You are on page 1of 14

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

Ikatlong Markahan Markahan – Modyul 17: Pag-iimpok at pamumuhunan


bilang isang salik ng Ekonomiya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Doreen R. Recto
Editor/Tagasuri: Arnaldo Santos and Nelia Reynera
Tagasuring Teknikal: Pedro B. Cenera
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat: Ernesto D. Tabios
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 9
Ikatlong Markahan
Modyul Para sa Sariling Pagkatuto 17
Pag-iimpok at Pamumuhunan Bilang
Isang Salik ng Ekonomiya
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul
17 para sa araling Pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng
Ekonomiya

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Modyul para sa araling


Pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng Ekonomiya. Ang modyul na
ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa modyul na ito, inaasahang matututuhan mo ang sumusunod:

A. Nailahad ang wastong pag-iimpok at pamumuhunan;


B. Nakapagbigay ng sariling opinyon tungkol sa wastong pag-iimpok at
pamumuhunan; at
C. Natukoy ang wastong pag-iimpok at pamumuhunan.

PAUNANG PAGSUBOK

Decoding

Panuto: Ibigay ang letra na nakatago sa bawat numero sa kahon upang


mabuo ang tamang salita o parirala na sumasalamin sa pahayag ng bawat
bilang.

1. Ang halagang ito na kanyang hindi nagamit mula sa kanyang sahod.


9 16 15 14
2. Kailangang ipakita sa pakikipagtransaksyon sa tauhan sa loob ng bangko.
9 4 5 14 20 9 6 9 3 1 20 9 15 14

3 1 18 4

3. Ang antas ng pag-iimpok sa isang bansa ay nakasalalay sa dami ng taong nag-iimpok at taong
gumagamit ng kanilang ipon, ito ay ayon sa______.
12 9 6 5 3 25 3 12 5

8 25 16 15 20 8 3 19 9 19
4. Dapat alamin bago magdeposito sa bangko.
16 18 15 4 21 11 20 15

5. Perang ginastos upang mapakinabangan ito sa hinaharap.

9 14 22 5 19 13 5 14 20
BALIK-ARAL
Panuto: Punan ng mga tamang salita ang Graphic Organizer sa ibaba upang
mabuo ang kaisipan tungkol sa ugnayan ng pagkunsomo at pagiimpok.

2.
naimpok 1

Commercial Banks Savings


nag-iimpok and Loans Finance nangungutang
Companies Mutual Funds
Pension Funds

5. 4.
3.

ARALIN

Pag-iimpok at Pamumuhunan Bilang Isang Salik ng Ekonomiya

Hindi lahat ng kita ng isang mamimili ay napupunta sa paggastos. Minsan


may bahagi ng kita na hindi ginagastos. Kung ang isang mamimili ay napagsiya na
hindi gastusin ang lahat o bahagi ng kaniyang kita, pinili niya na mag-impok. Ang
halagang ito na kanyang hindi ginamit ay tinatawag na ipon (savings). Ayon sa life
cycle hypothesis, ang antas ng pag-iimpok sa isang bansa ay nakasalalay sa dami
ng taong nag-iimpok at mga taong gumagamit ng kanilang ipon.

Sa “Macroeconomics” ni Roger E. A. Farmer (2002), sinasabi niya na ang


savings ay paraan ng pahpapaliban ng paggastos. Ayon naman kina Meek, Morton
at Schug (2008), ipon o savings ay kitang hindi ginamit sa pagkunsumo o hindi
ginagastos sa pangangailangan. Ang ipon na ginagamit upang kumita ay tinatawag
na investment. Ang economic investment ay paglalagapak ng pera sa negosyo. Ang
isang indibidwal ay maaari ring maglagay ng kanyang ipon sa mga financial asset
katulad ng stocks, bonds o mutual funds.

