You are on page 1of 12

Ang Emosyon

Sa pilosopiya ni Scheler (Dy, 2007)


ang damdamin ang pinakamaha-
lagang larangan ng pag-iral ng tao.
May apat na uri ng damdamin:
1. Pandama (sensory feelings).
2. Kalagayan ng damdamin (feelings
state
3. Sikikong damdamin (psychical
feelings).
4. Ispiritwal na damdamin (spiritual
feelings).
Ayon kay Feldman (2005, ph.346),
sa pamamagitan ng emosyon ay:
a. Nababatid ng tao ang nangyayari
sa kaniyang paligid at nabibigyan
ito ng katuturan ng kaniyang isip.
b. Nakatutukoy ng higit na angkop
na kilos kung sakaling maramda-
man muli ang damdamin.
c. Nagagamit sa pakikipag-
komunikasyon at pakikipag-
ugnayan sa kapwa
Nakita ng mga ilang siyentipiko tulad
nina Salovey, Gardner, at Goleman
ang kahalagahan ng pamamahala sa
emosyon sa pagpapaunlad ng sarili
at pakikipagkapwa. Kapag napagta-
gumpayan ng tao ang pamamahala
ng kaniyang emosyon, nanganga-
hulugan na mataas ang kaniyang EQ
o Emotional Quotient na kilala rin sa
tawag na Emotional Intelligence.
Narito ang limang pangunahing
elemento ng EQ
1. Pagkilala sa sariling emosyon.
2. Pamamahala sa sariling emosyon.
3. Motibasyon.
4. Pagkilala at pag-unawa sa
damdamin ng iba.
5. Pamamahala ng ugnayan
Ilan sa mga mungkahing paraan
upang mapamahalaan ito ay
a. Tanungin ang sarili, “hahayaan ko
bang magawa ko ang di karapat-
dapat o mas pipiliin kong gumawa
ng makabubuti?”
b. Tanggapin na ikaw ay takot
harapin ang takot, ngunit isipin na
mayroon pang higit na magandang
mangyayari.
c. Isaisip na ang tagumpay ay hindi
nasusukat sa yaman,
kapangyarihan, at pagiging tanyag
kung hindi sa kakayahan na
mamuhay nang may
pagpapahalaga at dangal.
d. Matutong tanggapin na may
hangganan ang lahat ng bagay na
mayroon tayo, tao man o bagay.
e. Sa tuwing ikaw ay nawawalan ng
pag-asa, isipin na may mga taong
maaari mong pagkatiwalaan at
mahingan ng tulong.
Ang mga iminungkahing paraan
kalakip ang mga birtud ay
nakatutulong upang mapamahalaan
ang emosyon

You might also like