You are on page 1of 5

Division of City Schools-Manila

DOŇA TEODORA ALONZO HIGH SCHOOL


SY 2018-2019
Ikaapat na Markahang Pagsusulit
Edukasyon sa Pagpapahalaga 8

I. TAMA o MALI
1. Ang kagandahang loob ay hango sa dalawang payak na salita na ganda at loob.
2. Ang huling layunin ng tao ay ang kaligayahan
3. Ang tao ay magiging lubos ang pagpapakatao kung siya ay makikipagkapwa-tao.
4. Ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos na manlilikha.
5. Ang kagandahang loob ay likas na kaloob ng DIyos sa tao.
6. Ang kagandahang-loob ay ang pinag-uugatan ng lahat ng kasamaaan sa mundo.
7. Kailangan gumawa lamang tayo ng kabutihan sa mga taong may kakayahan na magbalik din sa atin ng
kabutihan.

8. Ang puppy love ay pinapagkakamalang tunay na pagmamahal


9. Ang puppy love ay maaring maging simula ng isang tunay at wagas na pagmamahalan sa pagdating ng
panahon. Kailangan lang ng tamang integrasyon ang nararamdaman sensuwalidad at damdamin.
10. Sa panlabas na kaanyuan muna napupukaw ang atensyon ng tao sa puppy love.
11. Sa puppy love ay nakakaramdam ka ng hndi ka makakain, palagi mo siya naiisip, gusto mo lagi siya
nakikita at nakakasama
12. Ang tunay na pagmamahal ay nangongontrol ng tao kung ano ang dapat gawin o maramdaman
13. Kung paglalaruan lang ang damdamin ng kapwa siya ay itinuturing lang na isang bagay at hindi tao.
14. Ang pagmamahal ay nagsisimula sa isang pagpapasyang magmahal.
15. Ang tunay na nagmamahal ay tinitingnan mo ang minamahal bilang kapares at kapantay.
16. Pagdating ng panahon at nagpasya ka ng bumuo ng sarili mong pamilya kasama ang iyong minamahal,
dapat ay nakaasa pa rin kayo sa inyong mga magulang
17. Ipagkakaloob mo ang iyong kalayaan at itatali mo ang iyong sarili sa minamahal habambuhay sa kasal.

18. Higit na masusubok ang tunay na pagmamahal sa panahong lumipas na ang paghanga at matinding
emosyon.
19. Matutukoy lamang kung tunay ang pagmamahal kung sa paglipas ng panahon ay mapapabuti nito ang
taong nagmamahalan
20. Sa pagmamahal Laging tuon nito ay ang ikakabuti ng minamahal

II. Isulat ang KL kung ito ay nagpapakita ng kagandahang loob, X kung hindi
21. Dinalaw si Santo Juan Pablo II si Mehmet Ali Agca sa kulungan, ang taong nagtangka sa kanyang buhay
para gawaran ng kapatawaran sa nagawa nya.
22. Pinagyayabang ni Richwell ang tulong na nagawa niya para kay Loida.
23. Pinapakopya ni Ann ang kaklase sa pagsusulit sa ESP para hindi siya bumagsak.
24. Sinusunod ni Joey ang kanyang nanay na bumili sa tindahan para kupitan ang kupitin ang natitirang sukli.
25. Tinatapon ni Marc ang kalat sa tamang lagayan
26. Pinatawad ni Icel ang kanyang kaibigan na nakasakit
27. Hindi pinapakain ni Boni ang kanyang alagang aso
28. Nagbabahagi ng malalaswang litrato at ideya si Hanz bilang katuwaan lamang
29. Pinagkakatuwaan nila Peter at Paul ang kanilang kaklase na may kapansanan
30. Nagkukusang maglinis si Jarel kahit hindi siya ang cleaner.

