You are on page 1of 16

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING LINANGAN KIT


ARALING PANLIPUNAN
EKONOMIKS
9
Pamagat ng aralin:

“Patakarang pananalapi”

Pamanahunang Blg: 3 MELC Blg: 6

KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA MELC:

 Napahahalagahan ang pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng


ekonomiya

Pangalan ng Guro: SHERYL R. BALANAY


Paaralan: BANTAY NATIONAL HIGH SCHOOL

1
PAMANAHUNAN BILANG 3
GABAY NG MAG-AARAL
SA PAGKATUTO BILANG 1

PAUNANG SALITA

Humihingi ka ba ng pera sa magulang mo? Bakit ba mahalaga ang pera?


Kung gaano kahalaga sa iyo ang pagsasaayos ng pera mo ay ganito din ito
kahalaga sa ating bansa.
Ang ganitong pagsasaayos ng pananalapi ng bansa ay hindi na kayang
gampanan ng pamahalaan kung nag-iisa lamang, kaya kailangan niya ng Patakaran
sa Pananalapi.
Isang mahalagang patakaran sa ating ekonomiya ay ang Patakarang
Pananalapi. Isa rin ito sa mga importanteng kasangkapan ng pamahalaan upang
matiyak na ang bansa ay magiging matatag at may sapat na kakayahan upang
mapanatili sa normal na antas ang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa at
matamo ang tunay na pagseserbisyo sa mamamayan.
Ngayong panahon ng COVID-19, napakahalaga ang gagampanan ng
Patakarang Pananalapi sa ating lipunan.Tinitiyak nito na ang ekonomiya ng ating
pamahalaan ay maging ganap na maayos at matatag sa kabila ng pandemya na
ating dinaranas.
Sa modyul na ito ay tutulungan ka naming maintindihan mo ang patakaran ng
pananalapi sa ating bansa

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang


magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang pananalapi:
2. Napahahalagahan ang pag-iimpok at pamumuhunan
bilang isang salik na nakakatulong sa pag-unlad ng
ekonomiya
3. Nakasusunod sa mga patakarang pang-ekonomiya na
nakakatulong sa patakarang panlabas ng bansa sa
buhay ng nakararaming Pilipino.

PAGTALAKAY SA ARALIN

2
BALIK-ARAL

Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong


kaalaman tungkol sa patakarang pananalapi at kung paano
nakaiimpluwensiya ang suplay ng salapi sa kabuuang
produksiyon, empleyo, antas ng interes, at presyo.
Mahalagang maiugnay mo ang iyong natutuhan sa nakaraang
aralin upang ganap na maunawaan ang paksang aking
tatalakayin.

PANUTO: Suriin ang larawan. Mag-isip ng kaaya-ayang pamagat ayon sa nakikita sa


larawan. Gumawa ng isang sanaysay base sa nabuo mong pamagat ng limang
minuto lamang. Gawing gabay ang rubriks sa susunod na pahina.

Gawain 1: Money Ko Yan!

MAIKLING SANAYSAY

(PAMAGAT)

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Kategorya Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi Nakamit Walang Iskor
Inaasahan Inaasahan Nakamit ang ang Inaasahan Napatunayan
(5) (4) Inaasahan (2) (1)

3
(3)
Nilalaman Kumpleto at Komprehensibo May ilang Hindi nakalahad *Hindi nakita
komprehensibo ang nilalaman kakulangan ang ang panlahat na sa ginawang
ang nilalaman. nilalaman pagpapaliwana sanaysay.
g ukol sa
paksang ginawa
Organisasyo Lohikal at mahusay Naipakita ang Lohikal ang Walang patunay *
n ng mga ang debelopment pagkakaayos ng na organisado
Ideya pagkakasunud- ng mga talata mga talata ang
sunod ng mga subalit hindi subalit ang mga pagkakalahad
ideya; gumamit din makinis ang ideya ay hindi ng sanaysay.
ng mga pagkakalahad ganap na
transisyunal na nadebelop.
pantulong tungo sa
kalinawan ng mga
ideya.

