You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO BAITANG 8

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat sa sagutang


papel ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagtatago ng isang bagay na totoo
sa isang taong may karapatan naman dito?
A. katapatan C. pagsisinungaling
B. pagbibiro D. pagsisiwalat

2. Alin sa sumusunod ang maaaring maging bunga ng kawalan ng


katapatan?
A. tumataas ang stress level
B. higit kang paniniwalaan at makahihikayat ng kapwa
C. makukuha mo ang tiwala at paggalang ng kapwa bilang isang matapat
na tao
D. hindi mo na kailangang tandaan pa ang mga impormasyong sinabi o
sasabihin sapagkat ang mga ito ay pawang katotohanan lamang

3. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagsisinungaling ng isang tao?


A. malaman ng lahat ang tunay na nangyari
B. upang makaiwas sa personal na pananagutan
C. magtutulak sa tao upang matuto ng aral sa mga pangyayari
D. magsisilbing proteksyon para sa mga inosenteng tao para masisi at
maparusahan

4. Nalaman ng magulang mo na hindi ka pumapasok sa paaralan ng halos


dalawang linggo. Kinausap ka nila at pinaaamin kung totoo o hindi. Ano
ang gagawin mo?
A. Magagalit ako sa kanila.
B. Hindi na lang ako kikibo at iiyak.
C. Sasabihin kong hindi totoo ang nabalitaan nila.
D. Aaminin ang totoo at mangangakong hindi na uulitin.

5. May napulot kang wallet na may lamang napakalaking pera at mga I.D.
ng may-ari. Ano ang gagawin mo sa napulot na wallet?
A. Itatapon na lang muli ang wallet.
B. Itatago ko ang wallet at aangkinin.
C. Kukunin ang perang laman ng wallet at gagastusin.
D. Hahanapin ang may-ari at ibabalik ang napulot na wallet.

1
6. Sa araw ng inyong ikatlong markahang pagsusulit, hindi napansin ng
iyong guro na ang naibigay sa iyong papel sa pagsusulit ay may mga sagot
na. Ano ang iyong gagawin?
A. Kukunin ko ang papel at kunwaring sasagutin.
B. Itatago ko ang papel at hindi ipapaalam sa aking guro.
C. Ipawawalang bahala ko at aangkinin ang papel na may sagot.
D. Ipagbibigay alam ko sa aking guro na ang papel ng pagsusulit na ibinigay
sa akin ay may mga sagot na.

7. Bakit nagsisinungaling ang isang tao?


A. upang makaagaw ng atensyon o pansin
B. upang mapasaya ang isang mahalagang tao
C. upang hindi makasakit sa isang mahalagang tao
D. lahat ng nabanggit

8. Alin sa sumusunod ang maaaring maging bunga ng hindi pagsasabi ng


totoo?
A. Pinagkakatiwalaan ka ng ibang tao.
B. Nadadagdagan ang mga kaibigan mo.
C. Maaaring hindi na paniniwalaan ng ibang tao ang iyong mga sinasabi.
D. Makakaharap ka sa salamin ng may maganda at mabuting pakiramdam.

9. Hinahanap ang iyong magulang sa iyong paaralan dahil mayroon kang


nagawang mali, ngunit ayaw mong mapagalitan sa iyong mga magulang
kung kaya’t pinagpanggap mo ang isang tindera sa kanto na tumayo bilang
iyong magulang. Anong uri ng pagsisinungaling ito?
A. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa (Antisocial Lying)
B. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao (Prosocial
Lying)
C. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng
ibang tao (Selfish Lying)
D. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya,
masisi o maparusahan (Self-Enhancement Lying)

10. Alin ang pinakamahalagang bunga sa pagkatao ng isang kabataan na


laging tapat sa pakikisama sa mga kaklase o mga kaibigan?
A. Nagtatagal at tumitibay ang kanilang pagsasamahan.
B. Nagpapalitan sila ng mga papuri sa kabaitan ng isa’t isa.
C. Nagbibigayan sila ng tulong at mga regalo dahil sa kasiyahan.
D. Nagkakaroon ng pagkakataon na humingi ng pabor dahil nakasisigurong
mapagbibigyan ng kaibigan.