III. Isulat ang titik ng tamang sagot.


31. Ang kabutihan sa kapwa ay madaling ipaliwanag ngunit mahirap isabuhay. Alin sa sumusunod na
pangungusap ang nagpapakita ng kagandahang-loob?
A. Pagpapahiram ng pera sa taong hindi ka kayang bayaran
B. Pagbibigay ng tulong sa estranghero kahit hindi mo siya kakilala
C. Pagpapatawad sa taong nanakit sa iyo kahit siya ang maysala
D. Pagbibigay ng pera kaysa pagkain sa mga pulubi
32. Alam mo na si Jun ang pinakamalapit mong kaklase ay hindi nakapag-aral para sa inyong ikaapat na
markahang pagsusulit. Nais mo siyang matulungang pumasa. Paano mo maipapakita ang kabutihang loob
batay sa mabuting paghuhusga sa kanyang pangangailangan?
A. Pakopyahin siya dahil alam mong kailangan niya ng tulong upang pumasa
B. Hindi siya pakokopyahin dahil hindi niya matututunan ang mga aralin na higit niyang kailangan sa
pamamagitan ng pangongopya
C. Hindi mo siya papakopyahin dahil hindi ito makatarungan para sa inyong mga nag-aral ng mabuti
D. Hindi mo siya papakopyahin dahil kailangan niyang bumagsak upang matutunan niya ang leksyon
tungkol sa hindi pag-aaral ng mabuti.
33. Papasok ka na sa paaralan ng sumakay sa jeep sa iyong sinasakyan ang isang batang lalaki na humihingi ng
tulong pinansyal para makabili ng pagkain. Paano mo maipapakita ang kabutihang-loob batay sa mabuting
paghuhusga sa kanyang tunay na pangangailangan?
A. Bibigyan siya ng pera upang makakain siya sa araw na iyon
B. Babahaginan mo siya ng iyong baon na tinapay dahil hindi ka naman sigurado kung ibibili nya ng
iyong ibiigay nap era.
C. Ilapit siya sa DSWD para matulungan siya ng pangmatagalan
D. Hindi na lang papansinin
34. Ang tao ay lubos ang pagpapakatao kung siya ay
A. Makikipagkapwa-tao
B. Mag-aral ng husto sa ESP
C. May kakayahang ipaliwanag ang pagpapakatao
D. Mapagpasalamat
35. Sa bawat pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat isa nasusubok kung hanggang saan tayo magiging
mabuti o maipapakita ang kagandahan ng ating kalooban. Paano ka magiging mabuti sa iyong kamag-aral
na lagi ka na lang kinukutya dahil sa panlabas mong kaanyuan?
A. Balewalain na lang ang sinasabi niya dahil hindi naman totoo
B. Kakausapin at sasabihin na sa kabila ng kanyang pambubully ay nais mo pa rin siyang maging
kaibigan
C. Gagantihan siya sa kanyang ginawa
D. Isusumbong mo siya sa iyong magulang at sasabihin sa iyong guro ang ginagawa ng iyong kaklase.
36. Nakita mo ang kaklase mon a pinagtutulungan ng mga hindi kilalang grupo ng mga kalalakihan, humihingi
siya ng tulong ngunit natatakot kang tulungan dahil baka ikaw ay madamay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Magkunwaring hindi mo Nakita ang pangyayari
B. Sumangguni sa pinakamalapit na barangay upang humingi ng tulong
C. Paglabanan ang takot at tulungan siya
D. Tumakbo at magsisigaw
37. Kung ang kabutuhan ay madaling ibigay o ipakita sa taong mabuti, paano mo maipapakita sa iyong kaaway
ang kabutihan?
A. Hindi mo siya papansinin para hindi magkasakitan
B. Lalayuan siya para hindi na ulitin muli
C. Kakausapin siya para malaman niya na nasaktan ka at patatawarin siya
D. Magsusulat at sasabihin lahat ng ginawa nya para magbago na siya
38. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagsasabi ng totoo maliban sa:
A. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa
B. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at kapayapaan
ng kalooban
C. Ang pagsasabi ng totoo ang proteksyon para sa isang tao upang hindi masisi, maparusahan at masaktan
D. Hindi mon a kinakailangan lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang mapanindigan ang
iyong nilikhang kwento.

Para sa bilang na 29-32. Tukuyin kung anong uri ng pagsisiningaling ang isinasabuhay ng mga tao sa sumusunod na
sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa sumusunod na pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao


B. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao
C. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
D. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala sa ibang tao.

39. Ipinagkakalat ni Sarah na ampon ang kanyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo. Naiinis siya rito
dahil malapit ito sa lalaking kanyang nagugustuhan
40. Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Mateo dahil nag cutting class siya. Sa takot na mapagalitan
nhumanap siya ng ibang kakilala na magpapanggap bilang kanyang magulang
41. Makulit at madaldal si Romy sa klase. Nambato siya ng papel sa may vlackboard habang ang guro ay
nagsusulat sa pisara at ng tanungin ng guro kung sino ang may gawa ay tinuro nya ang kaklaseng
nananahimik.

