG MAG-AARAL SA PAGKATUTO

Bago mo simulan ang Sariling Linangan Kit na ito, basahing mabuti at iyong isapuso
ang kahalagahan nito. Pakaingatan at palaging basahin sapagkat malaking tulong ito para
sa lubusang pag-unawa sa mga sa mga konsepto ng mga Katarungang Panlipunan.
Magsisilbi itong gabay mo sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang isang
mamamayan at sa pagtupad mo ng iyong bokasyon na respetuhin at igalang ang mga
karapatan ng bawat mamamayan. Isang paalaala rin na gumamit ng hiwalay na papel para
sa pagsagot sa mga gawaing inihanda.
Kaya kaibigan, magpatuloy na sa paglalakbay at magsimula ka na sa pagsalok ng
karunungan!

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Natutukoy ang pangangailangan ng kapuwa o pamayanan na
kailangang tugunan
2. Angkop ang paraan ng pagtugon sa pangangailangan ng
kapuwa o pamayanan ayon sa hinihingi ng pagkakataon
3. Natutukoy ang mga konkretong gawain bilang paraan ng
pagtugon sa pangangailangan ng kapuwa o pamayanan
4. Natutukoy ang mga pagpapahalaga na paiiralin sa gagawing
pagtugon sa pangangailangan ng kapuwa o pamayanan

11
PAGTALAKAY SA ARALIN

PAUNANG PAGTATAYA

Sagutin ang mga katanungan sa ibaba ayon sa iyong dating


kaalaman at pag-unawa.

PANUTO: Basahing mabuti ang pahayag at piliin ang pinakaangkop na kasagutan. Isulat sa
ibang papel ang titik ng iyong sagot.

Gawain: “Subukan Natin!”

1. Ano ang katarungan?


E. Paggalang sa sarili.
F. Pagsunod sa batas.
G. Pagtrato sa tao bilang kapwa.
H. Lahat ng nabanggit.
2. Bakit kailangan ng mga batas?
E. Upang matakot ang mga tao at magtino sila.
F. Upang magabyan ang mga tao sa tamang pagkilos.
G. Upang parusahan ang mga nagkamali.
H. Lahat ng nabanggit.
3. Ang mga sumusunod ay mga panukalang makatarungan maliban sa:
E. “Mata sa mata, ngipin sa ngipin.”
F. “Kunin mo lamang ang kailangan mo.”
G. Walang sala hangga’t hindi napapatunayang nagkasala.”
H. Tulungan ang lahat ng nanghihingi ng tulong.”
4. Ang katarungang panlipunan ay:
E. ideyal lamang at hindi mangyayari sa talaga.
F. ukol sa parehong komunidad at sarili.
G. pinatutupad ng pamahalaan.
H. wala sa nabanggit.
5. Nakapaloob sa katarungang panlipunan ang mga sumusunod:
E. batas, kapwa, sarili
F. Diyos, pamahalaan, komunidad
G. Baril, kapangyarihan, rehas
H. batas, konsensya, parusa
6. Ano ang tamang pagpapatupad sa katarungan?
E. Ikulong ang lumabag sa batas.
F. Patawarin ang humingi ng tawad.
G. Tumawid sa tamang tawiran.
H. Bigyan ng limos ang namamalimos.
7. Sino ang may tungkuling ipatupad ang batas?
E. mamamayan
F. pamahalaan
G. pulis
H. lahat ng nabanggit.
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatarungan?
E. Ang pagbibigay ng bagsak na grado sa hindi nakakatupad sa mga
kakailanganin sa klase.

12
F. Ang pagpatay sa mga nahuling kargador ng droga sa Tsina.
G. Ang pagbigay ng limos sa namamalimos sa kalye.
H. Wala sa nabanggit.
9. Nagsisimula ang katarungang panlipunan sa:
E. sarili.
F. pamahalaan.
G. lipunan.
H. Diyos.
10. Alin sa mga sumusunod ang pagpapamalas ng katarungan?
E. Pagsumbong sa guro ng kaklaseng nangongopya.
F. Pagpapautang ng 5-6.
G. Pagturing sa mga fixer ng lisensya bilang kapwa-naghahanap-buhay.
H. Wala sa nabanggit.

