You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

8 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Edukasyon
sa na Markahan – Modyul 1
Ikaapat
Ang Katapatan sa Salita at Gawa
Pagpapakata
o

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Alamin

Magandang araw mag-aaral! Ikaw ay magkakaroon ng bagong kaalaman


tungkol sa katapatan sa salita at sa gawa. Sa bahaging ito ay matutuklasan mo ang
kahalagahan ng katapatan sa salita at gawa at mga paraan ng pagpapakita nito na
magagamit mo sa pagpapa-unlad ng iyong pakikipagkapwa.

Sa modyul na ito inaasahang malinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan at nakikilala ang kahalagahan ng katapatan, mga paraan ng pagpapakita
at bunga ng hindi pagpapamalas nito, nasusuri ang mga umiiral na paglabag ng mga
kabataan sa katapatan at nakabubuo ng mga hakbang upang mapaunlad ang
katapatan sa salita at gawa.

EsP8PBIIIg-12.1
EsP8PBIIIg-12.2

Modyul
1 Ang Katapatan sa Salita at Gawa

Balikan
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin kung ito ba ay
paggalang sa magulang, paggalang sa nakakatanda o paggalang sa
awtoridad. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

_____1. Mapaalam bago umalis ng bahay.

_____2. Pagbibigay ng espasyo ng upuan sa bus sa isang ginang.

_____3. Pagsunod sa curfew na ipinapatupad ng barangay.

_____4. Pagbati sa mga guro na nakakasalubong sa paaralan.

_____5. Pagtulong sa isang lola na tumawid sa daan.

1
Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng wastong
sagot sa iyong sagutang papel.

_____1. Paano naipakikita ang paggalang sa kapwa?


A. Pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo.
B. Pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay
C. Pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan.
D. Pagbibigay ng halaga sa isang tao.

_____2. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa


pamilya?
A. Nabubuklod nito ang mga henerasyon.
B. Napagtitibay nito ang presensiya ng pamilya.
C. Naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya.
D. Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib.

_____3. Alam mong may ilang araw nang hindi pumapasok sa paaralan ang
nakatatanda mong kapatid. Nais mong sabihin ito sa inyong mga
magulang ngunit tinatakot ka niya.

Sasang-ayon kaba sa kagustuhan niya? Ano ang gagawin mo?


A. Oo, dahil mas malilinang ang kanyang talento sa labas ng paaralan
B. Hindi, dapat malaman ito ng aking mga magulang upang siya ay
matulungan.
C. Oo, dahil bilang nakatatandang kapatid, dapat kong igalang ang
kanyang gusto.
D. Hindi, isusumbong ko siya para pagalitan ng aking mga magulang at
tuluyang patigilin sa pag-aaral.

_____4. Nag-iisang itinataguyod ni Aling Fely ang kaniyang tatlong anak. Maliliit
pa lamang ang kanilang mga anak nang siya ay naging biyuda. Panatag
siya dahil alam niyang napalaki niya ang mga ito nang maayos. Subalit
may pagkakataon na nangangamba siya dahil sa mga teenager na sila.

Paano mapatatatag ng pamilya ni Aling Fely ang kanilang samahan?

A. Sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses


isang linggo.
B. Pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone /
email kung nasa malayong lugar.

2
C. Pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan, tulad ng
pag-uwi nang maaga.
D. Pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa
kalagayan ng bawat isa.

_____5. Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakitaan
mo ng mga gawaing taliwas sa dapat nilang gampanan. Maraming
kabataang tulad mo ang nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay
magpapakita pa ng paggalang at pagsunod sa mga ito.

Ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila?

A. Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapat


ipaglaban. Gawin kung ano ang inaasahan sa iyo ng iyong kapwa.
B. Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan. Sumangguni sa ibang
may awtoridad na nabubuhay nang mabuti at kumilos ayon sa iyong
kilos-loob.
C. Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa ng
pagkakamali, lalo na kung hindi naman ikaw ang naapektuhan.
D. Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang paglabag sa
batas. Hindi makatarungan na ang nagpapatupad sa batas ay siyang
lumalabag dito.