42. Ano ang ibig sabihin ng “Ang tiwala ng tao ay inaani sa tyamang panahon?”

A. Ang tiwala ay hindi hinihingi kundi kusang binibigay


B. Ang tiwala ay inaani sa pagpapatuloy na pagpapakita ng katapatan sa kapwa
C. Madaling masira ang tiwala at mahirap ito buuin
D. Isang simpleng panloloko lang ay kapalit ang habambuay na pagkasira ng tiwala sa mata ng kapwa
43. Paano mo ilalarawan ang matapat na tao?
A. Hindi kailanman nagsisinungaling at hindi kukuha ng bagay na hindi kanya at hindi manlilinlang o
manloloko ng kapwa
B. May mataas na pamantayang moral sa kanyang sarili
C. May pagmamahal at paggalang sa kanyang kapwa
D. Nakaayon ang isip sa katotohann
44. Nawili si Justine sa paglalaro ng computer game pagtapos ng klase. Nang tumagal ay hindi na siya
pumapasok dahil sa paglalaro, Pinatawag ang magulang nya sa paaralan dahil nais ipaalam sa magulang
ang sitwasyon, Ano ang tamang gawin?
A. Maghahanap ng kakilala na pwedeng magpanggap ng magulang
B. Sasabihin ang totoo sa magulang kahit alam mon a ikaw ay pagagalitan
C. Hindi na sasabihin sa magulang na pinapatawag siya sa paaralan
D. Hindi na muling papasok sa paaralan
45. Nasira ng iyong nakakabatang kapatid ang salamin ng iyong ina. Natatakot siyang sabihin ang totoong
nangyari. Bilang nakakatandang kapatid ano ang mmaipapayo mo sa kanya na dapat gawin?
A. Ipagtapat sa magulang ang totoong nangyari
B. Akuin ang responsibilidad sa nangyari
C. Pabayaan na lamang ang nakababatang kapatd humanap ng solusyon
D. Tulungan ang kapatid na bumuli ng bagong salalmin upang di malaman ng iyong ina.

Suriin ang bawat sitwasyon at piliin ang sagot na sa palagay mo ay akma sa pagbubuo ng kaganapan mo
bilang lalaki o babae. Isulat ang titik ng tamang sagot.