MAIKLING PAGTALAKAY

Tara na! Ating tuklasin ang mga pangangailanganng kapwa o


pamayanan sa mga angkop na pagkakataon.

Katarungang Panlipunan
Ang katarungan ay isang mahalagang pundasyon ng panlipunang pamumuhay.
Umiiral ito kung tinatanggihan ng mamamayan ang pandaraya sa negosyo, pangungurakot
sa pribado at publikong institusyon, hindi makatarungang pasahod sa mga empleyado at
ang iba pang mga katulad na sitwasyon. Isinasaalang-alang ng katarungan ang ugnayan ng
bawat isa sa lipunan. Kaya, kung titingnan mong mabuti ang mga ugnyanan sa lipunan,
makikita mo kung gaano kalaki ang hamon ng pagpapairal ng katarungang panlipunan.
Mabisang paraan ito upang mapangalagaan at mapanatili ang kabutihang panlahat. Hindi
lamang ito nakatatak sa Saligang Batas ng ating bansa kundi ito ang siyang isinisigaw ng
ating bayan sa kasalukuyan nitong kalagayan.

Mga Kaugnay na Pagpapahalaga


Alam mo ba na may mga kaugnay na pagpapahalaga ang katarungang panlipunan?
Ang mga ito ay ang dignidad ng tao, katotohanan, pagmamahal, pagkakaisa at kapayapaan.
Makatutulong sa iyong pagsisikap na maging makatarungang tao ang pag-unawa mo sa
mga ito.
Ang katarungang panlipunan sa tunay na kahulugan nito ay kumikilala sa dignidad
ng tao. Ang bawat tao ay may dignidad hindi dahil sa kaniyang pag-aari, posisyon sa
lipunan, o mga nakakamit sa buhay, kundi dahil sa kaniyang pagkatao. Bukod-tangi ang tao
sa lahat ng mga nilalang ng Diyos dahil nilikha siya ng Diyos na may isip at kalayaan. Ang
kaniyang pagkabukod-tangi ay hindi dumidepende sa kanino man. Wala siyang katulad sa
buong kasaysayan. Hindi siya mauulit. Ang katarungang panlipunan, kung gayon, ay
nakatutuon sa kabutihan ng mga tao. Samakatuwid, ang mga istraktura ng lipunan ay
nabubuo at nararapat na umiiral sa kabutihan ng lahat ng tao.
Makakamit ang katarungang panlipunan sa tulong ng isa pang pagpapahalaga-ng
katotohanan. Sa paghahanap mo ng katotohanan, kinakailangang tingnan ang kabuuan ng
isang sitwasyon. Ang katotohanan bilang isang pagpapahalaga ay mag-uudyok sa iyo na

