You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CEBU PROVINCE
SAN FERNANDO II
BALUNGAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Balungag, San Fernando, Cebu

Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa E.S.P. (Q2)


Pangalan: _____________________________ Taon & Pangkat: ____8 - ATHENA_____Marka: ______
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat
sa patlang.
___1. Alin sa pahayag ang nagpapakita ng likas na katangian ng tao na pinagkaiba niya sa ibang nilalang?
A. ang pagiging tapat sa tungkulin
B. ang pagkakaroon ng kakayahang mag-isip
C. ang pagkakaroon ng kakayahang tugunan ang pansariling pangangailangan
D. ang pagkakaroon ng kakayahang mamuhay sa lipunan at maging bahagi nito
___2. Aling aspekto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng paghahanapbuhay?
A. intelektuwal B. panlipunan C. pangkabuhayan D. politikal
___3. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapuwa?
A. kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapuwa
B. pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao
C. kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan
D. pagkikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka
___4. Ano ang ibig sabihin ng pahayag sa Romano 14:7 na “Sapagkat ang sinoman sa atin ay hindi nabubuhay sa
kaniyang sarili, at sinoman ay hindi namamatay sa kaniyang sarili”?
A. Ang tao ay nabubuhay para sa pansariling kapakanan.
B. Ang tao ay hindi maaaring mabuhay nang mag-isa at hindi nakikibahagi sa lipunan.
C. Ang tao ay may makakasama ngunit hindi ibig sabihing tutulong ito sa anumang bagay.
D. Ang tao ay maaaring mabuhay nang mag-isa sa mundo hangga’t may sapat itong kaalaman.
___5. Sa pagpasok ni Jun bilang sakristan ay marami siyang natutunan kung paano tinutupad ng mga pari ang
kanilang mga katungkulan sa simbahan. Napagtanto niyang masaya ang ganitong uri ng bokasyon sapagkat hindi
lamang natututunan ang mga aral ng Diyos, pati na rin kung paano makisalamuha sa mga tao. Paano nahubog ni Jun
ang intelektuwal na aspekto ng pakikipagkapuwa?
A. Nalaman niyang malaki ang sahod ng isang pari.
B. Natutunan niya kung paano makisalamuha sa mga tao sa simbahan.
C. Pumasok siya bilang sakristan at natuto sa mga tungkulin ng mga pari sa simbahan.
D. Pinag-aralan niya ang mga tungkulin ng mga pari at nagpanggap siyang kabilang dito.
___6. Ang mga kabataan sa Barangay Pagkakaisa ay nagkaroon ng proyektong “Barkada Kontra Droga”. Isa sa
kanilang layunin ay hikayatin ang mga kabataan sa isports upang mapalayo sa impluwensiya ng bawal na gamot.
Bilang isang mamamayan, ikaw ay nakilahok sa nasabing gawain at nagkaroon ng maraming kaibigan. Anong aspekto
ng pakikipagkapuwa ang nalilinang mo?
A. intelektuwal C. panlipunan at political
B. pangkabuhayan D. puso para sa mga kabataang pariwara
___7. Anong hakbangin ang kailangang matugunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng nararapat sa kapuwa?
A. karunungan C. pagtutulungan at pagkamalikhain
B. pagpapakita ng katapatan D. katarungan (justice) at pagmamahal
___8. Alin sa mga sumusunod ang naipakikita ng tao kung siya ay nagmamalasakit, tumutulong at nakikiramay sa
kapuwa, at nakikiisa sa bayanihan?