46. Kinausap ka ng kasintahan mo at sinabing nag-aalinlangan siya sa pag-ibig m. Masyado ka raw mailap sa
kanya. Sa pag-aalala mong iwan ka, tinanong mo sya kung ano ang kailangan upang patunayan mong
talagang mahal mo siya. Tinitigan ka nya at tinanong, “ Kung talagang mahal mo siya. Tinitigan ka nya at
tinanong, “ Kung talagang mahal mo ko, handa ka bang ibigay ang sarili mo sa akin kahit hindi pa tayo
mag-asawa? Bilang isang mapanagutang lalaki o babae, ano ang gagawin mo?
A. Papayag sa nais ng iyong kasintahan kahit hindi pa kayo handa pareho
B. Makikipaghiwalay sa kasintahan dahil hindi pa kayo handa pareho
C. Kakausapin siya at sasabihing kapwa pa kayo hindi handa para sa ganitong uri ng ugnayan
D. Magtatanong o kokunsulta kay Mrs. Francisco dahil hindi moa lam ang iyong gagawin.
47. Nakaramdam ka ng paghanga sa iyong kaibigan. Sapagkat ikaw ang itinuturing nyang bestfriend,
pinakausapan ka niya na maging tulay upang mapalapit sa iyong kaklase sa kanyang naiibigan. Pumayag ka
ngunit habang sila’y unti-unti ng nagkakamabutihan ay nasasaktan ka at nakakaramdam ng pagseselos.
Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi na ipagpapatuloy ang pagiging tulay upang hindi sila lubos na magkalapit.
B. Kakausapin ang kaibigan at sasabihin ang nararamdaman
C. Kokunsulta sa ibang mga kaibigan upang malaman ang dapat gawin.
D. Kakausapin si Mrs. Francisco dahil nalilito kung ano ang gagawin.
48. Niyaya ka ng iyong mga kaklase na manood ng pelikulang may malalaswang tema. Halos lahat ng malapit
mong kaibigan ay sasama sa kanya. Kailangan daw nilang gawin ito upang hindi mangmang tungkol sa
sex. Ano ang gagawin mo?
A. Isusumbong ang iyong kaklase sa inyong guro o isa kanyang mga magulang dahil alam mong
makasasama sa kanilang murang isip ang pornograpiya
B. Hindi sasama sa kanila, uuwi na lamang at pababayaan sila sa gusto nila
C. Kakausapin ang mga kaibigan at hihimukin silang huwag gawin ito dahil ito’y hindi makakabuti
sa kanila
D. Natural lamang sa mga kabataan ang mag-ekperimento, kaya’t sasama ka sa kanila.
Piliin ang titik ng pangungusap na tumutugma sa mensahe ng pahayag sa bawat bilang. Isulat ang titik ng
iyong sagot.
49. Ang sekswalidad ay behikulo upang maging ganap na tao-lalaki o babae-na ninanais mong maging. Hindi
ito pisikal o bayolohikal na kakanyahan lamang.
A. Ang sekswalidad ay ang kabuuan ng iyong pagkatao.
B. Ang sekswalidad ay daan upang maging ganap na tao.
C. Maari mong piliin ang iyong sekswalidad
D. Mahalaga ang iyong pagiging lalaki o babae sa pipiliin mong kurso o karera balang araw.
50. Isang moral na hamon sa bawat tao ang pagbubuo ng sekswalidad at pagkatao upang maging ganap ang
pagkababae o pagkakalalaki.
A. Hindi moral ang taong hindi buo ang sekswalidad at pagkatao, ganoon din naman ang babae
B. Ang lalaki ay dapat na lalaki sa sekswalidad at pagkatao, ganoon din naman ang babae.
C. Maaring hindi magtugma ang sekswalidad at pagkatao ng tao.
D. Mahalagang behikulo ng pagpapakatao ang sekswalidad
51. “ Tao lamang ang may kakayahang magmahal at ang tao lamang ang makapagsisilang ng isa pang tao, na
tulad niya ay may kakayahang magmahal. Ang kakayahang ito na magmahal-Ang kakayahang ito na
magmahal at maghatid ng pagmamahal sa mundo-ang likas na nagpapadakila sa tao.”
A. Ang tao ay nilikhang sekswal kaya siya ay kabahagi ng Diyos sa kanyang pagiging manlilikha
B. Higit na mahalaga ang kakayahang magmahal ng tao kaysa sa kanyang kakayahang magsilang ng
sanggol dahil ito ang nagpapadakila sa kanya
C. Ang tao ay likas na dakila dahil siya’y nilikhang kawangis ng Diyos.
D. Mas marami ang mga anak mas dakila ang isang tao.
52. Bakit isang krimen ang pagpapalaglag o abortion?
A. Ito ay isang uri ng pagpatay sa bata sa sinapupunan ng ina.
B. Nagkakaroon ng maraming komplikasyon sa kalusugan ng isang babae ang pagpapalaglag
C. Nagdudulot ito ng matinding depresyon sa isang tao
D. Nahihirapan silang tukuyin kung sila nga ay tunay na nagmamahal o mayroon lamang pagnanasa sa
babaeng kanilang karelasyon
53. Ano ang nagiging masasamang epekto ng pornograpiya sa mga taong nalululong dito?
A. Isang mapanganib na mensahe ang nakikintal sa kanilang isipan at ito ay ang pakikipagtalik ng walang
kaakibat na pagmamahal o pananagutan
B. Naiuugnay ito sa paggawa ng mga abnormal na gawaing sekswal, lalung lalo na ang panghahalay.
C. Nagiging mababaw na lang ang pagtingin sa kasal.
D. Lahat ng nabanggit.
54. Bakit itinuturing na birtud ang pagmamahal?
A. Laging tuon nito ay ang ikakabunti ng iba
B. Matutukoy lamang kung tunay ang pagmamahal kung sa paglipas ng panahon ay mapapabuti nito ang
taong nagmamahalan
C. Higit na masusubok ang tunay na pagmamahal sa panahong lumipas na ang paghanga at matinding
emosyon.
D. Lahat ng nabaggit
IV. Isulat ang letrang B kung ang sumusunod ay tumutukoy sa dahilan bakit ang isang tao ay
nabubully at N naman kung hindi.

55. Kaibahang pisikal


56. Kakaibang estilo ng pananamit
57. Oryentasyong sekswal
58. Madaling mapikon
59. Balisa at di panatag sa sarili
60. Mababa ang tingin sa sarili
61. Tahimik at lumalayo sa nakakarami
62. Wala kang kakayahang ipagtanggol ang sarili
63. Mabait at magiliw sa mga kaklase
64. Matatalino sa klase
65. Mga tumatayong lider sa paaralan
V. Lagyan ng tsek kung ang sumusunod na pangungusap ay katangian ng gang o fraternity at bilog
naman kung hindi
66. Itinuturong nangungunang dahilan sa pagdami ng karahasan o krimen sa kasalukuyan, sa loob man o sa
labas ng paaralan
67. Para makasali sa gang, kailangan muna makapasa sa inisasyon. Ito ay kadalasan na naglalaman ng mga
mararahas na Gawain gaya ng pananakit na pisikal, pananamantala o pagpatay
68. Ang pakikilahok sa gang ay maari makapagdulot ng kapahamakan, pagkakulong o kamatayan
69. Sa isang gang halos palagi gumagamit ng alcohol at droga
70. Nilalagay nito sa alanganin ang pamilya na maari ng mga kalabang gang bilang paghihiganti
71. Nadadala hanggang pagtanda ang pagiging marahas
72. Karamihan ay natatanggal sa paaralan o humihinto
73. Madalas nasa kalye at kung minsan may hawak nab aril upang manakit o pumatay
74. Madalas nasa simbahan at nagsisimba
75. Matulungin sa pamilya

You might also like