MAIKLING TALAKAYAN

Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon


tungkol sa aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga
kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na
inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang
pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo
bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol
sa patakarang pananalapi. Inaasahang magagabayan ka ng
mga inihandang gawain at teksto upang masagot kung paano
nakaaapekto ang patakarang pananalapi sa buhay ng
nakararaming Pilipino. Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan
ng gawain na nasa ibaba.

KONSEPTO NG PERA
Ang salapi ay perang papel na ginagamit bilang pamalit sa produkto o
serbisyo. Kung nais mong kumain ng tinapay, halimbawa, mangangailangan ka ng
salapi upang mabili ito. Sa gayon, ang pera ay instrumento na tanggap ng mamimili
at mamimili bilang kapalit ng produkto o serbisyo. Maliban sa gamit sa pagbili, ito rin
ay itinuturing bilang isang unit of account. Ang halaga ng tinapay ay naitatakda dahil
na rin sa salaping ginagamit bilang panukat sa presyo ng isang produkto. Ang isang
piraso halimbawa ng pandesal ay masasabing piso (Php1) dahil sa pagtatakda dito
ng bumibili na tinanggap naman ng mamimili. Kaya sa sampung piso (Php10),
mayroong 10 piraso ng pandesal na maaaring mabili. At ang panghuli, ang salapi ay
mayroong store of value na maaaring gamitin sa ibang panahon. Ang ilang bahagi
ng kinita mula sa pagtatrabaho ay maaaring itabi at gamitin sa ibang pagkakataon
dahil ang halaga nito ay hindi nagbabago maliban sa epekto ng implasyon sa mga
presyo ng bilihin (Case and Fair, 2012).

4
Ang salapi ay mahalagang bahagi sa buhay ng tao ngunit ang pangangasiwa
rito ay isang malaking hamon sa lahat ng bansa. Ang dami ng salapi sa sirkulasyon
ay maaaring magdulot ng kasaganahan o suliranin sa mga mamamayan. Dahil dito,
ang pag-iingat at matalinong pamamahala ay kinakailangan upang masiguro na ang
bilang ng salapi sa ekonomiya ay magiging kasangkapan upang mapanatili ang
kaayusan.