_____6. Kilala si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase.


Madalas na nahuhuli siya ng kaniyang guro na hindi nakikinig sa klase
at sa halip ay kinakausap at ginagambala ang kaniyang kaklase.
Kapag siya ay nahuhuli ng guro sinasabi niya na nadadamay lamang
siya dahil palagi siyang kinakausap ng kaklase.
Anong uri ng pagsisinungaling ang ginagawa ni Angelo?
A. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao
(Prosocial Lying).
B. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na
mapahiya, masisi o maparusahan (Self-enhancement Lying)
C. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng
ibang tao (Selfish Lying)
D. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa (Antisocial
Lying)

3
_____7. Alin ang HINDI dahilan ng pagsasabi ng totoo?
A. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa.
B. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang
makaramdam ng seguridad at kapayapaan ng kalooban.
C. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksiyon ng mga taong
nagsisinungaling para kaawaan sila.
D. Hindi mo na kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan
para lamang mapanindigan ang iyong nilikhang kuwento.

_____8.
Hindi tuwirang sinagot ni Ramil si Rene ng tanungin siya nito kung may
gusto siya kay Charmaine. Sa halip ay sinagot niya ito na magdadala
kay Rene na mag-isip nang malalim at ang kaniyang sagot ay maaaring
mayroong dalawang kahulugan.

Anong pamamaraan ng pagtatago sa katotohananang ipinakikita Ramil?


A. Pag- iwas
B. Pananahimik
C. Pagtitimping pandiwa (mental reservation)
D. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan

_____9. Alin ang HINDI kabilang sa mga uri ng pagsisinungaling?


A. Pagsisinungaling upang mapasaya ang iba.
B. Pagsisinungaling para protektahan ang ibang tao.
C. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili kahit na makakasama sa
ibang tao.
D. Pagsisinungaling upang iligtas ang sarili na masisi, mapahiya o
maparusahan.

_____10. Alin ang katangian ng taong may katapatan sa gawa.


A. Tumatanggap ng suhol o pera
B. Nanloloko at nanlilinlang ng ibang tao
C. Hindi kukuha ng bagay na hindi sa kanya
D. Magaling lamang sa pangako ngunit hindi sa gawa

4
Tuklasin
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at kopyahin ito sa iyong sagutang papel.
Lagyan ng tsek (/) ang kolum kung MATAPAT ang sitwasyon o nagpapahiwatig ng
katapatan at ekis naman (X) kung ito ay HINDI MATAPAT.

MATAPAT (/)
SITWASYON HINDI
MATAPAT (X)
1. Nagpaalam si Mikay sa kaniyang ina na pupunta siya sa
bahay ng kaniyang kaibigan ngunit hindi niya sinabi rito
na malayo ang tirahan ng mga ito.
2. Pinagtakpan ni Monina ang kaniyang kapatid sa kanilang
magulang kahit na ito ay labag sa kaniyang kalooban.
3. Hindi sinabi ni Aira sa kaniyang magulang na siya ay
sasama sa overnight ng barkada sa beach.
4. Isinauli ni Maggie sa may- ari ang napulot niyang pitaka.
5. Pagsasabi ng kasinungalingan upang hangaan ng mga
kamag-aral.

Suriin
Ang katapatan sa salita at gawa ay isang birtud na nangangailangan ng
kolektibong pagkilos upang mapanatiling buhay at nag-aalab. Ang pagkakaroon mo
ng malawak na kaalaman at sapat na kakayahan ang iyong magiging sandata upang
maging kaisa ka sa pagpapanatili ng buhay at kinang nito.

Ang katapatan sa salita at gawa ay isang birtud na nangangailangan ng


kolektibong pagkilos upang mapanatiling buhay at nag-aalab. Ang pagkakaroon mo
ng malawak na kaalaman at sapat na kakayahan ang iyong magiging sandata upang
maging kaisa ka sa pagpapanatili ng buhay at kinang nito .

