You are on page 1of 12

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang

Ikalawang Markahan – Modyul 8: Mga Angkop na Kilos ng Pasasalamat


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Jezreel M. Caranguian
Editor: Irma C. Angkiangco
Tagasuri: Perlita M. Ignacio RGC, PhD, Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC- Office of the Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta EdD
OIC- Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa Pagpapakatao
8
Ikatlong Markahan
Modyul 8
Mga Angkop na Kilos ng Pasasalamat
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Angkop na Kilos ng
Pasasalamat! Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod,
Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Angkop na Kilos ng
Pasasalamat! Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala
ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makympleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyan halaga

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUBOK
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN
Naisasagawa ang mga angkop na kilos at pasasalamat sa kapwa.

MGA LAYUNIN

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito ikaw ay inaasahang:

A. nauunawaan ang kahulugan ng pasasalamat;

B. nasusuri ang sarili kung nagiging mapagpasalamat; at

C. nakaiisip ng praktikal na hakbang upang maipakita ang angkop na kilos


ng pasasalamat sa kapwa.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Iguhit sa ibaba kung paano ka makakapagpakita ng pasasalamat sa mga
taong nasa paligid mo.
BALIK-ARAL
Pagtapat-tapatin:

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang sagot sa Hanay A. Isulat ang titik lamang.

Hanay A Hanay B

__1.Pagkilala sa mga biyayang natanggap a. nakakalugod


__2. Ang pasasalamat sa salitang Ingles b. pagtatangi o kabutihan
__3.salitang Latin na gratus c. libre o walang bayad
__4.salitang Latin na gratia d. gratitude
__5.salitang Latin na gratis e. Pasasalamat
f. Patience

ARALIN
Mga Angkop na Kilos ng Pasasalamat

Bahagi ng pasasalamat sa kapwa ay ang pagkakawanggawa o sa salitang Ingles,


charity. Ito ay ang pag-aabot ng ating kamay upang tugunan ang pangangailangan
ng iba at pagbalik ng tulong na ibinahagi sayo ng iyong kapwa. Sa pamamagitan
ng pagtulong, natutunan nating damhin ang pangangailangan ng iba at makapag-
isip ng praktikal na paraan upang mabawasan ang kanilang paghihirap.

Sa bilang isa hanggang lima kung saan ang isa (1) ang pinakamahalaga, Isulat ang
mga pinasasalamatan mo sa buhay ayon sa iyong pagpapahalaga.

1.______________________________

2.______________________________

3.______________________________

4.______________________________

5.______________________________
Sagutin ayon sa sariling karanasan.

1. Sino-sino ang binibigyan mo ng pagpapahalaga sa buhay?

2. Naipakikita mo ba ang iyong pasasalamat sa kanila? Paano?

3. Mahalaga ba para sa iyo ang maging mapagpasalamat?

Narito ang ilang praktikal na paraan upang maipakita ang pasasalamat sa kapwa
at pagkakawanggawa.

1. Simulan ang araw na magpasalamat sa Diyos at tanggapin ang pag-ibig


Niya. Kaya ka nakapagpapakita ng pagmamahal sa iba ay dahil sa
naranasan mo sa iyong buhay ang pagmamahal ng Diyos.

2. Manalangin na gamitin ka ng Diyos para abutin ang iba. Maging bukas sa


paggabay ng Diyos upang dalhin ka sa isang taong may pangangailangan.
Manalangin ng karunungan upang malaman kung paano makatutulong
kahit sa simpleng pamamaraan.

3. Laging isipin na may paraan kang magagawa upang matulong sa iyong


kapwa. Tandaan ang pagtulong sa Kapwa ay pagpapakita rin ng
pasasalamat sa lahat ng pagpapala na ipinagkatiwala sa atin ng Diyos.

4. Himukin ang iba na maging kasama mo sa pag-abot ng iyong kapwa. Huwag


kaligtaan ang maaring itulong ng iba.

5. Maging mapagpasalamat. Sa bawat oportunidad na makatulong, ugaliing


magpasalamat.