PAG-IIMPOK AT PAMUMUHUNAN
Sa aspekto ng pag-iimpok at pamumuhunan ayon sa modelo ng paikot na
daloy, ang pag-iimpok ay kitang lumalabas sa ekonomiya. Samantalang ang
pamumuhunan ang magbabalik nito sa paikot na daloy (Case, Fair at Oster, 2012).
Ang pamumuhunan ay nangangailangan ng sapat na salapi. Ang paggasta ay
kinapapalooban ng pagbili ng mga kagamitan, mga salik ng produksiyon at iba pa.
Pangkaraniwan na ang mga mamumuhunan ay gumagamit ng sariling salapi o
puhunan na hiniram sa ibang tao, sa bangko, o sa ibang institusyon sa pananalapi.
Ang perang hiniram upang gamiting puhunan ay karaniwang nagmumula sa
inimpok o idineposito sa mga institusyon sa pananalapi tulad ng bangko o
kooperatiba. Sa kaso ng bangko, ang perang ipinapautang ay nagmula sa
idineposito ng mamamayan. Kung kaya ang perang lumabas sa sirkulasyon sa anyo
ng inimpok sa bangko, ay muling bumabalik dahil ipinahihiram ang mga ito sa mga
negosyante upang gamitin sa pamumuhunan tulad ng pagbili ng mga bagong
kagamitan, sangkap sa produksiyon at kabayaran sa mga manggagawa. Ipinakikita
nito ang ugnayan ng bangko at iba pang institusyon sa pananalapi bilang mga
daanan sa pagdaloy ng pera sa loob ng ekonomiya. Ang kagalingan ng pamahalaan
na magpatupad ng mga patakaran sa pananalapi ang nagsisilbing gabay sa kung
gaano karami ang nararapat na salapi sa sirkulasyon o kung hanggang saan ang
sigla ng ekonomiya na hindi magiging daan sa pagsisimula ng implasyon.
Ang pag-iimpok ay isang mahalagang indikasyon ng malusog na ekonomiya.
Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ay ahensiya ng pamahalaan
na naglalayon na mapataas ang pag-iimpok sa Pilipinas. Ayon sa kanila, kapag
maraming mamamayan ay natutong mag-impok, maraming bansa ang mahihikayat
na mamuhunan sa Pilipinas dahil saligan ng isang matatag na bansa ang mataas na
antas ng pag-iimpok.
Samantala, ang pamumuhunan ay isa ring mahalagang salik sa ating bansa.
Kapag maraming namumuhunan sa isang bansa, ang tiwala at pagkilala ay kanilang
ipinakikita sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas maraming negosyo. Mas
maraming negosyo, mas maraming trabaho, mas maraming mamamayan ang
magkakaroon ng kakayahang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ito ay
hindi malayong magbunga sa pagkakamit ng kaunlaran.
Ang salapi sa loob at labas ng ekonomiya ay marapat na mapangasiwaan
nang maayos upang masiguro na magiging matatag at malusog ang takbo ng
patakarang pananalapi ng bansa. Bunga nito, kinakailangan ang pagkakaroon ng
mga institusyon na makapag-iingat at makapagpapatakbo ng mga wastong proseso
sa loob ng ekonomiya patungkol sa paghawak ng salapi. Ito ay paraan upang
maging maayos ang daloy ng pananalapi ng bansa.

Patakarang Pananalapi

5
(Monetary Policy)

• Ito ay may kinalaman sa pamamahala o pagkontrol sa suplay ng salapi


upang patatagin ang halaga ng salapi sa loob at labas ng bansa at tiyakin na
magiging matatag ang buong ekonomiya.
• Ang mga institusiyon ng pananalapi ang may malaking pananagutan sa
pagpapatupad ng patakaran sa pananalapi sa pangunguna ng Bangko
Sentral ng Pilipinas.
• Ang patakaran sa pananalapi ay isang sistemang pinaiiral ng BSP upang
makontrol ang supply ng salapi sa sirkulasyon.
• Kaugnay nito, ang BSP ay maaaring magpatupad ng expansionary money
policy at contractionary money policy.

MGA URI NG PATAKARANG PANANALAPI

Expansionary Money Policy (Easy Money Policy)


• Layunin nito na mahikayat ang mga negosyante na palakihin o magbukas ng
bagong negosyo.
• Ibababa ng pamahalaan ang interes sa pagpapautang kaya mas maraming
mamumuhunan ang mahihikayat na humiram ng pera upang idagdag sa
kanilang mga negosyo

Contractionary Money Policy (Tight Money Policy)


• Layunin nito na mabawasan ang paggasta ng sambahayan at ng mga
mamumuhunan.
• Sa pagbabawas ng puhunan, nababawasan din ang produksiyon.
• Sa pamamaraang ito, bumababa ang presyo at nagiging dahilan sa
pagbagal ng ekonomiya.
• Ang kalagayang ito ang ninanais ng pamahalaan upang mapababa ang
implasyon.

Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)


Itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No. 7653. Ang BSP ay itinalaga bilang
Central Monetary Authority ng bansa.
• Layunin nito na mapanatili ang katatagan ng halaga ng bilihin at ng ating
pananalapi.
• Namamahala sa mga patakaran ng pamahalaan tungkol sa pananalapi,
pagbabangko at pagpapautang.

Institusyon ng Pananalapi
• Ito ang pangunahing institusyon na inaasahan ng pamahalaan na mamamahala sa
paglikha, pagsusuplay, pagsasalin-salin ng salapi sa ating ekonomiya.
• Nahahati ito sa dalawang uri; ang bangko at di-bangko.