KATAPATAN SA SALITA

Ang salita ng tao na tumutulong sa atin upang maging ganap ay ginagamit at


madalas na inaabuso; ang pagsisinungaling ay isang paraan ng pag-abuso rito. Ang
pagsisinungaling ay pagbaluktot sa katotohanan, isang panlilinlang. Ang
pagsisinungaling ay ang pagtatago ng isang bagay na totoo sa isang taong may
karapatan naman dito.

5
Iba’t ibang uri ng pagsisinungaling.
 Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao (Prosocial
Lying).
 Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya,
masisi o maparusahan (Self-enhancement Lying).
 Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang
tao (Selfish Lying)
 Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa (Antisocial Lying)

Ang pagsisinungaling sa edad na anim na taon ay kailangang bigyan ng tuon.


Sa edad na ito, ang isang bata ay marunong nang kumilala ng kasinungalingan at
katotohanan.
Narito ang pitong pinakamahalagang dahilan sa pagsasabi ng totoo.
1. Ang pagsasabi ng totoo ang natatanging paraan upang malaman ng lahat ang
tunay na mga pangyayari.
2. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksiyon para sa mga
inosenteng tao upang hindi masisi o maparusahan.
3. Ang pagsasabi ng totoo ang magtutulak sa tao upang matuto ng aral sa mga
pangyayari.
4. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa.
5. Hindi mo na kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para
lamang mapanindigan ang iyong nilikhang kuwento.
6. Inaani mo ang reputasyon bilang isang taong yumayakap sa katotohanan –
isang birtud na pinahahalagahan ng maraming tao.
7. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam
ng seguridad at kapayapaan ng kalooban.

Apat na Pamamaraan ayon sa aklat ni Vitaliano Gorospe (1974) ng pagtatago


ng katotohanan

1. Pananahimik (silence). Ito ay nangangahulugang pagtanggi sa pagsagot sa


anumang tanong na maaaring magtulak sa kaniya upang ilabas ang
katotohanan.
2. Pag-iwas (evasion). Ito ay nangangahulugan ng pagliligaw sa sinumang
humihingi ng impormasyon sa pamamagitan ng hindi pagsagot sa kaniyang
mga tanong.
3. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan
(equivocation). Ito ay pagsasabi ng totoo ngunit ang katotohanan ay maaaring
mayroong dalawang kahulugan o interpretasyon.
4. Pagtitimping Pandiwa (Mental Reservation). Ito ay nangangahulugang
paglalagay ng limitasyon sa tunay na esensiya ng impormasyon.

6
Ang hindi mapanagutang paggamit ng pamamaraan sa pagtatago ng
katotohanan ay maituturing na rin na pagsisinungaling na maaaring makasira ng
panlipunang kaayusan at ng tiwala ng kapwa.

KATAPATAN SA GAWA

May kasabihan na “action speaks louder than words”. Patunay ito na mas
binibigyan ng halaga ang gawa kaysa sa salita. Sa usapin ng katapatan, minsan ay
natutuon lamang ang pansin ng marami sa kasinungalingan bilang paglabag sa
katotohanan. Nakaliligtaan na ang kilos din ng tao ay may kakayahang lumabag sa
katapatan.

Ang matapat na tao ay hindi kailanman magsisinungaling, hindi kukuha ng


bagay na hindi niya pag-aari, at hindi manlilinlang o manloloko ng kaniyang kapwa
sa anumang paraan. Ito ay ang pagkakaayon ng isip sa katotohanan.