A. pagkamabuti B. pakikipagkapuwa-tao C. pagmamahal D. pagmamalasakit
___9. Anong katangian ng mga Pilipino ang nagpakita na ang pagmamahal ay indikasyon sa pakikipagkapuwa?
A. pagpapakita ng malasakit sa nangangailangan
B. hindi pagiging sensitibo sa uri ng pakikipag-ugnayan
C. may kakayahang mag-impluwensiya sa paggawa ng kabutihan
D. marunong makiramdam, magtiwala at tumanaw ng utang na loob
___10. Paano maipakikita ang katarungan at pagmamahal sa kapuwa?
A. kung hindi sa lahat ng pagkakataon handang ibahagi ang sarili
B. kung may hangaring makatulong sa ibang tao dahil sa pansariling interes lamang
C. kung ang pakikipag-ugnayan sa iba ay nag-uudyok na maglingkod sa kapuwa kapalit ng isang bagay
D. kung ang pagkikipag-ugnayan sa iba ay nag-uudyok na maglingkod sa kapuwa nang walang hinihintay na kapalit
___11. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa iyong pangangailangan bilang mag-aaral?
A. pagtustos ng pamilya C. ma gpaunlad ng kaalaman
B. magbantay sa checkpoint D. pamamahala ng pamayanan
___12. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng salitang lipunan?
A. grupo ng mga manggagawa ng pamahalaan
B. pangkat ng mga tao na may magkakaibang mithiin
C. grupo ng mga tao na may magkakatulad na trabaho
D. isang pangkat ng mga taong nagtutulungan at nagkakaisa
___13. Alin sa mga sitwasyon ang iyong gagawin upang mapalawak ang iyong kaalaman?
A. pagsunod sa mga utos ng kaibigan C. panonood ng mga educational videos
B. pagsunod sa batas ng pamahalaan D. tanggapin ang mga payo ng magulang
___14. Alin sa mga sumusunod ang makatutulong sa inyong pangangailangang pangkabuhayan?
A. sumunod sa batas ng pamahalaan at maging sa paaralan
B. sumali sa lingguhang bayanihan sa barangay nang walang liban
C. sumunod sa mga payo ng magulang tungkol sa pakikipagrelasyon.
D. sumunod sa mga panuto ng guro sa TLE kung paano gawin ang mga recipe
___15. Nais ni Mike na makapagtapos ng kolehiyo ngunit mahirap lang ang kaniyang pamilya. Sa isang programang
pampaaralan, narinig niya sa mensahe ng gobernador ang handog na scholarship para sa mga mahihirap na mga
mag-aaral kaya dali-dali niyang inasikaso ang mga requirements upang mapabilang sa mga scholar. Anong uri ng
pangangailangan ang kinaharap ni Mike?
A. intelektuwal B. panlipunan C. pangkabuhayan D. politikal
___16. Ayon sa Mga Taga-Roma 13:1, bakit kailangang pasakop sa matataas na kapangyarihan ang bawat tao?
A. dahil makabubuti ito sa lahat ng tao C. dahil hindi mabuti kung sila ay suwayin mo
B. sapagkat ang mga yao'y hinirang ng Diyos D. sapagkat ito ang tamang gawin ng taong mabait
___17. Si Lanny ay isang transferee. Mahiyain siya sapagkat wala siyang kakilala sa klase. Kaya gusto niyang bumalik
sa dating paaralan. Anong uri ng pangangailangan ang inilarawan sa sitwasyon?
A. intelektuwal B. panlipunan C. pangkabuhayan D. politikal
___18. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita na may partisipasyon sa pagtupad ng
pangangailangang politikal ang kabataan?
A. pagtulong sa nanay sa pagbebenta ng kakanin
B. agarang pagtulong sa kapitbahay na nagkasakit
C. pananatili sa loob ng bahay dahil menor de edad pa lamang
D. pagsagot ng mga katanungan ng guro sa abot nang makakaya
___19. Bilang kabataan, kailan ang tamang panahon upang makapag-ambag ng kabutihan sa pamayanan?
A. lahat ng panahon B. kapag walang pasok C. kung kinakailangan D. kapag may sariling kita na
___20. Ano-ano ang magagawa natin kapag mahal natin ang ating kapuwa tao gaya ng pagmamahal natin sa ating
sarili?