2
11. Nakabasag ka ng pinggan at itinuro mo ang iyong kapatid upang siya
ang mapagalitan at hindi ikaw. Anong uri ng pagsisinungaling ito?
A. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa (Antisocial Lying)
B. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao (Prosocial
Lying)
C. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng
ibang tao (Selfish Lying)
D. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya,
masisi o maparusahan (Self-Enhancement Lying)

12. Nangangailangan ng pera si Anna upang makapag-enrol sa susunod na


semester sa kolehiyo. Sinubukan niyang manghiram ng pera sa kaniyang
tiyahin ngunit hindi siya napahiram kung kaya ipinagkalat niya sa kanilang
mga kamag-anak na maramot ito. Anong uri ng pagsisinungaling ito?
A. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa (Antisocial Lying)
B. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao (Prosocial
Lying)
C. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng
ibang tao (Selfish Lying)
D. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya,
masisi o maparusahan (Self-Enhancement Lying)

13. Ito ay ang uri ng pagsisinungaling kung saan gumagawa ng kuwento


ang isang tao na maaring ikasira ng kanyang kapwa.
A. Prosocial Lying C. Self-Enhancement Lying
B. Antisocial Lying D. Selfish Lying

14. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit nagsisinungaling ang tao
MALIBAN sa:
A. upang mas magtiwala sa iyo ang iyong kapwa
B. upang hindi makasakit sa isang mahalagang tao
C. upang makaiwas sa personal na pananagutan
D. upang pagtakpan ang isang suliranin na sa kanilang palagay ay seryoso
o “malala”

15. Ang birtud na ito ay inaani mula sa patuloy na pagpapakita ng


magandang halimbawa ng katapatan sa kapwa.
A. paggalang B. pagmamahal C. sipag D. tiwala

16. Niyaya ka ng iyong mga kaibigan upang gumimik sa isang malayong


lugar nang hindi nagpapaalam sa iyong magulang. Sa kasamaang palad,
nasira ang inyong sinasakyang kotse para makauwi kaagad. Sasabihin mo
ba ang totoo sa iyong mga magulang?
A. Oo, kahit takot akong mapagalitan.
B. Oo, upang hindi sila mag-isip o mag-alala.
C. Hindi, baka hindi na ako palabasin kasama mga kaibigan ko.
3
D. Oo, kahit mapagalitan ako sasabihin ko ang totoo upang malaman nila
ang kalagayan ko.

17. Alin sa sumusunod ang maaaring maging resulta ng pagsasabi ng


totoo?
A. maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan
B. malalaman ng lahat ang tunay na pangyayari
C. maiiwasan ang kalituhan at di pagkakasundo
D. lahat ng nabanggit

18. Ang katapatan sa salita at gawa ay naaayon sa katotohanan at matatag


na konsensiya. Alin ang itinuturing na pinakamataas na uri ng
katotohanan?
A. Ang katotohanan na batay sa mga batas ng lipunan.
B. Ang katotohanang moral na mula sa Diyos para sa tao at sa lipunan.
C. Ang katotohanan na nagbibigay ng kabutihan at kasiyahan sa tao at
lipunan.
D. Ang katotohanang moral na isinasabuhay sa kasalukuyang modernong
panahon.

19. Hindi ka nakatupad sa pangako mo sa iyong kaibigan na ibabalik mo


ang aklat na ipinahiram sa inyo ng inyong guro dahil tumulong ka sa
gawaing-bahay. Paano mo haharapin ang sitwasyong ito?
A. Ipaliliwanag at hihingi ako ng paumanhin na nabigo siya sa aking
ipinangako.
B. Magsasawalang-kibo kung hindi naman inaasahang magpapaliwanag ng
kaklase.
C. Tutulungan ko siya sa bahagi ng aming proyekto para makabawi sa
aking pagkukulang.
D. Mabuting huwag na lamang pansinin dahil karaniwan naming
nangyayari ito sa magkakaibigan.

