You are on page 1of 15

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-walong Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 18: Mga Angkop na Kilos ng Pagsunod at


Paggalang sa may Awtoridad

Unang Edisyon, 2020


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Jerome M. Jurada
Editor: Gregorio Fiel S. Pineda
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, Ph. D. at Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat: Maricel F. Azcarraga
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa Pagpapakatao
8
Ikatlong Markahan
Modyul 18 para sa Sariling Pagkatuto
Mga Angkop na Kilos ng Pagsunod at
Paggalang sa may Awtoridad
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8
ng Modyul para sa araling Mga Angkop na Kilos ng Pagsunod at Paggalang sa may
Awtoridad!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul ukol sa


Mga Angkop na Kilos ng Pagsunod at Paggalang sa may Awtoridad!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa mga


magulang, nakatatanda at may awtoridad at nakaiimpluwensya sa kapwa
kabataan na maipamalas ang mga ito. EsP8PBllld10.4

Mga Layunin

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

A. Nakapagtatala ng mga sinusunod na alituntuning ipinatutupad ng


may awtoridad

B. Naibibigay ang kahalagahan ng pagsunod at paggalang sa may


awtoridad sa panahon ng community quarantine

C. Nakabubuo ng isang liham para sa kapwa kabataan tungkol sa


pagsunod at paggalang sa may awtoridad

PAUNANG PAGSUBOK

Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang wastong sagot
at isulat ito sa patlang.

________1. Ano ang tinutukoy kapag nabanggit na ang isang tao ay may
awtoridad?

a. Isang indibidwal na mamamayan ng bansa

b. Sinumang nagmamalasakit sa kanyang bayan

c. Isang tao na lubos na mapagkakatiwalaan sa mga sikreto at lihim

d. Ang sinumang tao na napagkalooban na magtalaga at magpatupad ng


mga panunutunan
________2. Tulad ng iyong magulang, paano rin maipapakita ang paggalang
at pagsunod sa mga nakakatanda at may awtoridad?

a. Pagpuri sa kanila

b. Humingi ng kapalit sa iyong ginagawa

c. Kung sila ay kaibig-ibig at kapuri-puri

d. Kung kinikilala ang kanilang mga halaga

________3. Paano mo mas higit na maipapakita ang paggalang sa mga taong


may awtoridad?
a. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran
b. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga
pagkakamali
c. Unawain na ‘di lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin
ay magiging kaaya-aya para sa iyo
d. Lahat ng nabanggit

________ 4. Isinama sa panalangin sa naganap na online prayer meeting ang


mga namumuno sa inyong lungsod upang kayo ay gabayan at bigyan sila ng
kakayahan at katalinuhan upang maging matagumpay sa pamumuno sa
inyong bayan. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Maging halimbawa sa kapwa
b. Basahin at pag-aralan ang tagubilin ng Diyos sa paggalang sa may
awtoridad
c. Laging ipanalangin ang mga taong may awtoridad na ikaw ay
pamahalaan
d. Alamin at unawain na ‘di lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat
sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo
________5. Bilang lider ng kanilang lugar na tinitirahan, ipinakita ni Vito ang
kanyang dedikasyon at pagmamalasakit sa kanyang nasasakupan. Ito ay
nagpapakita na…
a. Maging halimbawa sa kapwa
b. Basahin at pag-aralan ang tagubilin ng Diyos sa paggalang sa may
awtoridad
c. Laging ipanalangin ang mga taong may awtoridad na ikaw ay
pamahalaan
d. Alamin at unawain na ‘di lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat
sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo

BALIK-ARAL
Pillin sa kahon at isulat sa patlang ang tinutukoy ng bawat pahayag
kaugnay sa tamang pagpapakita ng pagsunod at paggalang sa magulang.
________1. Humihingi ng pahintulot at iniingatan ang mga hiniram.
________2. Pagbigkas ng magagalang na pananalita at pakikinig sa kanilang
mga payo.
________3. Pag-uwi nang maaga sa tahanan.
________4. Hindi pag-abuso sa mga itinakdang hangganan sa loob ng
tahanan.
________5. Pagbati at pag-alala sa kanila sa mga mahahalagang okasyon.

A. Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal

B. Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon

C. Pagiging maalalahanin

D. Paggalang sa kanilang mga kagamitan

E. Pagtupad sa itinakdang oras

F. Pagtugon sa kanilang pangangailangan


ARALIN
Basahin mo ang bahagi ng isang inilathalang balita.

MAYNILA -- Sa halip na ibilad sila sa


ilalim ng araw, nakahanap ng isang
produktibong paraan ang mga opisyal
ng isang sitio sa Taytay, Rizal para
madisiplina ang mga taong
nahuhuling lumalabag sa quarantine
protocol.

Ilang oras pinagtatanim ang mga


quarantine violator sa Sitio Bato-Bato
II sa Barangay Dolores.

Isang bakanteng lote sa sitio ang


ginawang vegetable garden para rito. https://twitter.com/biancadava/status/1273490218671194113/photo/1

"Sila [residents] po ang magbe-benefit. Wala pong bayad, kukuha lang po


sila diyan... 'Pag may itinanim, may aanihin. Kapag nagugutom sila, may
mapagkukunan," ani Jeffrey Bernardez, purok chairman ng Sitio Bato-Bato
II.

Mula nang ipatupad ang community


quarantine noong Marso, hindi bababa
sa 50 violators, karamihan ay mga
kabataan, ang "naparusahan" dahil sa
paglabag sa curfew hours at hindi
pagsuot ng face mask.

Matapos ang community service,


pinauuwi rin ang mga violator.

https://twitter.com/biancadava/status/127348998362237337photo/1

Ano ang iyong reaksyon matapos mong mabasa ang balita? Sang-ayon ka
ba o hindi sa pamamaraang ito ng may awtoridad? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Sa nagdaang aralin ay tinalakay na natin kung paano natin maipapakita
ang pagsunod at paggalang sa ating magulang maging sa mga nakatatanda.
Sa bahaging ito, ating aalamin ang mga wastong paraan kung paano naman
maipakikita ng kabataan ang paggalang sa sinumang tao na napagkalooban
ng kapangyarihan na magtalaga at magpatupad ng mga panuntunan o mas
kilala rin sa tawag na may awtoridad.

https://www.wikihow.com/images/0/09/Deal-With-Bullying-when-Authority-Figures-Are-Unsupportive-Step-15.jpeg

Narito ang ilan sa mga paraan upang maipakita ang paggalang sa mga
taong may awtoridad (ayon kay Wolff, n.d.)

 Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng Diyos sa paggalang


sa mga taong may awtoridad. May mga taong pinili ang Diyos upang
pagkalooban ng tungkulin at pagkatiwalaan ng Kaniyang awtoridad.

 Lagi mong ipanalangin ang mga taong may awtoridad na ikaw ay


pamahalaan. Sa pamamagitan ng panalangin, hilingin na sila’y
pagkalooban ng sapat na karunungang gagabay sa makatwirang
pagpapasiya, lakas ng loob at malusog na pangangatawan upang
makapagpatuloy sa paggawa at paglilingkod sa kapwa.

 Maging halimbawa sa kapwa. Mas madaling mauunawaan ng iyong


kapwa ang kahalagahan ng paggalang at pagsunod kung nakikita nila
ang iyong pagsusumikap na igalang at sundin ang iyong mga
magulang, nakatatanda at may awtoridad, at nakikita rin nila ang
mabuting naidudulot nito sa kanilang pagkatao at sa lipunan

 Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na


dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo. Maipakikita pa rin
ang paggalang kahit na magkasalungat ang mga pananaw at
paniniwala. Kailangan lamang ng maayos na diyalogo upang
maisaalang-alang ang kabutihang panlahat.
MGA PAGSASANAY

Gawain 1

Ngayong may pandemya, maraming pagbabago sa mga panuntunan


ang ipinatutupad ng may awtoridad sa ating pamayanan. Mahalaga na
maging pamilyar at sumunod ang bawat isa sa tinatawag na new normal.