A. Bangko
• Isang uri ng institusyong pampananalapi na tumatanggap at lumilikom na
labis na salapi na iniimpok ng tao at pamahalaan.
• Ito ang nagsisilbing tagapamagitan sa mga taong may labis na salapi at mga
negosyanteng namumuhunan sa bansa.

6
Mga Uri ng Bangko

1. Bangko ng pagtitipid (Thrift Bank) – ito ay tinatawag din sa savings bank


na humihikayat sa mga tao na magtipid at mag-impok ng ilang bahagi ng
kanilang kita.
• Savings and Loan Association – nagpapahiram ng salapi
at tumatanggap ng impok na pera ng mga kasapi nito
• Private Development Bank – tumatanggap ng deposito ng
mga mamamayan na nagagamit sa pagpapahiram ng mga
puhunan sa mga small ang medium scale industries.
• Savings and Mortage Bank – humihikayat din sa tao na
mag-impok at tumanggap ng sanla ng publiko bilang prenda
sa pangungutang ng puhunan.

2. Bangkong Komersyal (Commercial Bank) – Ito ang bangko na nikikipag-


ugnay sa mga nag-iimpok at mga negosyante at kapitalista.

3. Bangkong Rural (Rural Bank) – mga bangko na ngalalayong tulungan


ang mga magsasaka upang magkaroon ng puhunan.

4. Trust Companies – bangko na nangangalaga sa mga ari-arian at


kayamanan ng mga tao na walang kakayahang pangalagaan ang kanilang
ari-arian lalo na ng mga bata. Inaasikaso din ng bangkong ang mag pondo at
ari-arian ng simbahan at mga charitable institutions.

5. Mga Espesyal na Bangko

Land Bank of the Philippines –


itaguyod ang pagpaptupad ng
reporma sa lupa. May kinalaman ito
sa pagsasaayos ng pondo ng
pamahalaan ukol sa reporma sa lupa.

Development Bank of the Philippines (DBP) – ito ang


nagbibigay tulong
pinansyal sa pagpapatupad ng mga
programa at proyekto na magpapaunlad ng
pangunahing sektor ng ekonomya, ang
agrikultura at industriya

Al-Amanah Islamic Investment Bank of the


Philippines (Al-Amanah) –
Itinatag ito sa ilalim ng Republic Act No.
6848, layunin ng bangkong ito na tulungan

7
ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan at mapaunlad
ang kanilang kabuhayan

B. Mga Institusyong Di-Bangko


Maaaring ituring na nasa ilalim ng institusyon ng pananalapi ang mga ito
sapagkat tumatanggap sila ng kontribusyon mula sa mga kasapi, pinalalago ito at
muling ibinabalik sa mga kasapi pagdating ng panahon upang ito ay
mapakinabangan.

Kooperatiba
• Ito ay isang kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may
nagkakaisang panlipunan o pangkabuhayang layunin.
• Para maging ganap na lehitimo ang isang kooperatiba, kailangan
itong irehistro sa Cooperative Development Authority (CDA).
• Ang mga kasapi sa isang kooperatiba ay nag-aambag ng puhunan at
nakikibahagi sa tubo, pananagutan, at iba pang benepisyong mula sa
kita ng kooperatiba.

Pawnshop (Bahay-Sanglaan)
• Itinatag ito upang magpautang sa mga taong madalas mangailangan
ng pera at walang paraan upang makalapit sa mga bangko.
• Ang mga indibidwal ay maaaring makipagpalitan ng mahahalagang
ariarian tulad ng alahas at kasangkapan (tinatawag na kolateral) kapalit
ng salaping katumbas ng isinangla, kasama na ang interes.

Pension Funds
Pag-IBIG Fund – Pagtutulungan sa kinabukasan –
Ikaw, Bangko Industriya at Gobyerno ay itinatag
upang matulungan ang mga kasapi nito na
magkaroon ng sariling bahay.