20. Ito ay ang pagpapahayag ng sarili ng isang tao bilang sekswal na


nilalang.
A. aborsyon C`. sekswalidad
B. pornograpiya D. teenage pregnancy

21. Alin sa sumusunod ang pinakamainam na paglalarawan ng


sekswalidad?
A. Ito ay tumutukoy sa seks o kakayahang makipagtalik.
B. Ito ay tumutukoy sa kasarian o pagiging lalaki o babae ng isang tao.
C. Ito ay may kinalaman sa romantikong pakikipag-ugnayan sa isang tao.
D. Ito ay ang kapahayagan ng kabuuang sekswal na katangian ng isang tao.

4
22. Ang mga palabas na may rated SPG ay nagtataglay ng mga maseselang
eksena na nangangailangan ng:
A. hindi pagpapahintulot sa mga manonood na ito ay panoorin
B. masusing pagbabawal para sa lahat ng manonood, bata man o matanda
C. striktong patnubay at gabay ng magulang para sa mga batang manonood
D. pagpapahintulot na ang lahat ay maaaring manood ng mga palabas na
may rated SPG

23. Ang pagkakaroon ng sekswal na integridad ay pag iisip sa magiging


resulta ng anumang pasiya patungkol sa pakikipag-ugnayan. Dahil si Beth
ay may sekswal na integridad, pinag-aaralan niya ang maaaring mangyari
kapag hindi siya naglagay ng limitasyon sa maaari at hindi nila maaaring
gawin ng kaniyang kasintahan. Mahihinuha mula dito na ang taong may
sekswal na integridad ay:
A. takot makipag-ugnayan sa kaniyang kapwa.
B. nakikipag-ugnayang sekswal sa kaniyang kapwa.
C. mga babae na may romantikong pakikipag-ugnayan sa iba.
D. nag-iisip ng magiging resulta ng anumang pasiya ukol sa pakikipag-
ugnayan.

24. Ang layunin nito ay pukawin ang sekswal na pagnanasa ng nanonood o


nagbabasa.
A. pedophiles C. premarital sex
B. pornograpiya D. sexual dysfunction

25. Kabilang dito ay lalaki o babae na humihikayat o lumalason sa mga


kabataan upang akitin at mapapayag sila sa kanilang sekswal na
pagnanais.
A. abortionist C. seducers
B. pedophiles D. sexual practitioners

26. Bakit mahalaga ang paggalang sa seksuwalidad ng tao?


A. sapagkat ito ay karapatan ng bawat tao
B. sapagkat dumarami ang nabubuntis nang maaga
C. dahil maaaring hindi pa handa ang isang tao sa isang seryosong
pananagutan
D. dahil dito naipakikita ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapakanan
ng isang tao

27. Ang likas na nagpapadakila sa tao ayon kay banal na Juan Pablo II ay
ang:
A. kakayahang gumalang C. kakayahang tumanggap
B. kakayahang magmahal D. kakayahang umunawa

5
28. Ang ating sekswalidad ay magandang regalo sa atin ng ________.
A. Diyos C. Magulang
B. Kapwa D. Tao

29. Ang sekswalidad ay ang behikulo upang maging ganap na tao, lalaki o
babae na nais mong maging. Hindi ito pisikal o bayolohikal na kakanyahan
lamang. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Maaari mong piliin ang iyong sekswalidad.
B. Ang sekswalidad ay ang kabuuan ng iyong pagkatao.
C. Ang sekswalidad ay daan upang maging ganap na tao.
D. Mahalaga ang iyong pagiging babae o lalaki sa pipiliin mong karera
balang araw.

30. Ang sumusunod ay mga paraan upang mapanatili ang sekswal na


integridad MALIBAN sa:
A. Iwasan ang pornograpiya.
B. Ingatan ang iyong mga kilos at salita.
C. Isuot ang mga damit na magsisilbing tukso sa iyong kasintahan.
D. Pumili ng mga disenteng bagay na maaaring gawin nang magkasama.

31. Sa isyu tungkol sa sekswalidad ng tao, kailan masasabing responsable


ang isang babae?
A. Tumutulong muna sa kaniyang mga magulang.
B. Ginagalang ang pasya ng kaniyang mga magulang.
C. Marunong maghintay sa tamang panahon ng pag-aasawa.
D. Napapanatili ang dangal at puri hanggang sa oras na siya ay mag-asawa.