13
handa mong ibigay ang iyong buong sarili dahil ito ay may kabuluhan sa iyong buhay at sa
buhay ng iyong kapuwa. Kaya, ang katotohanan bilang isang pagpapahalaga ay hindi isang
opinyon lamang. Ang katotohanan sa puntong ito ay ang pag-unawa na may iba pang
apektado sa sitwasyon, hindi lamang ikaw. Inuunawa at pinagninilayan mo ang sitwasyong
ito upang makita ang katotohanang nakakubli rito. May kasama ka sa kinasasangkutang
sitwasyon at hindi makabubuti sa mga kasama mo na ikaw lamang ang masusunod at
maging sunud-sunuran lamang sila sa iyo.
Kaugnay ng dignidad ng tao at ng katotohanan ay ang pagmamahal. Ang katarungan
ay walang kinikilingang dahil gabay nito ang diwa ng pagmamahal na likas sa tao. Sa
pagmamahal ang iyong kapuwa ay isang kaibigan o maaari ring ituring mo siya na isang
kapatid. Kung mawawala ang pagmamahal, paano na ang tao? Ang katarungan ay
maaaring mauwi sa legalismo na ibig sabihin ay pagiging parang isang bulag kung saan
sunud-sunuran na lamang ang tao sa batas. Kaya, ang pagmamahal bilang isang
pagpapahalaga ay isang aktibong pagkalinga sa kapuwa na nagpapaunlad sa kaniyang mga
kakayahan bilang tao. Kung ang katarungang panlipunan ay ginagabayan ng diwa ng
pagmamahal, ito ay hindi lamang isang simpleng pag-iwas na makasakit o makapinsala sa
kapuwa, kundi ito ay isang positibong paglapit sa kaniya upang samahan at suportahan siya
sa kaniyang pagtubo bilang tao at sa pagpapaunlad niya ng kaniyang potensiyal. Ito ay
nangangahulugan ng sama-samang pagkilos ng mga institusyon ng lipunan upang makabuo
ng sistemang susuporta sa pagpapaunlad ng pagkatao ng tao. Ang pagmamahal ay siyang
puso ng pagkakaisa.
Makatutulong ang pagtanngap sa katotohanan na tayong mga Pilipino ay sama-
samang namumuhay sa iisang bansa lamang. Sa pandaigdigang sitwasyon, makita sana ng
lahat ng mga bansa na magkakaiba man ang mga lahi, lahat ay namumuhay naman sa
iisang daigdig. Samakatuwid, kailangan na maging bukas tayo at handing isakripisyo ang
ating pansariling adhikain para sa pagkakaisa tungo sa kabutihang panlahat.
Sa iyong ugnayan sa kapuwa at sa kalipunan, makabubuting tahakin mo ang landas
ng katarungan at pagmamahal lalo na para sa mga mahirap at mahina tungo sa
pagkakaroon ng kapayapaan. Ang pagmamahal ay magbubunga ng kapayaaan sa
pamamagitan ng mapayapang paraan at hindi ng sandatahan.

MGA HALIMBAWA

Upang mabigyang linaw ang mga katanungan sa iyong isipan, narito ang
mga halimbawa kung paano matutugunan ang mga pangangailangan ng
kapwa o pamayanan sa mga angkop na pagkakataon.

 Tulad ng binanggit sa Baitang 7, kung ang diyamante ay mahalaga dahil


bihira ito, ano pa kaya ang tao na bukod-tangi? May dignidad ang tao
dahil may halaga siya. Mahalaga siya sa kaniyang pagkasiya, pagka-ako,
pagkabukod-tangi. Ito ang nararamdaman ng tao sa kaniyang kapuwa at
sa kaniyang sarili. Dahil mahalaga ang tao, makatarungan na ibigay ang
nararapat sa kaniya. Totoo na ang pagbibigay kung ano ang nararapat sa
tao ay hindi nakadepende sa kaniyang sitwasyon, kundi sa kaniyang hindi
malalabag na karapatang kaugnay sa kaniyang dignidad bilang tao.
 Ang pagmomonopoliya o pagsasarili sa mga kaganapan ay sumasalungat
sa kabutihan ng inyong pagkakasamang pag-iral sa sitwasyon na kapuwa
ninyo kinasasangkutan.
 Ang tao ay magkakaiba ang prinsipyo at pananaw sa buhay sa larangan
ng politika, relihiyon, at iba pang aspekto ng kanilang buhay. Ngunit sa
ganitong mga sitwasyon, may pag-asang maghilom ang sugat ng

14
pagkakahati-hating ito ng ating bansa sa bisa ng pagkakaisa (solidarity)
pagmamahalan sa isa’t isa.

PAGSASANAY

Ayan! Nabigyang linaw na sa iyo ang mga


pangangailangan ng iyong kapwa sa mga angkop na
pagkakataon. Handa ka na ba sa mga pagsubok? Tara,
subukan natin ang iyong galing!