Mahalaga na sa lahat ng ating iniisip, sinasabi, at ginagawa, malaking bagay


man ito o maliit, tinitiyak natin na ito ay yumayakap sa katotohanan. Magagawa natin
ito sa pamamagitan ng pagsisimula sa maliliit na bagay. Katulad na lamang ng
tatlong maliliit na huwaran ng asal (behaviour patterns) na nagpapakita ng tatlong
malalaki at magkakaugnay na birtud:
Una, Gumagawa ka ba ng tama at mabuting mga pagpapasiya at
naninindigan para rito? (decisiveness)
Ikalawa, Ikaw ba ay bukas sa iyong kapwa? Sa pagbabahagi mo ba ng iyong
sarili sinisiguro mo na ito ay may kalakip na moral na awtoridad (moral authority)?
Ikaw ba ay marunong tumanggap ng pagkakamali (openness and humility)?
Ikatlo, Ang lahat ba ng iyong iniisip at ginagawa ay sinisiguro mo na
yumayakap sa katotohanan (sincerity or honesty)?
Ang desisyong yumakap sa katotohanan o pagiging matapat ay bunga ng
sarili nating pagpapasiya. Wala itong katumbas na halaga ngunit hindi kailanman
mabibili ng salapi. Makakaya nating palaguin ang birtud na ito kung tunay na
sinusubukan nating matapat na maisabuhay ito sa araw-araw. Katulad ng anumang
birtud, kailangan ang paulit-ulit na pagsasabuhay nito upang ito ay ganap na
maangkin.

Upang mahubog ang karangalan, katapatan, at integridad, kailangang


mamuhay sa katotohanan at ipanig mo ang iyong sarili sa kung ano ang tama. Mas
magiging madali para sa iyo ang sumunod sa batas ng pamahalaan, ng iyong
pananampalataya at ng iyong pamayanan kung iyong mauunawaan na ang mga ito
ay nariyan para sa iyong proteksiyon at para sa kaayusang pansarili (well-being).

7
Mga katangian ng taong may katapatan sa gawa:

 Hindi siya manloloko, manlilinlang o magsisinungaling upang makakuha


lamang ang kanyang gusto sa kapwa.
 Hindi siya nabubulag sa pera upang gumawa ng bawal o mali na lalong
ikahihirap ng nakararami
 Hindi niya binabaluktot ang katotohanan upang hangaan at tanggapin ng mga
taong kanyang nasasakupan.
 Hindi siya kukuha ng mga bagay na hindi kaniya kahit na may pagkakataon
siyang gawin ito para sa sariling kapakanan.
 Sisikapin niyang gawin ang kanyang mga sinasabi o ipinapangako bilang
patunay ng kaniyang katapatan.

Pagyamanin

Panuto: Pagtatapat-tapatin.
Hanapin sa Hanay B ang mga sagot sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B
_____1. Katangian ng taong matapat A. Pagsisinungaling upang isalba
ang sarili sa kahihiyan
_____2. Paraan ng pagtatago ng B. Katapatan sa Salita at Gawa
katotohanan
_____3. Dahilan ng pagsasabi ng C. Pag-was (evasion)
katotohanan
_____4. Uri ng pagsisinungaling D. Mas magtitiwala sa iyo ang
iyong kapwa
_____5. Isang birtud E. Ginagawa ang ipinapangako

8
Isaisip

Panuto: Pagnilayan at buuin ang mga kaungay na kaisipan upang mabuo ang
kaalamang pang-unawa sa aralin. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

“Ang pagiging tapat sa salita at sa gawa ay pagpapatunay ng


pagiging tapat sa katotohanan at sa mabuti at matatag na
konsensya.”

Bilang isang kabataan, pagnilayan kung paano mo maisasabuhay ang


pagiging tapat sa salita at gawa sa mga tunay na sitwasyon sa iyong buhay?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________

Rubriks para sa pagtatala ng puntos:

Kraytirya 10 6 3 Iskor

Kaangkupang Ang sagot ay Ang sagot ay May sagot


sa paksa angkop sa hindi gaanong subalit hindi
paksa angkop angkop

Kalinawan ng Malinaw ang Hindi gaanong Hindi malinaw


pagpapahayag pagpapahayag malinaw ang ang
ng kasagutan ng kasagutan pagpapahayag pagpapahayag
ng kasagutan ng kasagutan

Kabuuang puntos

9
Isagawa

Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Isulat sa iyong sagutang papel ang
S kung sumasang-ayon ka na tama ang isinasaad ng bawat sitwasyon at DS naman
kung hindi. Pagkatapos ay ipaliwanag sa bawat bilang ang iyong gagawin kung
ikaw ang nasa parehong sitwasyon.