32. Alin sa sumusunod na mga kilos ang nagpapakita ng sekswal na


integridad?
A. Umiwas na maging sekswal ang ugnayan sa isang tao.
B. Gantihan ng malaswang sagot ang isang malaswang tanong upang
tumigil na ang kausap.
C. Magkaroon ng romantikong ugnayan sa maraming tao upang makapamili
ng taong nararapat para sa iyo.
D. Sumama sa isang tao na manood ng malaswang palabas upang
patunayan ang kakayahan na kontrolin ang sariling damdamin.

33. Ito ay anumang kilos na lumalabag sa misyon at bisyon ng edukasyon o


paglabag sa paggalang sa kapwa mag-aaral.
A. kaayusan C. karahasan
B. kapayapaan D. kasiyahan
34. Ano ang pinakapangunahin at karaniwang uri ng karahasan na
nangyayari sa paaralan?
A. pagdadala ng droga C. pambubulas
B. pagnanakaw D. vandalism
6
35. Alin sa sumusunod ang posibleng dahilan kung bakit nabubulas ang
isang tao?
A. matapang C. may tiwala sa sarili
B. matatag D. tahimik at lumalayo sa nakararami

36. Alin sa sumusunod ang HINDI epekto ng pambubulas?


A. May posibilidad na sila mismo ay maging marahas.
B. Magkakaroon ng labis na pagkabalisa, kalungkutan at suliranin sa
pagtulog.
C. Nagiging matatag sila sa buhay bunga ng maraming nalampasang
pagsubok.
D. Maaaring maging dahilan ito ng madalas na pagliban sa klase na
pwedeng magbunga ng paghinto sa pag-aaral.

37. Ayon sa isinagawang pag-aaral ni Karin E. Tusinski (2008), ano ang


katangian ng isang taong nabubulas?
A. ginamitan ng pananakit bilang displina
B. mayroong kakaibang estilo ng pananamit
C. hindi naramdaman ang pagmamahal ng pamilya
D. malamang napalaki sa isang pamilyang hindi labis na nagabayan sa
kaniyang mga kilos at gawain.

38. Ang pagiging miyembro ng LGBTQIA+ ay isa sa mga nakikitang dahilan


para mabiktima ng pambubulas. Anong katangian ng nabubulas ang
inilalarawan nito?
A. kakaibang estilo ng pananamit C. madaling mapikon
B. kaibahang pisikal D. oryentasyong sekswal

39. Ayon sa ginawang pag-aaral ng Plan Philippines noong 2008, lumalabas


na karamihan sa mga karahasan na nararanasan ng mga mag-aaral sa
paaralan ay dulot ng kanilang kapuwa kabataan. Ano ang ipinakikita nito?
A. May mga kabataang naliligaw ng landas na nasa paaralan.
B. Kailangan ng mahigpit na polisiya sa mga paaralan para sa kabataan.
C. May umiiral na karahasan sa paaralan na sangkot ang mga kabataan.
D. Lahat ng paaralan ay nakararanas ng karahasan dahil may mga
kabataan.

40. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa uri ng karahasan sa paaralan na


sinasadya, madalas at paulit-ulit na malisyosong pagtatangka ng isang tao
o grupo upang manakit ng pisikal, berbal, emosyonal o gamit ang social
media.
A. pambubulas C. panggugulpi
B. pangungutya D. panunukso

7
41. Matututuhan mo lamang ang magmahal kung alam mo kung paano ito
maipararamdam at maipararanas. Ano ang mainam na paliwanag dito?
A. Ang pagbibigay ng pagmamahal ay mayroon dapat kapalit.
B. Ang pagmamahal ay hindi makasarili at laging mapagbigay.
C. Matututunan ko din namang magmahal dahil likas ito sa tao.
D. Ang pagmamahal ay mararanasan mo kung alam mo itong ibahagi.