Government Service Insurance System (GSIS) – Namamahala


sa pagkakaloob ng tulong sa mga manggagawa ng pamahalaan.

Social Security System (SSS) – Ito ang


nagkakaloob ng seguro sa mga manggagawa sa
mga pribadong industriya at kompanya.

Pre-Need
Ang Pre-Need Companies ay mga kompanya o establisimyento na
rehistrado sa SEC na pinagkalooban ng nararapat na lisensiya na
mangalakal o mag-alok ng mga kontrata ng pre-need o pre-need plans.

Insurance Companies (Kompanya ng Seguro)

8
Ang insurance companies ay mga rehistradong korporasyon sa SEC at
binigyan ng karapatan ng Komisyon ng Seguro (Insurance
Commission) na mangalakal ng negosyo ng seguro sa Pilipinas.

MGA HALIMBAWA:

LOGO…LOGO

Ang mga sumusunod ay mga LOGO na malaki ang


ginagampanan sa Patakarang Pananalapi. Ano-ano ang mga
ginagampanan ng mga logong ito?

Pagkatapos maipaliwanag ang mga gampanin ng bawat


isa,tukuyin kung saan nabibilang ang bawat logo. Ito ba ay
Bangko o Hindi Bangko?

BANGKO DI-BANGKO

Nagpapaimpok Tumatanggap ng
at kontribusyon at
nagpapautang

9
Pamprosesong Tanong:
1. Paano nagkakaiba ang bangko at di-bangko bilang institusyong pananalapi?
2. Bakit itinuturing na mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga institusyon
ng pananalapi sa lipunan?
3. Ano sa mga institusyon na ito ang pinupuntahan ng inyong inyong pamilya
upang makipagtransaksiyon? Ipaliwanag.
4. Gaano kalaki ang naitutulong sa iyo at sa iba pang mamamayan ng mga
institusyon na ito? Pangatwiranan

PAGSASANAY

Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo


bilang mag-aaral ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa
patakarang pananalapi. Kinakailangan ang mas malalim na
pagtalakay sa patakarang pananalapi upang maihanda ang
iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.

Gawain I. Panuto: Tukuyin ang sumusunod mula sa pinaghalong letra sa kahon.


Isulat ang sagot sa patlang.
________________1. Isa sa mga uri ng savings bank. Tumatanggap ng sanla sa
pangungutang.
BNKAVNGSAIS
DNAEGAGMTOR

________________2. Bangkong naglalayong tulungan ang mga magsasaka. May


pinakamaliit na puhunang 2 milyong piso.
LBAUANKRR

________________3. Itinatag upang matulungan ang mga kasapi nito na


magkaroon ng sariling bahay.

GIPGAIB
DUNF

_________________4. Itinatag ito upang magpautang sa mga taong madalas


mangailangan ng pera at walang paraan upang makalapit sa mga bangko.
HANPPOSW

10
_________________5. Ito ay may kinalaman sa pamamahala o pagkontrol sa
suplay ng salapi upang patatagin ang halaga ng salapi sa loob at labas ng bansa at
tiyakin na magiging matatag ang buong ekonomiya.

YATMNROE
IOLYCP
Gawain II. Punuin ang patlang para mabuo ang paghahambing.

1. Pribado: SSS; Publiko: ______________________________________________


2. Safekeeper ng reserbang dolyar: Central Bank; Unibanking: ________________
3. Bangkong katulong ng pamahalaan sa pagpapaunlad: ____________________;
Bangkong tumutulong sa pangangailangan ng Muslim: Al Amanah Islamic Bank
of the Philippines
4. Bangko: Trust Companies; ______________________________: PAG-IBIG
FUND
5. Gawain ng Bangko Sentral: Mag–isyu at panggalingan ng salapi;
___________________________________: Mapanatili ang katatagan ng presyo