Ang pasasalamat ay halaw sa mga salitang “Pasa” at salamat, ibig sabihin ay mga
bagay na naisagawa dahil nais mong ipasa ang maganda at maayos na pakikitungo
na ipinadama ng iyong kapwa. At dahil ito ay iyong naranasan nais mo rin itong
ipasa sa iba.
MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1

Isulat sa loob ng puso ang iyong mga pasasalamat sa mga nakasulat sa loob ng
puso.

Sa Diyos Mga Kaibigan

Mga Magulang o
nagsilbing gabay sa
Mga Guro iyong buhay

Pagsasanay 2.

Kung susuriin mo ang iyong sarili, naging mapagpasalamat ka ba? Lalo sa ating
pinagdadaanan natin ngayong panahon ng pandemya. Bigyan ng marka ang iyong
sarili kung ikaw nga ba ay naging mapagpasalamat. (1 ang pinakamababa, 5 ang
pinakamataas). Bilugan ang iyong sagot.

• Pamilya na nakakasama sa loob ng tahanan 1 2 3 4 5


• Malusog na pangangatawan 1 2 3 4 5
• Pagkain sa hapagkainan 1 2 3 4 5
• Mga kaibigan na maasahan 1 2 3 4 5
• Pag-abot ng tulong ng pamahalan 1 2 3 4 5
Pagsasanay 3

Ano ang iyong natutunan tungkol sa PASASALAMAT? Gumawa ng isang acronym


gamit ang mga titik ng salitang SALAMAT. Gawin ang mga letrang ito, isulat ang
iyong natutunan o dapat gawin tungkol sa PASASALAMAT:

S____________________________________________________________

A____________________________________________________________

L____________________________________________________________

A____________________________________________________________

M____________________________________________________________

A_____________________________________________________________

T_____________________________________________________________

PAGLALAHAT
Ano ang mahalagang konseptong iyong natutuhan mula sa araling
“Mga Angkop na Kilos ng Pasasalamat”
Sumulat ng tatlong salita sa bawat kahon na tumutugon sa iyong
natutuhan sa modyul na ito.
PAGPAPAHALAGA
Mga Hakbang tungo sa Pagpapahalaga

Ako

Ano ang dapat mong baguhin sa iyong ugali upang mas maging mapagpasalamat?

______________________________________________________________
Para sa Kapwa

Mag-isip kung paano mo maipapakita ang iyong pasasalamat sa iba.

______________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pangugusap ay nagpapahayag ng
mabuting gawain ng PASASALAMAT, isulat naman ang salitang MALI kung hindi.

_________1. Simulan ang araw na magpasalamat sa Diyos at tanggapin ang pag-ibig


Niya.

_________2. Manalangin na gamitin ka ng Diyos para abutin ang iba.

_________3. Laging isipin na may paraan kang magagawa upang matulong sa iyong
kapwa.

_________4. Himukin ang iba na maging kasama mo sa pag-abot ng iyong kapwa.

_________5. Maging mapagpasalamat. Sa bawat oportunidad na makatulong,


ugaliing magpasalamat.
SUSI SA PAGWAWASTO
Sagot sa Balik-aral
5. C 4. B 3. A 2. D 1. E

Sagot sa Panapos na Pagsusulit


3. TAMA
5. TAMA 2. TAMA

4. TAMA 1. TAMA

Sanggunian
A. Aklat

Calsado, Ric, Jade Diaz, Dolores Quiambao, and Veronica Ramirez. 2016. Good
Character Matters. Quezon City: Vibal Group, Inc.
Guzman, Carmelita E. De, Elsie G. Celeste, and Marivic R. Leano. 2019.
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8. Manila: Vicarish Publications and
Trading Inc.
Del Rosario, Guevarra, Alonzo, and Cruz. 2015. Daloy. Pasig City: ICI Ministries-
Foundation, Inc.

B. Pampamahalaang Publikasyon

Kagawaran ng Edukasyon. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao 8. Pasig City: FEP


Printing Corporation.

You might also like