PANUTO: Basahing mabuti ang pahayag at piliin ang pinakaangkop na kasagutan. Isulat sa
ibang papel ang titik ng iyong sagot.
1. Ito ay isang mahalagang pundasyon ng panlipunang pamumuhay.
A. Katarungan
B. Kapayapaan
C. Katahimikan
D. Kabutihan
2. Umiiral ang katarungan kung tinantanggihan ng mamamayan ang mga nabanggit
maliban sa:
A. pandaraya sa negosyo
B. pangungurakot
C. pag-aaral
D. pagbili ng boto
3. Ang mga nabanggit na kaugnay sa pagpapahalaga ng katarungang panlipunan
maliban sa:
A. dignidad ng tao
B. pagmamahahal
C. pagkakaisa
D. pagtitimpi
4. Bukod-tangi ang tao sa lahat ng nilalang ng Diyos dahil nilikha siya ng diyos na may
isip at kalayaan. Anong pagpapahalaga ng katarunganng panlipunan ang isinasaad
ng pangungusap?
A. dignidad ng tao
B. katotohanan
C. pagkakaisa
D. kapayapaan
5. Kinakailangang tingnan ang kabuuan ng isang sitwasyon upang makamit ang
katarungang panlipunan.
A. dignidad ng tao
B. pagmamahahal
C. katotohanan
D. pagtitimpi
6. Ito ay nangangahulugan ng sama-samang pagkilos ng mga institusyon ng lipunan
upang makabuo ng sistemang susuporta sa pagpapaunlad ng pagkatao ng tao.
A. dignidad ng tao
B. pagmamahahal
C. pagkakaisa
D. katotohanan
7. Ano ang bunga ng pagkakaisa?
A. Katatagan

15
B. Kapayapaan
C. Kalinisan
D. Kaayusan
8. Ano ang bunga ng pagmamahal kung saan ito ang pinakamataas na antas ng pag-
iral ng katarungan?
A. dignidad ng tao
B. katotohanan
C. pagkakaisa
D. kapayapaan
9. Paano maiiwasan ang pagkakahati-hati ng mga mamamayan sa isang bansa?
A. Sa pamamagitan ng pagkakaisa
B. Sa pamamagitang ng pagdadayalogo
C. Sa pamamagitan ng sandata
D. Sa pamamagitang ng pagiging mabuti sa lahat
10. Saan nagsisimula ang pagiging makatarungan sa kapuwa?
A. Pamilya
B. Pamayanan
C. Paaralan
D. Pagkatao

16
PAGLALAGOM

Ang katarungang panlipunan ay namamahala sa kaayusan ng ugnyan ng


tao sa kaniyang kapuwa at sa ugnayan ng tao sa kalipunan. Inilalagay nito
sa ayos ang panlipunang ugnayan ayon sa kraytirya sa pagsunod sa batas.
Ito rin kumikilala sa dignidad ng tao. Ang bawat tao ay may dignidad hindi
dahil sa kaniyang pag-aari, posisyon sa lipunan o mga nakakamit sa buhay,
kundi dahil sa kaniyang pagkatao.
Kung ang katarungang panlipunan ay ginagabayan ng diwa ng
pagmamahal, ito ay hindi lamang isang simpleng pag-iwas na makasakit o
makapinsala sa kapuwa, kundi ito ay isang positibong paglapit sa kaniya
upang samahan at suportahan siya sa kaniyang pagtubo bilang tao at sa
pagpapaunlad niya ng kaniyang mga potensiyal.
Ang sabi ni Santo Papa Juan Pablo II, “Ang bunga ng pagkakaisa ay
kapayapaan.”
Ang kapayapaan ay bunga rin ng pagmamahal, ang pinakamataas na antas
ng pag-iral ng katarungan.

APLIKASYON

Gamit ang matrix sa ibaba, sa Kolum 1 ng matrix magtala ng


limang mga pangangailangan ng barangay ninyo at sa kolum 2
naman ay isulat ang maaari mong tugon sa mga
pangangailangang iyon.