Kabayaran ng salik ₱100,000

Mga Salik ng
Produksyon
S B

Produkto at Serbisyo

Kita Produksyon ₱100,000



Gastos sa Pagkonsumo ₱90,000

Pag-iimpok Pamumuhunan
₱10,000 ₱10,000
Sa ating dayagram ang kita ng sambahayan ng ₱100, 000 mula sa bahay –
kalakal bilang kabayaran sa mga salik ng produksiyon ay hindi ginagasta lahat.
Ang ₱10, 000 ay napupunta sa pag-iimpok kaya ang kabuuang pagkonsumo ay
aabot lamang sa ₱90,000. Mapapansin na ang halagang ₱10, 000 bilang pag-
iimpok at palabas ( outflow) sa paikot na daloy. Ang halagang ₱10, 000 na naimpok
ng sambahayan ay maaaring gamitin ng mga institusyong pinansiyal bilang
pautang sa bahay – kalakal bilang karagdagang puhunan. Sa ganitong
pagkakataon, ang pamumuhunan ay nagsisilbing dahilan upang muling pumsok
ang lumabas na salapi sa paikot na daloy.

7 HABITS OF A WISE SAVER

1. Kilalanin ang iyong bangko - Magsaliksik at magtanong sa katayuang


pinansyal at ang kalakasan at kahinaan ng bangko.
2. Alamin ang produkto ng iyong bangko - Unawain kung saan mo inilagay
ang iyong perang naiimpok. Basahin at unawain ang kopya ng term and
conditions, huwag mag-atubiling linawin sa bangko ang hindi nauunawaan.
3. Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa iyong bangko – Pillin ang angkop
na bangko para sa iyo sa pamamagitan ng iyong pangangailangan at itugma
ito sa serbisyong inaalok ng bangko. Alamin ang singilin at bayarin sa iyong
bangko.
4. Inggatan ang iyong bank records at siguraduhing up – to – date –
Ingatan ang iyong Passbook, ATM, CTD, checkbook at iba pang bank record
sa lahat ng oras. Laging i-update ang iyong mga trasaksiyon sa bangko.
Ipaalam sa bangko kung may pagbabago sa contact details upang
maiwasang maipadala ang sensitibong ipormasyon sa iba.
5. Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng bangko at sa awtorisadong
tauhan nito – Huwag mag-alinlangang magtanong sa tauhan ng bangko na
nagpakita ng identification card at palaging humingi ng katabiyan ng iyong
naging transaksiyon.
6. Alamin ang tungkol sa PDIC deposit insurance – Ang PDIC hanggang
₱ 500, 000 sa deposito sa bawat depositor. Ang investment product,
fraudulent account, laundered money at depositing produkto na nagmula sa
hindi ligtas at unsound banking practices ay hindi kabilang sa segurong
(insurance) ibinibigay ng PDIC.
7. Maging maingat – Lumayo sa mga alok na masyadong maganda para
paniwalaan.
MGA PAGSASANAY
Gawain 1: Analysis
Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na balita. Batay sa “7 habits of
a wise saver” ay tukuyin ang mga bagay na nakaligtaan ng biktima at
ipaliwanag ito.

