You are on page 1of 17

ANG MAPANAGUTANG

PINUNO AT KATRABAHO
A R A L I N 11
Ano man ang aking
maging tungkulin,
ito ay
mapanagutan kong
gagampanan. Lider ka ba
o
katrabaho?
• “Hindi magiging mabuting pinuno ang
taong hindi naging mabuting katrabaho”?
Bakit?

• Kung halimbawang naghahanap ng


magiging pinuno at katrabaho ang inyong
samahan, alin ang pipiliin mong
gampanan? Bakit?
IBA’T IBANG SAMAHAN NG MGA TAO

Barangay
Pamilya
Korporasyon
Institusyon
Pamahalaan
KAHALAGAHAN NG PAGIGING
MAPANAGUTANG LIDER AT KATRABAHO

Ang pamumuno ay kadalasang ikinakabit natin sa mga


pormal na grupo at organisasyon katulad ng makikita sa isang
samahang politikal, pamahalaan at mga institusyon.

Ang mahusay na pamumuno ay kailangan sa pag-unlad


ng bansa at sa kaligtasan nito mula sa mga nagbabantang
panganib.

Kung walang mga pinuno na nangunguna at


mangangasiwa para hubugin ang isang pangkat, samahan, o
kalipunan ng mga tao, ang mga nasasakupan at lipunan ay
walang mabuting patutunguhan.
Matagumpay ang pangkat kung gagampanan ng bawat
isa, lider man o katrabaho, ang kaniya-kaniyang tungkulin.

Higit na epektibo ang sama-samang paggawa at


pagsusumikap sa pag-abot ng adhikain ng samahan kaysa sa
indibidwal na paggawa.

Ang mga sundalo, atleta, at empleyado, na siyang


nanguna sa paggawa at pagtaguyod ng adhikain ng samahan
ay siyang patunay na maraming mabubuting bagay ang
naidudulot ng pagkakaroon ng mga kasama at katrabaho na
lubhang mahuhusay.
WALONG KATANGIAN NG
MAPANAGUTANG LIDER

 Kapag pinag-uusapan ang tungkol sa mahusay


na pinuno, sino ang naaalala mo?

 Anong mga katangian niya ang lubos mong


hinangaan?
1. Ang mapanagutang lider ay mahusay sa pagpaplano at
pagpapasiya – Isa sa mahahalagang tungkulin ng lider ay
ang pagpaplano at pagdedesisyon.

2. Ang mapanagutang lider ay may integridad – Ang isang


lider ay mahihirapang mamuno kung ang mga taong
kaniyang pinamumunuan ay hindi nagtitiwala sa kanya at
hindi maibigay ang respeto na kinakailangan niya. Ang
tiwala at respeto na kinakailangan ng isang pinuno ay
kaniya lang makukuha kung siya ay patuloy na lalakad na
may integridad. Ang mahusay na pinuno ay makatwiran at
may mataas na moralidad.
3. Ang mapanagutang lider ay huwaran at inspirasyon –
Ang mahusay na pinuno ay isang huwaran at modelo na
tinutularan. Nagsisilbi siyang inspirasyon sa kaniyang
nasasakupan.

4. Ang mapanagutang lider ay naniniwala sa kakayahan


ng kapwa – Ang mapanagutang pinuno ay may adhikain na
mapaunlad ay mapabuti ang kaniyang nasasakupan.
Tinutulungan niyang paunlarin ang potensiyal at kakayahan
ng kapwa.
5. Ang mapanagutang lider ay may positibong pananaw at
saloobin – Ang mahusay na pinuno ay may positibong
saloobin at makabuluhang tanawin sa buhay.

6. Ang mapanagutang lider ay naglilingkod sa kapwa –


Ang isang pinuno ay handang maglingkod para sa
kapakanan ng iba.
7. Ang mapanagutang lider ay mahusay sa paglutas
ng suliranin – Ang mahusay na katangian ng isang
pinuno ay ang kakayahang tukuyin ang suliranin upang
ito ay mabigyang-lunas.

8. Ang lider ay marunong makipagsapalaran – Ang


isang mahusay na lider ay matapang sa pagharap sa
mga pagsubok at suliranin.
LIMANG KATANGIAN NG
MAPANAGUTANG KATRABAHO

 Ano sa iyong palagay ang mga katangiang dapat


taglayin ng mga katrabaho para sa pagtatagumpay ng
pangkat?
1) Ang mapanagutang katrabaho ay ulirang kasapi –
Aktibong nakikibahagi ang katrabaho para sa
matagumpay na pagkakamit ng layunin ng samahang
kinabibilangan niya.
2) Ang mapanagutang katrabaho ay mapanuri –
Taglay niya ang kritikal na pag-iisip. Maingat at kritikal
niyang pinipili ang pinuno.
3) Ang mapanagutang katrabaho ay tapat maglingkod
– Aktibo siyang nakikilahok sa mga gawain ng
pangkat.Ginagawa niya nang tapat at taos-puso ang
paglilingkod upang matamo ang layunin ng samahan.
4) Ang mapanagutang katrabaho ay isinasaalang-
alang ang kabutihang panlahat – Ang katrabaho ay
aktibong nakikilahok sa pagpapapasiya upang
makatulong sa pagsasakatuparan ng gawain ng
pangkat.

5) Ang mapanagutang katrabaho ay nakikiisa at


sumusunod sa lider – Inaasahan mula sa mabuting
katrabaho na gumawa ng aksiyon o kilos na tugma sa
ipinatutupad ng lider.
MAPANAGUTANG LIDER AT
KATRABAHO TUNGO SA PAG-UNLAD
Ang pagganap sa iyong tungkulin bilang lider o katrabaho ay
makatutulong sa pag-unlad ng sarili. Nabibigyan ka nang pagkakataon
na higit na makilala at mapamahalaan ang iyong sarili sa paganap mo
ng tungkuling nakaatang sa iyo.

Sa pamamagitan ng tungkuling iyong ginagampanan ay higit


mong napagtanto kung ano ang layunin at kahulugan ng iyong buhay.
Nahahasa ang iyong mga kakayahan tulad ng mabuting paggawa,
makatwirang pagpapasiya, at kritikal na kaisipan. Ang mga
pagpapahalaga tulad ng pagmamahal at paglilingkod sa kapwa,
kapayapaan, at pakikiisa ay nalilinang sa maayos na pagtupad ng
iyong mga tungkulin.
Ang kakayahang gumawa kasama ang iba sa pagkakamit ng
layunin ng pangkat ay pagkakaroon ng mapanagutang ugnayan sa
kapwa. Sa isang pangkat nasusubok ang kakayahan mong
makipagkapwa bilang lider o katrabaho.

Ang isang mapanagutang lider at katrabaho ay may


maiaambag sa ikabubuti ng lipunan. Yamang maituturing ang
magkaroon ng mga mahuhusay na pinuno at mga katrabaho dahil
kabalikat sila sa pag-unlad ng lipunan at bansa.
Dulo ng Slide..................

MARAMING SALAMAT
SAINYONG PAKIKINIG!!

You might also like