Mga Pangangailangan Mga Tugon sa Nasabing Pangangailangan

PAGTATAYA

17
I. PANUTO: Basahing mabuti ang pahayag at piliin ang pinakaangkop na kasagutan.
Isulat sa ibang papel ang titik ng iyong sagot.
1. Ito ay nauukol hindi lamang sa ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa kundi sa
ugnayan din niya sa kalipunan.
A. Katarungang panlipunan
B. Katarungang pamayanan
C. Katarungang pandaigdig
D. Katarungang pang-ekonomiya
2. Ito ay namamahala sa kaayusan ng ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa at sa
ugnyan ng tao kalipunan.
A. Katarungang panlipunan
B. Katarungang pamayanan
C. Katarungang pandaigdig
D. Katarungang pang-ekonomiya
3. Ang bawat tao ay may _____ hindi dahil sa kaniyang pag-aari, posisyon sa lipunan o
mga nakakamit sa buhay, kundi dahil sa kaniyang pagkatao.
A. paninindigan
B. dignidad
C. laban
D. karapatan
4. Ito ay maaaring mauwi sa legalismo na ibig sabihin ay pagiging parang isang bulag
kung saan sunud-sunuran na lamang ang tao sa batas.
A. Karunungan
B. Kapayapaan
C. Kabutihan
D. Katarungan
5. Ito ay nangangahulugan ng kawalan ng kaguluhan o sa pagkakaroon ng parehong
kapangyarihan ng mga bansa.
A. Karunungan
B. Kapayapaan
C. Kabutihan
D. Katarungan

II. Tukuyin at talakayin sa iyong sariling pag-unawa ang mga kaugnay na


pagpapahalaga. Ang kraytirya sa ibaba ang gagamitin sa pagibibigay ng puntos sa
bawat kaugnay na pagpapahalaga.

Nilalaman o konsepto ----------------- 5 puntos


Organisasyon ng konsepto ---------- 3 puntos
Pagka-orihinal --------------------------- 2 puntos
Kabuuan 10 puntos

18
MGA SAGOT
1. MELC
C NO. 2
2. D
Subukan Natin! 3. B Pagsasanay
4. D I. 1. A
5. A 2. D
6. C 3. D
7. D 4. A
8. C 5. A
9. D
II.
10. D
May pananagutan ang bawat
mamamayan na ibigay sa kapwa ang
nararapat sa kanya sa kanilang
pagkakasamang lipunan.

Aplikasyon
Rubrik sa gawain.
Kraytirya 3 2 1
1. Natutukoy ang Nakapagtala ng 3 Nakapagtala ng 2 Nakapagtala ng 1
pangangailangang tiyak na paraan sa tiyak na paraan sa tiyak na paraan sa
kapwa o pagtukoy sa pagtukoy sa pagtukoy sa
pamayanan na pangangailangan ng pangangailangan ng pangangailangan ng
kailangang tugunan kapwa o pamayanan kapwa o pamayanan kapwa o pamayanan
ayon sa hinihingi ng
pagkakataon
2. Angkop ang paraan Angkop ang 3 na Angkop ang 2 na Angkop ang 1 na
ng pagtugon sa mga gawain ng mga gawain ng mga gawain ng
pangangailangan ng pagtugon sa pagtugon sa pagtugon sa
kapwa o pangangailangan ng pangangailangan ng pangangailangan ng
pamayanan ayon sa kapwa o pamayanan kapwa o pamayanan kapwa o pamayanan
hinihingi ng ayon sa hinihinging ayon sa hinihinging ayon sa hinihinging
pagkakataon pagkakataon pagkakataon pagkakataon
3. Natutukoy ang mga Angkop ang mga Angkop ang mga Angkop ang mga
pagpapahalaga na natutukoy na mga natutukoy na mga natutukoy na mga
pairalin sa pagpapahalaga sa pagpapahalaga sa pagpapahalaga sa
gagawing pagtugon gagawing pagtugon gagawing pagtugon gagawing pagtugon
sa pangangailangan sa pangangailangan sa pangangailangan sa pangangailangan
ng kapwa o ng kapwa o ng kapwa o ng kapwa o
pamayanan. pamayanan at pamayanan ngunit pamayanan ngunit
naipakikita ang lahat ilan lamang ang isa lamang ang
ng mga ito sa naipakikita ang lahat naipakikita ang lahat
aktuwal na pagtugon ng mga ito sa ng mga ito sa
aktuwal na pagtugon aktuwal na pagtugon