A. away, krimen, katiwalian, kasamaan C. suntukan, katiwalian, pagbibigayan, korapsyon
B. tampuhan, bangayan, korapsyon, malasakit D. pagbibigayan, pagpapatawad, pagmamalasakit, bayanihan
___21. Paano naipapakita ang pagiging tunay na kaibigan?
A. Kapag kinikilingan niya ang iyong kamalian.
B. Sa pamamagitan ng pagtulong sa gawain sa paaralan.
C. Sa pamamagitan ng pakikiramay sa oras ng kagipitan.
D. Kapag siniwalat niya lahat ng iyong nakatagong sekreto.
___22. Ano ang dapat na maging batayan sa pagkakaroon ng tunay kaibigan?
A. kasikatan B. kapangyarihan C. pera at kayamanan D. mabuting pag-uugali
___23. Nangunguna sa klase si Glen, kung kaya’t lahat ng mga gawain sa paaralan ay siya parati ang nakakukuha ng
pinakamataas na marka. Likas na rin sa kaniya ang pagtulong sa mga nahihirapang kaibigan at kaklase, dahil dito siya
ay hinahangaan ng lahat. Batay sa sitwasiyon, anong indikasyon ito ng isang kaibigan?
A. pagiging maarte B. sariling kasiyahan C. pagiging matulungin D. pagpapakita ng kabutihan
___24. Alin sa sumusunod ang dapat ituring mong kaibigan?
A. maalaga B. pasaway C. may mabuting kalooban D. nariyan lang kapag may kailangan
___25. Nakakaangat sa buhay ang kalagayan ni Nina. Kung kaya’t naging takbuhan siya ng kaniyang kaibigan na si
Beth sa tuwing ito’y nagigipit. Palaging inuunawa ni Nina ang paglapit ng kaniyang kaibigan. Anong indikasiyon ng
isang tunay na kaibigan ang pinapakita ni Nina?
A. pagiging sosyal B. pagiging mayabang C. pagiging makasarili D. pagiging maunawain
___26. Matalik na magkaibigan sina Vengie at May, lahat ng lihim ng bawat isa ay alam nila. Kailanman ay hindi nila
pinagkakaisahan ang sino man sa kanila. Anong indikasiyon ng isang tunay na kaibigan ang kanilang pinapakita sa
isa’t isa?
A. pagiging sakim B. pagiging masipag C. pagiging matapat D. pagiging matiyaga
___27. Ano ang maidudulot ng isang tunay na kaibigan sa buhay ng kaniyang kaibigan?
A. pagkabigo sa buhay C. pangmatagalang pagkakaibigan
B. pansariling kasiyahan D. walang hanggang epekto sa buhay
___28. Bakit mahalagang isaalang-alang ang kabutihan ng isang tao sa pagiging kaibigan?
A. upang maging malalim ang samahan C. dahil ito ay kwalipikasiyon sa isang kaibigan
B. dahil ito ang naayon sa pakikipagkaibigan D. upang maging makabuluhan ang pagkakaibigan
___29. Parating kinukumusta at binibisita ni Janet ang kaniyang matalik na kaibigan sa tuwing ito’y may masamang
karamdaman. Anong indikasiyon sa isang tunay na kaibigan ang pinapakita ni Janet?
A. pagiging masinop B. pagiging magalang C. pagiging maalaga D. pagiging mapagmataas
___30. Anong katangian ng isang tunay na kaibigan ang nararapat na pamarisan?
A. pagpapakita ng pagkainggit sa iba
B. pagpapakita ng pagiging matapang sa kapwa
C. pagpapakita ng pagkamagagalitin sa kapwa
D. pagpapakita ng mabuting kalooban sa lahat ng pagkakataon
___31. Paano masasabing nakabatay sa kabutihan ang pagkakaibigan?
A. Ito ay nananatili hanggang may mabuting relasyon ang magkaibigan.
B. Ito ay panandalian dahil sa oras na matapos ang pangangailangan, natapos na rin ang pagkakaibigan.
C. Karaniwan ito sa kabataan dahil ang damdamin at kapusukan ang namamayani sa buhay nila.
D. Karaniwan ang ganitong pagkakaibigan ay dala lamang ng pangangailangan upang magkakaroon ng kasama o
kaagapay sa buhay.