Isulat mo ngayon sa loob ng kahon sa ibaba ang tatlong batas o


alituntunin na ipinatutupad ng awtoridad at ang kahalagahan nito habang
may community quarantine.
Mga Sinusunod na Alituntunin sa panahon ng Community Quarantine:

1. _____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

2. _____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

3. _____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Gawain 2

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng tsek (✓)ang


patlang kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagsunod at paggalang sa
may awtoridad, maging sa kanilang mga ipinatutupad na panuntunan sa
panahon ng community quarantine. Ilagay naman ang ekis (X) kung hindi.

______ 1. Upang masayang maipagdiwang ang ika-18 kaarawan ni Debora


sa panahon ng pandemya, inimbitahan niya para sa isang salo-salo
ang kanyang mga kamag-anak, kaklase at kaibigan.

______ 2. Ang magbabarkadang Bong, Johnny at Jose ay nahuli ng barangay


tanod dahil sa paglabag sa ipinatutupad na curfew.

______ 3. Nagsusuot ng face mask si Larry tuwing lumalabas ng tahanan.

______ 4. Kahit menor de edad pa lamang, nakapasok si Harry sa mall para


mamasyal kasama ang kanyang mga nakatatandang kaibigan.

______ 5. Dahil alam niyang mapanganib na lumabas ng bahay para sa


tulad niyang kabataan, naghanap na lamang si Kim ng mga bagong
libangan habang nasa loob siya ng kanilang tahanan.
Gawain 3

Kabilang ang may awtoridad sa mga nahaharap sa malaking hamon


sa panahon ng pandemya. Isa sa hakbang na maaari mong gawin upang
maipakita ang pagsuporta sa kanila ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
maikling pangako ng pagsunod at paggalang.

Sa bahaging ito, ikaw ay sumulat ng maikling pangako (2-3


pangungusap), ilahad mo ang mga pangakong hakbang ng pagsunod at
paggalang sa may awtoridad na iyong gagawin ngayong may umiiral na
community quarantine.

PAGLALAHAT
Sa panahon ng pandemya, paano mo maipapakita ang iyong
pagsunod at paggalang sa may awtoridad? Iyong kumpletuhin ang
pangungusap batay sa iyong pagkakaunawa sa tinalakay na aralin.

Bilang kabataan, maipapakita ko ang pagsunod at paggalang sa


may awtoridad sa pamamagitan ng __________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
PAGPAPAHALAGA

Mahalaga na malaman ang mga


angkop na kilos ng pagsunod at
paggalang sa may awtoridad dahil
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________

Habang may umiiral na community


quarantine dulot ng pandemyang CoVid-
19, mahalagang sundin at igalang ang
mga panuntunan at may awtoridad
dahil _________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

Lahat tayo ay napapasailalim sa awtoridad. Ang mga angkop na kilos ng


pagsunod at paggalang sa may awtoridad ay kailangan mong mabatid bilang
iyong gabay upang maipakita ang nararapat na kilos at pakikitungo sa
kanila lalo na sa panahon ngayon na mayroong pandemya.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
May iba’t ibang balita tungkol sa kabataan na nagpakita ng pagsunod
at paggalang sa may awtoridad o hindi kaya’y kabaliktaran nito sa panahon
na mayroong community quarantine.

Kung bubuo ka ng isang liham para sa kapwa mo kabataan na


maaari nilang mabasa sa social media, telebisyon o dyaryo tungkol sa
pagpapamalas ninyo ng pagsunod at paggalang sa may awtoridad, ‘ano ang
gusto mong lamanin nito? Isulat ito at ang impormasyon na maaaring
lamanin nito.

Sa kapwa ko kabataan,

__________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

_____________________

_____________________
SUSI SA PAGWAWASTO
Paunang Pagsubok

Balik-Aral

Gawain 2

Sanggunian
Bognot, Regina. et.al. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8, Modyul Para
Sa Mag-aaral. Pasig: Kagawaran ng Edukasyon, 2013.
https://news.abs-cbn.com/news/06/18/20/quarantine-violators-sa-sitio-
sa-taytay-nagtatanim-bilang-community-service

https://twitter.com/biancadava/status/1273489983622373376/photo/1
https://twitter.com/biancadava/status/1273490218671194113/photo/1
https://www.wikihow.com/images/0/09/Deal-With-Bullying-when-
Authority-Figures-Are-Unsupportive-Step-15.jpeg

You might also like