1. Mahigpit na ipinagbabawal sa inyong paaralan ang pagdala ng cell phone


ngunit isang araw ay dinala mo ito. Nakita ka ng iyong kamag-aral at
isinumbong ka sa iyong guro. Sumasang-ayon ka ba sa ginawa niya? Ano
ang gagawin mo? Magagalit ka ba sa kamag-aral mo?

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Alam mong may ilang araw nang hindi pumapasok sa paaralan nag
nakatatanda mong kapatid. Nais mong sabihin ito sa inyong mga magulang
ngunit tinatakot ka niya. Sasang-ayon ka ba sa kagustuhan niya? Ano ang
gagawin mo?

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

3. Sumama ang loob ng iyong pinsan sa isa mong kaibigan. Pinipilit ka niyang
layuan mo ito bagamat hindi mo pa alam ang buong pangyayari. Sasang-
ayunan mo ba ang iyong pinsan? Ano ang gagawin mo?

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

10
4. Habang naglalakad kayo ng kamag-aral mo sa pasilyo ng inyong paaralan
ay may napulot kayong limang-daang piso. Nais mong ipagbigay-alam ito
sa inyong guro ngunit ayaw ng kamag-aral mo at sinabing paghatian na
lamang ninyo ang pera. Sasang-ayunan mo ba siya? Bakit?

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
_
5. Isinasama ka nang iyong kaibigan upang manood ng sine ngunit ayaw kang
payagan na iyong nanay. Hinihikayat ka ng kaibigan mo na gumawa ng
dahilan upang payagan kang umalis ng bahay. Sasang-ayunan mo ba ang
iyong kaibigan? Ano ang iyong gagawin?

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Rubriks para sa pagtatala ng puntos:

Kraytirya 10 6 3 Iskor

Kaangkupang Ang sagot ay Ang sagot ay hindi May sagot subalit


sa paksa angkop sa paksa gaanong angkop hindi angkop

Kalinawan ng Malinaw ang Hindi gaanong Hindi malinaw ang


pagpapahayag pagpapahayag ng malinaw ang pagpapahayag ng
ng kasagutan kasagutan pagpapahayag ng kasagutan
kasagutan

Kabuuang puntos

11
Tayahin

Panuto: Basahin ang mga katanungan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng wastong
sagot sa iyong sagutang papel.

_____1. Bakit may pagkakataon na mas nangingibabaw ang mga gawaing taliwas
sa
katapatan?
A. Ang batas kung minsan ay may kinikilingan.
B. Ang katotohanan kadalasan ay masakit kaya kailangan itago.
C. Mayroong mga taong binabalot ng maling paniniwala ang isipan.
D. Kung minsan kailangan ang pagsisinungaling upang matamo ang
kapayapaan.

_____2. Alin ang katangian ng isang taong matapat sa salita?


A. Maaring suhulan ng pera
B. Nagsisinungaling paminsan-minsan.
C. Hindi binabaluktot ang katotohanan.
D. Mahilig magbitaw ng pangakong hindi tinutupad

_____3. Paano mo nailalarawan ang mundong pinaiiral ang katapatan?


A. Magulo at maraming pag-aaway.
B. Lahat ay matiwasay at nagkakaintindihan
C. Maraming tao ang hindi masaya at nagrereklamo
D. May ilang tao na masaya at may iilan na malungkot

_____4. Bakit mahalagang isabuhay ang katapatan sa salita?


A. Ang sagot ay titik C at D.
B. Magdadala tungo sa pag-yaman
C. Upang magustuhan ng nakararami
D. Batayan ito sa maayos na pakikipag-ugnayan

_____5. Ano ang maaari mong gawin upang mapangibabaw sa lahat ng


pagkakataon
ang katapatan?
A. Panatiling tapat sa sarili lamang
B. Piliin ang mga taong pagkakatiwalaan.
C. Maging tapat sa salita at gawa sa lahat ng pagkakataon.
D. Huwag pansinin ang mga taong mahilig magsinungaling.