___32. Ano ang dapat na mapagyaman upang maging posible ang pagbuo ng malalim na pakikipagkaibigan?
A. pagpapayaman ng pagkatao C. pagpapabuti ng personalidad
B. pagpapaunlad ng kakayahan D. simpleng ugnayang interpersonal
___33. Matataas ang mga marka ni Fe sa halos lahat ng asignatura dahil magagaling sa klase ang kaniyang mga
kaibigan. Inililibre niya ang mga ito sa anumang materyales na kakailanganin sa lahat ng proyekto basta’t igagawa rin
siya nito ng proyekto. Anong pagkakaibigan ang mahihinuha natin sa kanila? Batay sa:
A. kabutihan B. panlibangan C. pangangailangan D. pansariling kasiyahan
___34. Maliliit pa lang sina Nena at Fe ay pareho na silang mahilig kumanta at sumayaw. Ito na ang kanilang naging
libangan. Sa tuwing may patimpalak sa kanilang lugar sa pagkanta at pagsayaw ay magkasama silang sumali. Dahil
dito, mas lumalim pa ang kanilang pagkakaibigan. Anong uri ng pagkakaibigan ang ipinapakita ng dalawa? Batay sa:
A. kabutihan B. panlibangan C. pangangailangan D. pansariling kasiyahan
___35. Tanggap ni Ben ang buong pagkatao ni Alice. Kahit madalas silang hindi magkasundo sa mga bagay-bagay,
hindi pa rin ito naging hadlang sa kanilang pagkakaibigan mas lalo pa nga silang naging malapit sa isa’t isa. Anong uri
ng pagkakaibigan ang ipinapakita ni Ben kay Alice? Batay sa:
A. kabutihan B. panlibangan C. pangangailangan D. pansariling kasiyahan
___36. Alin sa sumusunod ang pakikipagkaibigang inilalaan sa isang tao sapagkat kailangan niya ito? Batay sa:
A. kabutihan B. pangangailangan C. pansariling kasiyahan D. kakayahang interpersonal
___37. Alin sa sumusunod na uri ng pakikipagkaibigan ang karaniwan sa kabataan? Batay sa:
A. kabutihan B. pangangailangan C. pansariling kasiyahan D. kakayahang interpersonal
___38. Bakit itinuturing na birtud ang pagkakaibigan?
A. dahil lahat ng pagkakaibigan ay mabuti
B. dahil ito ay nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapwa
C. dahil makakamit lamang ang tunay na pagkakaibigan sa paulit-ulit na pagdanas dito
D. dahil ito ay nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng sarili sa kapwa
___39. Saan nakabatay ang pakikipagkaibigang nabuo dahil sa magkapareho kayo ng mga pagpapahalaga? Batay sa:
A. kabutihan B. pangangailangan C. pansariling kasiyahan D. kakayahang interpersonal
___40. Ano ang pinakamataas na uri ng pakikipagkaibigan?
A. paghahangad ng mabuti para sa sarili
B. paghahangad ng mabuti para sa lipunan
C. paghahangad ng mabuti para sa buong pamilya
D. paghahangad ng mabuti para sa isang kaibigan
ANSWER KEY
1.D
2.C
3.C
4.B
5.C
6.C
7.D
8.B
9.C
10.D
11.C
12.D
13.C
14.D
15.A
16.B
17.B
18.C
19.A
20.D
21.B
22.D
23.D
24.D
25.D
26.C
27.D
28.D
29.C
30.A
31.A
32.C
33.C
34.D
35.A
36.B
37.C
38.D
39.A
40.D

You might also like