42. Ang mga samahan at kapatiran ay binuo upang mapaunlad ang


pagkatao, kasanayan at kaalaman ng mga kasapi nito. Ano ang
ipinahihiwatig nito?
A. Ang kapakanan at kabutihan ng mga kasapi ang dapat na pokus ng mga
gawain ng samahan at kapatiran.
B. Tungkulin ng samahan at kapatiran na ipagtanggol ang mga kasapi nito
laban sa ibang samahan o kapatiran.
C. Lahat ng gawain, marahas man o hindi, ng mga samahan at kapatiran ay
para sa interes at ikabubuti ng mga kasapi nito.
D. Mahalagang masubukan ang katapatan sa mga samahan ng mga kasapi
upang maging karapat-dapat sila sa mga benepisyong makukuha mula sa
samahan.

43. Ang sumusunod ay mga katangian ng gang MALIBAN sa:


A. Lumalahok sa paggamit ng alkohol at droga
B. Nais nilang makialam at tumulong sa mga programang panlipunang
kaunlaran.
C. Naglalaman ng mga marahas na gawain katulad ng pananakit na pisikal,
pananamantala o pagpatay
D. Karamihan sa mga miyembro nito ay huminto sa pag-aaral o di kaya
naman ay natanggal sa paaralan.

44. Bakit dapat iwasan ang karahasan sa paaralan?


A. upang makatuon sa pag-aaral
B. upang wala ng banta sa buhay sa loob ng paaralan
C. upang maiwasan ang paghinto o pagliban sa pag-aaral
D. upang wala ng suliranin ang mga magulang at ang awtoridad ng
paaralan

45. “Ang mga saksi sa pambubulas na walang ginagawa ukol dito ay


maituturing na kasabwat ng nambubulas”. Ano ang kahulugan nito?
A. Ang mga nakasaksi sa pambubulas ay dapat parusahan ng batas.
B. Ang mga saksi sa pambubulas ay dapat na mabilis na lumayo sa
pinangyayarihan ng insidente.
C. Dapat umiwas ang mga saksi sa pambubulas na madawit sila sa
nagaganap na karahasan.
D. May pananagutan ang mga saksi sa pambubulas na tumulong upang
mapigil ang nasasaksihang pambubulas.

8
46. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagkakaroon ng paggalang at
pagpapahalaga sa sarili?
A. Self-confidence C. Self-worth
B. Self-esteem D. A&B

47. Bakit mahalagang matutunan ng lahat na igalang at mahalin ang


kaniyang kapwa?
A. Ang pagmamahal sa kapwa ay may kaakibat na katarungan.
B. Ang pagmamahal sa kapwa ay nangangahulugan din ng pag-unawa sa
kanya.
C. Ang paggalang sa kapwa ay kailangan upang maging ganap ang
pagmamahal na inilaan.
D. Lahat ng nabanggit.

48. Alin sa sumusunod ang pinakamainam na paraan upang supilin ang


pambubulas?
A. pagganti sa nambubulas
B. paghinto sa pag-aaral ng taong binubulas
C. pagsusumbong sa awtoridad ng insidente ng pambubulas
D. makipagkaibigan lamang sa mga tao na walang kakayanang
mambubulas

49. “Walang sinuman ang maaaring makasakit sa akin nang wala akong
pahintulot (Gandhi).” Ano ang kahulugan nito?
A. Papayagan ko na saktan ako ng ibang tao.
B. Kapag sinaktan ako ay gaganti ako ng pananakit.
C. Masasaktan ka lamang ng ibang tao kung hahayaan mo silang gawin ito
sa iyo.
D. Ang pananakit sa ibang tao ay karapatan ng bawat isa na hindi
maaaring alisin.

50. Alin sa sumusunod ang maituturing na pinakamainam na paraan


upang matigil ang pambubulas?
A. pagganti sa nambubulas
B. paglayo o pag-iwas sa nambubulas
C. pagpapaalam sa mga kaibigan o kabarkada ang pambubulas na iyong
naranasan
D. pagiging matapang upang i-report ang insidente at pagkakaroon ng
positibong pananaw tungkol sa iyong sarili

9
Inihanda ni:

JINKY JOY B. CAYANAN


Secondary School Teacher III
TALANG HIGH SCHOOL

10

You might also like