Gawain III. Panuto: Hanapin sa hanay B ang bangkong inilalarawan sa Hanay A


Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
A B
1. Dahil sa malaking capital, ang mga
bangkong ito ay nagpapautang para sa
ibang layunin tulad ng pabahay at iba pa. a. Bangkong pagtitipid
2. Pangunahing layunin ng mga
bangkong ito na hikayatin ang mga tao b. Land Bank of the Philippines
na magtipid at mag-impok.
3. Itinatag ito upang mapabuti ang c. Bangkong Komersyal
kalagayang pangkabuhayan sa
knayunan. d. Development Bank of the Philippines
4. Pangunahing tungkulin nito na
tustusan ng pondo ang programang e. Bangkong Rural
pansakahan ng pamahalaan.
5. Layunin ng bangkong ito na
mapaunlad ang sektor ng agrikultura at
industriya, lalo na sa mga programang
makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya.

PAGLALAGOM

Ang mga sumusunod ay pangunahing kaisipan na dapat mong tandaan


tungkol sa modyul na ito:

 Ang salapi ay perang papel na ginagamit bilang pamalit sa produkto


o serbisyo
 Ang patakaran sa pananalapi ay isang sistemang pinaiiral ng BSP
upang makontrol ang supply ng salapi sa sirkulasyon.
 Kaugnay nito, ang BSP ay maaaring magpatupad ng expansionary
money policy at contractionary money policy.
 May dalawang (2) uri ng institusyon ng pananalapi, ang bangko at
di bangko. Bangko11ng mga bangko ang tawag sa Bangko Sentral.
Thrift, Commercial, Rural, Trust, at Espesyal ang uri ng mga bangko.
Special bank na maituturing ang Land Bank, Development Bank at Al
Amanah ng mga Muslim. Institusyong di bangko naman ang SSS,
APLIKASYON

Sa pagkakataong ito sumulat ka ng isang repleksiyon sa


patakarang pananalapi bilang isang instrumento sa
pagpapatatag ng ekonomiya. Isulat ito sa isang buong
papel.Gawing gabay ang rubriks sa ibaba.
Mga gabay:
1. Itala ang pinakamahalagang aral na natutunan mo sa
aralin
2. Ano ang dahilan at ito ang aral na higit mong naunawaan?
3. Sa iyong palagay, dapat bang matutuhan din ito ng iba
pang kabataan at mamamayan?

Kategorya Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi Nakamit Walang Iskor


Inaasahan Inaasahan Nakamit ang ang Inaasahan Napatunay
(5) (4) Inaasahan (2) an
(3) (1)
Introduksyon Nakapanghihikayat Nakalahad sa Nakalahad sa Hindi malinaw *Hindi
ang introduksyon. introduksyon introduksyon ang introduksyon nakita sa
Malinaw na nakalahad ang ang at ang ginawang
ang pangunahing pangunahing pangunahing pangunahing sanaysay.
paksa gayundin ang paksa paksa subalit paksa. Hindi rin
panlahat na pagtanaw gayundin ang hindi sapat ang nakalahad ang
ukol dito. panlahat na pagpapaliwana panlahat na
pagtanaw g ukol dito. pagpapaliwanag
ukol dito. ukol dito.
Organisasyo Lohikal at mahusay Naipakita ang Lohikal ang Walang patunay *
n ng mga ang pagkakasunud- debelopment pagkakaayos na organisado
Ideya sunod ng mga ideya; ng mga talata ng mga talata ang
gumamit din ng mga subalit hindi subalit ang pagkakalahad ng
transisyunal na makinis ang mga ideya ay sanaysay.
pantulong tungo sa pagkakalahad hindi ganap na
kalinawan ng mga nadebelop.
ideya.
Konklusyon Nakapanghahamon Naipakikita Hindi ganap na May kakulangan *
ang konklusyon at ang naipakita ang at walang pokus
naipapakita ang pangkalahata pangkalahatan ang konklusyon
pangkalahatang ng palagay o g palagay o
palagay o paksa batay pasya tungkol pasya tungkol
sa katibayan at mga sa paksa sa paksa batay
katwirang inisa-isa sa batay sa mga sa mga
bahaging gitna. katibayan at katibayan at
mga mga katwirang
katwirang inisa-isa sa
inisa-isa sa bahaging
bahaging gitna.

