You are on page 1of 2

QUARTER 4 MODULE 1 PAGSUSULIT SA ESP 8

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng wastong sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Paano naipakikita ang paggalang sa kapwa?


A. Pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo.
B. Pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay
C. Pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan.
D. Pagbibigay ng halaga sa isang tao.

2. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?


A. Nabubuklod nito ang mga henerasyon.
B. Napagtitibay nito ang presensiya ng pamilya.
C. Naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya.
D. Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib.

3. Alam mong may ilang araw nang hindi pumapasok sa paaralan ang nakatatanda mong
kapatid. Nais mong sabihin ito sa inyong mga magulang ngunit tinatakot ka niya.

Sasang-ayon kaba sa kagustuhan niya? Ano ang gagawin mo?


A. Oo, dahil mas malilinang ang kanyang talento sa labas ng paaralan
B. Hindi, dapat malaman ito ng aking mga magulang upang siya ay matulungan.
C. Oo, dahil bilang nakatatandang kapatid, dapat kong igalang ang kanyang gusto.
D. Hindi, isusumbong ko siya para pagalitan ng aking mga magulang at tuluyang patigilin sa pag-aaral.

4. Nag-iisang itinataguyod ni Aling Fely ang kaniyang tatlong anak. Maliliit pa lamang ang kanilang mga anak
nang siya ay naging biyuda. Panatag siya dahil alam niyang napalaki niya ang mga ito nang maayos.
Subalit may pagkakataon na nangangamba siya dahil sa mga teenager na sila.

Paano mapatatatag ng pamilya ni Aling Fely ang kanilang samahan?


A. Sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang linggo.
B. Pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone / email kung nasa malayong lugar.
C. Pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan, tulad ng pag-uwi nang maaga.
D. Pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa kalagayan ng bawat isa.

5. Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakitaan mo ng mga gawaing taliwas sa dapat
nilang gampanan. Maraming kabataang tulad mo ang nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay
magpapakita pa ng paggalang at pagsunod sa mga ito.

Ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila?


A. Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapat ipaglaban. Gawin kung ano ang
inaasahan sa iyo ng iyong kapwa.
B. Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan. Sumangguni sa ibang may awtoridad na nabubuhay nang
mabuti at kumilos ayon sa iyong kilos-loob.
C. Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa ng pagkakamali, lalo na kung hindi
naman ikaw ang naapektuhan.
D. Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang paglabag sa batas. Hindi makatarungan na ang
nagpapatupad sa batas ay siyang lumalabag dito.

6. Kilala si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na nahuhuli siya ng kaniyang
guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip ay kinakausap at ginagambala ang kaniyang kaklase. Kapag siya
ay nahuhuli ng guro sinasabi niya na nadadamay lamang siya dahil palagi siyang kinakausap ng kaklase.

Anong uri ng pagsisinungaling ang ginagawa ni Angelo?


A. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao (Prosocial Lying).
B. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan
(Self-enhancement Lying)
C. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao (Selfish Lying)
D. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa (Antisocial Lying)

7. Alin ang HINDI dahilan ng pagsasabi ng totoo?


A. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa.
B. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at kapayapaan
ng kalooban.
C. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksiyon ng mga taong nagsisinungaling para kaawaan sila.
D. Hindi mo na kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang mapanindigan ang
iyong nilikhang kuwento.
8. Hindi tuwirang sinagot ni Ramil si Rene ng tanungin siya nito kung may gusto siya kay Charmaine. Sa halip
ay sinagot niya ito na magdadala kay Rene na mag-isip nang malalim at ang kaniyang sagot ay maaaring
mayroong dalawang kahulugan.

Anong pamamaraan ng pagtatago sa katotohananang ipinakikita Ramil?


A. Pag- iwas
B. Pananahimik
C. Pagtitimping pandiwa (mental reservation)
D. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan

9. Alin ang HINDI kabilang sa mga uri ng pagsisinungaling?


A. Pagsisinungaling upang mapasaya ang iba.
B. Pagsisinungaling para protektahan ang ibang tao.
C. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili kahit na makakasama sa ibang tao.
D. Pagsisinungaling upang iligtas ang sarili na masisi, mapahiya o maparusahan.

10. Alin ang katangian ng taong may katapatan sa gawa.


A. Tumatanggap ng suhol o pera
B. Nanloloko at nanlilinlang ng ibang tao
C. Hindi kukuha ng bagay na hindi sa kanya
D. Magaling lamang sa pangako ngunit hindi sa gawa

ENUMERATION

11-14 (Ibat-ibang uri ng pagsisinungaling)

15-18 (Apat na Pamamaraan ng Pagtago ng Katotohanan)

19-20 Bonus

You might also like