Investment scam sa FB
By Susan K. February 05,2016 - 03:00 AM

MARAMI pa rin tayong mga kababayan na nabibiktima ng mga taong


hindi naman nila kakilala ngunit pinapatulan at naniniwala sa mga
negosyong iniaalok sa kanila.Ito ang masaklap na kuwento na naman ng
isang OFW na may nakilala lamang sa Facebook ay nagtiwala na.Ibinigay
niya sa naturang lalaki ang dalawang taong naipon niya sa abroad upang
ilagay sa sinasabing magandang investmet. Pinangakuan siya ng suspek na
maaaring kumita ng 40 percent ang kanyang pera sa loob lamang ng isang
linggo.
Sino nga naman ang hindi maeengganyo sa ganyan kalaking alok?
Pakiramdam ni kabayan, walang sinabi ang dalawang taong
pagpapakahirap niya sa abroad, gayong kayang-kaya naman palang
pakitain ang kaniyang pera sa maikling panahon lamang.Naghintay ang
OFW sa pangakong kita pati na ng prinicipal nito o ang halagang ininvest
niya, ngunit mahigit isang buwan na ang nakalilipas, hindi na siya
kinokontak ng naturang business partner.Nagulat na lamang siya na
deactivated na pala ang account ng naturang lalaki sa Facebook.
Pilit na sanang kinakalimutan ng OFW ang dinanas na kalugihan dahil sa
panloloko ng nakilala lamang sa FB. Ngunit ilang buwan pa lamang ang
nakararaan at muli niyang nakita na active na naman sa FB ang lalaki.At
hindi pa ito nakuntento sa kaniyang panloloko, muling kumontak ito sa
OFW at sinabi niyang mag-invest pa ito ng panibagong P200,000 dahil
nalugi daw ang pera niya sa unang investment.
Sa labis na galit ng OFW, humingi na ito ng tulong sa pulisya at
mabilis na isinagawa ang entrapment operation.Ayon na rin sa instruksyon
ng mga pulis, kumbinsihin niya ang suspect na handa siyang magbigay
muli ng pera sa naturang lalaki at itinakda ang pagkikita nila upang
maibigay ang pera.Mabilis na nahuli ang manlolokong nagpapakilalang
kaibigan at negosyante sa FB kasama pa ng dalawang kasabwat nito.Todo
tanggi ang suspek sa mga pulis na hindi anya siya ang nanloloko sa ating
OFW kundi may mga taong kumukontak lamang sa kaniya at biktima rin
anya siya.Hindi iyon pinatulan ng mga pulis at sinabihan itong panagutan
na lamang niya ang reklamong isasampa ng OFW laban sa kanya pati na rin
ang pagpapasauli ng mga salaping kinuha niya sa OFW na diumano’y
ininvest niya sa samu’t saring mga negosyo.
Read more: https://bandera.inquirer.net/115125/investment-scam-sa-fb#ixzz6WnvH6M
Mga nakaligtaan ng biktima batay sa Ipaliwanag
7 HABITS OF A WISE SAVER

Gawain 2: Pag –aaral ng Kaso

Panuto: Basahin ang tampok na kuwento tungkol sa pag-iimpok. Gamit ang T-


tsart ay ilagay ang suliraning tinalakay, maglagay ng mungkahing solusyon.

Kuwento ng pag-iimpok ngayong tag-init.

REEL TIME presents

ANG LANGGAM NG MINALUNGAO

Animo'y mga langgam, nag-iimpok sila para paghandaan ang kahirapang


hatid ng tag-ulan.

Sa edad na labindalawang taong gulang, isa nang tour guide sa Minalungao


National Park sa Nueva Ecija si Mario. Dinadala niya ang mga turista sa
mga kweba at ilog ng Penaranda sa Minalungao. Dagsa ang mga turista
ngayong summer sa kanilang lugar kaya magandang pagkakataon daw ito
para kumita ng pera. Pagsapit kasi ng tag-ulan, matitigil ang kanilang
kabuhayan. Muli na namang tataas ang ilog ng Penaranda kaya wala nang
mga dadalaw na turista sa kanila.

Pangunguha naman ng pugad ng ibong balinsasayaw ang ikinabubuhay ng


ama ni Mario. Biniyayaan ng maraming kweba ang kanilang lugar kaya
hindi raw nakapagtataka na maraming balinsasayaw sa Minalungao. Anim
na libong piso kada kilo ang halaga nito sa merkado. Sinusuyod ng ama ni
Mario ang mga kweba at pilit pinapasok ang mga masisikip na butas ng
mga ito kahit delikado. Tuwing tag-araw lang din kasi nila ito nagagawa
dahil mahirap nang manguha pagsapit ng tag-ulan.
T-start

Suliranin Mungkahing Solusyon

GAWAIN 3: Storyline

Panuto: Gumawa ng makabuluhang dayalogo o usapan gamit ang natutuhan at


karanasan ninyo tungkol sa pag-iimpok.