12
gitna.
Mekaniks Walang pagkakamali Halos walang Maraming Napakarami at
sa mga bantas, pagkakamali pagkakamali nakagugulo ang
kapitalisasyon at sa mga sa mga mga
pagbabaybay. bantas, bantas, pagkakamali sa
kapitalisasyon kapitalisasyon mga bantas,
at at kapitalisasyon at
pagbabaybay. pagbabaybay. pagbabaybay.

PAGTATAYA

Gawain I. Panuto: Isulat sa patlang ng bawat bilang ang B kung ang tinutukoy ay
Bangko, at DB kung ito ay Hindi Bangko.
________1 .DBP
________2. Cebuana Lhuiller
________3. RCBC
________4. Kooperatiba
________5. Rural Bank

Gawain II. Tukuyin kung nakatutulong o nakasasagabal ang mga sumusunod sa


ekonomiya. NT kung nakatutulong; NS kung nakasasagabal. Isulat sa patlang ang
iyong sagot.

________1. Holdapan sa bangko.


________2. Pagsasara ng mga maliliit na bangko.
________3. Kumikita ang mga negosyo ng trust companies.
________4. Pagpapaliban ng pagbabayad ng utang panlabas ng bansa.
________5. Mabagal na pagproseso ng loan ng GSIS.
________6. Pagdaragdag ng banking hours.
________7. Pagtaas ng interes ng mga utang sa bangko.
________8. Pagdami ng small and medium scale industries na nanghihiram sa ADB.
________9. Pagtaas ng piso laban sa dolyar.
________10. Dumami ang taong nag-iimpok sa bangko.

Gawain III. Panuto: Isulat sa patlang ang EMP kung kailangan ipatupad and
Expansionary Money Policy at CMP naman kung Contrationary Money Policy.
__________1. Maramiing nagsarang mga kompanya bunga ng pagkalugi at
mababang benta.
__________2. Dahil sa digmaan sa Syria, maraming Overseas Filipino Workers
(OFW) ang umuwing walang naipong pera.
__________3. Tumanggap ng Christman bonus at 13 th month pay ang karamihan sa
mga manggagawa.
__________4. Tumaas ang remittance ng dolyar sa mga OFW.
__________5. Matamlay ang kalakalan sa stock market dahil sa pandaigdigang
krisis pang-ekonomiya.

13
SANGGUNIAN

https://www.slideshare.net/dionesioable/modyul-14-patakaran-sa-pananalapi?from_action=save
https://www.slideshare.net/sherwinm29/ekonomiks-lm-yunit-3
https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-19-patakaran-ng-pananalapi

14
MGA SUSI SA PAGWAWASTO

Sagot sa…

APLIKASYON
Gawing gabay ang rubriks sa pag-iiskor (Gawain ng Guro)
PAGSASANAY
Gawain I.
1. Savings and Mortgage Bank
2. Rural Bank
3. PAG-IBIG Fund
4. Pawnshop
5. Monetary Policy

II.
1. GSIS
2. Commercial Bank
3. Development Bank of the Philippines o DBP
4. Di–Bangko
5. Layunin ng Bangko Sentral
III.
1. C 2. A. 3.E 4. B 5. D
PAGATATAYA
Gawain I Gawain II Gawain III
1. B 1. NS 6. NT 1.CMP
2. DB 2. NS 7. NS 2. CMP
3. B 3. NT 8. NT 3. EMP
4. DB 4. NS 9. NS 4. EMP
5. B 5. NS 10. NT 5. CMP

15
16

You might also like