19
Pagtataya

I. 1. D
2. D
3. D
4. B
5. A
II. MAKATARUNGAN
1. Pagbabayad ng buwis
2. Pagbibigay ng sapat na sahod at benepisyo sa
mga empleyado.
3. Pagpasok sa trabaho sa tamang oras.
4. Pakikipaglaban ng patas sa eleksiyon.
5. Pagsasaabi ng katotohanan.
DI MAKATARUNGAN
1. Kulang at hindi pagbabayad ng buwis sa
takdang panahon.
2. Kulang na sahod at kawalan ng benepisyo ng
mga empleyado.
3. Pagpasok sa trabaho at matutulog lamang.
4. Pagbili ng boto ng mamamayan.
5. Pagtanggi sa katotohanan.

MGA SAGOT MELC NO. 3


11. D
12. D Natin!
Subukan Pagsasanay
13. D
14. B 1. A
15. A 2. C
16. A
17. D 3. D
18. D 4. A
19. A
5. C
20. A
6. C
7. B
8. D
9. A
10. A

20
Aplikasyon
Rubrik sa gawain.
Kraytirya 3 2 1

1. Natutukoy ang Nakapagtala ng 3 Nakapagtala ng 2 Nakapagtala ng 1


pangangailangang tiyak na paraan sa tiyak na paraan sa tiyak na paraan sa
kapwa o pamayanan pagtukoy sa pagtukoy sa pagtukoy sa
na kailangang pangangailangan ng pangangailangan ng pangangailangan ng
tugunan ayon sa kapwa o pamayanan kapwa o pamayanan kapwa o pamayanan
hinihingi ng
pagkakataon

2. Angkop ang paraan Angkop ang 3 na Angkop ang 2 na Angkop ang 1 na


ng pagtugon sa mga gawain ng mga gawain ng mga gawain ng
pangangailangan ng pagtugon sa pagtugon sa pagtugon sa
kapwa o pamayanan pangangailangan ng pangangailangan ng pangangailangan ng
ayon sa hinihingi ng kapwa o pamayanan kapwa o pamayanan kapwa o pamayanan
pagkakataon ayon sa hinihinging ayon sa hinihinging ayon sa hinihinging
pagkakataon pagkakataon pagkakataon

3. Natutukoy ang mga Angkop ang mga Angkop ang mga Angkop ang mga
pagpapahalaga na natutukoy na mga natutukoy na mga natutukoy na mga
pairalin sa gagawing pagpapahalaga sa pagpapahalaga sa pagpapahalaga sa
pagtugon sa gagawing pagtugon gagawing pagtugon gagawing pagtugon
pangangailangan ng sa pangangailangan sa pangangailangan sa pangangailangan
kapwa o pamayanan. ng kapwa o ng kapwa o ng kapwa o
pamayanan at pamayanan ngunit pamayanan ngunit
naipakikita ang lahat ilan lamang ang isa lamang ang
ng mga ito sa naipakikita ang lahat naipakikita ang lahat
aktuwal na pagtugon ng mga ito sa ng mga ito sa
aktuwal na pagtugon aktuwal na pagtugon

Pagtataya

II. 1. A
2. A
3. B
4. D
5. B
II. Nilalaman o konsepto ----------------- 5 puntos
Organisasyon ng konsepto ---------- 3 puntos
Pagka-orihinal----------------------------2puntos
Kabuuan 10 puntos

21

You might also like