PAGLALAHAT
Panuto: Lumikha o magbigay ng isang salawikain o kasabihan na
nagpapaalala sa kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan ng isang
tao. Ipaliwanag ito.

PAGPAPAHALAGA

Mystery quotation
Panuto: Sumulat ng reaksiyon hinggil sa quotation na inyong mababasa
mula sa sikat na personalidad sa larangan ng pagnenegosyo.

“Ang tamang pag-iipon, paggastos at sakripisyo ay ang tunay na susi


para isang matiwasay na buhay”. – Henry Sy

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Tama o Mali
Panuto: Isulat ang WASTO kung ang sumusunod na sitwasyon ay tama
at DI –WASTO kung mali ang isinasaad.
______1. Inunawa ni Ms. Salas ang terms at conditions ng bangko na kanyang napili bago
mag-impok ng kanyang kinita mula sa pag-oonline selling.
_____2. Binalewala ng matandang guro ang balita tungkol sa ATM switching Modus kaya ng
magwithdraw siya sa ATM ay hindi niya alintana ang pangnib at humingi siya ng
tulong sa katabi niya sa pila.
______ 3.Kaagad pumayag ang mga biktima dahil kikita daw sila ng 10 – 15 % sa loob ng
apat na buwan sa kabila ng mga balita tungkol sa cryptocurrency scam.
_____ 4.Hindi na kailangan ipagbigay alam sa bangko ang bagong contact details kung
mayroon ka namang mobile banking app.
_____ 5. Magdedeposito ako sa bangko, pero kailangan ko munang magsakilsik at
magtanong sa bangkong may magandang alok na babagay sa aking
pangangailangan.
Paunang Pagsusulit:
Decoding
1. Ipon
2. Identification Card
3. Life Cycle Hypothesis
4. Produkto
5. Invesment
Balik Aral
1. Financial intermediaries
2. Utang ( Loans)
3. Financial intermediaries
4. Pag-aari ( Assets)
5. Interest at Dibidendo ( Interest and dividents)
Pagsasaynay 1 -3
Depende sa sagot ng bata.
Panapos na Pasusulit.
1. Wasto
2. Di – wasto
3. Di – wasto
4. Di – wasto
5. Wasto
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

• Bernard R. Balitao, Martiniano D. Buising, Edward D.J. Garcia, Apollo D. De Guzman, Juanito
L. Lumibao Jr., Alex P. Mateo, at Irene J. Modejar, mga manunulat. Ekonomiks, Modyul para
sa Mag-aaral. Department of Education, 2015.
• Marc Angel D.G. Agipto at Lemark b. Viloria, mga manunulat. Pagtanaw at Pag-unawa:
Ekonimiks. DIWA LEARNING SYSTEMS INC, 2015
• https://www.google.com/search?q=building+clipart+black+and+white&tbm=isch&ved=2ah
UKEwji5ZaWgcjrAhUOXpQKHdkNBo0Q2-
cCegQIABAA&oq=building+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQARgBMgUIABCxAzICCAAyAggAMgIIAD
ICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIAFDWQVj3TmDDZWgAcAB4AYABhwyIAYcvkgENMi0xLjE
uNi0yLjIuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=a0VOX6KEJ4680QTZm
5joCA&bih=608&biw=1366&safe=active&hl=en#imgrc=J1js0kA6rIkmOM
• https://www.google.com/search?q=bahay+clipart+black+and+white&safe=active&sxsrf=ALe
Kk01RhznZEa3rLVSLuBES6s4gvTfypQ:1598964984310&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=
2ahUKEwiDhZffgMjrAhVJCqYKHdSTBtUQ_AUoAXoECAwQAw&cshid=1598964995331879&bi
w=1366&bih=608#imgrc=HTpgGp21Zc6EWM
• https://www.gmanetwork.com/news/newstv/reeltime/475546/kuwento-ng-pag-iimpok-
ngayong-tag-init-tampok-sa-reel-time/story/
• https://bandera.inquirer.net/115125/investment-scam-sa-fb

You might also like