12
_____6. Nag-iisang itinataguyod ni Mang Rogelio ang kaniyang tatlong anak.
Maliliit pa lamang ang kanilang mga anak nang siya ay naging biyudo.
Panatag siya dahil alam niyang napalaki niya ang mga ito nang maayos.
Subalit may pagkakataon na nangangamba siya dahil sa mga teenager
na sila.
Paano mapatatatag ng pamilya ni Mang Rogelio ang kanilang samahan?
A. Sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang
beses
isang linggo.
B. Pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang
cellphone / email kung nasa malayong lugar.
C. Pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan, tulad
ng
pag-uwi nang maaga.
D. Pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa
sa kalagayan ng bawat isa.

_____7. Paano naipakikita ang paggalang sa kapwa?


A. Pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo.
B. Pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay
C.Pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan.
D.Pagbibigay ng halaga sa pamamagitan ng paggalang.

Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang inyong mga


_____8. kaibigan. Hindi nakapagpaalam sa kaniyang mga magulang ang iyong
matalik na kaibigan dahil alam niya na hindi naman siya papayagan.
Ngunit dahil napasarap sa pakikipagkuwentuhan, hindi na ninyo
namalayan na gumagabi na pala. Alam mo na pagagalitan siya ng
kaniyang mahigpit na ama. Kung kaya kinausap ka niya upang
magsinungaling sa mga ito upang sabihin na ginabi kayo dahil sa
paggawa ng proyekto sa inyong bahay. Ginawa mo ito dahil ayaw mong
mapahamak ang iyong kaibigan.

Anong uri ng pagsisinungaling ang ginawa mo?


A. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao
(Prosocial Lying).
B. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na
mapahiya, masisi o maparusahan (Self-enhancement Lying).
C. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa
makapinsala ng ibang tao (Selfish Lying)
D. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa (Antisocial
Lying)

_____9. Alin ang isang moral na tungkulin ng taong gumagawa ng angkop na kilos

13
sa isang mabuting gawaing tumutugon sa pangangailangan ng kapwa?
A. Karangyaan o yaman sa buhay
B. Karangalan na maibigay ng ibang tao
C. Mataas na posisyon o antas sa trabaho
D. Pagpapamalas ng kabutihan sa iyong kapwa.

_____10. “Ang pakikipagkapwa ay naipapakita sa paggawa ng mabuti sa kapwa”.

Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito:


A. Maaring makipagkapwa tao at hindi gumawa ng mabuti sa kapwa
B. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay isang paraan ng pakikipagkapwa.
C. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa at pakikipagkapwa ay magka-ugnay.
D. Walang kaugnayan ang paggawa ng mabuti sa kapwa sa pakikipagkapn

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng tatlong islogan sa katapatan sa iyong sagutang papel. Ipaloob


ang mga ito sa hugis puso.

Rubriks para sa patatala ng puntos.

14
Source:scribd.com/doc/274341227/Rubrics-Para-Sa-Islogan

Sanggunian
Barcelona, Villa Eden C, Dinio, Carmela O., “Ang Pagsasabuhay II” Rex
Printing Company, INC.2011

Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikawalong Baitang, Modyul para sa Mag-aaral,


Unang
Edisyon, 2013

Punsalan, Twila G., et al, “Pagpapakatao 8, Rex Printing Company, INC 20

Gorospe, V. (1974). The Filipino search for meaning: Moral Philosophy in a


Philippine Setting. Quezon City: Jesuit Educational Association.

Encyclopedia of Children,s Health. Lying. Retrieved from


http://www.healtofchildren.com/L/Lying.html on September 1, 2010
Mga bumubuo ng modyul para sa mag-aaral

Manunulat: EMILY A. GOMERA


Francisco Ramos National High School
Division of Zamboanga Sibugay

Editor: Epimaco M. Paster Jr., LPT, MBA, MPA


Kabasalan National High School
Division of Zamboanga Sibugay

Tagasuri: Edelee C. Salvador


Surabay National High School
Division of Zamboanga Sibugay
Jeffrey S. Libed
Taway National High15
School
Division of Zamboanga Sibugay

Mona Lisa M. Babiera, Ed.D

You might also like